Share

Chapter 2

Touch

He let my arm draped around his shoulder as he assisted me in walking. My head was already spinning due to alcohol intake.

He sat me on a couch, and knelt down in front of me.

Jusko! Tulungan ninyo po ako dito! Ano ba itong ginagawa ni Eros? Hindi pa po ako ready!

"Hey, Eros," I bit my lower lip from embarrassment. I didn't know what to say. I lost tract of my words.

"You should be careful." He calmly said as he wrapped something on my legs.

"What?" Lito kong tanong.

"You have a cut." I saw how his jaw clenched from, I don't know, anger?

Tinignan ko iyong binti ko, and he was right! I am already bleeding, but it's a good thing he wrapped it with a towel to stop it from bleeding. Para may pressure.

"Give me your car keys," his jaw was still clenching when he stood up looking away.

"Bakit?" I gave him a questioning look.

"I'll drive you to the hospital," aniya.

"Paano naman yung sasakyan mo? Do you have your car with you?" Mas lalong kumumot ang noo ko at tinitigan siya ng maigi.

"No. Hinatid ako ni Wes dito. I don't have my car with me," hinagod niya ang kaniyang buhok gamit ang kamay ngunit kahit anong hagod niya dito, may ilang madeha ang pilit na tumatakas.

Okay lang yan. Gwapo naman e.

Hinalukat ko iyong sling bag at inabot ang susi sa kaniya. He helped me stand up and walked out of the club. He draped my arms around his shoulder and held my waist. I pursed my lips to stop myself from blushing. His hands electrified my entire body, and I don't want to show him that his touches affect me.

"Where's your car?" He said in an authoritative tone.

Tinuro ko iyong vios na naka-park sa dulo ng parking lot at saka naglakad papunta doon. My head was spinning so badly from alcohol.

"I think I'm going to puke," I said as I covered my mouth and gagged from the sourness of the liquor. Eros took a deep breath and helped me walk towards the bin. He collected my hair on his hands and caressed my back as I threw up.

Hindi pa ako nakuntento sa isang suka kaya may second round pa.

"Geez, how many shots did you drink, woman?" Naiiritang sabi ni Eros habang hinahaplos niya ang likod ko. Hindi na ako sumagot sa tanong niya dahil hindi ko na maalala kung ilang shots ba ang tinira ko.

After throwing up, he offered me his handkerchief. Nakakahiya pero wala naman akong pamunas. I took the handkerchief from him and wiped my lips. Nag-abot din siya ng isang bote ng tubig sa akin. "Thanks," I gave him a genuine smile as I reached for the bottled water.

"Are you done?" He asked as his voice cracked in between words.

Hala! Paos ba siya?

He helped me sit down inside the shotgun seat of my car and buckled my seat belt. I almost flinched as his hands accidentally touched my skin. He probably noticed my sudden reaction. "Sorry. I did not mean to tou-"

"It's fine. I know," I assured him and smiled at him. He nods his head as he shuts the door. He walked around the car, and climbed inside the driver's seat.

Gosh. Ang kapal talaga ng mukha mo Athanasia.

He started the engine and drove away from disaster. I was staring outside from my window seat. pinaharurot niya iyong sasakyan at baka lumala pa itong sugat ko. Sumasakit siya 'pag ginagalaw ko at hindi ko maitago sa sarili ko ang sakit.

"Does it hurt?" He asked in a husky tone. I shook my head in disagreement.

"Okay," He said in a low voice. I know he understood what I meant. A patient will always answer indirectly.

I opened the radio to lift the awkwardness that I was feeling.

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo

Pahintuin mga kamay ng oras sa relo

Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Eros dahan-dahan lang! Puso ko'y sasabog na sa ginagawa mo sa akin e!

I hummed the lyrics of the song, Teka Lang by Emman while we were on our way to the hospital. I glance at Eros while his eyes are still concentrated on the road. His right hands on top of the steering wheel revealing a bit of his veins, his left elbow is resting on the arm rest scooping his chin with his hands. His jaw clenched and diverted his eyes on me.

Umiwas ako nang tingin at kinuha iyong fisherman candy sa bag. I just couldn't help but admire his features.

  

"What?" I looked at him as he furrowed his brows.

"Wala. Nagtataka lang ako bakit mo ako tinutulungan. Lagi mo akong iniiwasan e," I blurted out and let out a small giggle.

I saw in my peripheral vision how his mouth formed into a smirk.

"Masamang tumulong?" He asked, still smirking.

"Hindi naman sa ganon. Hindi naman ikaw iyong tipong tutulungan ako sa gitna ng gulo," His face shifted into a frown.

"You're hurt. Gusto ko maging doctor pero hindi ako marunong tumulong?"

Grabe 'to! Nagtatanong lang naman ako e.

"Sungit," I whispered to myself as I plastered a smile on my face.

I heard him chuckle and stop the car in front of the E.R.

Lumabas siya ng sasakyan at binuksan iyong pintuan ko at hinawakan ang palapulsuhan ko para maakbayan ko siya.

Kanina pa ako hindi maka-hinga dahil sa ginagawa niya.

Nagmadaling kumilos iyong guard na nagbabantay sa E.R para tumawag ng nurse. Nagulat ako nang makita ko si Ethel, kaibigan ko noong college. May dala siyang wheel chair at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

"Ana! Anong nangyari?" Tinulungan ako ni Ethel at Eros na maka upo sa wheel chair at itinulak ito papunta sa isang kama.

"A glass cut her, and she needs surgical incision," Eros explained to Ethel the details of what happened.

Hinawakan niya ang baywang ko at binuhat para maka upo sa kama. I startled a bit because of his sudden movement, but I did not show any reaction. Puwede namang hindi na ako buhatin. Nakakapaglakad pa naman ako.

He realized what he did to me and distanced himself a few meters away. "Sorry," He said.

Nahihilo pa ako dahil medyo lasing pa. Hindi ko alam kung sino mag-uuwi sa akin pagkatapos akong tahiin. He gave me another bottled water.

Saan niya nakukuha 'yung mga tubig na 'yon?

"Eros," I called out his name, and in response, he pierced his golden brown eyes on mine.

"Please, don't leave," I looked down and bit my lower lip from embarrassment. There was a moment of silence between us as Ethel fixed everything that is needed for the suturing.

"I won't," he softly said as he reached for my hands and massaged my thumb. Nanlaki ang aking mata habang nakatitig sa kamay niyang naka-hawak sa akin. Tumingala ako at tinignan ko s'ya sa mata. His eyes were filled with so many emotions that I couldn't help but gaze in awe.

Ang pagka-kulay ng kanyang mata ay hindi katulad ng mga ordinayong shade na nakikita ko. Brown din naman ang kulay ng aking mata pero iyong sa kanya ay light.

"I haven't experienced having a cut, so suturing is my first time," I blurted out.

"I know you can handle it," Eros' words gave me comfort.

"U-um, pwede mo kunin iyong pabango ko sa sasakyan? Yung victoria's secret," pakiusap ko sa kanya. He nodded and left my side. Amoy alak kasi ako, baka pagalitan ako ng doctor at hindi ko inaalagaan ang atay ko.

"Sino 'yon? Boyfriend mo?" pang e-echos na tanong ni Ethel.

"Bonak, med student din iyon. Tinulungan lang ako," I wrinkled my nose to hide my blush.

"Weh? Grabe nga pagkaka-haplos ng kamay niya sa iyo," Kinilig si Ethel habang inaayos niya iyong mga syringe sa tabi ko.

"Kaibigan ko lang iyon," I assured her.

"Kows. Pero ang gwapo niya 'no," She lightly hit my shoulder.

Hindi na ako sumagot dahil dumating na si Eros bitbit iyong pabango ko.

"Thanks," I gave him a genuine smile and sprayed my perfume onto my neck.

"Ang bango! Sarap kainin!" Ethel exclaimed as she smelled the air. Umiwas ng tingin sa akin si Eros at inayos iyong buhok niya.

"Mabaho ba?" Tanong ko. Mukha kasing hindi niya gusto. Magpapalit na ba ako ng pabango?

"Hindi." He simply said as I smirked on his reply.

Sa susunod, dadamihan ko na ang lagay ko para kapag malapit na ako, maamoy niya ako. Athanasia Radar On.

Dumating na iyong Anesthesiologist sa ward para maturukan iyong binti ko.

Nagtanong sa akin ang doktor pero napapatulala na lang ako dahil ang ganda niya. Matangkad, morena ang balat, slim, bow lips, pointy nose at define na define ang kanyang cheekbones. Siguro bagong doktor 'to. Hindi ko naman siya nakita last year.

"Ms. Lacsamana, are you listening?" Giit ng doctor sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Pasensya na po," I gave her an apologetic smile. Napabuntong -hininga na lang siya.

Umiikot pa din iyong mundo ko kaya ganito ako ngayon. Mabuti na lang at si Eros na lamang ang sumagot sa mga tanong sa akin ng doktor.

He was genuinely smiling at her habang tinatanungan siya. Nakita ko pang namula ang pisngi nung doktor.

Pati ba naman dito makikipaglandian itong lalaking 'to?

Minsan hindi ko siya maintindihan. Kapag nasunod kasi ako sa kanya, laging may katabing babae. Every day, iba ang babaeng dumidikit sa kaniya. Alam ko naman na ang hot niya pero ako iyong nasasaktan sa mga babae. Isang beses lang naman siya nag seryoso sa isang relasyon at iyon ang time na mag kasintahan pa sila noong kaibigan ko. Nang mawala na ang relasyon nilang dalawa, hindi na siya ulit nag seryoso.

  

Naglapag si Ethel ng mga gamit pang turok at tinulungan iyong magandang doktor na suotin ang gloves niya. Kumuha siya ng 5 cc na syringe at nilagyan ito ng lidocaine.

Tinignan niya muna ng mabuti iyong sugat ko para malaman kung saan niya iyon ituturok.

Napahawak na lamang ako sa isang unan doon sa kama dahil sa sakit. Tumingin si Eros sa direksyon ko at lumapit sa akin. Hinimas niya ang ulo ko at nginitian.

Napawi lahat ng sakit dahil sa simpleng ngiti niyang nakakatunaw.

    

"It's done. Hintayin mo na lang si Doc. Almenanza para tahiin iyang sugat mo," nginitian ako nung magandang doktor saka umalis. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa binanggit niya.

"Hala, ba't si Doc. Almenanza pa? Ayaw ko doon. Baka mamatay agad ako!" Napatawa na lang si Ethel sa sinabi ko habang may inaayos siya sa kabilang ward.

"Grabe ka kay Doc," humalakhak siya sa sobrang saya. Mabuti na lang at ako lang ang pasyente sa loob.

 

"Anong mamatay agad?" Narinig ko ang boses ni Doc. Almenanza sa 'di kalayuan.

I rolled my eyes as soon as Earl entered the ward. His signature smirk, which most nurses in the hospital love to see, is on full display tonight.              

He's wearing a green scrubs with a matching cap on his head. His scrubs are a bit too tight for him because of his biceps.  

         

Madaming pasyente ang may crush sa kaniya. Whenever he smiles at a female patient, namumula agad ang kanilang mga pisngi at napapa-kagat na lang sa labi. Mapapalunok ka na lang tuwing nagalaw adam's apple niya. Lumalabas ang dimples niya kapag siya'y ngumingiti at kapag naman nasa operating room, makikita mo na lang ang pag flex ng kanyang braso.

"Ba't ka nandito?" Pang-aasar niya nang magkatitigan kami.

"Makiki-party lang naman ako dito, doc," sarkastikong pagkakasabi ko at inirapan siya. Humalakhak siya na para bang wala ng bukas.

"Talino mo talaga," Umiling siya sa akin habang naka-ngiti sa kaniyang clip board. He scribbles something there while walking and stops in front of me.

"Eros." Nagulantang ako nang batiin ni Doc. Almenanza si Eros.

"Bro." He tapped on his shoulder like they knew each other.

Of course! Why would I even question their interaction? The two of them belong to the world of the biggest names. Their families are wealthy, and they belong in the same social group. 

Matapos ang kanilang batian at kamustahan, nakuha ng atensyon kong umupo si Eros sa isang monoblock sa tabi ng kama ko at tumitig lang sa kawalan Nakakunot ang kanyang noo at tila bang malalim ang kanyang iniisip. Nagkibit balikat na lang ako at itinuon ang atensyon ko kay doc.

Tinulungan ni Ethel si Doc. Almenanza isuot iyong rubber gloves at nagsuot din siya ng face mask.

"Ano ba nangyari sa binti mo?" Tanong niya habang inaayos ang kanyang posisyon. Narinig kong tumikhim si Eros kaya napatingin ako sa gawi niya.

I almost flinched when someone touched my skin. It was warm and made me burn like hell. Halos makiliti na iyong tiyan ko nang may humawak.

"O? Masakit ba?" Inosenteng tanong ni Earl na ngayon ay sinusuri ng mabuti ang sugat ko.

Ang kanyang mapupungay na mata ay nakatingin sa binti ko. Namula tuloy ang pisngi ko at luminga sa gawi ni Eros.

"Di ba obvious? Malamang masakit," pinigilan ko ang tawa ko at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Doc. Earl.

"Bwiset," ngumisi siya sa akin at kumindat. Umirap na lang ako. Naiinis talaga ako kapag kumikindat siya. Sarap tanggalan ng mata.

Tumunog ang cellphone ko ngunit hindi ko maabot iyong bag. Nakita kong tumayo si Eros sa kanyang monoblock at inabot sa akin ang bag. Tinignan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha na bahagyang nakasimangot.

Ba't nakasimangot 'to?

Kinuha ko ang phone at nakita kong tumatawag si Cha. Agad ko itong sinagot.

"Lala, where are you?" Inalis ko sa aking tainga ang phone dahil sa sigaw ni Cha. Her side of the call is very loud. Halatang nasa loob pa siya ng bar.

Halata sa tono niya na lasing na lasing siya. Hindi ko alam kung paano ko isasagot nang hindi nila malalaman na naaksidente ako.

"Umalis na ako d'yan. Sorry hindi na ako nag paalam pa sa inyo. Enjoy the party na lang."

"Sige, ingat."

"Have fun!"

She immediately ended the call. Mabuti na lang at tinanggap niya ang rason kong 'yon.  

        

Nilagay ko ulit ang phone sa bag at sumandal ako sa kama. Naka upright position naman iyon para hindi ako mangalay.

Hinanda ni Ethel yung Ethilon suture na isang nylon suture at saka nag simula sa pagtatahi si doc.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bag kaya nilabas ko ito. Kumunot ang noo ko at iritadong nilabas ulit ang cellphone. Napanga-nga na lang ako dahil tumatawag si papa.

"Mare, sabi ni Earl na sa hospital ka raw?" 

Halata sa boses ni papa na nag-aalala siya. Bahagyang kumunot ang noo ko. I moved my head to look at Earl but he was busy with suturing.

How the heck did he contact my father that fast? As if he already knew that I'll be his next patient.

"Ah, opo. Pasensya na hindi ko po na sabi. Si Eros po nagdala sa akin dito." I answered.

Sumingkit ang mata ni Eros nang banggitin ko ang kaniyang pangalan.

"Eros? Sino 'yon?" Papa asked.

Napatingin ako kay Eros, iniisip kung ano ang sasabihin ko. I don't know if papa still knows him. Isang beses pa lang nakita ni Papa si Eros at sa hindi magandang sitwasyon pa.

"Kaibigan po."

  

"Oh, sige. Update mo ako sa mga nangyayari diyan ah. Ingat ka d'yan, Mare."

"Opo. Bye, Pa!"

"Mag pahinga ka, ha? Huwag matigas ang ulo. Sumunod ka sa lahat nang sasabihin ni Earl."

"Pa. Nurse po ako. Alam ko kung anong intervention ang gagawin ko."

"Kahit na. Alam kong pabaya ka rin minsan. May tiwala ako kay Earl kaysa sa'yo." Napangiwi ako sa sinabi niya.

What?! Bakit parang mas anak pa niya si Earl kaysa sa akin?

   

Masama kong tinitigan ang inosenteng doktor na abala sa paglilinis at pagtatahi ng sugat ko.

"Oo na po. Goodbye."

       

Napabuntong-hininga na lang ako matapos ang tawag na 'yon.

"Earl." I sternly said, grabbing his attention.

He did not look but I know, deep in my heart, he is listening. He is always listening.

"Na contact mo agad si Papa?"

"Yes. Hindi ba naging maayos pag-uusap niyo ni tito?"

"Hindi naman." Napahinga ako nang malalim. "Pero hindi ka naman ER doctor. So bakit ikaw yung doktor ko ngayon?"

Sa tanong na iyon, doon niya ibinaling ang kaniyang mata sa akin. My heart skipped a beat upon assessing his current position. He's at the foot of my bed, treating me with his scrubs on full display. Ni wala siyang suot na coat. I am guessing it's supposed to be his free time. Dapat ay natutulog siya ngayon at hindi ang paggamot sa akin.

"Busy ang ER doctor." Itinuro niya sa direksyon ang nag-iisang ER doctor sa ward na may hinahawakang apat na pasyente.

Doon ko lang na realize na ang toxic ng shift nila ngayong oras. Hindi lang halata kasi malawak ang ER ng St. Alphonsus.

"Did you have any assigned surgery prior to this?" Siningkitan ko siya ng mata, tila sinusuri siya.

"Yes. Hysterectomy lang naman."

"Lang naman?! But that's a major operation! I am sure you're tired." Pangangaral ko sa kaniya.

"I'm used to toxic shift."

"Ethel, dapat hindi mo na inendorse itong case ko!"

Ethel gave Earl a meaningful look. "Huwag ako ang tanungin mo." She raised her two hands up, surrendering.

Anong ibig sabihin no'n? Na pinili talaga ni Earl na gamutin ako?

"Enough with the questions, Mare."

My heart almost dropped at the mention of my special nickname. It's the nickname only my family calls me.

I pursed my lips and did not question him further. He must be having a hard time concentrating on the procedure while his dear patient is roasting him.

In everything I do, almost everything, laging sinasabi ni Papa na dapat ay kasama ko si Doc Almenanza. Ganoon niya pinagkakatiwalaan ang lalaking 'to.

There are times na kapag nasa galaan ako, nakasunod si Earl. Aniya'y utos daw ni Papa. Concerned  siya sa safety ko.

Hindi ko naman kailangan ng tulong niya. I can manage. Besides, he is a doctor, working part-time in their company. I know his schedule is tight, but he can still manage to take care of me.

But, for some reason, I am glad that my father still monitors me through Earl. Somehow, I can feel his presence.

Mabuti na lang at tumawag si Papa sa akin. Si ate Gladys naman ay busy sa site magdamag kaya mahimbing na natutulog na 'yon. Si Keith naman, ang bunso namin, lagi din siyang tumatawag. Pero natawag lang siya tuwing may problema siya sa bahay. Naiintindihan ko naman siya dahil nakakulong lang siya sa bahay. Second year college student na siya at nag-aaral sa Santa Rosa, Laguna kaya hindi na niya kailangang mag dorm Halos araw-araw niyang nakikita si papa na umuuwi ng bad trip kaya na-trauma na siya.

Ako ang nahihirapan sa situwasyon niya. Mabait naman si papa. Police general siya ng lungsod at ginagampanan niya nang maayos ang kanyang posisyon at para na din sa pag-aaral namin. Kailangan mo lang talagang iwasan ang period niya.

Napatawag siya sa akin, for sure hindi siya bad trip. Nag-alala pa nga e.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Pagka-gising ko, nakita ko na nasa E.R pa din kami pero wala na si Doc. Earl.

Nakita ko si Eros, may dala-dalang notes at nag-aaral sa tabi ko. Luminga siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Are you done sleeping?" Tanong niya.

"Oo. Ikaw nakatulog ka ba?"

Ba't mo tinanong 'yon Athanasia! Nakita mo ngang nag rereview.

"Nope, I haven't." Aniya.

Umiwas ako sa kaniya nang tingin at kinapa ko iyong bag ko para kunin ang phone.

2: 39 AM

"Um... gusto mo bang umuwi na? Outpatient naman ako kaya pwedeng umuwi," tinignan niya lang ang mga mata ko at bumaling ulit sa reviewer niya. "I can contact Earl to discharge me."

Kinuha ko iyong wallet ko at binigay sa kaniya ang card ko. He furrowed his left brow, looking at my credit card.

"I already paid," he simply shrugged.

Napaawang ang labi ko at tinakpan ito. Oo mahilig ako sa libre, pero iyong bayaran ang hospital fee ko, may hiya pa naman itong mukhang ito 'no!

"Uy, ba't mo ginawa iyon? Nakakahiya," I tried to calm myself down. Napabuntong-hininga siya at nilapag ang reviewer. Nagsisi pa ako nang kaunti dahil na istorbo ko siya.

"It's alright," napahilamos siya sa kaniyang mukha at inaantok na.

"Gusto mo bang umuwi na?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango na lamang siya at tumayo sa upuan. Tinawag niya ang isang nurse para ma-process na ang paglabas ko. Siya na ang nag-asikaso lahat.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Dati noong nadisgrasya ako habang nagba-bike, kasama ko noon mga kaibigan ko at kaibigan ni Eros pero hindi niya ako  ngayon, siya pa ang nagbayad.

He's not the type of person to meddle in someone's problem. Problema ko ito dahil hindi ako nag-iingat at wala dapat siyang pakialam.

Ano ba ang gusto mong iparating sa akin, Eros?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status