Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
View MoreFirst Encounter
Natatangi ang kulay na namamayani sa bawat sulok ng bahay: ginto at itim. Kuminang ang gintong aranya sa taas ng kisame. Kasabay ng hangin ang marahang pag-ihip ng laylayan ng itim na kurtina. Maski ang lamesa, pinaghalong ginto at itim ang kobre. Ang engrandeng hagdan sa gilid ay binalot din ng itim na tela. Malawak ang bulwagan. Tuloy-tuloy ang pagparada ng limousine sa malawak na ektarya ng lupang inilaan para sa mga bisita.
Umalingawngaw ang mikropono sa pagbati ng masters of ceremony. Ramdam sa atmospera ng paligid ang partikular na aura ng mga elite. Tipong exlusive, iyong sila ang maaaring magsama-sama. Ang pagkakaroon nila ng mataas na social status ay parang barrier. Ultimo ang mga waiter at waitress na namamahagi ng pagkain, pinangilagan.
“How do I look?” Kaharap ng matangkad na dalaga ang repleksyon sa salamin. Kasalukuyang pinostura nito ang golden gown; revealed ang cleavage at hanggang hita ang slit. Nakapumpon pabilog ang buhok at bahagyang nakalugay pakulot ang ilang hibla nito sa magkabilang sentido. Dinampian sa huling beses ng babaeng makeup artist ng blush ang pisngi niya.
Sumilip sa repleksyon ng salamin ang kaniyang ina, si Helen. Katulad ng dalaga, ginto rin ang kulay ng gown nito. Lamang, balot abot siko ang ruffles. Nakalugay sa isang balikat ang buhok. “Majestic. . .”
Hinagod ni Beatrice ang tela ng gown. Hindi na yata mapapawi ang ngiti niya. “I was actually worried. I’m not sure about the status of our company. But I thanked heavens, mommy, you pulled off this grand celebration. Hindi ako pwedeng mapahiya!”
“Beatrice, anak, lahat gagawin namin matupad lang ang gusto mo. Your Papa knows very well how you love throwing parties. Ngayon pang debut mo papalya? No way, anak.”
Malaki ang ngiti sa labi ni Beatrice. “Is Daddy nervous?” hagikhik nito. “Last dance ko siya!”
Ngumiti lang ang ina. Sa halip na sumagot, hinagod nito ang buhok ng anak.
“Ma’am. . .” Hinawi ng event coordinator ang kurtina. Dumungaw ang babaeng may lapel sa bibig. “. . . tatawagin na po si Beatrice in a minute.”
Pumailanlang ang marahang saliw ng musika.
“Please welcome the heiress, none other than, Ms. Beatrice Lustre!” anunsyo ng master of ceremony. Kasabay ang pagsabog ng palakpakan habang dumadausdos pababa ang laylayan ng kaniyang gown. Mahihiya ang kinang ng mga aranya sa kisame sa liwanag ng kasiyahan sa mga mata ni Beatrice. Bakas sa pisikal na katangian ng itsura nito ang pagiging mestisa; matangos ang ilong, maputi, at tsokolate ang kulay ng buhok.
Sa loob ng tigli-limang minuto, naisayaw siya ng mga kalalakihan. Hawak niya sa kabilang kamay ang pulang rosas. At ang isa ay sa balikat ng kasayaw. Napaamang pa ang dalaga nang hindi pa man nakakalabing-walong rosas, lumapit na agad ang ama sa kaniya.
“Dad?” Dinig man ang pagtataka sa tanong, sumilay pa rin ang ngiti niya.
“Fatherhood is a journey I can never exchange with anything. You are a heaven’s gift to me, anak. To me and to your Mama Lorie,” madamdaming litanya ng amang si Brent. “By all means, your welfare should be secured. Hindi pwedeng dumanas ka ng hirap hangga’t nandito ako.”
“Daddy Brent. . .” ngumuso si Beatrice. Sumilip sa sulok ng mga mata niya ang luha.
Huminto ang ama para ipasa siya sa lalaking nag-aabang pala sa kanilang dalawa.
“Sir?” baritono ang boses ng lalaki.
Langhap sa hangin ang maskulado nitong amoy. Matikas ang tindig, malapad ang dibdib pati na rin ang balikat. Matulis ang tuktok ng ilong nito at hulmado ang panga. Mapula ang kaniyang bow-shaped na labi. Mahaba ang pilikmata at seryoso kung tumingin ang mga matang kulay hazel. Umangat ang angking tikas nito sa itim na tuxedo. Isama pa ang hawak na pulang rosas dahilan para magmukha siyang prinsipe gaya ng sa mga period movies.
May kung anong kilabot na naramdaman si Beatrice nang maglapat ang palad nila ng lalaki. Gayunpaman, kinuha niya ang rosas na inabot nito. Nag-alangan ang dalaga na ilapat ang palad sa balikat ng lalaki. Napaamang siya nang ang lalaki mismo ang naglapat nito.
Nawala ang ngiti sa labi ni Beatrice. “W-Why are you my last dance?”
Humalakhak ang lalaki. “Oh, you weren’t informed.”
Hahakbang sana palayo si Beatrice ngunit hinigit ng lalaki ang baywang niya. Suminghap siya sa magkahalong gulat at sakit. Mariin ang pagkakalapat ng kamay ng lalaki.
“Hindi mo alam o nagmamaang-maangan ka lang?” malamig nitong tanong.
Pilit na kumawala si Beatrice dito. Dahilan para mas ipirmi siya ng lalaki. Patuloy pa ring gumagalaw ang huli sa saliw ng musika.
“Don’t make a scene,” bulong nito. “Makisama ka gaya kung paano ako nakikisama sa’yo ngayon, Beatrice.” Sumilip saglit ang lalaki sa mga nanonood. May ilang nagbulungan sa agresibong paghila niya sa babae.
“Who the hell are you?!” Habol ni Beatrice ang paghinga. Taas-noo kung makatitig sa lalaki. “How come you know me and I don’t know you?”
Umangat ang sulok ng gilid ng labi ng kausap. Sarkastiko, dahil masama naman ang tingin ng kaniyang mga mata. “Oh, I’m your fiance.”
Bumugawas ang halakhak ng dalaga. Huminto siya, tinapik pa ang balikat ng lalaking kausap. “You’re hot and all so, don’t take this personally. But hell, get married at 18?! Nasaan ba tayo, Spanish age?” Halos lumuha siya sa paghagalpak.
Hanggang sa humupa ang musika, umugong ang mikropono. Tatawa-tawa pa rin si Beatrice ngunit piniling magseryoso nang magsalita si Brent sa stage.
“Everyone, family and friends, Apollos and Lustres have been in a great friendship ever since. But now, we would be stronger and closer through the engagement of my unica hija, Beatrice Lustre to Lucas Sebastian Apollo. . .”
Umawang ang bibig ni Beatrice. Gumapang ang kilabot at pagkabigla sa buong katawan nito. Lumingon siya kay Lucas na noo’y masama ang tingin sa kaniya.
LORADumaan sila sa backdoor at doon lumusot tungo sa ikalawang palapag. Iisang kwarto na ang tinutuluyan nilang dalawa. May nangyari pa ulit sa kanila sa banyo bago hayaan ni Lucas si Beatrice sa kama. Mahimbing nang natutulog ang babae roon.Hinila ni Lucas paangat ang kumot. Kalahati ng katawan ni Beatrice ang natakpan. Lumabas siya mula sa kwarto. Eksaktong nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makita ang caller id sa screen.“Sir,” anang Thyro sa kabilang linya. “We found the culprit. Alive.”Pinatay ni Lucas ang tawag. Maawtoridad ang mga hakbang niya. Naabutan niya ang house helper na nagma-mop ng sahig. “Pakisabi po kay Beatrice na babalik din ako agad.”“Okay po, sir.” Yumuko ang ginang sa harap niya.Pumanhik siya sa garahe at minaniobra ang isa sa apat na kotseng naroon. Hinabol pa siya ng driver na naka-stand by sa station nit
STAYWarning: Explicit Sexual ContentNapawi ang ngiti ng babae. “I’m sorry, what?” Humiwalay siya rito. “Live here? Tell me you’re joking.”Umiwas ng tingin si Lucas. Huminga ito nang malalim bago mariing tingnan si Beatrice. “Lumalakas na ang ulan. Let’s go back inside.” Tumalikod siya.“Sandali nga!” Hinatak ng babae ang kaniyang braso. Umikot ito para makaharap si Lucas. “Be honest with me. Dinala mo ba ako rito for this vacation o talagang balak mong itali ako rito? Oh my god!”“You really don’t want to cooperate with me in this marriage, huh?”Tinahak ni Beatrice ang buhangin. Hinugasan ng mga patak ng ulan ang putik sa kaniyang mga paa. Kinain ng tili niya ang paligid matapos siyang pasanin ni Lucas. Ang pagkakabuhat ng lalaki sa kaniya ay bridal style.“Bring me down!” Hinampas-hampas ni Beatrice ang dibdib nito.“Don’t move.” Pinilig ni Lucas ang ulo. Kumapal ang buhos ng ulan maging ang naapakang buhangin.Pero hindi papigil si Beatrice kung kaya bago pa man makarating sa co
LIVEKumpara sa mansyon ng mga Apollo, dalawang palapag lang ang nakatirik ng mansyon sa Isla Nueva. Sinundo sila ng driver sa airport saka bumiyahe tungong isla. Nagising si Beatrice sa tila sprinkling na alon ng dagat. At sa mabangong halimuyak malapit sa kaniyang nostrils, noon niya lang napansin ang brasong nakapulupot sa baywang niya.Tumingala siya sa asawa. Nakapikit si Lucas.“Lucas,” ani Beatrice. “Lucas, is this mansion yours too?”Gumalaw si Lucas, mas lumapat ang palad sa kaniyang baywang. Mariing napalunok ang babae sabay lingon sa maugat nitong kamay. Sinilip niya ang driver, hinakot nito ang mga maleta papasok.Puno ng mga bulaklak ang paligid. Puti at beige ang pangunahing kulay ng mansyon. Alam niyang malayo siya sa siyudad dahil malinaw ang huni ng mga ibon sa paligid. Tumingala ulit si Beatrice kay Lucas. Nahigit niya ang hininga nang maabutang nakatanaw sa kaniya ang asawa.Huminga nang malalim si Lucas sabay tango. “Well, yes.” Kumalas ang lalaki sa pagkakahawak s
MOREWarning: Sexual Theme“Are you jealous?” malambing na tanong ni Lucas.Umawang ang bibig ni Beatrice. Hindi agad nakasagot. Nang mag-sink in sa kaniya ang sinabi nito, nag-iwas siya ng tingin. “Why would I be?” mahinang aniya.Lumapit si Lucas, nakadungaw sa kaniya. “But you are no longer in the mood. What should I do to gain it back?”Gusto mang mag-iwas pa ng tingin ni Beatrice, hindi niya magawa. Parang ginto ang mga mata ng lalaki, sapat para ma-hypnotize siya. Hindi rin nakatulong ang mabango nitong amoy. “You can’t. . .” bulong niya.“You bet,” sagot ni Lucas.Dinampian nito ng halik ang kaniyang labi.Nahigit ni Beatrice ang hininga. Mababaw na halik lang iyon. Tila kulang. . . hinabol niya ang labi ni Lucas at bahagyang sinipsip ang lower lip nito. Gumapang ang palad ni Lucas sa kaniyang balakang. Kumapit naman si Beatrice sa braso nito.Habol nila ang hinangos. Malalim at mabigat ang pagtaas-baba ng kanilang mga dibdib. Ang samyo ng hangin, kumapa, uminit. Umagos ang tem
ISLAND“Summer. . . beach. . .” Hinalukay ni Beatrice ang mga damit. Tinaas niya ang pulang two-piece. “This is perfect!”Puno ang tatlong maletang pinababa niya sa mga kasambahay. Nagpalit din siya ng summer tequila dress at itim na wedge. Tinernuhan niya iyon ng brown summer hat. Nakalugay ang abot-balikat na buhok ng babae. Light make-up naman ang ayos ng kaniyang mukha.Bumalik siya sa walk-in closet ni Lucas. Hinalughog niya ang mga lagayan. Pigil ang ngiti ni Beatrice. May nakuha siyang luggage saka nilamanan ng mga damit. Gumapang ang kilabot sa katawan niya nang makita ang collection ng mga brief ni Lucas.“Wow. . .” hiwalay sa sariling bulong niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto ang paninitig niya roon saka sinalampak sa loob ng maleta. Agad na namula ang kaniyang pisngi. Sa halip na pagtuunan ang sumaging emosyon, siya na mismo ang naghila pababa ng gamit.Nang nasa baitang na ng hagdan, halos matapilok siya nang matanaw ang unwanted visitor sa living room. K
ALIVEMaagang gumising si Beatrice. Lalo’t hindi naman siya nakatulog nang maayos kagabi. Tila namamahay pa ang babae sa bagong kwarto at bahay. Kinatok niya pa saglit ang kwarto ni Lucas. At kung tama nga ang hinala niyang early bird ang mga billionaire, malamang ay nasa trabaho na ang lalaki.“Good morning, Ma’am!” bati ng kasambahay.“Hi, ah, pumunta na sa work si Lucas?” Hinila ni Beatrice ang mayor na upuan ng dining table. Umupo siya roon.“Panigurado po. Nagjogging po si sir, saka bumalik at umalis din.” Tumayo ang ginang sa harap niya. “May request po ba kayong lutuin?”“Anything’s fine. I want some coffee rin pala.”“Sige po, ma’am.”Natulala si Beatrice sa mesa. Lumayag ang isip ng babae sa residensya ng mga magulang. Bigla na lang siyang nagising na mabigat ang loob. Naho-homesick ba siya? Unang umaga iyon sa buhay niya bilang Mrs. Beatrice Lustre-Apollo. Marahil nga, naninibago lang ang babae. Gusto man niyang tawagan ang mga magulang pero naghesitate siya. Hindi naman yat
ATTRACTIVESinilip ni Beatrice ang ibaba. Tanging ang mga kasambahay na pabalik-balik ang naabutan niya. Gabi na, ngunit abala pa rin ang mga iyon. Matapos siyang magbihis ng floral na pajama outfit, saka lang siya lumabas sa kwarto.“Magtatabi ba kami ni Lucas?” bulong niya sa sarili. “At bakit ba? Syempre hindi, hindi kami dapat magtabi! Yuck, iw, napaka-arogante niya. Akala niya ba patay na patay ako sa kaniya. Ang family ko ang patay na patay sa kaniya.”Kagat niya ang labi. Kanina pa nito hinahagod ang buhok. Huminga siya nang malalim. Nagtago siya sa sulok ng corridor habang inaabangang dumaan ang lalaki.“What are you doing?” galing sa gilid niya ang baritonong boses.Napatalon si Beatrice nang matanaw sa unahan si Lucas. White tee at black maong shorts ang suot nito. “M-magpapatulong ako kina yaya sa pag-unload ng damit ko. Marami akong dala.”“Matulog ka na. Do it tomorrow.”“Bakit? Ang mga gawaing puwedeng gawin ngayon, hindi dapat pinagpapabukas,” rason ni Beatrice.Binalewa
HONEYMOON?Mabilis na nagsalin-salin ang mga balita sa media. Inanunsyo ng parehong pamilya sa publiko ang nangyaring private marriage. Solemn lang din ang reception.Hinakot ng mga tauhan ng mga Lustre ang gamit ni Beatrice saka inihatid sa bago nitong tahanan.“Kuya, where’s Lucas?” walang emosyong tanong ni Beatrice sa driver.Matapos kasi ng reception, inutusan ng binata ang driver na ihatid nito si Beatrice sa bahay nila.“Kayo po ang asawa, hindi niyo po alam?” inosenteng tugon ng driver.Tila napahiya ang babae sa sinabi nito. “Syempre alam ko. Tinatanong ko lang kung alam mo rin.”Nawi-wirduhang nilingon siya ni manong driver sa rear mirror.Simpleng puting dress ang suot ni Beatrice. Hindi niya na napagmasdan ang lugar na dinaraanan dahil bukod sa madilim na, pagod din siya sa pakikipag-usap sa mga bisita. Ang isa pang kinaiinsulto niya, parang wala lang kay Lucas ang lahat. Iyon ba talaga ang marriage na gusto niya? Ganoong buhay may asawa ba talaga ang papasanin niya hangga
KISS THE BRIDELimitado ang galaw ni Beatrice. Mahigpit ang security sa paligid ng kanilang bahay. Pinagbawalan na rin siyang umalis nang walang kasamang bodyguard. Kung kaya imbes na pumunta na lang ng salon, naghire siya ng private stylist.“Should I dye my hair? Which do you think is bagay kaya?” maarteng untag ni Beatrice. Hindi na yata nito mabitiwang catalog. Nakapulupot ang white towel sa kaniyang ulo at tanging pink na roba ang suot. Maliwanag ang separate na dressing room ng bahay sa ikalawang palapag. Nakaharap siya sa salamin. “Tingin mo? Lumilitaw ba ang pores ko?”“Hmm, mas highlighted po ang skin niyo sa itim na buhok. Ang ganda-ganda, shiny at natural, madame!” komento ng gay hair stylist. “Normal lang po ang ma-anxious kapag malapit na ang kasal.”Naisara ni Beatrice ang katalog. Tinignan nito ang repleksyon nila sa salamin. “I’m not anxious.” Pumirmi siya ng upo.“Excited po?” anang stylist.“Nah, I’m not!”Napansin ng stylist ang pagtataas niya ng boses kung kaya nan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments