Home / Romance / Valentina: The Unwanted Wife / Chapter Three- Aekim and Leona

Share

Chapter Three- Aekim and Leona

last update Last Updated: 2025-09-24 11:28:00

Hindi kami umalis para mag-honeymoon kahit pinipilit kami ni Nana. Ayaw ko umalis dahil natatakot akong mawala si Nana na wala ako sa tabi niya. Lahat kami ay siya ang inaalala.

Lumabas ako nang kuwarto para hanapin si Aekim. Alam kong kasama niya ang dalawa niyang kaibigan sa gazebo at umiinom. Malayo pa lang ako naririnig ko na ang kanilang tawanan ngunit maya-maya lang ay biglang nawala ang halakhakan. Biglang tumahimik.

"Alam kaya nila na papalapit ako sa kanila?" tanong ko sa isip ko habang nagpatuloy sa paglalakad. Gabi na kaya madilim ang daanan at hindi nila ako makikita dahil hindi naka-sindi ang ilaw.

"Bakit ka pumayag na magpakasal, Pare?" tanong ng isang kaibigan ni Aekim na siyang nagpatigil sa akin. Napatayo ako nang tuwid habang naghihintay ng sagot.

"No choice." sagot ni Aekim na naghatid sakit sa aking puso. Alam ko naman e, matagal ko nang alam. Bakit masakit?

"Anong no choice? May choicr ka pare. Bakit mo ibilanggo ang sarili mo sa taong hindi mo mahal? Naiinis talaga ako sa aso mo na 'yon."

Lalong nagdagdagan ang sakit ng puso ko dahil sa tawag sa akin ni Alfred. Aso.

"Sana pinalitan na lang natin ang bride kanina." wika ni Benny na siyang mas malapit kay Aekim.

"Malalaman nila. Alam niyo naman na halos dito na 'yon tumitira. Sa kapal ba naman ng mukha." galit na wika ni Aekim at naglagay ng alak sa baso.

"Sabagay. Sa dinami-dami ng babaeng nakilala ko, dito lang ako kay Valentina namangha." si Alfred.

"Namangha ka pa talaga sa babaeng iyon." Halos sabay na wila ni Aekim at Benny.

"Kasi nga makapal ang mukha at walanghiya. Saan kaya siya humuhugot nang lakas ng loob para sundan ka araw-araw? Mantakin mo, walang tigil, walang absent. Naghahatid pa nang pagkain, sa basurahan lang naman ang punta."

"Tawagan mo nga si Leona, Alfred, papuntahin mo dito." si Benny.

Nagulat ako sa sinabi ni Benny kay Alfred. Muntik na ako matumba mula sa kinatatayuan ko. Katatapos lang ng kasal namin tapos papupuntahin nila si Leona? Alam ko na kinamumuhian nila ako, pero sana respetohin naman nila ang kasal ko.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ni Leona. Tinawagan nga nila ito at mabilis din sinagot ng babae.

"Punta ka dito kina Aekim." si Benny.

"Okay! Just give me twenty minutes." sagot ni Leona na kinikilig pa ang boses. Hindi man lang ito, umayaw. Pati si Aekim hindi man lang sinaway ang mga kaibigan.

"Pwede naman na kayo ni Leona ang magpu-pulot-gata sa gabi ito, Pare." tumatawa na wila ni Alfred at sinundan naman ng tawa ni Benny. Gusto talaga nila si Leona kaysa akin.

Hilam sa luha ang mga matang umalis ako sa kinatatayuan ko at dumiretso sa kuwarto ni Nana.

————

Nagising ako dahil nakaramdam ako sa kalam ng sikmura. Una kong tiningnan si Nana at nang masiguro kong maayos lang ito saka ako tumingin sa digital clock na nasa dingding. Alas dos ng madaling araw.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit sa nakasarang pinto, binuksan ko ito saka lumabas. Maingat akong naglakad palapit sa kusina ngunit bago pa man ako makalapit ay may naririnig akong ungol.

"Aahh! Aekim. Shit!”

Parang tinambol ang aking puso dahil kilala ko ang boses na iyon. Biglang namanhid ang aking buong katawan at ang kaninang gutom na naramdaman ko ay nawala.

"Aahh! Nakikiliti ako, Babe." halinghing ni Leona na akala mo kinakain. “Kasal mo ngayon, pero nandito ka sa akin. Hindi ba siya masarap?” tanong ni Leona kay Aekim at saka tumawa.

"You're my favorite appetizer." humihingal na wika naman ni Aekim.

"Aaah! Dahan-dahan lang. Ahh!" si Leona.

“I can’t”.

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Umiiyak na tinakpan ko ang aking dalawang tainga at nagmamadaling umalis. Dahil hindi ko kaya ang akong narinig. How much more kung nakikita ko silang dalawa na magkapatong? Tumakbo ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa isang bakanteng kuwarto sa pinakdulo. Dahil walang tao doon, walang may makarinig sa akin.

"Dapat tayo ang magkasama ngayon. Dapat tayo ang gumagawa nang gano'n. Unang gabi natin bilang mag-asawa pero sa iba mo ginawa. Sa iba ka tumabi at sumiping." umiiyak kong wika sabay padapa na humiga sa kama.

Umiyak ako nag umiyak habang sinisisi ang sarili. Habang tinatanong kung ano ang kulang? Kung ano ang pangit na dapat bagohin. P'wede ko naman gayahin si Leona, p'wede naman ako maging Leona.

Nagising ako kinabukasan na mugto ang mga mata at walang gana. Ayaw kong makita muna si Aekim pero wala naman akong magawa, nandito kami sa bahay ng mga magulang niya. At isa sa mga rason kung bakit galit na galit sa akin si Aekim at ang mga kaibigan nito. Dahil nandito ako sa bahay nila. Dahil sinisiksik ko ang sarili ko sa pamilyang ito, sa buhay ni Aekim. At higit sa lahat tinaggalan ko siya nang karapatan na mamili ng mapapangasawa.

Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala na on ang aircon kagabi. Ngayon ko lang din napansin na basa na ako ng pawis. Gayunpaman, wala pa rin akong ganang gumalaw. Ayokong tumayo, ayokong lumabas at ayokong makita si Aekim. Baka nga nasa baba pa si Leona.

Muling tumulo ang aking mga luha dahil sa sakit na dulot ng pag-ibig. Kahit na kasal na  ako sa kaniya, pinagkakait pa rin.

Tahimik na umaagos ang mga luha ko sa mga mata nang bigla na lang bumukas ang pinto. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang kumot.

"Here you are, acting like a brokenhearted mutt. As if ikaw ang napilitan sa ating dalawa. Stop acting like a drama queen," galit na wika ni Aekim sa akin. Alam kong hindi ito pumasok dahil wala akong narinig na yabag. And he called me a drama queen. Am I?

Pigil na pigil ang mga luha na umupo sa ibabaw ng kama at tiningnan si Aekim. And there he is, nakasuot ito ng pantulog. At ang pogi nito tingnan, ang linis-linis at palaging fresh. Mabango at sarap gawing unan.

"Hinahanap ka ni Nana. At pwede ba, huwag mo gawing excuse si Nana. Pakiusap lang. Masyado mo ng ginagamit si Nana sa mga personal intention mo."

"Hindi pa kami nagkita ni Nana. Nakita mo naman na nadito ako, diba? Paano ko ginawang excuse si Nana? "

"Hindi pa nga kayo nagkita, but this. This is your game; para paikotin kaming lahat. Can you please stop being a leech?”

Hindi na ako sumagot pa. Umalis ako sa kama at hinayaan si Aekim na nagsasalita.

“This family told me to pack up para sa honeymoon natin sa Thailand. I hate this! Thinking that I married you makes me gag. You’re such a disgrace. I hate you even more, Valentina.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty-Six- Wrong Information

    Dahil sa paghihintay namin sa panibagong update tungkol sa asawa ko, um-order na lang kami ng take-out foods ni Benny for lunch. Minsan sa Canteen ng Emperio ako kumakain pero sa ngayon, dito na lang sa loob ng opisina ko. Kailangan kapag nag-update ang private investigator ni Benny ay nandito ako. At para malaman ko kaagad kung ang asawa ko nga ba talaga ang nakita nito sa Bulacan."Wala pa bang balita, Bro?" tanong ko ulit kay Benny. Halos minu-minuto akong nagtatanong sa kaibigan ko. Hindi na kasi ako makapaghintay pa. Matagal na nang nawawala ang asawa ko at ubos na ang pasensiya ko sa paghahanap. Gusto ko na siya makita. Miss na miss ko na siya. Parang awa naman. "Wala pa, Bro, e." sagot sa akin ni Benny na nawawalan na din nang pasensiya sa paghihintay. Kinuha ni Benny ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa at nagtipa. Maya-maya at nag-send ito ng voice message sa private investigator niya. "Tony, within an hour dapat may full update ka na tungkol kay Mrs. Melicio.

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty Five- Information

    "BRO, may nakita ang isa kong PA na kamukha ng asawa mo sa Bulacan." balita sa akin ni Benny. Humahangos pa itong pumasok sa opisina ko. Hindi na nga nito nakuhang kumatok. At hindi nito alintana na nasa gitna ako ng meeting with heads of all departments. May kailangan kasi kaming baguhin sa KPI namin per department. Dahil may mga department na hindi nila nagagawa at nakakamit ang nasa KPI namin.Ako naman, dahil sa sinabi nito ay mabilis akong tumayo. Ngunit agad ding napahinto dahil nga nasa gitna kami ng meeting. Muli akong umupo at saka sinenyasan na umupo muna sa sofa si Benny. Nang makaupo na ito ay muli akong humarap sa mga tauhan ko na nakatingin sa akin. “Lahat nang mga kailangan bagohin, bagohin na. Lahat ng Departments ay makipag-coordinate kayo sa akin after matapos ninyong i-revise ang KPI ninyo. Kailangan natin maabot ang mga KPI natin, kapag hindi natin iyon maabot, ibig sabihin may mga mali tayong ginagawa.” mahabang wika ko habang tinitingnan isa-isa ang mga mukha ng

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty-Four- Benny

    "BEN, wala pa rin bang report tumgkol sa asawa ko?" tanong ko sa kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa opisina ko at pinag-uusapan ang paghahanap kay Valentina. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng pinahanap ko ang asawa ko at hanggang ngayon wala pa ring update. Walang progress."Sorry, Bro, pero ang sabi ng private investigator wala pa siyang lead." sagot nito sa akin. "Puwede bang pagalawin mo lahat ng mga tao mo. Masyado kasing mabagal mag-trabaho. Ginagawa ba nila talaga ang trabaho nila?" galit na tanong ko habang mahigpit na naka-kuyom ang kamao. "Of course, Bro. Naka-monitor sila sa akin at ginagawa nila ang trabaho nila. Kumalma ka nga muna, Bro." wika sa akin ni Benny at tinapik ako sa balikat. "Huwag mo naman pahirapan ang mga tao ko, Bro. Tao din sila, kailangan din nila nang pahinga." "Matagal ng nawawala ang asawa ko, Bro. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Paano ako kakalma?" "Alam ko naman, Bro, pero isipin mo din na tinago siya ng pamilya niya. Ibig sabihin

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty- Three- Pag-uusap

    "KUMUSTA ang pagpunta mo kay Dr. Romero, Anak? May improvement ba?" tanong sa akin ni Mama Lala ng pumasok ito sa opisina ko. Hindi na ako nagulat pa na nandito si Mama. Palagi itong pumupunta simula ng may nangyari sa akin at nagka-amnesia. Umupo si Mama sa sofa at inilapag ang bitbit nitong black prada tote bag.“Okay lang naman, Ma. Walang pagbabago.” sagot ko habang nakatitig kay Mama. Medyo lumalim ang mukha nito. Nangayayat si Mama.Marami kasi akong nakalimutan at si Mama Lala lang ang nakaka-alam. Noong nakaratay pa ako sa hospital namatay din ang aking ama, isa din iyon sa dahilan kung bakit pinipili ko ang manahimik. Sobra-sobra na ang pinagdaanan nj Mama Lala at ayoko nang dagdagan pa. Hindi ko nga alam kung paano nakaya ni Mama Lala ang lahat. Kaya nga siguro masyado itong tahimik ngayon. Hindi na ito masyado nagsasalita kahit sa bahay, ito na mismo minsan ang gumagawa. Marami na ang nagbago sa bahay pati kay Mama at kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako nagi

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty-Two- Checkup

    UMALIS si Mama Lala pagkatapos namin kumain. Lihim na pinasundan ko sa Mama Lala sa na-hire na Benny na Private Investigator. Mabuti na lang isa iyon sa mga negosyo ng pamilya nito. Pamilya kasi nito ang may-ari ng The Trackers Services. Hindi man ito nangunguna sa bansa, at least kasama sila sa Top five. At ako naman ay pumunta sa aking doctor. Kailangan kong pakiramdaman ang doctor ko kung talagang nagta-trabaho ba ito para kay Mama Lily. Pagdating ko sa clinic ni doctor Romero kaagad nito ang hinarap. Hind na ako pumila pa dahil ako naman ang una sa listahan nito. Naka-base daw ito sa kung sino ang unang nag-book. “Good morning, Doc.” bati ko dito pagka- pasok ko sa loob ng clinic nito. “Good morning, Mr. Melicio. Please sit down.” wika nito saka tinuro ang upuan na nasa harap nito. Umupo ako sa upuan at tumingin nang diretso sa mga mata nito. “I am here for follow-up checkup, Doc.” “Yes, I know. May pagbabago ba sa’yo? Sumasakit ba ang ulo mo lately?” tanong nito

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Sixty- Pretext

    ALAS onse na ng gabi ng makarating ako sa bahay. Walang sumalubong sa akin ni isa, dahil hindi naman ako nagsabi na uuwi ako ngayon. Patay ang lahat nang ilaw mula sa garahe, gazebo, hallway pati sa loob ng bahay. Tulog na ang lahat, ngunit ako pagod. Masama ang loob, masakit ang katawan at puso. Pagod ang katawan biyahe at utak ko, hindi sa kaiisip kundi sa natuklasan ko. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob na ko. Hanggang ngayon hindi ma-process ng utak ko ang lahat. Sari-sari ang emosyon na umakyat ako ng hagdan. Napagod ako sa lahat na nangyayari. Parang bibigay ulit ang katawan ko sa lahat nang ito. Sa tuwing naiisip ko ang lahat sumisikip ang dibdib ko at gusto ko na lang matulog. Matulog nang matulog hanggang sa wala na akong maramdaman. ‘Kung puwede lang sana ang gano’n. wika ko sa isip ko.Umakyat na ako sa aking silid saka nagpahinga nang kaunti bago pumasok sa banyo para mag-half bath. Sa pagmamadali kong umuwi hindi ko na, natawagan si Benny. Hindi ko na nasabihan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status