Share

Kabanata 17 : Cerebro

"Mga walang hiya kayong lahat, pati mama ko dinamay niyo pa!" Galit na sigaw ko at isang malutong na sampal na naman ang nakuha ko sa kalbong lalaki.

Tinali niya na ako sa silyang katabi ni Mama na wala pa ring malay. Hindi ko mapigilan na magalit at maiyak habang tinitignan ang mga sugat sa pisngi ni mama. "ANONG GINAWA NIYO SA KANYA! MGA HAYOP KAYO!"

"Ernesto? Turukan mo na kaya 'yan ang ingay! ang sakit sa tenga."

"Ge pre, pero magsasaya muna ako bago ko gawin 'yan."

"Oo na, gawin mo na lang ang gusto mo total walang malay pa naman itong katabi kong si Jun."

Nakangising aso na lumalapit sa akin ang kalbong lalaki. Pero hindi ako nasindak sa kanya, sa galit ko ngayon wala akong ibang maisip kundi ang kagustuhang patayin siya.

Hinawakan niya ang mukha ko at marahas na hinaplos ang magulong buhok ko.

"Anong gagawin mo!?" Puno ng galit na usal ko at tumawa lang siya.

"Tang ina! Ang gusto ko talaga sa babae ay ang ma-attitude at tsaka hard to get." Nag-ngising aso na naman siya at nagu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status