แชร์

Elizza 3: Makiusap ka muna

ผู้เขียน: ExDealers
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-29 08:43:05

"ANO ba?!" biglang hinatak ni Lionel ang aking braso ng maabutan niya ako sa parking lot. "Anong problema mo?!"

"Ipinahiya mo ako! Bakit ka umalis habang kinakausap kita?!" inis niyang bunsol sa akin, "sinadya mo iyon, di ba? sinadya mo!"

Natawa ako ng pagak, saka marahas kong hinila ang aking braso na mahigpit niyang hawak. Bahagya pang gumasgas ang maganda niyang kuko sa aking balat, na agad naglabas ng kaunting dugo.

Nagulat siya ng makita iyon. Humalo sa galit sa kanyang mukha ang pag aalal
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 48: Ang aming plano

    POV: ElizzaBago ko pa man gawin ang enggrandeng planong ito, ilang buwan na ang nakakaraan, may ginawa muna akong maliit na paglilinis. Ginulpi ko lang naman nang husto ang mga walang-kwentang kaibigan ni Lionel. Nalaman ko kasi mula kay Jeremiah na kung ano-anong dumi ang lumalabas sa mga bibig nila. Minumura nila ako at sinasabihang malandi. Ang kakapal ng mukha, pati daw si Kuya Jeremiah ay pinapaikot ko! Kaya naman, hindi ako nag-atubili. Inutusan ko si Jeremiah na tanggalan ng dila ang mga taong nagmura at sumira sa pangalan ko.At siyempre, hindi naman ako nagkamali sa hinala ko. Si Dahlia at si Marcus lang naman ang may lakas ng loob na gumawa ng ganoong kagaguhan. Ngayon, tikom ang mga bibig nila. Masayang-masaya ako dahil sa wakas ay nakaganti na ako sa kanila. Akala siguro ng mga taong iyon, basta-basta na lang nila akong pwedeng apihin at apakan. Hindi nila alam kung sino ang kinalaban nila.Matapos kong maayos ang problemang iyon, nakipag-usap kami ni Lolo George sa mga m

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 47: Ako na lang.. Sana.

    Nasa gilid lang kami ng aking mga magulang. Nakatayo kami roon, nakikisalamuha sa karamihan ng mga tao, at katulad ng ibang mga seryosong bisita, hindi kami umuupo. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang umupo. Pakiramdam ko ay isa lamang akong multo na napadpad sa isang lugar kung saan hindi ako nararapat.Ang higpit ng hawak nina Mama at Papa sa aking mga braso ay hindi nagbabago; parang mga rehas ng kulungan na pumipigil sa akin na gumalaw o huminga nang malaya.Nanlalambot na ang aking mga tuhod. Ang bawat kalamnan sa aking katawan ay tila nawalan na ng lakas at enerhiya dahil sa matinding kaba na kanina pa sumasakal sa akin. Nais ko nang maglupasay sa sahig. Nais ko nang lumugmok at umiyak na lamang doon hanggang sa maubos ang aking hininga, ngunit ang takot ko kay Lolo George at ang banta niya sa aking buong pamilya ang pumipigil sa akin. Kaya pinilit kong manatiling nakatayo, kahit na ang totoo ay gumigewang na ang aking buong katawan sa tindi ng nerbiyos.Ang aking paningin ay

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 46: Mas malaking bangungot

    Maraming tao sa lugar na iyon. Pagtingin ko sa labas ng bintana, nakita ko ang mga nagniningning na ilaw, ang magagandang dekorasyon na gawa sa mga mamahaling bulaklak, at ang mga taong nakasuot ng kanilang pinakamagagandang pormal na damit. May mga ngiti sa kanilang mga labi, mga tawanan na naririnig ko kahit sarado ang bintana ng sasakyan.Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ito sementeryo, hindi ito libing. Dadalo kami sa isang kasal.Ngunit sa halip na gumaan ang aking pakiramdam, mas malala pa sa nakakatakot na bangungot ko kanina ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay natakot ako sa isiping patay na si Eli, ngayon ay mas pinapatay ako ng ideya na makikita ko siyang ikakasal sa iba. Ang kaba sa aking dibdib ay naging mas masakit, mas matalim, parang bawat segundo ay binabali ang aking mga buto."Lolo... si-sinong ikakasal?" naguguluhan, nanginginig, at natatakot kong tanong. Halos hindi ko mailabas ang hangin sa aking baga."Si Eli," kaswal niyang sagot. Simple lang ang pagka

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 45: Nasaan ako?

    "Hindi na niya kinaya ang depression... hindi niya kinaya ang sakit at ang lahat ng gulo. Nagpakamatay siya," malamig na pagpapatuloy ni Lolo George.Ang bawat salita niya ay parang mabibigat na suntok na tumatama sa aking mukha at dibdib. Nagpakamatay siya. Nagpakamatay si Eli. Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan, parang mga sumasabog na bomba na nagwasak sa natitirang bahagi ng aking buhay.Halos panawan ako ng bait sa narinig ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng tunog sa mundo. Ang iyak ng mga tao, ang tunog ng hangin, ang ugong ng sasakyan—ang lahat ay nawala at napalitan ng isang nakabibinging katahimikan. Biglang may isang milyong nagbabagang karayom na sabay-sabay na tumusok at sumaksak sa aking puso.Ang sakit ay napakatindi, isang uri ng sakit na hindi ko akalaing kayang maramdaman ng isang buhay na tao. Hindi ako makahinga. Ang aking dibdib ay sumikip nang husto, parang unti-unting dinudurog ang aking mga tadyang ng isang dambuha

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 44: Libingan

    ALAM na alam ko kung saan papasok ang sasakyang ito. Kahit ipikit ko ang aking mga mata, alam ko ang daang ito. Hindi ako maaaring magkamali. Ang bawat liko, ang bawat dambuhalang puno sa gilid ng kalsada, at ang malalaking bakal na pinto sa unahan ay pamilyar sa akin. Isa itong sikat at mamahaling himlayan ng mga mayayaman sa bansa. Tanging ang mga kilalang tao lamang at may malalaking pangalan sa lipunan ang may kakayahang mailibing sa ganito kagarbong lugar.Naalala ko bigla ang nakaraan. Noong magpropose si Kuya Jeremiah sa asawa niyang si Chantal para muli siyang pakasalan, dito iyon ginawa. Sa harap ng puntod ng mga magulang ng babaeng iyon. Kaya alam ko ang lugar na ito. Pero bakit kami narito ngayon?"Lolo?" Halos hindi na lumabas ang boses ko. Kumakabog ang aking dibdib na parang may martilyong pumupukpok sa loob. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakakapit nang mahigpit sa aking pantalon. "A-ano pong ginagawa natin dito? Ba-bakit po tayo narito sa sementeryo?""Hmm... m

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Elizza 43: Naglalarong Senaryo

    Burol o kasal?Iyon lang ang dalawang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip. Parang isang sirang plaka na nagpapasakit at nagpapapukpok sa aking ulo. Burol o kasal? Kasal o burol? Ang dalawang salitang ito ay parang dalawang malalaking bato na umiipit sa aking puso hanggang sa hindi na ako makahinga.Nakakatakot na pangitain ang sumasagi sa aking isipan. Ang mga imaheng ito ay parang mga totoong multo na humaharap sa akin ngayon, nagtatawanan at tinatakot ang natitira kong lakas. Paano kung nawala na siya nang tuluyan? Paano kung patay na si Eli, kaya ganoon na lang ang galit nina Kuya Jeremiah kina Marcus? Kaya ba itim ang tela na nakabalot sa suit na suot ko? Kaya ba sinabi ni Lolo na huling pagkakataon na ito?Ang ideya na nakahiga si Eli sa loob ng isang malamig na ataul, habang suot ko ang pormal na damit, ay nagpadilim sa aking paningin. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang buong paligid. Parang guguho ang mundo ko, at ako ay malilibing nang buhay sa ilalim ng mga gum

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status