"Huwag kang magpakatanga sa taong sinasayang ka." Agad naman akong napatingin sa butler namin ng magsalita ito.
Si Butler Seian. Matagal ko na syang Butler at ngayon ko lang ulit sya nakita dahil sa pinagleave ko sya nung makapag-asawa ako. Napatawa naman ako sinabi niya. Walang kaso sa akin ang mga salitang binitawan niya dahil sinabi ko sa kanyang tratuhin ako na parang kaibigan nalang din. Pero masakit talaga ang sinabi niya. "You know, I can call myself as an Unwanted Bride." Biglang saad ko. Napatingin naman sila sa akin. Silang dalawa ni Papa na katabi ko. "Una palang anak pigil na ako sa nais mo but the moment that I saw your beautiful smile nawala ang tutol sa sistema ko." Biglang sabi ni Papa habang nanatiling tahimik ang isang katabi ko. Hindi na ulit ako nakangiti nang kagaya ng ngiti ko kapag nakakasama ko si Drake simula ng mawala ang mama ko. She died because of heart disease. At baka namana ko ito sa kanya. "D-Dad, nakarating ba talaga sa kanila ang balitang patay na ako?." Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Yes anak." sagot niya at tinawag ang isang stuff na nandito. Napahawak ako sa puso ko ng makaramdam ako ng kaunting kirot. Nag-aalalang tumingin sa akin si Seian ngunit sinabihan ko syang okay lang ako. Desisyon ni Papa na ibalita sa kanilang patay na ako kasabay ang pagsasawalang bisa ng kasal namin. Aaminin kong halos ikamatay ko ang araw na sinang-ayunan ko ang mga desisyon ni Papa, ilang beses pa akong puntahan ng doctor dahil sa halos mag agaw buhay na ako. Pero ng sinabi ni Papa na nakita niya si Drake at Joy sa Mall at bumibili ng laruang pambata ay nakabuo ako ng desisyon dahil sa sakit na nadarama ko ng araw na 'yun. Hindi man lang sya dumalaw sa akin habang nasa hospital ako. Pinahid ko ang luhang kumawala sa pisnge ko. This will be my last tears. "Sa Spain anak find your new man." Biglang saad ni Papa at binigyan ako ng tubig. Tinanggap ko iyon at hindi pinansin ang mga sinabi niya. "Pa, alam ko sa sarili kong hindi ko kayang umibig muli." Sabi ko sa isip ko. Kung hahanapin mo sana ako Drake. "Hija, love is everywhere hindi sa iisang tao lang. "Miss boss wake up, andito na tayo." Napamulat ako ng maramdamang may tumatapik sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko ay nakasalubong ko ang itim na itim na mata ni Seian. "Your father is waiting outside Miss boss." Napatingin naman ako sa labas. Nakita ko si Papa na kausap si Doc. Kailangang sumama ng private doctor ko dahil gusto ni Papa na sya mismo ang mag opera sa akin. Nakatulog pala ako at hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami. Bumalik na naman ako sa lugar kung saan hindi ko inaasahang babalikan ko pa. I missed my mom so much. Tumayo na ako, agad-agad naman akong inalalayan ni Seian. Mukhang napansin ni Papa at ni Doc na gising na ako, kaya agad-agad din silang pumunta sa gawi ko at sabay-sabay akong tinulungan. Nang makatayo na ako at hahakbang na sana pababa ng plane ng may naalala ako. Kamusta na kaya sya? Sigurado ako ngayong oras papasok na yun sa trabaho. Umaga na doon panigurado. Sana naman kumain muna sya, hindi pa din naman yun marunong magtali ng neck tie niya. "Anak?" Napabaling ang atensyon ko kay Papa dahil sa pagtawag niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Marahil nag-aalala sila dahil baka sumasakit na naman ang puso ko. Well masakit naman talaga sya, hindi lang dahil sa sakit ko kundi sa pag iisip sa taong Mahal ko. I miss you Drake so much. Agad nila akong ipinasok sa kotse. Humiwalay ng sasakyan si Papa dahil may dadaanan pa daw sya. Kasama ko naman si Doc at Seian, kaya alam kong ligtas pa din ako. Mas pinilit kong alisin na lamang muna sa isip ko si Drake, dahil baka hindi na ako abutan ng bukas. "Okay na po ba kayo dyan Miss boss?" Napatango naman ako sa tanong ni Seian. Nakaupo sya sa harapan dahil sya mismo ang magdadrive at ako naman ay nasa likod. Hindi pa nakapasok si Doc dahil may inaayos pa siya na gamit sa likod. Matagal ko na siyang doctor at halos kaedad ko lang sya, twenty-four palang ako at ang bata din tingnan ni Doc, balita ko ay wala padin siyang asawa. Mga ilang minuto lang ay pumasok na din sya, umupo sya sa front seat, sa tabi ni Seian. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil mas pinipiling iba ang isipin ng utak ko. Nauna na si Papa. Akmang ihihiga ko ang sarili ko sa upuan dahil na aadjust naman ito ng biglang dumukwang sa akin mula sa harap si Doc. "Let me help you." Nakangiti niyang saad. Hindi ako pumayag na tulungan niya ako dahil mahirap iyun, nasa likod ako at nasa harap sya, malayo para abutin. Total kaya ko naman. Pero matigas din ang ulo niya at mas tinulungan ako. Maya maya lang ay pinipilit niyang abutin ang nasa ibaba ng upuan ko. May bottons doon, nahihirapan syang abutin. Maayos na ang pwesto ko pero hindi ko alam at bakit may inaabot pa sya doon sa baba. Akmang tutulungan ko na siya ng hindi sinasadyang umatras ang sandalan ng upuan na kinakapitan niya agad akong nabahala dahil masusubsob siya sa sahig mismo ng kotse pero bago paman mangyari iyon ay nahila agad siya ni Seian at ang ending nito ay.. Nalanding si Doc sa kandungan ni Seian at nakakandong na ngayon sa kandungan niya. Natulala pa ako sa una dahil natulala din sila pero kalaunan ay nahimasmasan din ako. Magpapasalamat na din sana ako sa ginawa ni Seian ng mapansin kong walang kibo silang dalawa habang nakatingin sa isat-isa. Napakunot ang noo ko dahil sa inaasta nila, nakaupo padin si Doc sa kandungan ni Seian. Sisitahin ko na sana sila ng makita kong nagtataas-baba ang adams apple ni Seian. Tanda na napapalunok siya. Nanatili akong nakatitig sa kanila habang may lumalarong kalukuhang scenario sa isipan ko. Ano ba to, ang lalaking tao eh. "Ehem." Tumikhim ako, doon lang ata sila natauhan at umalis agad si Doc at agad na umupo sa dating upuan nya. "L-Let's go." Madiing saad ni Butler Seian. Napangiti naman ako ng kaunti. Ngayon ko lang ata nakitang ganun si Seian, nauutal. Kinapa-kapa ko ang daliri ko dahil may maluwag na bagay dito. Nang itaas ko ito ay nakita ko ang singsing namin. Mapait na naman akong napangiti. Hindi ka naman maluwag dati ah, pati ba naman ikaw gustong kumawala sa hawak ko?"Gusto niyang hanapin ko kayo...ang pamilya niya, at sabihing namuhay sya sa m-maikling panahon. Sinubukan ko kahit pangalan at apelyido niya lang ang gamit ko." humugot sya ng malalim na hininga. "N-Nahirapan ako at ngayon ko lang nalaman dahil tanging yun lang ang alam nya, ang pangalan niya." Pumatak ang luha sa mga mata niya at sa tuwing pupunasan niya ito ay meron na namang susunod. Ramdam ko ang bawat sakit, lungkot at pangungulila sa bawat salitang binitawan niya, sa bawat boses na naririnig ko sa kanya. "Sobrang mahal ko ang Kuya mo, Chase, kaya ginawa k-ko lahat para...p-para mahanap kayong pamilya niya. At...ikaw lang pala ang magiging daan para magawa ko yun, Claire." Nanlalabo ang matang nagtagpo ang tingin naming dalawa at hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang damdaming nararamdaman ko ngayon! Hinarap nito si Joy. "Ngayon sa tingin mo, s-sa tingin mo...ate, ha! Sino ang dahilan?" tanong nito sa kapatid. Mapangutyang tiningnan nito si Joy. "Huwag kang magsalita na
Masakit, masakit na marinig kay Allison yun lalo na't alam kong mahal niya ang Kuya ni Chase na walang ibang minahal kundi si Joy, ang ate niya. Sumulyap ako kay Chase at kita ko ang sakit sa mukha niya, sa bawat salitang naririnig niya mula kay Allison. "W-What?.." naguguluhang sambit ni Joy. Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa mga narinig maging si Chase ay napapailing na hindi makapaniwala sa napapakinggan. Alam kong mabigat sa kanya ito, ang malaman ang katotohanan sa ibang tao. "Kayo ni Drake noon pero may nangyayari sa inyo ni Chris...mahal ka nya ate, mahal ka ng taong mahal ko! At alam mo yun!" Hinarap niya ang katabi ko. "Inampon ng tita ko si Chris nang makita sya nito sa kalsada, walang malay, may sugat sa ulo at nang magising walang ibang alam kundi ang tanging pangalan at apelyido niya. Sabay kaming lumaki hanggang sa sabay kaming lumipat dito sa manila at nakilala niya ang half sister ko." pagtukoy nito kay Joy. "Mahal ko na sya nang panahon na yun pero ib
Tumagos sa puso ko ang sinabi niya at muli...sinisi ko na naman ang sarili ko. "Bakit? Nakalimutan mo na ba na ang babaeng yan ang dahilan kung bakit hindi mo na makikita pa ang Kuya mo?" "Ate!" Kumuyom ang kamao ko sa narinig at para bang sinipa lahat ng lakas ko nang maramdaman kong binitawan ni Chase ang kamay ko. "Bakit ko nagawa yun? Why did I do all that, Claire? Because I'm jealous! I'm jealous of you! You're rich, you have money, samantalang ako wala!" puno ng hinanagpis niyang saad. "I first saw and met Drake when we were kids, I wanted to be friends with him, but he chose to approach you first! And if I didn't befriend you, I wouldn't have been able to get close to him." sumbat niya sa harapan ko. I wished I'm hearing it all wrong. Inggit? Sa loob ng mga panahong pinagsamahan namin ay hindi ko naisip yun, at kahit pa ngayong malalaki na kami. "You fucking have it all, Claire! Beauty, money, and him. And yes, I considered you as a friend for a short time, but it wasn't
Hawak nya ang kamay ko habang palabas kami ng kwarto, naririnig namin ang iyak ni Zaya kaya dumiretso kami pababa ng hagdan dahil nagmumula ito sa sala. Nakasunod lang ako kay Drake at nakayuko dahil tinitingnan ko ang hagdang nilalakaran ko nang bigla syang mapatigil saktong nakababa kami sa hagdan. Napakunot noo ako dahil hindi sya naglakad ulit at humigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya hindi inaalis ang tingin sa kanya ay lumipat ako sa gilid niya. "Chase?" pagtawag ko pero wala sa akin ang atensyon niya at nasa unahan. "Finally!" Nakarinig ako ng palakpak, kusang pumihit ang katawan ko paharap. Then...I saw her. "The one who ruined everything." matigas nitong saad. "Joy..." "Wow! Gulat na gulat ka ata?" Nakatayo sya sa harapan ko ngayon, maayos pero napansin kong parang may nagbago sa kanya at hindi ko lang yun maipaliwanag. "Ilayo mo nga sakin ang batang yan!" "Don't you fucking dare hurt her!" galit na sigaw ni Chase sa gilid ko nang winaksi ni Joy si
Umiling ako. Ngayong gumulo ang utak ko ay hindi ko alam kung sino ba ang dapat paghinalaan. "W-Wala akong ginawa..." pangungumbinsi ko sa kanya. "I know, baby. But I have...someone in mind." Gulat akong napatingin sa kanya. "S-Sino?" Bumuntong-hininga sya at sumubsob sa tyan ko, pinulupot ang mga kamay sa bewang ko, kusang bumalik sa paghaplos ng buhok nya ang kamay ko. Siguro kung wala akong ibang iniisip ay matutuwa ako, pero ngayon, hindi. "I'll take care of that, baby." Muling umangat ang tingin nito saakin. "But for now, you need to answer your Manager's email, I'm sorry nakita ko sa notification mo." he said before giving me the phone. Umupo ako sa tabi niya at kinuha yun sa kamay nya. He looked at me intently. Ngayon lang nagkasignal at alam kong galit na sa akin ang manager ko at hindi nga ako nagkamali ng mabasa ang sunod-sunod na reklamo nya, kesyo nasaan na daw ako. Hindi ko maiwasang malungkot habang nagtitipa ng mensahe. I loved my job so much but now I needed t
Nakakaramdam na din ako ng gutom lalo na sa naaamoy kong fried rice ni Tita Alma, pinigil ko lang talaga ang sarili ko dahil gusto kong makasabay si Chase. Bumalik ako sa kwarto para gisingin sya, hinahaplos ko pa ang tyan ko dahil nagugutom na talaga ako. Maliit pa man at halos hindi pa halata pero pakiramdam ko malaki na sya sa loob ng tyan ko. Hindi pa din ako makapaniwala na nakabuo agad kami, talagang tinotoo nga ni Chase ang sinabi niya. Hindi ko din naisip na baka buntis ako noong hindi ako dinatnan, ang buong akala ko ay delayed lang ako pero buntis na pala. Pumasok ako ng dire-diretso sa kwarto nang bigla akong napatigil sa kinatatayuan. Hawak ni Chase ang cellphone ko habang nakatayo sa gilid ng kama, tabi ng bedside table dahil doon ko yun nailapag kagabi. "C-Chase..." pagkuha ko ng atensyon nya. Maliit akong humakbang palapit sa kanya pero agad na naman akong napatigil nang humarap saakin ang hindi niya maipintang mukha. I suddenly felt a lump in my throat. What h