Home / Romance / Valentina: The Unwanted Wife / Chapter Four- Thailand-Honeymoon

Share

Chapter Four- Thailand-Honeymoon

last update Last Updated: 2025-09-24 11:48:00

"Here's water, drink this." si Aekim sabay painom sa akin ng tubig na hawak nito. Agad ko naman kinuha ang baso sa kamay nito. Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan ng dumaloy na sa lalamunan ko ang malamig na likido. Napahinga ako ng malalim bago tumingin kay Aekim at nagpasalamat.

"Thanks."

Kapag nasa harap namin si Nana, kunawari ay maalaga ito.

Hindi na sumagot sa akin si Aekim, kinuha nito ang baso sa kamay ko at dinala inilapag ito sa bedside table ni Nana Lilia.

"Nana, we need to go na po. Dumaan lang talaga kami dito sa iyo para pagpaalam. Tutulak na kami ni Valentina papunta ng Thailand."

"S-sige. Mag-ingat kayong dalawa doon. Lagi ninyong bantayan ang isa't-isa, dayo lang kayo doon." bilin ni Nana Lilia sa amin saka hinawakan ang aming kamay ni Aekim at pinaghugpong.

"Dalhin ninyo ang basbas ko kahit saan kayo pumunta. Magmahalan kayong dalawa." si Nana Lilia.

Dahil sa sinabi ni Nana bigla naman namuo ang mga luha sa aking mga mata. Ayoko talaga ng ganito. Hindi ko kaya. Sa mga pinagsasabi pa lang ni Nana nadudurog na ako, paano pa kaya kung mawawala na siya? Kung p'wede lang huwag mamatay. Ang kaso hindi Goblin si Nana para mabuhay ng libo-libong taon.

"Don't worry about us, Nana; worry about yourself. Huwag kang mamatay agad, ha. Hintayin mo kami ni Aekim." wika saka idinantay ko ang pisngi ko sa palad ni Nana.

"I can't promise, hija." sagot naman sa akin ni Nana. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Aekim kasabay ng pagtayo nito at bahagyang paglayo sa amin ni Nana. Alam kong nasasaktan din ito. Hindi man ito umiiyak sa harap ni Nana pero alam kong apektado din ito. He's Nana's favorite grandchild and, Nana is his favorite grandmother.

Bahagyang tumalikod sa amin ni Nana si Aekim at alam namin pareho ni Nana Lilia na tahimik itong umiiyak. At ayaw lang nito ipakita sa Lola niya.

Tumayo ako saka humawak sa kaliwang kamay ni Aekim na nasa beywang nito. Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang namumula nitong mga mata. Marahan kong pinisil ang kamay nito. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako na handa siyang tulungan at damayan. Hindi bilang asawa kundi bilang isang kaibigan at parehong nagmamahal kay Nana Lilia.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid saka tinaponan ng tingin si Nana. Alam kong apektado din si Nana ngunit pinili nitong itago iyon. Pero kapag sinusumpong siya ng sakit niya sumisigaw din ito sa sakit at hindi umiiyak. Kami na nakakita ang nasasaktan at umiiyak para sa kanya. Kami na nagmamahal sa kanya ang nahihirapan at hindi matiis ang sakit. Kapag gano'n na ang nangyayari kay umaalis na ako saka umiiyak nang umiiyak sa labas. Iyong malayo kay Nana at hindi niya maririnig ang atungal ko.

Tumingin ako sa direksiyon ni Nana Lilia at nakita kong nakapikit ang mga mata nito. Alam kong nakikiramdam lang iti sa amin ni Aekim. Alam kong nahihirapan din siya ng makita ang apo niyang nahihirapan.

"We'll be leaving, Nana." wika ko kay Nana ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata. "We love you, Nana." pahabol kong wika saka tuluyan na namin nilisan ang kuwarto niya. Habang si Aekim ay tahimik lang at nagpapatianod sa bawat hatak ko sa kanya.

"Just tell me if you need a friend." mahina kong wika saka lumayo sa tabi nito at dumiretso sa kuwarto ko para kunin ang mga gamit ko. Kailangan na namin na makaalis papuntang NAIA.

________

Where are we, Aekim?" baling kong tanong kay Aekim habang naglalakad paakyat ng eroplano.

“Papuntang impyerno.”

“I am serious, Aekim.”

"First class.” pagalit na sagot nito sa akin sabay tapon ng matalim na tingin.

"Saan 'yon banda?"

“Saan banda? Kapag may makita kang pinto mamaya habang nasa ere tayo, buksan mo tapos tumalon ka. Mahahanap mo kaagad ‘yon.” pabalang na sagot sa akin ni Aekim. “Just don't ask, let the stewardess lead our way, idiot.” sagot sa akin ni Aekim na nagtitimpi ang boses. Tanging tango nalang ang itunugon ko sa kanya dahil galit na kaagad sa akin dahil sa tanong ko sa kanya. Tsk.

"Umakyat na kami sa hagdan ng eroplano habang ang dalawang stewardess ay nakatayo sa makabilang gilid ng nakabukas na pinto ng eroplano. Habang naghihintay sa paglapit namin sa kanila para ma-assist kami.

"Good afternoon, Ma'am and Sir." nakangiting bati ng mga ito sa amin. Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Aekim habang ako naman ay todo ang mga ngiti sa mga nagagandahang dilag na nasa harapan ko. They are very pretty with height. Gusto ko rin dati maging Flight Attendant kaso nagbago ang isip ko naging Police ngunit pagdating ko mg College naging Interior design ang major at sa huli nag-shift.

Marami talaga akong gusto dati at ayon na nga ang ending naging sunud-sunuran na kay Aekim. Dinaig ko pa ang isang detective, intelligence at security guard. Nang dahil kay Aekim. Nagiging Nanny, maid at ngayo asawa. Asawa na hindi magawang mahalin.

"Dito na po kayo, Ma’am, Sir." maya-maya ay sabi ng stewardess sa amin.

"Salamat." si Aekim.

"Thank you, Miss." nakangiti kong wika sa babae saka umupo na leather na upuan. Ang ganda dito at ang bango pa.

"You're welcome po, Ma'am, Sir. Tawagin niyo na lang po kami kapag may kailangan po kayo."

"Yes, we will." sagot naman ni Aekim saka umupo na din sa upuan na nasa tabi ko. Pagkaupo nito agad din nitong ipinikit ang kaniyang mga mata at tila wala nang pakialam sa akin. Ang ginawa ko ay ginaya ko nalang ang ginawa niya at nagkunwaring tulog. Ngunit ilang minuto pa lang akong nakapikit ay nagising ako dahil sa boses ng mga stewardess habang tulak-tulak ng mga ito ang food cart. Nakapatong sa ibabaw niyon ang pagkain at isang bote white wine na nakalubog sa yelo.

"Here's your food and drink, Ma'am, Sir. Enjoy!”

Napatingin ako kay Aekim na ngayon ay inaayos ang foldable table na nasa harap na namin ngayon. First class is the epitome of luxury travel, gourmet cuisine, and capacious space to stretch out and relax.

_______

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pagkatapos kong kumain kanina. Sa loob ng tatlong oras at bente minutos siguro may dalawang oras din akong nakatulog. Tinulogan ko si Aekim. Mabuti nalang at ginising ako nito ng makalapag na ang eroplano dito sa Suvarnabhumi International Airport.

"Bangkok, here I am, iikotin kita kahit ako lang mag-isa." ani ko sa isip ko na may malaking nakangiti habang pababa ng eroplano.

At nang makalabas na kami airport nag-abang kami ng taxi papuntang Hotel kung saan mamalagi kami ng limang araw.

________

One room with two beds ang pinabook ni Mama Lala, mabuti naman at alam nito na hindi kami in good terms ni Aekim

At hindi kami p'wedeng magsama sa iisang higaan. Baka mabalian pa ako ni Aekim ng buto nang wala sa oras. Tsk.

"Saan ka, dito sa kaliwa o kanan?" tanong nito habang sa akin nakatingin.

"Kahit saan. Ikaw na ang mamili." sagot ko naman sa kanya.

Mabilis nitong pinili ang sa kanan kung saan ang City lights habang ako naman ako tanging dingding lang ang matatanaw.

"Gentleman talaga." wika sa utak ko sabay patayo sq gilid nang puting suit case na may black cover na hatak-hatak ko.

Dahil sa inaantaok pa ako mas pinili ko ang matulog kaysa maligo. Mamaya na ako maligo kagagalibg ko lang sa biyahe at wala akong balak na mapasma.

"Hindi ka ba mag-hot shower?"

"Later. Inaantaok pa ako."

"Hindi ka sanay sa biyahe?"

"Parang gano'n na nga, kaya nga ayokong pumunta ng Spain."

"Tsk. Duwag."

"I'm just scared."

"Tsk. Face your fear. Ikaw lang ang kilala kong disperada na matatakotin.”

"Not now, Aekim. Please lang. Baka kapag sumakay ako ng eroplano papuntang Spain makalilimutan kita." sagot ko sa kanya saka padapang humiga sa ibabaw ng kama.

Hindi na ako sinagot ni Aekim at ang paghubad ng sapatos nito ang ginawa. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa isang pinto at pumasok sa loob niyon.

"Ah, iyon na siguro ang banyo." usal ko saka pumikit.

___________

Hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko lang ay nagising ako sa malakas na kalabog. Napatingin ako sa direksiyon kung saan narinig ko ang kalabog, Iyon pala ay sinadyang tinumba ni Aekim ang suit case kong nanahimik sa tabi.

"What are you doing?" papungas-pungas kong tanong dito.

"Kasalanan mo 'yan, ang hirap mo kasing gisingin. Tulog mantika." inis na sagot sa akin ni Aekim sabay sipa ng suit case ko palapit sa akin.

"Masisira ang maleta ko." wika ko sabay bangon at kinuha ang maleta kong nakahandusay sa sahig.

"E di bumili ka kapag nasira."

"Ang sungit." bulong ko habang pinapagpagan ang maleta ko.

"Tsk. Get up and let's eat."

"Saan tayo kakain?"

"Sa banyo, gusto mo?"

"Nagtatanong ako ng maayos e."

"Sa tingin mo saan tayo kakain?"

"Sa restaurant?"

"Bingo! Akala ko magiging bobo ka pa rin."

Sinamaan ko ng tingin si Aekim dahil sa pagsusungit nito sa akin. Ang utak talaga nito kadalasan tagtuyot. Nakakainis.

"Bilisan mo na diyan at gutom na ako. Alas otso na kaya."

"Oo na po." sagot ko saka tumayo na. Binuksan ko ang aking maleta saka kumuha ng isang black faded jeans with a white crop top with no sleeves. There are three buttons on the chest. Humugot din ako ng isang white cotton cardigan bago ako pumasok sa shower room.

It took me ten minutes bago ako lumabas sa shower room habang. Nakita ko si Aekim na busy sa kaka-scroll sa cellphone nito. At sinamantala ko iton para makabihis na hindi siya nagre-reklamo.

Nasa pagsusuot na ako ng crop top ko ng bigla nalang nasabit ang buhok kong walang suklay sa botones ng damit ko. Kaya imbes na maipasok ko ng maayos ang ulo ko sa butas ay aray naman ako nang aray. Nasa bang bunbunan ko pa naman nasabit at natakpan ang mga mata ko.

"Aekim, I need your help." baling ko kay Aekim ngunit hindi ko siya makita. Wala akong narinig na ingay kaya muli kong tinawag si Aekim.

"Aekim, please help me. I don't know how to get my hair out of the bottles. I can't see it either. Hurry up, please."

Narinig ko ang pagdabog nito at ang mabibigat na hakbang palapit sa akin. Hindi ako mahihiya sa kanya dahil nakabalot naman sa katawan ko ang tuwalya at may suot na din akong pantalon at bra.

"What are you doing to yourself, Valentina?" tanong nito sa akin saka pahaltak na kinuha nito iniangat nito ang damit palayo sa ulo ko. Kasabay ng pahaltak niya ng damit ko ang pagkabunot ng ilang hibla ng buhok ko at pagtalsik ng isang botones mula sa damit ko.

Dahil sa sakit hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Nakakainis ka! Kaya nga ako nagpatulong sayo e." nagpupunas ng luha kong wika kay Aekim. "Tapos bigla-bigla mo na lang hatakin. Sa’yo ko kaya gawin iyon?"

"Kasalanan mo 'yan dahil hindi mo sinabi sa akin. Ang akala ko nagpapatulong ka na maipasok ang ulo mo. Hindi mo sinabi na tanggalin sa pagkabuhol." pangatuwiran nito.

"Kahit na."

"It's not my fault, Valentina."

"I hate you!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty-Six- Wrong Information

    Dahil sa paghihintay namin sa panibagong update tungkol sa asawa ko, um-order na lang kami ng take-out foods ni Benny for lunch. Minsan sa Canteen ng Emperio ako kumakain pero sa ngayon, dito na lang sa loob ng opisina ko. Kailangan kapag nag-update ang private investigator ni Benny ay nandito ako. At para malaman ko kaagad kung ang asawa ko nga ba talaga ang nakita nito sa Bulacan."Wala pa bang balita, Bro?" tanong ko ulit kay Benny. Halos minu-minuto akong nagtatanong sa kaibigan ko. Hindi na kasi ako makapaghintay pa. Matagal na nang nawawala ang asawa ko at ubos na ang pasensiya ko sa paghahanap. Gusto ko na siya makita. Miss na miss ko na siya. Parang awa naman. "Wala pa, Bro, e." sagot sa akin ni Benny na nawawalan na din nang pasensiya sa paghihintay. Kinuha ni Benny ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa at nagtipa. Maya-maya at nag-send ito ng voice message sa private investigator niya. "Tony, within an hour dapat may full update ka na tungkol kay Mrs. Melicio.

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty Five- Information

    "BRO, may nakita ang isa kong PA na kamukha ng asawa mo sa Bulacan." balita sa akin ni Benny. Humahangos pa itong pumasok sa opisina ko. Hindi na nga nito nakuhang kumatok. At hindi nito alintana na nasa gitna ako ng meeting with heads of all departments. May kailangan kasi kaming baguhin sa KPI namin per department. Dahil may mga department na hindi nila nagagawa at nakakamit ang nasa KPI namin.Ako naman, dahil sa sinabi nito ay mabilis akong tumayo. Ngunit agad ding napahinto dahil nga nasa gitna kami ng meeting. Muli akong umupo at saka sinenyasan na umupo muna sa sofa si Benny. Nang makaupo na ito ay muli akong humarap sa mga tauhan ko na nakatingin sa akin. “Lahat nang mga kailangan bagohin, bagohin na. Lahat ng Departments ay makipag-coordinate kayo sa akin after matapos ninyong i-revise ang KPI ninyo. Kailangan natin maabot ang mga KPI natin, kapag hindi natin iyon maabot, ibig sabihin may mga mali tayong ginagawa.” mahabang wika ko habang tinitingnan isa-isa ang mga mukha ng

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty-Four- Benny

    "BEN, wala pa rin bang report tumgkol sa asawa ko?" tanong ko sa kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa opisina ko at pinag-uusapan ang paghahanap kay Valentina. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng pinahanap ko ang asawa ko at hanggang ngayon wala pa ring update. Walang progress."Sorry, Bro, pero ang sabi ng private investigator wala pa siyang lead." sagot nito sa akin. "Puwede bang pagalawin mo lahat ng mga tao mo. Masyado kasing mabagal mag-trabaho. Ginagawa ba nila talaga ang trabaho nila?" galit na tanong ko habang mahigpit na naka-kuyom ang kamao. "Of course, Bro. Naka-monitor sila sa akin at ginagawa nila ang trabaho nila. Kumalma ka nga muna, Bro." wika sa akin ni Benny at tinapik ako sa balikat. "Huwag mo naman pahirapan ang mga tao ko, Bro. Tao din sila, kailangan din nila nang pahinga." "Matagal ng nawawala ang asawa ko, Bro. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Paano ako kakalma?" "Alam ko naman, Bro, pero isipin mo din na tinago siya ng pamilya niya. Ibig sabihin

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty- Three- Pag-uusap

    "KUMUSTA ang pagpunta mo kay Dr. Romero, Anak? May improvement ba?" tanong sa akin ni Mama Lala ng pumasok ito sa opisina ko. Hindi na ako nagulat pa na nandito si Mama. Palagi itong pumupunta simula ng may nangyari sa akin at nagka-amnesia. Umupo si Mama sa sofa at inilapag ang bitbit nitong black prada tote bag.“Okay lang naman, Ma. Walang pagbabago.” sagot ko habang nakatitig kay Mama. Medyo lumalim ang mukha nito. Nangayayat si Mama.Marami kasi akong nakalimutan at si Mama Lala lang ang nakaka-alam. Noong nakaratay pa ako sa hospital namatay din ang aking ama, isa din iyon sa dahilan kung bakit pinipili ko ang manahimik. Sobra-sobra na ang pinagdaanan nj Mama Lala at ayoko nang dagdagan pa. Hindi ko nga alam kung paano nakaya ni Mama Lala ang lahat. Kaya nga siguro masyado itong tahimik ngayon. Hindi na ito masyado nagsasalita kahit sa bahay, ito na mismo minsan ang gumagawa. Marami na ang nagbago sa bahay pati kay Mama at kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako nagi

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty-Two- Checkup

    UMALIS si Mama Lala pagkatapos namin kumain. Lihim na pinasundan ko sa Mama Lala sa na-hire na Benny na Private Investigator. Mabuti na lang isa iyon sa mga negosyo ng pamilya nito. Pamilya kasi nito ang may-ari ng The Trackers Services. Hindi man ito nangunguna sa bansa, at least kasama sila sa Top five. At ako naman ay pumunta sa aking doctor. Kailangan kong pakiramdaman ang doctor ko kung talagang nagta-trabaho ba ito para kay Mama Lily. Pagdating ko sa clinic ni doctor Romero kaagad nito ang hinarap. Hind na ako pumila pa dahil ako naman ang una sa listahan nito. Naka-base daw ito sa kung sino ang unang nag-book. “Good morning, Doc.” bati ko dito pagka- pasok ko sa loob ng clinic nito. “Good morning, Mr. Melicio. Please sit down.” wika nito saka tinuro ang upuan na nasa harap nito. Umupo ako sa upuan at tumingin nang diretso sa mga mata nito. “I am here for follow-up checkup, Doc.” “Yes, I know. May pagbabago ba sa’yo? Sumasakit ba ang ulo mo lately?” tanong nito

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty- Pretext

    ALAS onse na ng gabi ng makarating ako sa bahay. Walang sumalubong sa akin ni isa, dahil hindi naman ako nagsabi na uuwi ako ngayon. Patay ang lahat nang ilaw mula sa garahe, gazebo, hallway pati sa loob ng bahay. Tulog na ang lahat, ngunit ako pagod. Masama ang loob, masakit ang katawan at puso. Pagod ang katawan biyahe at utak ko, hindi sa kaiisip kundi sa natuklasan ko. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob na ko. Hanggang ngayon hindi ma-process ng utak ko ang lahat. Sari-sari ang emosyon na umakyat ako ng hagdan. Napagod ako sa lahat na nangyayari. Parang bibigay ulit ang katawan ko sa lahat nang ito. Sa tuwing naiisip ko ang lahat sumisikip ang dibdib ko at gusto ko na lang matulog. Matulog nang matulog hanggang sa wala na akong maramdaman. ‘Kung puwede lang sana ang gano’n. wika ko sa isip ko.Umakyat na ako sa aking silid saka nagpahinga nang kaunti bago pumasok sa banyo para mag-half bath. Sa pagmamadali kong umuwi hindi ko na, natawagan si Benny. Hindi ko na nasabihan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status