Minsan pala, kahit nakapikit ka, mas malinaw mo pang nakikita ang mga alaala kaysa sa kasalukuyan. Isang linggo na ang lumipas mula nang iwan niya ako sa kama—hubad, luhaan, at bitin sa mga salitang hindi kailanman nasabi. At ngayong gabi, habang nakaupo ako sa ilalim ng mainit na shower, yakap-yakap ang tuhod ko, isa-isa silang bumabalik. Parang pelikulang pilit ko sanang isinasara, pero paulit-ulit na ipinapalabas sa loob ng puso’t isipan ko. FLASHBACK: “Close your eyes,” bulong niya sa akin noon habang nakapikit siya, ang ilong niya nakalapat sa gilid ng pisngi ko. “Huh?” “Just trust me.” Pumikit ako. Tapos naramdaman ko ang dahan-dahang halik niya sa noo ko. Hindi ako huminga. “Anong ginagawa mo?” tanong ko, pabulong din. He chuckled, low and lazy. “Gusto ko lang maalala mo kung anong pakiramdam kapag minahal ka… nang walang pagdududa.” Iyon ang gabi sa Batangas beach house. Yung unang beses na hindi kami nagtalik, pero buong gabi niya akong niyakap. Hina
Hindi ako huminga. Hindi ko na kaya. The moment he turned his back on me, pakiramdam ko may sumabog na bomba sa loob ng dibdib ko. I stood there — frozen, shaking, helpless — habang nakatingin sa kanya. Nakatalikod siya, pero ramdam ko ‘yung bigat ng bawat hakbang niya palayo. “Renzo…” I whispered, almost inaudible. “Please…” Huminto siya sa tapat ng pinto. Pero hindi siya lumingon. He clenched his fists. His whole body tense. Then — mabagal siyang humarap sa akin. At sa wakas, nagtagpo ulit ang mga mata namin. But it wasn’t the same. Wala na ang init. Wala na ang lalim. What I saw in his eyes… was frost. Rage. And a pain so deep it refused to cry. “You know what’s funny, Celle?” mahina niyang sabi, pero parang dagundong sa tenga ko. “I almost convinced myself na may dahilan ka. Na baka may dahilan kung bakit hindi mo sinabi. Na baka hindi mo lang talaga kaya.” “Renzo, I—” “But it’s all bullshit, right?” His voice cracked. “You lied. And you kept lying. Alam mo bang halo
RENZO POVPagkauwi ko sa condo, walang salita.Walang luha. Walang sigaw.Tahimik lang akong naupo sa kama.Hinugot ang phone. At isa-isa…Tinapos ko ang lahat.CELLE – Blocked.Instagram – Blocked.Facebook – Blocked.Messenger – Blocked.Viber, Telegram, WhatsApp – Blocked.Spotify playlist – Deleted.Photos – Erased.Call history – Cleared.Messages – Wiped.Lahat ng pwedeng magsilbing alaala…Pinatay.Sa loob ng ilang minuto, parang na-delete ko rin ang parte ng sarili ko na minahal siya.No goodbyes.No explanations.No mercy.I severed every tie.At nang matapos ko, binitawan ko ang cellphone.Pinikit ang mga mata.At sa wakas…Tahimik na lang ang mundo.CELLE POVNagising ako sa ingay ng notification sa phone ko.Pero pagtingin ko... wala pala.Ilang beses kong chineck ang Wi-Fi. Pinatay at binuksan ulit.Nag-log out. Nag-log in.Pero wala talaga.Wala ni isang mensahe mula kay Renzo.Kinabahan ako.Binuksan ko ang Instagram —“User not found.”Facebook —Wala na siya sa listah
Renzo. Nandun na sila near the bar, hawak ang baywang ng isang babae, habang sinasayawan siya nito nang halos nakapatong na sa kanya. Hindi ko na nakita ang mukha ng babae. Hindi ko na kailangan. Ang tanging nakita ko lang... ay ang mga labi ni Renzo — nakangiti. At ilang segundo lang... Naghalikan na naman sila. "Putangina." Parang may sumabog sa loob ko. Biglang naglaho ang ingay ng club. Ang lahat ng tao, nagblur. Ang puso ko lang ang malakas — umaalingawngaw sa loob ng dibdib ko. Naramdaman ko ang kamay ng chinito guy na kasayaw ko. Gwapong lalaki, mapungay ang mata. Humakbang siya papalapit. He held my waist. “You okay?” I nodded, kahit hindi. Kahit sira-sira na ang mundo ko. Then... He leaned in. At hindi ako umatras. Our lips touched. His kiss was gentle, searching. Walang pwersa. Walang galit. Pero... hindi ko siya ramdam. Wala akong maramdaman. And just as fast — natauhan ako. Napatulak ako palayo. “Sorry. I need to go—” Lumakad
July 22, 2022 "This is the first time I’ll write everything. No lies. No edits. No filters." "Because if I die tomorrow, at least the truth stays on paper." "I was almost raped." "By Marco Elianes." This is the truth. The one I’ve buried deep — under silence, under guilt, under fear. Hindi ko dapat pinilit ang sarili kong sumama. Hindi ko dapat pinagbigyan si Tori. Pero gusto kong makalimot. Gusto kong maging normal kahit isang gabi lang — hindi bilang anak ng gobernador, hindi bilang babae na laging kontrolado. Pero hindi pala lahat ng “normal” ay ligtas. That night in Cavite… everything changed. Nasa terrace ako ng resthouse, holding a glass of wine I didn’t even want. At doon ko unang napansin si Marcus Elianes — anak ng politiko, lasing sa sarili niyang kapangyarihan. Puro tanong. Puro titig. Puro pangungulit. When his hand brushed my thigh, I knew I had to leave. Pero sinundan niya ako sa garden. Sinampal niya ako. Tumama ang labi ko. Dumugo. I can
Tumayo ako sa harap ng pintuan ng condo ni Celle, nanginginig ang kamao ko. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko ring tanungin kung paano niya nagawang saktan kami ng ganito. Pero higit sa lahat, gusto ko siyang marinig — mula sa kanya mismo. Kahit masakit. Bumukas ang pinto. Nakatayo siya roon. Maputla. Magulo ang buhok. Namamaga ang mga mata. Walang makeup. Walang depensa. Isang Celle na hindi ko pa nakikita. “Renzo…” Hindi ko siya sinagot. Dumaan lang ako at pumasok. Tahimik. Mabigat. Nasa gitna kami ng sala, parehong nakatayo, parehong alam kung anong susunod — pero parehas natatakot. “Sabihin mo,” boses ko’y mababa, punit, puno ng poot. “Ako na ang magtatanong, ikaw ang sasagot.” Napalunok siya. Tumulo agad ang luha sa pisngi. “Renzo… I’m sorry…” Tumawa ako ng mapait. “Sorry? Iyan lang ang meron ka?” Hindi siya nakaimik. Niyakap niya ang sarili niya, nanginginig. “Sino ang babaeng nakita sa CCTV? Yung may duguang labi, naka-silver na sas