Masuk"Wala naman akong objection," bahagyang ngumiti si Fonze, isang matipid at pilit na ngiti. "May nais lang sana akong pag-usapan kasama si Attorney tungkol sa isang legal na usapin para sa bago kong proyekto, subalit mukhang wrong timing ako ngayon. Mas mabuting mag-usap na lang kayong magkasintahan. Babalik na lang ako sa ibang araw kapag hindi na kayo abala.""Fonze, sandali lang, makinig ka muna—" pakiusap ko, hahakbang sana ako para habulin siya ngunit mabilis na tumalikod si Fonze.Hindi ko na nakuhang magsalita pa o pigilan siya. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa pinto ng lobby at tuluyang lumabas ng aming building nang hindi na lumingon pa. Naiwan akong nakatayo roon, nakatingin sa kawalan, at may mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Bakit ba tuwing magkakaroon ng pagkakataon na maging maayos ang takbo ng buhay ko, palaging may sumusulpot na gulo?Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si Fonze, marahas kong hinarap si Ephraim na ngayon ay nakatayo pa rin sa tabi ko, m
"Narinig mo 'yun, Konsehal?" pagmamalaki ni Ephraim na may kasamang malawak na ngiti. "Mas masaya siya sa akin. Kaya 'yang mga bulaklak na dala mo, mukhang hindi na bagay sa mesa ng girlfriend ko. Pwede mo na 'yan ialay doon sa mga poster mo sa daan, baka mas kailangan doon.""Ikaw—!" Akmang hahakbang pasulong si Edward nang may galit, ngunit bago pa man niya maitaas ang kanyang kamay, mabilis na nagbago ang tindig ni Ephraim. Ang kaninang mapagbiro niyang mukha ay biglang naging seryoso at matigas. Hinarangan niya ako ng kanyang katawan, itinago ako sa kanyang likuran habang matapang na nakatitig sa politiko."Huwag mong susubukan, Konsehal," mababa ngunit mapanganib ang tono ng boses ni Ephraim ngayon. "Nasa loob ka ng opisina niya, at tandaan mo, kasama niya ako ngayon. Hindi kita hahayaang gumawa ng gulo rito o saktan ang babaeng mahal ko."Natahimik ang buong lobby. Kahit ang mga staff na kanina pa nakikinig nang patago ay tila napatigil sa paghinga dahil sa biglaang tensyon sa p
Binuksan ni Ephraim ang pinto gamit ang kabilang kamay niya, at sabay kaming lumabas ng aking silid.Habang naglalakad kami sa pasilyo patungo sa lobby, ramdam ko ang mga tingin ng ilang staff sa aming opisina. Lahat sila ay tila nagulat nang makita ang kanilang matapang at seryosong Attorney na may kahawak-kamay na lalaki, at hindi lang basta sino—si Ephraim na kilalang palaging bumibisita at nanggugulo rito. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Ephraim sa kamay ko, isang senyales na narito siya para suportahan ako hanggang sa huli.Nang makarating kami sa lobby, agad na nakuha ng paningin ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa reception desk. Nakasuot siya ng pormal na barong, maayos ang tindig, at may dalang isang pumpon ng mga bulaklak.Si Edward.Nang marinig niya ang tunog ng aming mga hakbang, mabilis siyang lumingon na may malawak na ngiti. Ngunit ang ngiting iyon ay biglang napawi, at ang kanyang mga mata ay unti-unting bumaba patungo sa aming mga kamay ni Ephraim na magka
Nanatiling tahimik ang buong silid habang nakatayo pa rin si Aria sa may pintuan. mukhang hindi niya naunawaan ang una kong sinabi, naghihintay ng aking utos. Ramdam ko ang matagal na pagtitig sa akin ni Ephraim. Ang kaninang mapagbiro at masayahin niyang mukha ay napalitan ng seryoso at tila nag-aalalang ekspresyon nang marinig ang pangalan ni Edward."Leila..." mahabang bigkas ni Ephraim sa pangalan ko, tila nagtatanong kung ano ang balak kong gawin.Gulong-gulo ang utak ko. Si Edward Johnson ang lalaking naging bahagi ng buhay ko bago muling sumulpot si Ephraim. Siya ang lalaking akala ko ay magpapatunay na mali ang mga takot ko tungkol sa pag-ibig, pero siya rin pala ang mag-iiwan sa akin ng matinding sugat pagkatapos kong malaman na may iba na siyang pamilya habang pinapaikot ako. Ang makita siya ngayon sa lobby ng sarili kong opisina ay isang bagay na hindi ko kayang palagpasin nang walang gulo, lalo na’t kilala siya sa pagiging mapilit.Wala na akong ibang pagpipilian. Kung hah
"Ooh, ngumiti ka! Ngumiti ka, Attorney! Seryoso ba 'yan? Ngumiti ka talaga sa akin?" masayang-masayag sabi ni Ephraim habang itinuturo pa ang mukha ko na parang nakakita ng isang himala.Dahil sa reaksyon niya, biglang napawi ang maliit na ngiti sa aking mga labi, saka ako mabilis na napasimangot nang husto. Itinago ko ang aking mukha sa likod ng hawak kong baso ng kape. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Hindi man lang marunong makisama o magkunwaring walang nakita para hindi ako mapahiya."Alam mo, Attorney, mas bagay talaga sa iyo ang laging nakangiti. Lalo kang gumaganda kapag hindi ka nakakunot ang mga kilay mo," sabi niya habang iniaayos ang kanyang buhok at nagpapasikat sa harap ko. Inilapit pa niya nang kaunti ang kanyang mukha, naniningkit ang mga mata na tila ba nagpapacute para lambigin ako.Akala mo naman talaga, magkarelasyon kaming dalawa kung umarte siya."Heh! Manahimik ka nga riyan," bara ko agad sa kanya sabay tulak sa noo niya gamit ang dulo ng aking ballpen para l
"Alam mo ba, Leila, 'yung isang kliyente namin kanina doon sa meeting, mayaman sana at mukhang bigtime, pero ang lakas ng time bomb sa kili-kili," tuloy-tuloy na kwento ni Ephraim habang nakataas pa ang isang kamay, na tila ba inaalala ang amoy ng kanyang nakasama. "Napakasakit sa ilong! Hindi na lang ako makapag-react o makapagsalita kanina dahil malaking investor siya sa binuubuo naming project, baka kapag nag-takip ako ng ilong ay bawiin ang milyun-milyong pera. Ganoon daw talaga ang natural na amoy niya sabi ng kasama ko, Arabic daw kasi na may pagka-Bombay ang lahi niyon."Napahinto ako sa pagsubo ng aking pasta at tiningnan ko siya nang may halong pandidiri. "Ephraim, pwede ba? Kumakain tayo tapos ganyan ang ikukuwento mo? Nakakawala ka ng gana!""Ay, pasensya na, napasobra lang sa detalye," tawa niya nang malakas na tila hindi man lang nahiyang pag-usapan ang ganoong bagay sa harap ng pagkain. "Pero seryoso, doon sa meeting na 'yun, may dala silang meryenda. Doon ko napatunaya
"Bakit... bakit hindi mo ito ipinaayos sa doktor?"Mahina at seryoso kong itinanong iyon sa kanya habang patuloy na sinusuri ng aking mga daliri ang mahahabang peklat sa kanyang balat. Ang mga peklat na iyon ay malalalim, tanda ng isang matinding sugat sa nakaraan na matagal nang naghilom ngunit na
Nakalimutan ng aking yaya na dalhan ako ng tubig sa aking silid bago siya matulog. Pagkagising ko sa kalagitnaan ng gabi, tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Agad kong tiningnan ang ibabaw ng aking mesa, ngunit wala roon ang tumbler na madalas kong lagayan ng tubig na iniinom ko rin tuwing umaga. Dahi
"Siguro naman, dito ka na sasakay sa unahan, katabi ng boyfriend mo?" nakangiti niyang sabi. Umaasang sasang ayon ako sa kanya.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na iyon.Ngumiti na lang ako at pumasok sa bukas na pinto ng passenger seat."Yes!"Nakita ko pa siyang bahagyang pagsu
Magsasalita pa sana ako.Marami pa akong gustong sabihin.Marami pa akong gustong itanong.Ngunit biglang nagkagulo sa labas ng opisina.Sunod-sunod ang yabag ng mga taong nagmamadali.Pagkatapos ay umalingawngaw ang boses mula sa intercom."Paging Doctor Delgado. Doctor Delgado to the ER, please."






![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
