Share

WHEN TROUBLE COMES LOVE
WHEN TROUBLE COMES LOVE
Author: Bitter_sweet

PROLOGUE

Author: Bitter_sweet
last update publish date: 2023-04-07 11:12:11

“YOU'RE going to be a father, Aragon!” 

May tumitiling babae at hindi ako puwedeng magkamali--- kilalang-kilala ko ang matinis na boses na iyon. Si Luna nga ang tumitili at mukhang masayang-masaya siya habang may ina-annouce sa lahat. Ayoko sana makibalita pero dakilang chismosa ako, e. Kahit inaayos ko ang kabinet, kailangan ko maki-chismis. 

“What?!” parang hindi makapaniwala si Aragon. 

“I'm pregnant, Aragon, and you're the father!" masayang balita ni Luna sa lahat. 

Bago pa makapag-react ang lahat sa announcement ni Luna, sumabog na ang puso ko. Despite the situation, I don't feel joyous. I should be happy for them, but I'm not. I should be relieved na hindi ko na kailangan mag-isip sa kinikilos ni Aragon lately. Lalong hindi na niya guguluhin ang buhay ko. Titigilan na niya ang larong gusto niya. 

“Then, I’m going to be a grandmother!” makikita sa mga mata ni Ninang ang pagningning ng saya dahil sa balitang iyon. 

"Hey, Olive!" Ninang Cherry called me when she noticed me standing on the stairs. "Come here, we have a double celebration for today!"

I went down the stairs. "What's the celebration for?" I asked. Kahit pa nga alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Narinig ko ang lahat. 

“Una, ang promotion mo sa trabaho at ang pag-stay mo ulit dito sa hacienda, pangalawa, magkaka-apo na ako!” She exclaimed. 

“Wow! Congrats. Ninang ako, ah.” Sabi ko na hindi pa rin tinatanggal ang pekeng ngiti sa mga labi. “Let’s celebrate!” 

Ibinalita na nila sa lahat ang pagbubuntis ni Luna. Kumain kami ng sabay-sabay. Maraming niluto dahil nga daw maraming kailangan i-celebrate sa araw na ito. Bigla akong napaisip kung tama bang bumalik ako dito sa Hacienda? What is wrong with my heart? My emotional responses are killing me. Pakiramdam ko mali ang naging desisyon ko. 

Napansin ko, buong araw tahimik si Aragon. Hindi ba siya masaya? Pero bakit? Alam kong mahal niya si Luna. Pwede ba, Olive. Tigilan muna ang pagiging marites, okay? 

NASA kalagitnaan ako nang pag-aayos ng mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. 

“Come in.” I responded. 

Nilingon ko ang pumasok. It was Luna. 

“Olive.” Tawag niya sa pangalan ko. “I told you to never come back here. Nasa Maynila ka na, bakit ba kasi bumalik ka pa?” Madiin ang pagbigkas sa bawat salitang binitawan niya. 

Tumayo ako at nilapitan siya. “Si Ninang at Ninong ang may gustong bumalik ako.” 

“Sinungaling!” Singhal niya sa akin. “Hindi ako naniniwala. Alam kong may binabalak ka dahil hanggang ngayon hindi mo matanggap na sa akin may gusto si Aragon. You’re just a little sister to him.” 

Huminga ako nang malalim, bago magsalita. “Hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ako, e.” 

Nakakairita na talaga ang babaeng ‘to. Kung ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko, baka tapos na ako ngayon kaysa mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sa baliw na babaeng ito. 

“Bakit ba ang lakas ng loob mo bumalik? Hindi pa ba sapat na dalawang beses nanganib ang buhay ni Aragon nang dahil sa’yo?” pag-aakusa niya sa akin. 

“You’re pregnant, Luna. Kaysa inuubos mo ang oras mo sa akin, bakit hindi ka na lang magpahinga para sa baby mo? You’re going to be a Mother. Huwag kang paranoid.” Tugon ko para tigilan na niya ako. 

Gustong-gusto ko na umalis at balewalain na lang ang babaeng ‘to pero ayokong magmukhang mahina sa harapan niya. Ayoko rin isipin niya na guilty ako kaya iniiwasan ko siya, ‘di ba? 

“Kailangan mo-” Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko nang hawakan ako ni Luna sa braso. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso, balak ba niyang putulan ako ng mga organs? 

“Huwag mo susubukang sirain ang pamilya ko.” She warn me. 

I shrugged. “Praning ka na. You need to rest.” Binawi ko ang aking braso mula sa pagkakahawak niya at saka ngumiti sa kaniya. “Leave, now. I want to rest too.” 

Marunong na akong magtimpi ngayon. Ayokong ako na naman ang lumabas, o makita nilang masama pag pumatol ako kay Luna. Kaya tatanggapin ko na lang ang lahat ng sinasabi niya sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos upang kalimutan ang naging banggaan namin ni Luna. 

Pagkatapos ay kinontak ko si Jamie ang isa sa mga naging kaibigan ko sa Maynila. 

“Hello?” Sabay naming bati sa isa’t-isa. 

“Napatawag ka?” She asked. 

“Can you do me a favor?” 

Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. “What is it?” 

“Babalik na lang ulit ako diyan sa Maynila, mag-usap tayo.” Tugon ko sa kabilang linya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 27

    Lumipas ang isang buwan.Isang buwan na parang ang bagal ng oras, pero wala namang nagbago sa sitwasyon ko. Hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko, pero kahit ganon, pinilit kong kumapit sa iisang bagay—na maayos na si Kuya Aragon.At ngayon, nandito na ako sa hospital kasama si Ninang Cherry.Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko habang naglalakad kami papunta sa garden. Hindi ko alam kung kaba ba o takot ang nararamdaman ko, basta ang alam ko, hindi ako ready sa kung anong makikita ko.“Olive, calm down,” mahinang sabi ni Ninang Cherry. “Okay na ang lagay niya. Huwag mo lang siyang bibiglain.”Tumango lang ako kahit pakiramdam ko hindi sapat ‘yon para pakalmahin ako.Pagpasok namin sa garden, agad ko siyang nakita.Si Aragon.Naka-wheelchair.At si Luna ang nagtutulak sa kanya habang dahan-dahan silang naglalakad sa pathway.Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang buwan ko siyang hindi nakita o dahil sa kung anong mangyayari ngayon.Huminto ak

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 26

    “Olive, umuwi ka muna sa bahay. Doon tayo mag usap.” malamig na sabi ni Ninang sa akin.Parang biglang bumigat ang buong katawan ko.Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung tono ng boses niya o yung paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Parang hindi na niya ako kilala. Ito ang uri ng tingin na ayoko. Alam ko sa sarili ko na wala akong kinalaman sa mga tumawag kanina. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang cellphone number ko at mas lalong hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang plano. Something feels off—parang may mali. It’s like someone is framing me just to put all the blame on me. Tiningnan ko si Luna. She looks satisfied with what happened. Is she the one framing me? Hindi na ako magtataka kung siya nga. Kilala ko na ang likaw ng bituka ng babaeng ito. Hindi ako papayag na basta niya lang akong sisiraan. Kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko kahit alam kong may kasalanan naman talaga ako, pero ‘yung magbayad ng tao para lang ipahamak si Kuya Aragon? Hindi ko ‘yun ma

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 25

    Hindi na alam ni Olive kung paano siya nakarating sa ospital. Basta ang alam ko lang tumatakbo ako. Halos hindi na ako makahinga. Hindi ko na nararamdaman ang paligid ko. Wala akong pakialam kung sino ang nakakasalubong ko, kung madapa man ako, o kung ilang beses akong muntik bumagsak. Kailangan ko makarating… “Kuya Aragon…” Paulit-ulit sa isip ko ang pangalan niya. Hanggang sa nakarating ako at nakita ko sina Ninang, Ninong at Luna. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere. “Nasaan si Aragon?” halos pabulong kong tanong, hingal na hingal.Walang sumagot agad. Mas lalo akong kinabahan.“Please…” lumapit ako kay Ninang Cherry. “Ninang… nasaan po si Aragon?”“Nasa operating room…” nanginginig niyang sagot.Nanlalamig ang buong katawan ko.“Opera— bakit— anong nangyari?!”Hindi na ako makapaghintay ng sagot.Diretso akong lumapit sa pinto ng operating room pero biglang may humarang sa akin.It was Luna.“Anong ginagawa mo dito?” Matalim ang kaniyang tingi

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 24

    Sobrang lakas ng ulan pero ayaw na bumalik ni Aragon sa kubo. Ayaw niyang makita si Olive. Naiinis siya dahil sinamantala nito ang ipinakita niyang kabaitan at pag-aaruga dito. Alam niyang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa pamilya nito kaya nagawa niyang maging mabuti rito. Bukod pa rito, matalik na magkaibigan ang mga pamilya nila kaya’t pamilya na rin ang turing niya kay Olive. Subalit iba ‘yata ang nais nito. Gusto ni Olive na palagi lang siyang nasa tabi nito. His marriage to Luna is already planned. His future is set. And because of that, he no longer wants anyone telling him what to do—or whether he should change any of it. Kahit na si Olive pa ‘yan...Naglalakad si Aragon sa gilid ng kalsada, basang-basa, pero wala siyang pakialam. Kahit kumakapit na sa balat niya ang lamig, tuloy-tuloy lang siya.Humigpit ang panga niya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari.“Damn it…” mariin niyang bulong.Hindi niya matanggap.Hindi niya matanggap na kayang g

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 23

    Ngumisi ako ng bahagya. “Kuya Aragon?” tawag ko sa kaniya. Wala akong natanggap na tugon. Fine.Kung ayaw mong magsalita, ako na ang kikilos.Dahan-dahan akong lumapit para tumabi sa kaniya. Hindi ako tumalikod, nakaharap ako sa kaniya. Pinagmasdan ko siya sandali. Walang pagbabago. Gwapo pa rin. Nakakainis pa rin.Unti-unti akong gumalaw palapit sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang mga braso namin. Wala pa rin siyang reaksyon.“Kuya Aragon…” mahina kong tawag.Walang sagot.Tulog na ba?O nagpapanggap?Bahagya akong ngumiti.Mas mabuti.Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko hanggang sa tumabi ako nang tuluyan sa kaniya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan lang ng hangin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako tumigil. Inilapat ko ang ulo ko sa balikat niya at sumandal ako. Tahimik.Walang galaw.Kaya mas lalo akong naging kampante.“Wala ka namang gagawin, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko.Hindi ko alam kung para sa

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 22

    HINDI napaki-usapan ni Ninang Cherry ang Principal sa Carmelo University. Hindi sila pumayag na ibalik ako dahil may sinusunod na rules and regulations ang school at kasama doon ang pag suspinde sa mga lumalabag sa batas ng school. Suspended ako ng 2 weeks! "Mom, Dad. May gagawin kaming research ngayon at mas gusto ng mga ka-group ko na dito kami sa bahay gumawa." Nabaling ang isip ko sa nagsalita at hindi ako nagkamali. It was Aragon. Mukhang may group research sila. Naririnig ko ang boses niya mula sa Garden. Tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na hindi man lang ako kinausap ni Aragon. Para sa kanya, isa lamang akong hangin na dinadaan-daanan. Pasimple akong sumilip mula sa bintana upang hindi nila mahalata ang presensya ko. Umupo sila sa nakapabilog na upuan sa round table. May isang laptop at mga papers ang nakalagay sa table. Mukhang puspusan ang aaralin nila ngayon. Palayo na sana ako ng makita ko si Luna. Kararating lang niya at diretso siyang naupo sa tabi ni Arago

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 19

    "Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin. Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 18

    DUMAAN ang sabado, Linggo at ngayon, Lunes. Ngayong araw, hindi ako ginulo ni Luna at ng mga aliporis niya. Mabuti naman at tahimik ang buhay ko ngayon. Ngayong araw ang Birthday ko, pero wala akong balak na mag-celebrate. Nakatanggap lang ako ng message mula kay Tita Doris, binati niya ako ng Happy

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 17

    ISINABAY ulit ako ni Aragon at pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kapag hindi kami nakakapag-usap. Pakiramdam ko, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang ngiti sa mga labi niya at kapag hindi niya ako kinikibo. Aragon's expression was completely blank

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 16

    KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse at hinihintay si Aragon na nasa loob pa ng bahay, daig pa ang babae mag-ayos. Sabay kaming papasok ni Aragon kaya hindi ako kakabahan sa unang klase. Ang sabi ko dati, hindi ako magkokolehiyo pero dahil nangako ako sa mga magulang ko na aayusin ko ang buhay ko, k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status