Share

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )
Author: Juvy Pem

PROLOGUE

The students in Dela Paz University, gathering at the expansive lounge at the moment. This is one of the most prestigious schools in the Philippines, located at Zion Avenue, Maharlika, Metro Manila.One of them is Luna and her two friends.

Luna is fond of receiving a challenge from her friends. She don't care what other says. The important thing is that, she's capable in doing it. 

   "Sige nga, kung kaya mong gawin 'yan diyan sa lalaking parating na may dalang order natin." Nanghahamong saad ni Beatriz kay Luna. 

There she goes again, bullying is one of her expertise. Nakaupo sila sa nakahilirang mga mesa't upuan, habang naghihitay ng order nila mula sa isang mamahaling restaurant.

   "Naku! Huwag mo akong hamunin Beatriz, hindi kita uurongan." tumatawang sagot ni Luna. 

   "Okay, game! Ayusin mo gurl, kailangan yung tumatak sa isipan nilang lahat!" ngumuso ito sa mga estudyanteng nasa paligid nila. 

   "You said, then. I'll do my best, total ga-graduate na tayo ilang buwan nalang." she answered, smirking. 

Napatingin siya sa lalaking parating naka-mask ito, at nakakalo ng itim. Ngunit habang papalapit ito sa kanila, napansin niya ang maganda at maskuladong katawan nito dahil sa suot nitong polo-shirt. Hindi halatang mahirap dahil matangkad at maputi ito mukhang alagang-alaga nito ang sarili. Pero kahit nag-aalangan ang kalooban niya kailangan n'yang gawin dahil sa challenge ng kanyang mga kaibigan. 

Paglapit ng lalaki sa tapat ng kanilang mesa, biglang tumayo si Luna sabay hakbang kaya nabunggo niya ang lalaki. Nabuhos ang bitbit nitong kape na mula sa Starbucks at maging ang bag ng pagkain ay nabitiwan nito dahil sa naramdamang init mula sa kape na nabuhos sa katawan nito.  

   "Are you blind?" singhal niya sa lalaki. 

Nagtawanan naman ang kanyang mga kaibigan. Natuon ang attention ng ibang estudyante na nasa paligid nila dahil sa komosyong nangyari.

   "What the h*..." hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin sana. 

Napatingin siya sa mga mata nito na nag-aapoy sa galit. Bumaba ang kanyang mga mata sa katawan nito na nagbakat ang damit sa mamasel nitong katawan dahil sa pagkabasa ng kape. Para tuloy siyang nakonsensya sa ginawa niya. Ngunit dahil sa naumpisahan na niya ito kailangan niyang tapusin ang buong laro. 

Nakita ni Luna ang pag-asim ng mukha at nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa galit. Tatawa sana siya ng mapansin ang magandang hugis ng mukha nito, lalo na ang mga mata kahit natabunan man ng mask ang ilong at bibig ay masasabi mo pa ring, it's a definition of perfection. Hes well defined jawline, sexy neck, broad shoulders, argh! Napakurap siya sa mga pumapasok sa kanyang isipan. 

   "Luna, nagsisisi ka ba?" Tumatawang bulong ni Beatriz sa kanya, ng mapansin nitong natigilan siya. 

Nagulat naman si Luna at hindi kaagad nakasagot. 

   "No way!" 

Biglang nag-init ang dugo ni Adrian sa narinig. Pinagkakatuwaan pala siya ng magkakaibigan na'to? Pinahiran niya ng towel ang mga braso at pati na ang damit niya na nabasa ng kape. Kinuha niya ang nabagsak n'yang bag ng pagkain at ipinatong sa mesa ng magkaibigan.

Tinitigan ni Adrian si Luna nang matagal saka nagsalita. 

   "Next time, don't waste your food, dahil maraming tao ang nagugutom. Hindi lahat ng tao ay makakayang bumili ng mamahaling pagkain katulad n'yo! Kung wala kayong mapaglaanan ng pera ninyo, pwede n'yo namang i-donate o di kaya'y ipamigay sa mga mahihirap diyan sa kalye, makatulong pa kayo!" 

Nagtatagis ang bagang na wika ni Adrian, tinitigan n'yang mabuti ang dalagang natulala. Dumako ang kanyang tingin sa uniform nito na bumakat sa malulusog nitong dibdib, dahil maging ito ay nabasa ng kape. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at inihagis sa dalaga. 

   "Cover your chest, sly woman." he said in angry tone, saka mabilis na tumalikod at umalis.

Napatingin si Luna sa dibdib niya. 

   "Gosh!" sa sobrang paghanga niya sa lalaki kanina, hindi niya naramdaman ang mainit ng kapeng tumapon sa kanya. 

Tinandaan niya ang mukhang iyon. Ang unang babaeng may lakas ng loob na gumawa sa kanya nang ganoon sa harap ng karamihan. 

Naiwang natulala si Luna pati mga kaibigan niya. Halos nakatingin sa kanila ang lahat ng mga estudyante sa paligid nila. 

   "What? Tapos na ang drama! Alis na kayo, alis!" bulyaw ni Beatriz sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila. 

   "Gurl! Ano, tawagan natin yung restaurant? I will ask the manager to fire him?" tanong ni Lea sa kanya. Halatang pinalakas lang nito ang kanyang loob upang hindi siya makaramdam ng hiya. Napatingin bigla si Luna sa kaibigan. 

   "No! Enough, kasalanan ko rin naman yun, pinahiya ko yung tao. Pabayaan muna, buti nga hindi niya tayo pinatulan eh!" naiiritang sagot ni Luna. 

   "Okay!" sabay-sabay na sagot nina Lea at Beatriz. Nagkatinginan naman ang mga ito dahil sa inasal niya. 

Hindi alam ni Luna kung bakit siya affected ng makita ang galit na rumehistro sa mukha ng lalaki. Pakiramdam kasi niya familiar sa kanya ang lalaki. Parang bigla tuloy s'yang nagsisi sa kanyang ginawa. "Never mind! Teka, bakit ko nga ba siya inaalala?" tanong ni Luna sa sarili. Nagtaka naman ang kanyang mga kaibigan, dahil bigla siyang napailing. 

   "Luna, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Beatriz sa kanya. 

   "Nothing! May iniisip lang ako." sagot niya rito. 

Matalik na kaibigan ni Luna sina Beatriz at Lea. Galing din sa kilalang pamilya ang mga ito. Si Beatriz ay anak ng isang Gobernador, samantalang, anak naman ng isang negosyante ng mga furniture and appliances si Lea. 

Si Luna ay nag-iisang anak ng mayamang negosyante na may-ari ng Salvacion Construction Services Company. Lumaki itong maluho, dahil sa sobrang pagmamahal ng ama nito. Maaga itong naulila sa ina. Ang kanyang ama ay nakapag-asawang muli, ngunit hindi sila magkasundo ng kanyang step-mother dahil isa rin itong matapobre at gahaman sa pera. 

Nasa huling taon na si Luna sa kursong Business Management. Nabansagan siyang "Campus Crush" dahil sa kanyang angking ganda. Maamo ang kanyang mukha, at kapag ngumiti ay makikita ang mapuputi at pantay-pantay n'yang ngipin, dumagdag pa ang dalawang malalim na dimple sa pisngi. May matangos na ilong na nabagay sa mapungay niyang mga mata. Kaya halos karamihan sa mga kalalakihan sa kanilang eskwelahan ay pinapantasya siya. Hindi naman maiwasan na magkaroon siya ng maraming kasintahan, kung saan ginagawa nilang pustahan ng kanyang mga kaibigan. Marami ring galit sa kanya, dahil sa mga lalaking sikat sa eskwelahan na naging boyfriend ni Luna. 

Ngunit sa kabila ng kanyang panlabas na kaanyuan at katayuan sa buhay. Si Luna ay may kahinaan din. Lihim siyang naiinggit sa mga kaklase na may mga buong pamilya. Minsan pinangarap niya na sana buhay pa ang kanyang ina. Nangungulila siya sa pagmamahal ng isang ina, dahil hindi ito naibigay ng kanyang step-mother. Kaya sa pang-bu-bully niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman. Walang araw na hindi magbangayan sina Luna at Mercedes ang step-mother nito. Dahil sa unfair treatment ng kanyang ina-inahan sa pagitan niya at sa tunay na anak nito. Lagi nitong pinapagalitan si Luna kapag wala ang ama niya sa bahay. 

Lingid sa kaalaman ni Luna na ang kanyang ama ay may malubhang sakit na dinaramdam. Kaya sinamantala ni Mercedes ang pagkakataon. Palihim itong bumibili ng mga mamahaling gamit para sa anak niyang si Arianna. Naghahanda ito sa pagdating ng araw na bumagsak ang kompanya ng ama ni Luna. 

Ngunit sa hindi inaasahan, isa sa naging biktima ni Luna sa katuwaan nilang magkakaibigan ay si Adrian De Vera, ang tagapagmana ng De Vera Holdings. 

Hindi inaasahan ni Adrian na maranasan ang ganoong sitwasyon. Isa siya sa mga nirerespetong tao sa larangan ng negosyo. 

Gwapo, maputi, at may hindi matatawarang six-pack abs. Matangkad din siya, at may awrang good guy ang dating. Ngunit sa mga nakakakilala kay Adrian, masyado itong metikuloso lalo na pagdating sa trabaho. At isa pang kakaiba sa ugali niya ay, gusto niyang subukan ang iba-ibang uri ng trabaho, upang malaman niya kung ano ang benepisyong nararapat niyang ibigay sa kanyang mga empleyado. Dahil sa nais na masubukan ang pagiging delivery boy, kaya sumabak siya minsan. Ngunit nagdulot pa ito ng malaking kahihiyan sa kanya. 

Dahil sa nangyari, hindi niya magawang kalimutan ang mukha ni Luna. Kaya pina-imbestigahan niya kung saang pamilya nanggaling ito. Doon niya nalaman na anak ito ni Apolinario Salvacion. Ito ang may-ari ng Salvacion Construction Services Company na  subsidiary na ngayon ng De Vera Holdings. 

Hindi rin nakaligtas kay Adrian ang impormasyon tungkol sa kalagayan ng ama ni Luna. Dahil ito ang nagdulot ng unti-unting paghina ng Salvacion Company. Biglang sumilay ang ngiting nakakatakot sa mukha ni Adrian nakaisip siya kung paano makakaganti sa babae. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bunnymyeon Kim
Interesting...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status