Share

CHAPTER SEVEN

NAGPALIPAT-LIPAT ang titig ni Zalheia sa dalawang imahe ng lalaki sa portrait na nakasabit sa malaking sala ng villa nina Morgan. Hindi niya iyon napagtuunan nang pansin kanina dahil abala sila sa pamamasyal sa lugar na sakop ng Hacienda de Cordova. Akala niya ay mga larawan lamang iyon ni Morgan. But as she was intently looking at it now ay doon lamang niya napagtantong dalawang tao pala iyon at hindi lamang iisa.

"Magkamukhang-magkamukha sila, `no?"

Muntik na siyang mapatalon sa kinatatayuan nang gambalain siya ng tinig na iyon ni Aling Pacing. "S-sino ho `yong isang lalaki diyan, Manang?"

"Siya si Michael. Ang kambal ni Morgan."

"Ho?!" gulat niyang bulalas na napabaling sa matanda. "May kambal po pala si Morgan?" Ang buong akala niya ay nag-iisang anak lamang ito nina Mister Regidor at Misis Lorena.

Tumango si Aling Pacing. "Oo, may kambal si Morgan. Pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng kakambal niya," anito.

"Ano ho'ng i
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status