“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.