ANMELDEN"Leila!" Malakas na tawag ni Ephraim sa akin.Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. At lalong nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Ayokong isipin niyang kaya niya akong paikutin sa kanyang palad. Na kaya niyang paglaruan ang isang tulad ko.Malaki ang campus namin. Halos kasinglaki ng isang buong barangay. Kaya sa loob ng halos dalawang taon, naging madali para sa akin ang umiwas sa kanya.Pero graduation day namin noon.At graduation day naman nila kinabukasan.Hindi ko inaasahang pupunta pa siya sa venue para hanapin ako."Leila! Wait!" Mas malakas ang sigaw niya sa pagkakataong iyon.Mas binilisan ko ang paglalakad.Lumiko ako sa isang hallway.Pero naroon pa rin siya.Sumunod.Humabol.At kahit nakihalo na ako sa dagsa ng mga estudyante at magulang, nahanap pa rin niya ako.Parang may radar siya at mabilis siyang nakasunod sa akin.Nang sa wakas ay maabutan niya ako, mabilis niyang hinawakan ang aking braso."Ephraim, bitawan mo ako!"Pero imbes na sumunod, hinila niya ako p
Napabuntong-hininga ako at sandaling tumingin sa paligid.Nagkakanya-kanya nang grupo ang mga bisita. Tapos na ang party, kaya may iba iba ng topic ang lahat.May nagkukuwentuhan.May nagsasayaw.May abala sa pagkuha ng litrato.May kumakain pa rin.Kaya itinuro ko ang isang bakanteng mesa sa gilid. Mukhang masaya din naman na magkwento, matagal tagal na naman iyon. Isa pa, baka mawalan na kami ng oras sa isa't isa, dahil may mga asawa na sila."Umupo kaya tayo."Agad namang sumunod sina Chantal at Eli.Mukhang sabik na sabik silang makarinig ng kuwento. At habang nakaupo kami, napailing ako. Mukhang wala na talaga akong kawala.Kaya nagsimula akong ikuwento ang mahabang kasaysayan namin ni Ephraim Delgado. At kung paano niya winasak ang puso ko, sa panahong may pagtingin ako sa kanya.*******************NAKATUNGANGA ako noon sa bintana ng aming classroom habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro ng volleyball sa court.Isa iyon sa mga requirement ng aming university. Kailang
Matapos ang walang sawang tuksohan, kulitan, at halos isang daang litrato na parang prenup shoot, sa wakas ay natapos din ang programa.Napabuntong-hininga ako. Salamat naman.Pakiramdam ko ay isang buong taon akong pinaglaruan ng host kahit wala pang isang oras ang lumipas.Hawak ko pa rin ang bouquet na mula kay Eli habang naglalakad ako papunta kay Chantal.Paglapit ko pa lang, alam ko nang tatawanan niya ako.At tama nga ako. Halos mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa."G*ga ka talaga!" inis kong sabi habang pinipisil ang kanyang braso."Ako agad?" natatawa niyang sagot. "Hindi ko naman alam na may history pala kayo ni Ephraim!""Hmp!" Napairap ako. "Matagal na iyon. College pa kami noon. At para malinaw, hindi naging kami.""Pero parang kung umasta siya, may naging kayo.""Wala ngang naging kami.""Muntik?""Muntik.""Ayon naman pala!" Mas lalong natawa si Chantal. "Naku, alam ko na iyang ganyang kwento. Yung 'muntik' na sinasabi ninyo, kadalasan mas matindi pa sa naging relasyon."
"Attorney, hindi ba si Sir Ephraim ang tipo mo?" nakangiting tanong ng host."Hindi." Mabilis ang sagot ko. Bakit naman ako magsisinungaling? Huh! wala siyang pag asa sa akin! "Walang kahit isang katangian niya ang tipo ko."Biglang umingay ang buong venue."Ayyy!""Defense agad!""Objection sustained!"May ilan pang napahampas sa mesa sa kakatawa.Akala ng karamihan ay nakikipagbiruan lang ako.Pero ang totoo?May laman ang sinabi ko. Hindi talaga siya ang tipo ko. Kaya noon pa man, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko gusto ang mga lalaking masyadong friendly sa lahat ng babae.Hindi ko gusto ang mga lalaking parang may fan club saan man magpunta.At higit sa lahat...Ayoko ng katulad ng tatay ko. Ayoko ng mahilig sa babae. Bilang miyembro ng isang broken family, iyon ang pinakahuling bagay na ayaw kong mangyari sa akin, ang masaktan ako.Napatingin ako kay Ephraim. Nakangiti pa rin siya. Pero sa unang pagkakataon ngayong gabi, may kakaiba sa ngiti niya. Nakaanga
Malas.Kamalas-malasan.Dahil ang isinigaw ng host ay—"Si Miss Santan!"Biglang sumabog ang venue sa sigawan at palakpakan.Parang nanalo ako sa isang beauty pageant.O mas malala pa roon.Parang bigla akong binigyan ng love team nang wala man lang konsultasyon."Bagay sila ni Mr. Hotdog!""Team Hotdog at Santan!""Isang masarap kagatin, isang masarap sips*pin noon!""Hoy, childhood memories!"Halos magkandatumba ang mga tao sa kakatawa.Ang iba ay pumapalakpak.Ang iba ay sumisipol.Ang iba naman ay tila masyadong invested sa love story na sila lang ang gumagawa. Parang mga langgam na nawalan ng direksyon at sabay-sabay na nagkagulo.Napailing na lamang ako. Hindi ko naman gustong sirain ang saya ng reception. Kaya ngumiti na lang ako.Sanay naman akong magsalita sa harap ng maraming tao dahil sa trabaho ko. Pero iba ang kaba kapag ikaw ang pinagtitripan ng buong venue."Ito na po ang ating winner, si Miss Santan!" sigaw ng host. "Ngayon naman, nasaan na si Mr. Hotdog?"Agad na itin
Katulad ng naunang laro, sa lakas ng palakpakan muling pagbabatayan ang magiging panalo.Nakakainis talaga.Hindi ko kailanman nagustuhan ang mga ganitong kaartehan sa mga kasal. Iyong tipong kailangan mong tumayo sa harap ng maraming tao habang pinagtitripan ka ng host at pinapanood ng lahat.Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak sumali. Pero wala na akong magagawa.Napasubo na ako.At ang may kasalanan?Si Chantal.Napalingon ako sa direksyon niya at agad ko siyang nakita kasama si Jeremiah.Pareho silang nakangiti. Masayang masaya.Hindi.Mali.Pareho silang nakangising parang mga kontrabidang nagtagumpay sa kanilang masamang plano.Pumapalakpak pa ang dalawa.Todo suporta.Todo sigaw.Parang hindi nila ako kaibigan kundi isang contestant sa noontime show.Nang magtagpo ang aming mga mata, kumaway pa si Chantal sa akin. Hindi niya alam na magkakilala kami ni Ephraim, at kinaiinisan ko ang lalaking iyon ng husto. Ayoko pa naman sa mga palikero."Go, Leila!"Nginitian ko siya
Ngunit huli na ang lahat para umatras. Ang pintuan ay nakakandado, at ang aking tadhana ay tila naselyuhan na sa loob ng bakal na rehas ng sasakyang ito.Walang babala niyang hinablot ang aking dalawang kamay. Ang kanyang mga palad ay magaspang at mainit, isang hawak na walang bahid ng pag-ibig kun
“Mag-uuwian na ah,” sabi ko, kunwari’y may halong pagtanggi ang boses ko. Bahagya pa akong napasimangot, tila ba nahihirapan sa biglaang utos—pero sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang kumukulong inis sa dibdib ko.Nagkatinginan silang dalawa bago ngumisi. Isang ngising hindi mo mapagkakamalang in
“Wow… at pumasok na rin sa wakas! Mukhang nangayayat ka ah… ano ’yan? Kakabembang?” matinis na boses iyon ni Geraldine.Wow ha. Good morning din sa’yo.Hindi na ako lumingon agad. Baka kasi mapatulan ko. At kapag pinatulan ko, baka hindi lang salita ang masabi ko—baka pati stapler maibato ko.“Haya
“Hoooy! Anong nangyayari rito?!”Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Elizza, halatang hinahabol ang hininga. Bahagyang nag-echo ang boses niya sa loob ng silid, dahilan upang maputol ang kung anumang binabalak ni Jeremiah.Napaatras siya sa gulat, ako naman ay natigilan, sabay bah







