Share

Chapter 3: Unfortunate fight

Kriesha's POV

Pagkaalis mismo ni Sir, dumating agad ang sekretarya niyang si Sam. Siya ang nag instruct sa'kin sa mga bagay-bagay na kailangan kong malaman.

Lalo pa't makikitira din ako kay Sir dito sa kaniyang penthouse.

"Ang importante sa lahat, Kriesha. Ayaw ni Sir Tres ng ingay, lalo na't nag ta-trabaho siya. Kung maaari, iwasan mong mag ingay." Wika niya nang ihatid niya ako sa magiging kuwarto ko.

"Okay po," tugon ko at hinila papasok ng binuksan niyang silid ang aking bags at maleta.

"Ayaw din ni Sir nang may taong nakapaligid sa kaniya sa tuwing working hours niya, kaya ikaw na ang mag adjust, okay?" Dagdag niya, saka ako tinulongan sa backpack ko. "Ako na magdala nito para sa'yo."

"Salamat po." Hinayaan ko siyang tulongan ako, lalo pa't mabigat din talaga ang maleta ko. Paano ba kasi, pang dalawang buwan ang dala kong damit, plus iba pang gamit na dala ko like skin care and beauty products. Sa balay, natural lang naman sa babae ang magdala no'n.

Nalula ako sa ganda at kalakihan ng magiging silid ko. Taliwas na kulay puti ang silid. Queen size na kama na may mapuputing kumot at unan. May aircon, kabinete, tiyaka malaking bintana na tinatakpan ng makakapal at mahahabang puti na kurtina.

Animo'y 'kinukuha na ako ni Lord' ang vibes. Puro puti. Parang gusto ko tuloy magkamot sa ulo.

Hindi naman siguro ito threat sa buhay ko noh?

"Moreover, ayaw rin ni Sir ng mabaho at maruming kapaligiran. Aside from being his personal nutritionist, you are also obligated to maintain the cleanliness of his house." Ang fluent talaga magsalita ni Miss Sam. Nakakamangha, pero itong narinig ko ngayon...

"Ibig sabihin, naaatas din ako sa paglilinis?" Hindi makapaniwala kong puna sa kaniya.

Tumango siya sa'kin, bagay na ikinalaglag ng aking mga balikat.

I feel hopeless.

"Since, you will become his housemate." Pahiwatig niya. Lumarawan naman sa mukha ko ang lungkot.

For sure, hindi ito kasama sa sahod ko. Pero, kailangan ko ng trabaho...

"But, don't worry Kriesha. Your salary will be doubled, 'yon ang sabi ni Sir sa'kin at pinalagda sa kontrata na pina-pirmahan mo."

Awtomatikong nagliwanag ang mukha ko sa idinagdag niyang impormasyon. "Talaga po?"

Ngumiti siya sa'kin, sabay tango. "Oo naman. Hindi kuripot si Sir sa mga empleyado niya, sinisigurado niyang lahat tayo, pantay at sapat ang sweldo." Lumapit siya sa'kin at tinapik ako sa balikat. "Kaya huwag ka mag-alala. As long as nagawa mo ng maayos ang trabaho mo, you're all good. Isa pa, ngayon lang talaga nakahanap ng nutritionist si Sir na nagustohan niya, dahil eversince wala talaga siyang hinire at halos lahat ng nag hire dati ay hindi na meet ang standards niya."

Tumango-tango ako sa kaniya, saka pinakita ang ka-pursigedohan ko. Nahiwagaan din ako after kong malaman na ako ang unang nutritionist na nagustohan ni Sir Tres. Ang unang nutritionist na hinire nito. "I'll give my best! Tiyaka, hindi na rin naman bago sa'kin ang paglilinis, kayang-kaya ko po 'to." In fact, napaka-basic ng paglilinis. Kailangan mo nga lang ng sipag.

Ang angas, doble ang sahod ko, kung gano'n, mas gagalingan ko pa sa magiging trabaho ko.

Hindi naman pala ako lugi sa pagpunta ko dito sa Manila. For sure, malali-laki ang mai-ambag ko para sa mga gastusin sa hospital ni Papa.

Sa wakas, ma re-resolba na rin ang problema ko.

"Osya, maiwan na kita Kriesha. Basta ang mga habilin ko, huwag mo kalimutan at isa-isip." Pagpapaalam niya, hinatid ko siya sa may pintuan ng penthouse para maayos na mapagpaalam.

"Opo, Miss Sam. Salamat po ulit."

PAGKAALIS niya, excited akong bumalik sa kuwarto upang mag diskarga ng mga gamit ko at isahanay ang mga ito sa kabinete.

Mga isang oras lang ang ay natapos din ako. Pero hinahatak naman ako ng antok, lalo na nitong napakalambot na kama. Kaya hindi ko rin napigilan ang sarili na magpalamon sa antok.

Nagising lang ako nang may nakakahindik na pagkabasag ng mabasaging bagay na mula sa labas.

Dali-dali akong bumangon at tumakbo palabas ng kuwarto ko para tingnan kung ano ang nangyari.

Pero agad din akong nahinto nang makitang dugoan ang kamay ni Sir. Napasinghap ako, at basta ko na lang namalayan ang sarili na tumakbo patungo sa kaniya.

"Sir! Anong ginagawa mo?" Nag-aalala kong puna, pero siya ay tila nakatanga lang sa kawalan. Kita ko ang galit sa mukha niya, lalo na ang matitiim na pag tagis ng bagang nito.

Inilayo ko siya mula sa lugar na iyon at pinaupo sa malayong couch. "Anong naisip mo at ginawa 'yon? Sinasaktan mo ang sarili mo." Hindi ko mapigilang hindi mainis, lalo pa't napakaraming dugo ang patuloy na naglagaslasan sa kamay niya. "Nasaan ang first aid kit mo?" Tanong ko, pero hindi niya ako sinagot. Basta nakatanga lang siya, animo'y wala sa kaniyang sarili.

Marahas akong napabuntong hininga, saka tumakbo papunta sa kusina. Nagbabakasaling may makalap akong first aid. Pero wala.

Tumakbo ako sa banyo na nakatuka malapit lang sa kusina at doon nakakita ng first aid. Kinuha ko iyon at nagmamadaling bumalik kay Sir.

Wala pa ring emosyon ang mukha niya at nakapirmi lamang sa kaniyang kinauupoan. Ano ba kasi ang nangyari?

Hindi lang 'yon, nangangamoy din siyang alak.

"Akin na po ang kamay mo, gagamutin ko." Sabi ko, pero parang wala na naman siyang narinig. Kaya ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at direktang nilinisan ito.

Sa inis ko, binudburan ko ng alcohol.

"Ugh! Aw-ouch!" D***g niya, na nagpapagising din sa kaniya. "What are you doing?" Medyo na sorpresa pa siya nang makita ako at kung ano ang ginagawa ko.

"Mabuti naman po, at nabalik ka na sa realidad." Turan ko at kumuha ng cottons para ipagpatuloy ang paglilinis no'n. "Hindi mo man lang napansin ang ginawa mo sa sarili mo. Okay lang magalit, pero huwag mong saktan ang sarili mo." Paalala ko sa kaniya.

"Ah... Never mind it." Akmang aalisin niya ang kaniyang kamay, nang mabilis kong hinuli ang kamay niyang 'yon para hindi siya makaalis. "Damn..." D***g niya ulit nang sumidhi ang sakit sa kaibuturan niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata, "Sinong may sabi na basta ka na lang aalis habang hindi pa ako tapos? Manatili ka muna diyan at hintayin akong matapos." Dikta ko. Ewan ko talaga kung bakit super naiinis ako ngayon. Kahit ang pagiging m*****a ko ay nag take over sa'kin, to the point na hindi ko alintana ang mga sinasabi ko.

"Excuse me, Miss Cervantes? Who are you to command me?"

Sinalubong ko ang matutulis niyang titig, ni hindi ako kumurap at matapang yung tinapatan. "Nutritionist mo, Sir. And it is also my job to look after you, since housemate mo ako at hindi mo lang basta empleyado."

"You don't need to do that. I cause this to myself, and you're not even my doctor to do so. But thanks for being so generous to help me, I'm good. Iwan mo na ako." Utos niya naman, na hindi ko piankikinggan o sinunod man lang. Nag apply ako ng betadine sa cotton at marahan na in-apply sa malaking slit ng sugat niya. "Do you hear me, Miss Cervantes?" May diin na ngayon ang kaniyang boses. Strikto at iritable.

"Not until I'm finish, Sir." Sagot ko.

"You're annoying. Are you dumb?!" Kahit galit siya at tunog maaaring makapatay siya ng tao sa laki ng boses niya ay hindi niya naman ako sinaktan.

"Are you also dumb, Sir? Paano mo naaatim na mag ingay habang may taong tulog, tapos sinaktan mo pa ang sarili mo. Ngayong may mabuting loob na tumulong sa'yo, aayawan mo imbes na magpasalamat ka? Ganiyan ka ba talaga ka arogante?"

"Nonsense. My instructions earlier were clear enough for you to be reminded, are you seducing me and clinging to me like this para makuha mo ang loob ko?" Direkta niyang sambit na ikinakunot ng noo ko. Timing na tapos ko ng aplayan ng betadine ang sugat niya. Ngayon ay lalagyan ko na siya ng benda sa palad. Buti na lang kahit papaano, humihinto ang pag agos ng dugo niya sa sugat.

"Feeling mo naman, Sir. Hindi ako gano'n oi!" Giit ko.

"Are you? Pero bakit hindi ka nakaka-intindi ng simpleng utos kung hindi ka bobo?" Umaarko ang kilay niyang sumbat. "Not unless you have dark motives!"

Mapakla akong napatawa at marahas na binitawan ang kaniyang kamay na kakatapos ko kang bendahan, "Grabe, ang laki din naman ng ego mo, Sir noh? Simula pa lang kanina ay panay na ang kuda mo, pero yunh pinaparatang mo sa'kin kasalungat rin ng mga sinasabi mo. Oh, ayan! Tapos ko ng gamotin ang sugat mo. Pwede ka na gumawa ng ibang sugat at pasalamatan mo na rin ako in advanced dahil hindi na ako mangengealam!" Naiinis kong sumbat pabalik sa kaniya. Tiyaka mabibigat ang mga paa na umalis at nilayasan siya sa sala.

Kita ko pa ang pagkatigil niya at pagkakagulat sa mga sinabi ko.

Pero wala na akong pakealam pa doon. Sobra akong naiinis kaya pati pag sarado ng pintuan sa kuwarto ko ay napalakas.

Xerxes' POV

I was astounded by her bravery to oppose me. Never did someone opposed me like this, but that woman... did.

Napatitig na lamang ako sa nakasaradong pintuan ng silid nito. Hindi makapaniwala at bagkus ay napapangisi ng wala sa oras.

"That girl is beyond belief. I hate to admit, but she has a point." I muttered to myself as I glanced at my bandaged hand. "How silly of me."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status