Share

Chapter 172

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2025-10-10 17:15:37

Nick’s POV

Nasa balkonahe ako ng villa, tulalang nakatingin sa tahimik na dagat.

Ang ganda ng buwan ngayon, bilog na bilog, napakaliwanag, ang ganda nitong pagmasdan sa malawak na karagatan.

Halos isang buwan na ang lumipas, pero heto pa rin ako… nilulunod ng lungkot at mga alaala. Ngunit, katulad ng liwanag ng buwan, tila may konting liwanag na sa aking puso at isipan.

Ngayon, pakiramdam ko, mas magaan na.

Siguro kasi natanggap ko na lahat ng impormasyong binigay ni Nathan tungkol kay Don Carlos, ang aking tunay na ama.

He found the truth… at totoo nga lahat ng sinabi niya.

Hindi siya ang pumatay kay Daddy. Hindi siya ang pumatay sa ama ng babaeng mahal ko.

Parang may malaking tinik na natanggal sa dibdib ko.

Ngayon, pakiramdam ko, malaya na akong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Audrey.

“Haah…” huminga ako nang malalim, sabay lagok ng beer.

Sapat na siguro ang isang buwan na binigay ko sa kanya.

Whatever happens, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.

Gusto kong magsimu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2   Chapter 204

    Elena’s POV Kahapon ang huling araw ko kay Audrey, kaya ngayon, excited akong gumising nang maaga. Sa wakas, makakabalik na ulit ako sa opisina.“Good morning!” masigla kong bati sa lahat pagdating ko.Pagpasok ko sa headquarters, napansin kong andoon na silang lahat. Bakit kaya ang aga nila ngayon? Naiiling kong tanong sa sarili habang papunta ako sa mesa ko.“Buti naman at maaga kang pumasok,” sabi ni Chief. “May bisita tayong darating ngayon. At hindi lang siya bisita, dahil siya ang magtetrain sa inyo para sa susunod nating mission.”“Everyone, magtipon-tipon kayo sa training ground. In a minute or two, darating na ang taong magtatrain sa inyo.”Lahat kami, excited at nakapila habang hinihintay ang importanteng bisita. Ilang sandali pa, isa-isang dumating ang mga guest namin, mga mataas na opisyal, may halong mga banyaga pa.Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siya. Si Sage San Fernando.Nasa likod ng mga opisyal, seryoso ang mukha, at nakakatakot ang aura. Napakurap-kurap a

  • Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2   Chapter 203

    Sage’s POV Pagkababa ko sa motor ni Elena, dumiretso ako sa headquarters namin ni Ron. “Andito ka na pala, Sage. May nakuha akong bagong lead mula sa mga ebidensyang nakuha mo sa warehouse,” sabi ni Ron. “How was it? Eto, tignan mo.”Nanlaki ang mata ko. Pamilyar ang mukha ng lalaki. “Si Agila?” tanong ko. “Mismo. Mukhang bumubuo siya ng bagong grupo, at pinapalaki na niya ito. No wonder, right hand siya ng papa mo noon. Marami siyang natutunan.”Napakuyom ako ng kamao. “Iisa lang ang ibig sabihin nito, delikado ang buhay ni Papa.” Tumango siya. “Kailangan nating higpitan ang seguridad ni Papa, pati na rin kay Audrey. Baka madamay siya sa gulo natin ni Papa.”Napailing ako at naalala kong malapit na ang kaarawan ni Papa. May malaking salo-salo siyang inihanda. Ang kinakatakot ko, baka sa araw na iyon sila kumilos. “Kailangan kong makausap si Papa at sabihan siya agad,” sabi ko. Tumango si Ron.“Siya nga pala, Sage, hindi ko nasabi sa’yo, ang Unit 4 ang naka-assign sa grupong

  • Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2   Chapter 202

    Elena’s POVMatalim akong nakatingin kay Sage. “Ano na naman ang ginagawa ng lalakeng ito rito? Alam kaya ni Audrey ang mga pinaggagawa ni Sage?” Narinig namin ang papalayong yabag.“Pa-papatayin mo ba ako?” galit kong sabi, mahina ang boses ko nang alisin niya ang kamay niya sa aking bibig. “Kung gusto kong gawin ‘yon, ginawa ko na kanina,” balik niya, sabay titig din ng masama. “Hmp!” singhal ko. “Ano bang ginagawa mo rito? Wala akong nakitang pulis sa paligid. Bakit nandito ka?” tanong pa niya.Napairap ako. “At ikaw, bakit nandito? At pwede ba, umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat mo!” Mabilis siyang tumayo at nagtago ulit. Bumangon din ako at tinignan ang paligid.Sumilip ako, tapos kumilos nang mabilis. Naalala ko ang isang ligtas na daan kung saan ako makakaalis. Mabilis akong umakyat sa puno, tumalon sa bakod. Rinig ko na sumusunod si Sage.“Agent 47, successful exit!” report ko kay Patrick. “Same here,” sagot niya. “Kita na lang tayo sa headquarters.” Pagkatapos, pi

  • Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2   Chapter 201

    Elena’s POVMaaga akong nagising. Excited akong pumasok sa trabaho. “Ethan, darating mamaya si Manang Rosa para samahan ka. Baka umaga na ako makauwi,” sabi ko habang kumakain kami ng breakfast. “Ok po, Mommy,” sagot niya, sabay ngiti. Sanay na siya sa akin.Pagkaihatid ko kay Ethan, dumiretso na ako sa opisina. Napaaga ako ng dating, wala pa si Chief. “O, Elena, ang aga mo ah,” bati sa akin ni Patrick pagpasok niya sa opisina. Alam na niya na darating ako ngayon. Ngumiti lang ako habang inaayos ang mga gamit ko sa mesa.“Good morning!"Ilang sandali lang, dumating na si Chief. Napatingin ito sa akin bago pumasok sa opisina. Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas siya na may dalang mga papel. “Everyone, conference room.”Mabilis kaming lahat na kumilos at pumunta sa conference room. “We all know that mamaya na natin gagawin ang mission, and I hope handa na ang lahat,” sabi ni Chief sabay tingin sa amin isa-isa. Lahat kami ay tumango.“We have slight changes. Elena will lead the miss

  • Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2   Chapter 200

    Elena’s POVNaging normal ang araw ko pagkatapos ng nangyari sa bar. Patuloy ko pa rin binabantayan si Audrey. I feel bored, miss ko na rin kasi ang trabaho ko sa opisina. At nag-aalala ako sa kasong pinag-aaralan ko.“Kamusta na kaya sa office?” naisip ko. “Tatawagan ko nga si Patrick.”“Hello, Patrick! Kumusta sa opisina?” tanong ko agad. “Mabuti naman, Elena. Ikaw, kumusta? Hindi ka naman siguro minamaltrato ng fiancée ng mayamang si Sage San Fernando?” nag-aalalang tanong niya.Natawa ako sa sinabi niya. “No, hindi naman. I’m okay. Mabait naman si Miss Castellan.” “ Siya nga pala, ano ang update doon sa iniimbestigahan natin.” “May progress na,” sagot niya. “Nahanap na ang warehouse nila, at namimili na si Chief kung sino ang ipapadala para pag-aralan ito.”Napatayo ako sa tuwa. Na-excite ako. “Pwede mo bang ipadala sa akin lahat ng impormasyon?” tanong ko. “Of course!” sabi niya. “Salamat!” Nagningning ang mga mata ko.Pag-uwi ko sa bahay, excited kong binuksan ang laptop

  • Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2   Chapter 199

    Sage’s POVI went outside to answer Ron’s call. “Hello, Ron.” “Sage, we have information now regarding the warehouse of the syndicate. Kailangan lang natin pag-aralan muna bago tayo magsagawa ng entrapment.”“Good, ako nang bahala doon. By the way, may ipapagawa ako.“Can you please clear all the CCTV in this bar and the nearby places? I will send you the information about everything. Also, kindly check this gang. I have a feeling na hindi sila titigil hangga’t hindi nakakaganti.” “Ok, got it, Sage.”Pagbaba ko ng telepono, mabilis kong pinadala sa email niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa nangyari kanina. This is just a small incident, however, kailangan kong maging maingat dahil kaligtasan nila Audrey ang nakasalalay dito.Tumingin muna ako sa kwarto ni Audrey, tsaka biglang naaalala si Elena. Ang kakaiba na si Elena. Nanlaki ang mata ko nang may maalala. Dali-dali kong hinanap ang susi ng kotse at jacket ko.Kotse ko ang ginamit namin kanina pabalik, at sina Scarlett at Aud

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status