Home / Romance / Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+) / CHAPTER 64: Masakit na alaala

Share

CHAPTER 64: Masakit na alaala

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-04-27 07:43:01

POV: Chantal

Isang nakakasilaw na liwanag ang pilit na pumipigil sa aking muling pagdilat. Mabigat ang aking mga talukap, at tila may kung anong humihila sa akin pabalik sa dilim. Ngunit unti-unti kong nilabanan iyon, hanggang sa tuluyan kong maimulat ang aking mga mata.

Agad kong naramdaman ang kirot na kumalat sa buo kong katawan.

Nanigas ako sa higaan. Para akong na- stroke.

Amoy ospital ang paligid—malinis, malamig, at may halong kemikal na hindi ko maipaliwanag. Ngunit nang tuluyan kong ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 66: Malamig na gamot

    Nahihiya talaga akong ibuka ang aking mga hita. Kahit pa nakita na niya ito ng ilang beses, natatakot ako na baka muli na naman siyang mawala sa sarili niya."Gusto mo bang tawagin ko ang mga katulong para sila ang gumawa nito sayo?" tanong niya sa akin. "Baka mas gusto mong sila ang gumawa nito kaysa sa sarili mong asawa?"Parang mas nakakahiya yun.Makikita nila na bumusa ang pechay ko. Ano na lang iisipin nila?Na gumamit ako ng kahoy para mapaligaya ang aking sarili? Na napakalaki pala ng "junjun" ng asawa ko?Huminga ako ng malalim, saka bahagya kong ibinuka ang aking mga hita.Nakita ko ang medyo gulat na mukha ni Jeremiah, subalit agad iyong bumalik sa dati. Inumpisahan na niyang gamutin ang aking hiwa ng ointment na nasa cotton buds.Malamig iyon, subalit sa tuwing dadampi iyon sa may pinakabutas kung saan mas ramdam ko ang sakit, napapaigtad ako dahil sa hapdi."Masakit ba?" tanong niya na bahagya pang hinihipan ang aking "nene."Medyo namumula ako, nag iwas ako ng tingin sak

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 65: Maligo ng Magkasama

    Dahan-dahan niya akong sinusubuan ng lugaw. Mainit-init pa iyon, at tama lang ang timpla—hindi maalat, hindi rin matabang. Nakakagaan sa pakiramdam. Para bang bawat subo ay unti-unting nagpapawi ng sakit at pagod na nararamdaman ko.Tahimik lang kami.Matapos niya akong tulungang makain at mapainom, marahan niyang pinunasan ang aking labi gamit ang napkin.“Salamat…” mahina kong sabi.Bahagya lamang siyang tumango, walang gaanong emosyon sa mukha. Ngunit may kakaibang pag-iingat sa bawat galaw niya—isang bagay na hindi ko madalas makita mula sa kanya.Napansin niya ang dextrose sa aking kamay.Wala na itong laman.Marahan niyang hinawakan ang aking kamay.“Aalisin ko na ito. Tinuruan na ako ni Elizza kung paano.”“Elizza?” agad kong ulit, hindi maitago ang bahagyang pagsimangot.Ibig sabihin… narito rin siya?Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng babaeng iyon, parang may kung anong sumisikip sa dibdib ko.“Nilagnat ka kasi kahapon,” paliwanag

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 64: Masakit na alaala

    POV: ChantalIsang nakakasilaw na liwanag ang pilit na pumipigil sa aking muling pagdilat. Mabigat ang aking mga talukap, at tila may kung anong humihila sa akin pabalik sa dilim. Ngunit unti-unti kong nilabanan iyon, hanggang sa tuluyan kong maimulat ang aking mga mata.Agad kong naramdaman ang kirot na kumalat sa buo kong katawan.Nanigas ako sa higaan. Para akong na- stroke.Amoy ospital ang paligid—malinis, malamig, at may halong kemikal na hindi ko maipaliwanag. Ngunit nang tuluyan kong malinawan ang aking paningin, napagtanto kong wala ako sa isang tipikal na silid-ospital.Naroon ako sa isang napakagandang kwarto.Tahimik. Maaliwalas. Puno ng liwanag na sumisilip mula sa mga kurtinang bahagyang tinatangay ng hangin.Pamilyar. Ang silid na ito ay parang kilala ko kung saan matatagpuan.Napakabilis ng tibok ng puso ko.Dahan-dahan akong napatingin sa aking paligid—sa mga kurtina, sa disenyo ng dingding, sa mga muwebles na tila ba matagal ko nang kilala.“...Hindi maaari…”Mahina

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 63: Akin si Chantal

    “Baliw ka ba?” galit niyang tanong sa akin.Napakunot ang noo ko. Hindi ko agad maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya. Parang bigla na lang akong sinugod kahit wala naman akong alam na ginawa kong masama.“Ano?” sagot ko, bahagya kong itnaas ang aking kilay. “Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?”“Jeremiah,” madiin niyang banggit sa pangalan ko, habang naniningkit ang kanyang mga mata, “alam mo ba kung bakit nilalagnat si Chantal?”Napairap ako nang bahagya. “Kung alam ko, bakit pa kita tatawagin dito?” sagot ko, may halong sarkasmo.Biglang napahigpit ang hawak niya sa kanyang clipboard.“Nabugbog ang katawan niya!” gigil niyang sabi.Sandali akong natigilan.“Nabugbog?” ulit ko, halatang naguguluhan. “Anong ibig mong sabihin?”“‘Yon mismo ang ibig kong sabihin,” sagot niya, halos pabulong pero ramdam ang galit. “Anong ginawa mo sa kanya kagabi?”“Ha? Wala akong ginawa,” mabilis kong tanggi.Tinitigan niya ako nang diretso, parang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 62: Kaninong Bahay ito?

    POV: JeremiahNakatitig lang ako sa babaeng nakahiga sa kama.Maputla ang kanyang mukha. Halos wala nang kulay ang kanyang labi. Panay ang kanyang ungol, mahina pero tuloy-tuloy, parang may kinakalaban siyang sakit na hindi ko makita.Hindi pa rin bumababa ang lagnat niya.Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Kailangan ko ng tulong—hindi basta tulong, kundi isang taong alam kung anong gagawin.Agad kong idinial ang numero ng isang taong kilala ko na.Ilang segundo lang, sinagot na niya ang tawag.“Hello?” maikli niyang sagot.“Pumunta ka sa Royal Village, Lot 18,” diretso kong sabi. “Gray at cream ang bahay. May stainless na gate. May swimming pool sa loob. May dalawang pine tree sa harap… at may maliit na flower garden.”Saglit siyang natahimik, marahil iniimagine ang lugar.“Anong gagawin ko diyan?” tanong niya, kalmado pero may halong pag-usisa.“May sakit si Chantal,” sagot ko, hindi inaalis ang tingin ko sa babae sa kama. “Mataas ang lagnat niya. Nagdedeliryo na siya. Tinata

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 61: Panaginip

    Wala na akong maramdaman. Para bang tuluyan nang nanigas ang buong katawan ko, at kahit anong pilit kong isipin ay wala akong malinaw na alaala. Hindi ko rin alam kung nasaan ako ngayon. Ang tanging natatandaan ko lang ay ang mga kamay ni Jeremiah na maingat na binalot ako ng kanyang coat bago niya ako inilabas mula sa sasakyan na iyon.Pagkatapos noon, puro puti na ang alaala ko. Parang bigla na lang akong binitawan ng mundo at hinayaan sa kawalan. Wala akong panaginip. Wala ring tunog. Para akong tulog na tulog pero hindi mapayapa, parang lumulutang lang sa gitna ng katahimikan.Ang isa lang na nakakapagpagaan sa akin kahit papaano ay ang pag-alam na Sabado na bukas. Hindi ko kailangang pumasok. Pwede akong magpahinga kahit buong araw.*************Pagmulat ko ng aking mga mata kinabukasan, mabigat ang pakiramdam ng buong katawan ko. Para bang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Tanging mahihinang ungol lang ang lumalabas sa akin dahil kahit magsalita ako ay parang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status