Home / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / CHAPTER 92: Galit ba siya?

Share

CHAPTER 92: Galit ba siya?

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-05 04:38:00

"Chantal!"

Bahagya akong nataranta nang makita kong nakadilat na ang kanyang mga mata. Halos mapatalon ako sa gulat, saka agad na napasigaw.

"Elizza! Gising na si Chantal!"

Mula sa labas ng silid, narinig ko ang mabilis na yabag. Ilang segundo lang ang lumipas, bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Elizza, bahagyang hinihingal.

"Nasaan—" hindi na niya natapos ang tanong nang makita niyang nakatingin na si Chantal.

Agad siyang lumapit sa kama at sinimulang suriin ang kalagayan nito. Main
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 6: Ang bonggang premyo

    "Attorney, hindi ba si Sir Ephraim ang tipo mo?" nakangiting tanong ng host."Hindi." Mabilis ang sagot ko. Bakit naman ako magsisinungaling? Huh! wala siyang pag asa sa akin! "Walang kahit isang katangian niya ang tipo ko."Biglang umingay ang buong venue."Ayyy!""Defense agad!""Objection sustained!"May ilan pang napahampas sa mesa sa kakatawa.Akala ng karamihan ay nakikipagbiruan lang ako.Pero ang totoo?May laman ang sinabi ko. Hindi talaga siya ang tipo ko. Kaya noon pa man, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko gusto ang mga lalaking masyadong friendly sa lahat ng babae.Hindi ko gusto ang mga lalaking parang may fan club saan man magpunta.At higit sa lahat...Ayoko ng katulad ng tatay ko. Ayoko ng mahilig sa babae. Bilang miyembro ng isang broken family, iyon ang pinakahuling bagay na ayaw kong mangyari sa akin, ang masaktan ako.Napatingin ako kay Ephraim. Nakangiti pa rin siya. Pero sa unang pagkakataon ngayong gabi, may kakaiba sa ngiti niya. Nakaanga

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 5: Love Team sa Kasal

    Malas.Kamalas-malasan.Dahil ang isinigaw ng host ay—"Si Miss Santan!"Biglang sumabog ang venue sa sigawan at palakpakan.Parang nanalo ako sa isang beauty pageant.O mas malala pa roon.Parang bigla akong binigyan ng love team nang wala man lang konsultasyon."Bagay sila ni Mr. Hotdog!""Team Hotdog at Santan!""Isang masarap kagatin, isang masarap sips*pin noon!""Hoy, childhood memories!"Halos magkandatumba ang mga tao sa kakatawa.Ang iba ay pumapalakpak.Ang iba ay sumisipol.Ang iba naman ay tila masyadong invested sa love story na sila lang ang gumagawa. Parang mga langgam na nawalan ng direksyon at sabay-sabay na nagkagulo.Napailing na lamang ako. Hindi ko naman gustong sirain ang saya ng reception. Kaya ngumiti na lang ako.Sanay naman akong magsalita sa harap ng maraming tao dahil sa trabaho ko. Pero iba ang kaba kapag ikaw ang pinagtitripan ng buong venue."Ito na po ang ating winner, si Miss Santan!" sigaw ng host. "Ngayon naman, nasaan na si Mr. Hotdog?"Agad na itin

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 4: Miss Santan Juice

    Katulad ng naunang laro, sa lakas ng palakpakan muling pagbabatayan ang magiging panalo.Nakakainis talaga.Hindi ko kailanman nagustuhan ang mga ganitong kaartehan sa mga kasal. Iyong tipong kailangan mong tumayo sa harap ng maraming tao habang pinagtitripan ka ng host at pinapanood ng lahat.Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak sumali. Pero wala na akong magagawa.Napasubo na ako.At ang may kasalanan?Si Chantal.Napalingon ako sa direksyon niya at agad ko siyang nakita kasama si Jeremiah.Pareho silang nakangiti. Masayang masaya.Hindi.Mali.Pareho silang nakangising parang mga kontrabidang nagtagumpay sa kanilang masamang plano.Pumapalakpak pa ang dalawa.Todo suporta.Todo sigaw.Parang hindi nila ako kaibigan kundi isang contestant sa noontime show.Nang magtagpo ang aming mga mata, kumaway pa si Chantal sa akin. Hindi niya alam na magkakilala kami ni Ephraim, at kinaiinisan ko ang lalaking iyon ng husto. Ayoko pa naman sa mga palikero."Go, Leila!"Nginitian ko siya

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 3: Kung ikaw ay isang bulaklak

    "At ngayon..." sigaw ng host habang pinupunasan ang luha sa kakatawa, "oras na para piliin ang mananalo!"Naghiyawan ang buong venue. Ang sampung kalalakihan ay pumila sa harapan na para bang mga kandidato sa isang beauty pageant."Mga bisita, simple lang ang judging natin! Kapag tinawag ko ang pangalan ng bet ninyo, palakpakan ninyo nang malakas!"Agad na umalingawngaw ang sigawan. May mga nagsimulang mang-asar sa kanilang mga kaibigan. May ilan pang nagsisigawang parang nasa concert."Unahin natin si Dok Papaitan!"Pumalakpak ang crowd.Malakas.Pero hindi ganoon kalakas."Si Sir Bicol Express!"Mas lumakas ang palakpakan."Si Dok Ginisang Ampalaya!"May sumigaw pa ng "Mahal kita, Dok!"Lalo namang nagtawanan ang lahat.Isa-isa silang tinawag.At nang marating ng host si Ephraim, parang may sumabog na bomba sa venue."At para kay Sir Hotdog!"BOOOOOM!Palakpakan.Tilian.Sigawan.May ilang babae pang tumayo sa kanilang upuan."Single pa yan!""Sa akin na yan!""Anakan mo naman ako!"

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 2: Hotdog, masarap isubo!

    "Tinatawagan po ang lahat ng kalalakihan na magtungo sa unahan!"Malakas at masiglang anunsyo ng host."Iyon lang pong mga binata! Inuulit ko, mga binata! Hindi binabinata, hindi binata noon pero may tatlo nang anak ngayon, hindi rin iyong nakikipaghiwalay pa lang. Ang kailangan namin ay iyong mga tunay na walang sabit!"Agad na nagtawanan ang buong venue. Maraming mga nagtangkang sumali kahit may mga sabit na.May ilang lalaki pa ang napaatras sa kanilang upuan habang tinuturo sila ng kanilang mga kaibigan."Hoy! Bumalik ka rito! May asawa ka na!""Kuya, may wedding ring ka pa!""Aba, kapal ng mukha!"Mas lalo pang lumakas ang tawanan.Sa wakas, may dahilan na para umalis si Ephraim sa tabi ko. Nakisali siya sa kalokohang iyon.Halos gusto ko pa siyang itulak papunta sa harapan para lang iwanan niya ako.Mabuti naman at tumigil siya sa walang katapusang pagkukuwento.Sampung lalaki ang napiling sumali.Mukhang mas interesado pa ang mga bisita sa kanila kaysa sa programang nakasulat s

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 1: Muling Pagtatagpo

    POV: LeilaMagkatabi kaming umiiyak ni Chantal habang pinapanood ang masayang pagtatapos ng kasal nina Doktora Eli at Lionel.Hindi ko akalaing magiging emosyonal ako nang ganito. Hindi naman ako mahilig sa mga romantikong eksena, pero iba ang dating ng araw na iyon. Kitang-kita kung gaano kamahal ni Lionel si Eli. Para silang mga karakter sa nobela na sa wakas ay nakarating sa masayang wakas matapos pagdaanan ang lahat ng pagsubok.Napasinghot ako habang pinupunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata."Grabe..." bulong ni Chantal. "Nakakaiyak.""Tama ka," sagot ko. "Pero kapag may nakakita sa atin, iisipin nilang tayo ang ikinakasal."Natawa siya sa pagitan ng kanyang paghikbi.Matapos ang seremonya, nagtungo ang lahat sa engrandeng reception.Napakaganda ng lugar.Nagniningning ang mga kristal na ilaw sa kisame. Ang mga bulaklak ay nakapalamuti sa bawat sulok. Para akong napunta sa isang kastilyong madalas ko lamang makita sa mga pelikula.Habang abala ang lahat sa pakikipagkuwentu

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 86: May sakit si Chantal

    Umiiyak si Veronica habang paatras na umaalis sa harapan ko. Halatang takot na takot ang gaga sa akin—at sa totoo lang, dapat lang.Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili.“Subukan mo pa ulit…” bulong ko habang pinapanood siyang tuluyang mawala sa paningin ko, “hindi na kita sasantuhi

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 85: Sugod!

    POV:ChantalHalos manginig ang buong katawan ko sa galit. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o sisigaw. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya—mga salitang parang kutsilyong paulit-ulit na tumataga sa pagkatao ko.“Maaari mo akong sampalin, ipahiya…” nanginginig ang bose

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 84: My Wife

    “Damn!” napamura ako nang makita ko ang eksena sa baba, sabay bagsak ng hawak kong baso sa lamesa.“Anong nangyayari sa’yo?” nakangising sabi ni Ymilio habang sumandal sa couch ng VIP room. “Ang ganda ng dalawang ‘yon, no? Kapag naiuwi ko ‘yan ng sabay, ako na ang pinakamaligayang lalaki sa mundo.”

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 83: Sino Yun?

    POV: JeremiahHawak ko ang baso ng whisky, dahan-dahang pinapaikot ang laman nito habang nakasandal ako sa sofa ng VIP floor. Mula rito, kitang-kita ko ang buong ibaba—isang magulong mundo ng mga taong naghahanap ng aliw.May mga nagsasayawan sa gitna, tila ba wala nang pakialam sa paligid. May mg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status