EDNALYNHindi ba niya ako nakilala? Anong nangyari? Hindi ako maaaring magkamali siya iyon eh. Siya si Everette De Ocampo not Altamerano.Lumipas man ang apat na taon ay walang nagbago sa itsura niya. Mas lamang nga lang ang pagka suplado nito ngayon kaysa noon pero kilala ko si Sir Everette. Kilala s'ya ng puso ko kahit nakapikit man ako.Nakagat ko ang loob ng pisngi ko upang maiwasan ang galit para sa binata. Baka may dahilan lang ito kaya ayaw akong kilalanin. Pero paano kung ayaw na talaga niya sa akin? Nang maisip ko iyon hindi ko maiwasan ang masaktan.Dammit! Kailangan ko siyang makausap upang Ipaalala na dati na kaming magkakilala. Dati ko siyang kasamahan sa trabaho. Kapag ipaalala ko iyon sa kaniya siguro naman hindi niya iyon nakalimutan dahil ang Eagle Eye, ang sentro ng buhay niya noon. Nakita ko kung gaano n'yang minahal ang trabaho. Tama hindi ako maaaring sumuko. Magiging boss ko siya kaya may chance na makilala ko siya.Hindi muna ako bumalik sa table ng kaibigan ko.
EDNALYN“Ingat kayo guys. Salamat sa pagtanggap n'yo sa akin sa table n'yo,” ani ko sa kanila. Nakilala ko na lahat ang kasama ni Merlyn sa accounting team. Hindi nga ako nagkamali sa pagkilatis sa kanila na madali silang pakisamahan.Natapos ang party ng 11:30 ng gabi. Sabay ulit kami magkaibigan na uuwi. Nag-aabang na kami ng taxi ng tumigil sa harapan namin si ang kotse Sir Rennier. In order to have a clear view of us, he rolled down the window.“Girls sa akin na kayo sumabay,” saad ni Sir Rennier sa amin ni Merlyn habang kami ay nag-aabang ng taxi.“Wala ho kayo kasabay Sir?” ani ko.“Kayo lang kung sakali,” biro na sagot niya sa akin. Hinila ako sa daliri ko ni Merlyn. Tumingin ako rito.“Hindi na magtaxi na lang tayo,” bulong nito.“Ano ka ba Beshy?! Si Sir Rennier, na nga ang nag-aalok sa atin pakipot pa tayo. Hello, boss mo po ‘yan beshy kaya gora na tayo,” pamimilit ko pa sa kaniya.She narrowed her eyes at me, but I chose to ignore her. I turned to face Sir Rennier and told
EDNALYNHindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Pero alam kong nakatingin ito sa akin kaya tumikhim muna ako upang magka lakas loob na masabi ko sa kaniya ang kagabi pang bumabagabag sa akin. Ipaalam ko na siya si Sir Everette Ocampo. Hindi si Everette Altamerano. Pero shitty napaka sungit nito hindi nakalimot sa late ko ngayon."Ganoon ba kayo kalapit ng dating boss, para payagan ang ganitong tardiness sa opisina?!""Sorry Sir Altamerano. Meron lang po ako importante inasikaso kaya late akong pumasok,""Nevermind! Next time ayaw ko sa lahat ang may attitude na secretary lalo na kung palaging late," "Yes Sir. Hindi na po mauulit–""Talagang hindi na!" mabilis niyang sagot sa akin. Sungit naman nito hindi ako pinatapos magsalita letse siya parang babaeng may dalaw napaka higblood. Kahit nanginginig ang magkabilang kong tuhod. sa nanonoot niyang tingin ay dedma sa akin. Pinilit kong tumingin ng diretso sa mga mata niya. Malalim itong nakatitig sa akin ngunit nanaig ang kagustuhan
EDNALYNAng bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko lubos akalain na tatlong buwan na rin pala simula ng mabili ang, Tañala Enterprises na ngayon ay pinalitan ng name ang, EA group of companies bale extension itong dating Tañala Enterprises ngayon ng EA group, ngunit nag mukha ito ang main office ng kumag kong amo dahil dito nga ito naglalagi mula umaga hanggang mag-out sa hapon. Hindi lang talaga iyon pumapasok dito kung sa AE extension kung may mga importante meeting sa main office.Ang EA ay hindi pala sa pangalan ni Sir Everette kinuha. Galing pa pala sa Lolo nito na si, Emilio Altamerano. Ang chairman at soon si Sir Everette ang papalit kapag daw naikasal na.Hindi ko maintindihan kung anong nasa isip nito basta alam ko lang tatlong buwan ko na rin siyang kinumbunsi na siya ang dati namin superior na si Sir Everette Ocampo. But sad to say hindi ako pinaniniwalaan nito. Ano pa nga ba ang gagawin ko. Edi mag-move on na lang at kalimutan ang feelings ko sa kanya kahit na nga hindi ko s
EDNALYNNang binabagtas na namin ang patungo sa Savemore badtrip pa rin ako dahil sa nangyari sa office kanina. Hindi na rin kasi bumalik si sir Everette ng umalis na magkasama si impaktang Lucinda. Tatawagan ko sana bago ako mag-out subalit nadadaig ako ng hiya at inis, kaya hindi nito alam na pagdating ng 5 o'clock ng hapon ay mabilis akong nag-out.Tama lang din naman at hindi rin nag overtime si Merlyn. At si Sir Rennier naman ay nasabihan din pala nitong pakipot kung kaibigan na hindi mag-overtime after namin mag-usap. Ang ending, hindi rin ito nag-overtime dinala sa bahay nito ang hindi natapos na trabaho upang mahatid lang kami ni Merlyn at sakto raw dahil kailangan nito maagang umuwi.Dala ko pala ang aking pagsimangot sa loob ng kotse ni Sir Rennier kaya pala patingin-tingin silang pareho ni Beshy sa akin.Kasalanan talaga ng Altamerano iyon nagiging bitter ako dahil sa kanya. Argh! Nakakapagod ang ganito.“Anong nangyari sa'yo parang dinaanan ka ng delubyo?” ani pa ni Merly
EDNALYN“Ako na kasi Sir Altamerano!” giit ko pagkatapos kong mahimasmasan sa panonood sa likuran niya.Hinawakan ko ang handle ng pushcart subalit ako lang din ang sumuko dahil tila ako napaso ng magkadikit ang kamay namin kaya mabilis kong nahila iyon.Sinamaan ko siya ng tingin dahil tila alam nito ang pag-iwas ko. Natalo ako nito yawa talaga. Paano ba ako makakaiwas kong ito ang lapit nang lapit. Isa lang naman akong marupok na nilalang na walang laban dahil lihim na nagmamahal sa kaniya. Ako ang talo.Peste masakit pa ito sa breakup ang ginagawa nitong tukmol kong amo, dahil hindi ako sigurado kung bored lang ba ito sa buhay niya kaya nagagawa manggulo sa buhay ko.“Sir Altamerano, hindi na ako natutuwa sa ginagawa mong ito ha?”“Ang ingay mo, Ms. Del Socorro,” iyon lang ang sagot nito sa akin.“Paanong maingay ngayon lang kita kinausap,” laban ko sa kaniya.“Kahit hindi mo sabihin alam ko kung anong sinasabi ng isip mo,”“Ows? Paano?”“It's simple. Kung makatingin ka kasi sa akin
EDNALYNNang mawala sa paningin ko si Speed hinanap ko si Sir Everette. Baka narito pa at nag-iikot lang sa loob. Ngunit nauna ko pang makita si Merlyn, tila hinahanap din ako nito kaya tinawag ko ito.“Besh! Dito,” nakatayo ako sa tabi ng liquor stand iyon kasi ang malapit sa cashier. May kalakasan din ang boses na tinawag ko siya. Lumingon lingon ito sa paligid hinahanap ang boses ko. Nang makita ako ay matamis agad ang ngiti na gumuhit sa labi nito.Malayo pa lang ay nakangiti na ito sa akin hanggang sa nasa tapat ko na ‘to ay hindi nalusaw ang saya sa labi nito.“Masaya ‘ata,” parinig ko na ikina hagikhik lang nito.“Nakita ko kasi si Dennis Trillo, beshy. Kasama ang Misis niya narito nag-grocery din. Grabe ang ganda at g'wapo pala talaga ni Dennis, besh,” parang maiihi ito sa kilig na magkwento sa akin.“Akala ko Everette Altamerano ang nakita mo,” sabay bungisngis ko. Hindi ako tumigil sa pagtawa dahil sumimangot ito sa akin.“G’wapo naman talaga si Sir Altamerano kaso iba naman
EDNALYN “Sir Everette, Salamat po sa paghatid. Uhm, ako na po ang bahala rito p'wede na po kayong umalis.” sabi ko pa sa kaniya pagbaba ko ng kotse niya.Walang reaksyon na tiningnan lang niya ako pagkatapos ay nag-alis ito ng seatbelt.Akala ko hindi ito lalabas subalit ginawa nga nito. Tinulungan pa akong magbuhat ng mga pinamili hanggang sa pinto ng apartment namin.“Salamat Sir Altamerano. Ayos na po ako rito salamat ulit,” wika ko.Napapakamot ito sa kilay nakatingin sa akin. "Kapag hindi ka tumigil sa kaka po at kaka salamat, hahalikan kita r’yan,” walang halong biro na sabi nito sa akin. Mabilis akong tumingala sa kaniya dahil labis akong nagtataka.Ano naman ba ang ibig ipahiwatig ng tukmol na ito sa mga pinagsasabi. Kala niya madadala niya ako sa tamis ng pananalita niya. Hindi ko alam kung anong iniisip nito pero ngayon pa lang ay natatakot ako na hindi ko maipaliwanag.“Open the door ‘wag kang matulala Ms. Socorro, dahil hindi talaga ako nagbibiro I will kiss you when I he