Home / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / CHAPTER 65: Maligo ng Magkasama

Share

CHAPTER 65: Maligo ng Magkasama

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-04-27 07:43:23

Dahan-dahan niya akong sinusubuan ng lugaw. Mainit-init pa iyon, at tama lang ang timpla—hindi maalat, hindi rin matabang. Nakakagaan sa pakiramdam. Para bang bawat subo ay unti-unting nagpapawi ng sakit at pagod na nararamdaman ko.

Tahimik lang kami.

Matapos niya akong tulungang makain at mapainom, marahan niyang pinunasan ang aking labi gamit ang napkin.

“Salamat…” mahina kong sabi.

Bahagya lamang siyang tumango, walang gaanong emosyon sa mukha. Ngunit may kakaibang pag-iingat sa bawat galaw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 11: Isang Engineer

    "And you are?" nangunot ang aking noo nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa. Maayos naman ang kanyang pananamit, nakasuot ng mamahaling polo na bumabagay sa kanyang tindig, at may hitsura rin naman. Kaya lang, may kung ano sa kanyang mukha na tila ba bilib na bilib siya sa kanyang sarili."I'm Fonze Ludwig..." nakangiti niyang sabi. Kitang-kita ang kumikinang niyang mga ngipin, saka siya naglahad ng kamay sa akin para makipagkilala.Hindi ko iyon inabot. Nanatili lang akong nakaupo at tiningnan ko lang ang kamay niya, pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Napansin kong parang napahiya nang kaunti ang lalaki. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at napakamot na lang sa kanyang ulo, sabay ayos ng kanyang buhok. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang ngumiti nang malawak."I saw you kanina habang nasa game kayo, and I found you interesting. Leila, right? By the way, isa akong engineer... na-share

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 10: Sana All

    "Ah..." napatango si Chantal habang nakikinig sa aking kuwento. Bakas sa kanyang mukha ang pag-unawa. "May karapatan ka naman palang magalit ng ganoon, Leila. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka mas matindi pa ang maging reaksyon ko.""Oo nga, Leila," pagsang-ayon naman ni Eli na nakaupo sa tabi namin. Umiling-iling pa siya na tila naiinis din. "Loko talaga itong si Ephraim. Hindi niya man lang iniisip ang mararamdaman mo bago siya gumawa ng mga ganyang bagay."Bumuntong- hininga ako at naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. "Naiinis ako, dahil nga sa lahat ng pinagdaanan ng mama ko noon. Bata pa lang ako, nakita ko na kung gaano siya nasaktan at nahirapan dahil sa ginawa ng papa ko. Ayokong magaya sa kanya. Alam niyo naman 'di ba? Iniiwasan mo na nga na mapunta sa isang lalaking ganoon ang ugali, tapos ang unang lalaki na minahal mo sana, ay katulad pa rin pala ng papa mo."Natahimik ang dalawa kong kaibigan. Alam nilang sensitibong paksa sa akin ang aking pam

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 9: Halik ng Aso

    "Leila!" Malakas na tawag ni Ephraim sa akin.Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. At lalong nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Ayokong isipin niyang kaya niya akong paikutin sa kanyang palad. Na kaya niyang paglaruan ang isang tulad ko.Malaki ang campus namin. Halos kasinglaki ng isang buong barangay. Kaya sa loob ng halos dalawang taon, naging madali para sa akin ang umiwas sa kanya.Pero graduation day namin noon.At graduation day naman nila kinabukasan.Hindi ko inaasahang pupunta pa siya sa venue para hanapin ako."Leila! Wait!" Mas malakas ang sigaw niya sa pagkakataong iyon.Mas binilisan ko ang paglalakad.Lumiko ako sa isang hallway.Pero naroon pa rin siya.Sumunod.Humabol.At kahit nakihalo na ako sa dagsa ng mga estudyante at magulang, nahanap pa rin niya ako.Parang may radar siya at mabilis siyang nakasunod sa akin.Nang sa wakas ay maabutan niya ako, mabilis niyang hinawakan ang aking braso."Ephraim, bitawan mo ako!"Pero imbes na sumunod, hinila niya ako p

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 8: Dahilan ng paglayo ko kay Ephraim

    Napabuntong-hininga ako at sandaling tumingin sa paligid.Nagkakanya-kanya nang grupo ang mga bisita. Tapos na ang party, kaya may iba iba ng topic ang lahat.May nagkukuwentuhan.May nagsasayaw.May abala sa pagkuha ng litrato.May kumakain pa rin.Kaya itinuro ko ang isang bakanteng mesa sa gilid. Mukhang masaya din naman na magkwento, matagal tagal na naman iyon. Isa pa, baka mawalan na kami ng oras sa isa't isa, dahil may mga asawa na sila."Umupo kaya tayo."Agad namang sumunod sina Chantal at Eli.Mukhang sabik na sabik silang makarinig ng kuwento. At habang nakaupo kami, napailing ako. Mukhang wala na talaga akong kawala.Kaya nagsimula akong ikuwento ang mahabang kasaysayan namin ni Ephraim Delgado. At kung paano niya winasak ang puso ko, sa panahong may pagtingin ako sa kanya.*******************NAKATUNGANGA ako noon sa bintana ng aming classroom habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro ng volleyball sa court.Isa iyon sa mga requirement ng aming university. Kailang

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 7: Request ng buntis

    Matapos ang walang sawang tuksohan, kulitan, at halos isang daang litrato na parang prenup shoot, sa wakas ay natapos din ang programa.Napabuntong-hininga ako. Salamat naman.Pakiramdam ko ay isang buong taon akong pinaglaruan ng host kahit wala pang isang oras ang lumipas.Hawak ko pa rin ang bouquet na mula kay Eli habang naglalakad ako papunta kay Chantal.Paglapit ko pa lang, alam ko nang tatawanan niya ako.At tama nga ako. Halos mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa."G*ga ka talaga!" inis kong sabi habang pinipisil ang kanyang braso."Ako agad?" natatawa niyang sagot. "Hindi ko naman alam na may history pala kayo ni Ephraim!""Hmp!" Napairap ako. "Matagal na iyon. College pa kami noon. At para malinaw, hindi naging kami.""Pero parang kung umasta siya, may naging kayo.""Wala ngang naging kami.""Muntik?""Muntik.""Ayon naman pala!" Mas lalong natawa si Chantal. "Naku, alam ko na iyang ganyang kwento. Yung 'muntik' na sinasabi ninyo, kadalasan mas matindi pa sa naging relasyon."

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 6: Ang bonggang premyo

    "Attorney, hindi ba si Sir Ephraim ang tipo mo?" nakangiting tanong ng host."Hindi." Mabilis ang sagot ko. Bakit naman ako magsisinungaling? Huh! wala siyang pag asa sa akin! "Walang kahit isang katangian niya ang tipo ko."Biglang umingay ang buong venue."Ayyy!""Defense agad!""Objection sustained!"May ilan pang napahampas sa mesa sa kakatawa.Akala ng karamihan ay nakikipagbiruan lang ako.Pero ang totoo?May laman ang sinabi ko. Hindi talaga siya ang tipo ko. Kaya noon pa man, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko gusto ang mga lalaking masyadong friendly sa lahat ng babae.Hindi ko gusto ang mga lalaking parang may fan club saan man magpunta.At higit sa lahat...Ayoko ng katulad ng tatay ko. Ayoko ng mahilig sa babae. Bilang miyembro ng isang broken family, iyon ang pinakahuling bagay na ayaw kong mangyari sa akin, ang masaktan ako.Napatingin ako kay Ephraim. Nakangiti pa rin siya. Pero sa unang pagkakataon ngayong gabi, may kakaiba sa ngiti niya. Nakaanga

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 49: Usong maging single Mom

    Habang naglalakad kami nang mabagal sa gitna ng simbahan, hindi ko napigilang bumulong kay Lolo George. Ang aking mga mata ay nakatitig pa rin kay Lionel na nasa unahan. Kawawang lalaki. Parang konti na lang ay hihimatayin na siya sa takot, at ang kanyang tuhod ay halatang nanginginig sa ilalim ng

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 48: Ang aming plano

    POV: ElizzaBago ko pa man gawin ang enggrandeng planong ito, ilang buwan na ang nakakaraan, may ginawa muna akong maliit na paglilinis. Ginulpi ko lang naman nang husto ang mga walang-kwentang kaibigan ni Lionel. Nalaman ko kasi mula kay Jeremiah na kung ano-anong dumi ang lumalabas sa mga bibig n

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 45: Nasaan ako?

    "Hindi na niya kinaya ang depression... hindi niya kinaya ang sakit at ang lahat ng gulo. Nagpakamatay siya," malamig na pagpapatuloy ni Lolo George.Ang bawat salita niya ay parang mabibigat na suntok na tumatama sa aking mukha at dibdib. Nagpakamatay siya. Nagpakamatay si Eli. Ang mga salitang iy

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 44: Libingan

    ALAM na alam ko kung saan papasok ang sasakyang ito. Kahit ipikit ko ang aking mga mata, alam ko ang daang ito. Hindi ako maaaring magkamali. Ang bawat liko, ang bawat dambuhalang puno sa gilid ng kalsada, at ang malalaking bakal na pinto sa unahan ay pamilyar sa akin. Isa itong sikat at mamahaling

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status