LOGINNick’s POV
“Good morning, Sir.”
“Good morning, Manang.”“Sir, tumawag po si Ma’am Matilda. Kaarawan daw po ni Sir Elmer. Kung pwede raw po sanang dumalaw si Dylan.”
Napatigil ako. Saglit akong napatulala habang pinroseso ang sinabi ni Manang.
“I see… Tatawagan ko siya mamaya. Pakiakyat na lang si Dylan, palitan ng damit. At ihanda na rin ang pagkain niya.”
“Okay po, Sir.”
Umakyat ako sa kwarto. Tahimik.
Ito ang klase ng katahimikang minsan kong inasam, pero ngayon, tila parusa.Binili ko ang beach house na ito apat na taon na ang nakalilipas. A desisyon born out of desperation. I wanted to be as close to Jessica. Iniwan ko ang lahat sa Maynila, ang negosyo, ang pangalan, ang lahat ng dating mahalaga.
I paid someone to run the empire I once built with blood and ambition.Money? Power? They mean nothing to me now. I have no one to spend it with anyway.
Living here, is like living with Jessica. Ang dami kong kasalanan sa kanya. Ang dami kong pinagsisihan. At sa bawat araw na lumilipas, parang paulit-ulit na bangungot ang bawat alaala niya.
Paglabas ko ng kwarto, biglang tumunog ang cellphone ko.
Misis Laviste.“Nick, hello... Sorry to disturb you,” nahihiyang sabi niya.
“Okay lang po. Nasabi po ni Manang na tumawag kayo. I was about to call you.”“Ganoon ba... Aah...”“Kailan po ba ang birthday ni Mr. Laviste?”
“Oh... Sa Sabado. Don’t worry, tayo-tayo lang naman. Gusto ko lang sanang makita si Dylan. Namiss ko na siya. Tsaka alam kong sabik na sabik na rin ang lolo niya.” nahihiyang sabi nito.“I understand. Makakarating kami.”
“Salamat, Nick. Salamat talaga…”Narinig kong nanginginig ang boses niya. Tila pigil ang iyak.
Pagkababa ng tawag, umupo ako sa mesa at binuksan ang laptop.
May email si George:
“If pupunta ka ng Maynila, sabihan mo ako. May ipapakita akong importante sayo.”Napakunot ang noo ko.
Kailan nga ba kami huling nagkita? Halos isang taon na ang nakalilipas. Dumalaw siya dito noong birthday ni Dylan.“Hmmm… Bakit kaya di na lang niya pinadala” nagkibit ako ng balikat.
Sinara ko ang laptop at lumabas ng terasa.Sa tapat ng beach house, tanaw ang malawak na karagatan, tahimik, malungkot, walang kasiguraduhan… gaya ng buhay ko ngayon.
“Daddy! Daddy! Where are you?”
Napalingon ako sa boses. Si Dylan.
“Dad…”Napangiti ako at lumabas ng kwarto.
“Dad, come on! Let’s eat!”“Pasensya na po, Sir,” ani Manang habang binubuksan ko ang pinto.
“Ayaw po niyang kumain. Gusto raw po niya, kayo ang kasama.”
“Okay na, Manang. Ako na ang bahala sa kanya.”
Binuhat ko si Dylan at dinala sa baba.
“Daddy, Manang cooked your favorite food. Here, get some!”Napangiti ako. Sa edad niyang apat, napaka-sensitibo na ng batang ito.
“Thank you. Kain na rin tayo.” Inihanda ko ang pagkain niya.
“Thank you, Daddy!”Masaya siyang kumain. Ganado.
Tahimik ko siyang pinanood habang ngumunguya.This little boy saved me.
Siya ang dahilan kung bakit pinili kong mabuhay muli.Kung bakit sinubukan kong muling tumayo, kahit kalahati ng pagkatao ko, nawala na, kasama na ni Jessica.~~~ Flashback: Five Years Ago ~~~
CRASH!
“Huh!”Hinampas ko ang tray ng pagkain. Tumilapon ang pinggan at baso, nagkalat sa sahig.
“I told you to stay away from me! Ayokong kumain!” sigaw ko habang nakaupo sa wheelchair, galit na inikot ito palayo sa nurse at tumingin sa bintana.
“Sir… trabaho ko lang po ito. Kung hindi po kayo kakain… baka matanggal po ako,” naiiyak na sabi ng nurse.
Apat na buwan na akong gising mula sa coma… pero wala pa rin akong balak mabuhay. I refused therapy, food, conversation. I refused life itself.
Ang gusto ko lang, ay mamatay.
Pero hindi nila ako hinayaang gawin ‘yon.Si Andrea. Si George.
Nilagyan niya ng 24/7 na bantay ang buong bahay. May CCTV pa sa banyo dahil minsan, tinangka kong lunurin ang sarili ko sa bathtub.Pagkalabas ko noon ng ospital, tinanggihan ko ang caregiver at nagkulong sa kwarto. Sa kabila ng hirap, pinilit kong makarating sa banyo. At doon…
Doon muling sumagi sa isip ko ang kamatayan.I thought… that time, I’ll finally see Jessica again.
Pero hindi…George found me.
“Nick! Nick! Fuck, Nick!” sigaw niya habang hinila ako mula sa bathtub.
“Huh… ugh… ugh…” nasusuka, umiiyak, halos hindi makahinga.“Why did you save me?! I want to die! I need to die! Kailangan kong makita si Jessica!” nagwawala kong sabi.
“Ayoko na… ayoko na… ayoko nang mabuhay…”
“Sa tingin mo ba makikita mo si Jessica sa ginagawa mong ‘yan?! Ha?! Sa tingin mo makakapiling mo siya kung magpapakamatay ka?!”
“Gago ka ba?! Sa impyerno ang bagsak mo!” galit na sigaw ni George.
Tinitigan ko siya. Puno ng poot.
Tinulak ko siya.“Anong gusto mong gawin ko?! Ha?! Mabuhay? Mag-move on?! Kalimutan si Jessica?! Ha?!”
“Kung ikaw kaya mo, ako hindi!”Kita ko sa mukha niya ang sakit.
Umiwas siya ng tingin. Saglit siyang lumingon sa likod… pinunasan ang luha…“I was with Jessica before you, I grew up with her. Sa tingin mo madali lang sa akin na kalimutan siya?…” bulong niya, pero puno ng galit.
“How dare you, Nick... how dare you…”Halos hindi ko kayanin ang tingin niya.
Galit. Poot. Sakit. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam kong may mas malalim pa,...“GUILT”
Elena’s POVAt last, the two-day training has ended. Hindi ko akalaing magiging ganito ka-intense kahit dalawang araw lang. Pakiramdam ko, isang linggo kaming nag-training.I have to admit, magaling talaga si Sage. Alam niya kung paano pabilisin ang training pero effective pa rin. Kaya siguro lahat ng trainees, ganado kahit pagod.May closing ceremony kami ngayon, at nasa stage si Sage kasama ang mga high-ranking officers. He looks so different up there, confident, calm, glowing. His aura is… magnetic. Lalo na sa uniform na suot niya. Napapakurap ako habang nakatitig sa kanya. Bumabalik sa aking alaala ang kanyang pagsalo, ang mainit niyang palad sa aking beywang at hita, at ang malalim niyang titig na tila tagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso.Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang humanga ng ganito sa kanya. I look at him and suddenly feel so proud, and happy. Pero iba ang tibok ng puso ko habang nakatingin. Hindi ito ‘yung normal admiration lang. It’s something deeper
Sage’s POVNangingiti kong sinundan ng tingin si Elena habang papalayo ito. I don’t know, but I’m actually enjoying seeing her angry face. Nakakatuwang makita siyang naiinis. Mas lalo siyang gumaganda kapag ganon.“Elena…” mahina kong bulong.Nagising ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. “Hello, Ron.”“Confirm. May party nga. Darating ang mga importanteng tao sa organisasyon nila. Gaganapin ito sa susunod na linggo, a week after your father’s birthday.”“I see. Nakuha mo na ba ang invitation?” tanong ko.“Of course,” mayabang niyang sagot.Napangiti ako. “Good, good. This is interesting.”“Siguro mas maganda kung may kasama kang babae,” dagdag niya sa kabilang linya.Napakunot ang noo ko, pero biglang may pumasok na imahe sa isip ko. Pagkatapos, hindi ko mapigilang ngumiti. “Yeah… you’re right,” sagot kong may ngiti sa labi.“Mukhang may nakuha ka na ah. Oh siya, bye!” sagot niya bago ibinaba ang tawag.Napailing ako, bahagyang natatawa, habang napapatin
Elena’s POV“Close ba kayo ni Agent Cipher, Elena?” bulong ng kasama ko habang nagmemeryenda kami. Nakatingin siya sa di-kalayuang si Sage, na kausap pa rin ang Chief.“Bakit mo naman nasabi ’yan?” tanong ko, pilit, kalmado.“Parang favorite ka niya, ha?” nakangising tugon niya.Dumilim ang mukha ko. Alam kong tinutukso niya ako.Matalim kong tinignan si Sage, at sa kasamaang-palad, nakatitig din pala siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at biglang kumabog ang dibdib ko. Agad akong kinabahan.“Lagot ako. Ano na naman kaya ang ipapagawa niya?” bulong ko sa sarili sabay iwas ng tingin. Pinilit kong magconcentrate sa pagkain.Pagbalik namin, Surveillance at Counter-Surveillance ang sunod na training. Nagsimula kami sa shadowing, paano sundan ang target nang hindi napapansin. Nagpakita si Sage ng mga video at halimbawa kung paano maging mas epektibo sa pagsunod, pati na ang paraan ng pag-aalam kung sinusundan ka at ang paggamit ng disguise para mag-blend sa crowd.Alam naman namin an
Elena’s POV Kahapon ang huling araw ko kay Audrey, kaya ngayon, excited akong gumising nang maaga. Sa wakas, makakabalik na ulit ako sa opisina.“Good morning!” masigla kong bati sa lahat pagdating ko.Pagpasok ko sa headquarters, napansin kong andoon na silang lahat. Bakit kaya ang aga nila ngayon? Naiiling kong tanong sa sarili habang papunta ako sa mesa ko.“Buti naman at maaga kang pumasok,” sabi ni Chief. “May bisita tayong darating ngayon. At hindi lang siya bisita, dahil siya ang magtetrain sa inyo para sa susunod nating mission.”“Everyone, magtipon-tipon kayo sa training ground. In a minute or two, darating na ang taong magtatrain sa inyo.”Lahat kami, excited at nakapila habang hinihintay ang importanteng bisita. Ilang sandali pa, isa-isang dumating ang mga guest namin, mga mataas na opisyal, may halong mga banyaga pa.Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siya. Si Sage San Fernando.Nasa likod ng mga opisyal, seryoso ang mukha, at nakakatakot ang aura. Napakurap-kurap a
Sage’s POV Pagkababa ko sa motor ni Elena, dumiretso ako sa headquarters namin ni Ron. “Andito ka na pala, Sage. May nakuha akong bagong lead mula sa mga ebidensyang nakuha mo sa warehouse,” sabi ni Ron. “How was it? Eto, tignan mo.”Nanlaki ang mata ko. Pamilyar ang mukha ng lalaki. “Si Agila?” tanong ko. “Mismo. Mukhang bumubuo siya ng bagong grupo, at pinapalaki na niya ito. No wonder, right hand siya ng papa mo noon. Marami siyang natutunan.”Napakuyom ako ng kamao. “Iisa lang ang ibig sabihin nito, delikado ang buhay ni Papa.” Tumango siya. “Kailangan nating higpitan ang seguridad ni Papa, pati na rin kay Audrey. Baka madamay siya sa gulo natin ni Papa.”Napailing ako at naalala kong malapit na ang kaarawan ni Papa. May malaking salo-salo siyang inihanda. Ang kinakatakot ko, baka sa araw na iyon sila kumilos. “Kailangan kong makausap si Papa at sabihan siya agad,” sabi ko. Tumango si Ron.“Siya nga pala, Sage, hindi ko nasabi sa’yo, ang Unit 4 ang naka-assign sa grupong
Elena’s POVMatalim akong nakatingin kay Sage. “Ano na naman ang ginagawa ng lalakeng ito rito? Alam kaya ni Audrey ang mga pinaggagawa ni Sage?” Narinig namin ang papalayong yabag.“Pa-papatayin mo ba ako?” galit kong sabi, mahina ang boses ko nang alisin niya ang kamay niya sa aking bibig. “Kung gusto kong gawin ‘yon, ginawa ko na kanina,” balik niya, sabay titig din ng masama. “Hmp!” singhal ko. “Ano bang ginagawa mo rito? Wala akong nakitang pulis sa paligid. Bakit nandito ka?” tanong pa niya.Napairap ako. “At ikaw, bakit nandito? At pwede ba, umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat mo!” Mabilis siyang tumayo at nagtago ulit. Bumangon din ako at tinignan ang paligid.Sumilip ako, tapos kumilos nang mabilis. Naalala ko ang isang ligtas na daan kung saan ako makakaalis. Mabilis akong umakyat sa puno, tumalon sa bakod. Rinig ko na sumusunod si Sage.“Agent 47, successful exit!” report ko kay Patrick. “Same here,” sagot niya. “Kita na lang tayo sa headquarters.” Pagkatapos, pi







