Masuk“Riven, Rayan,” mabilis na lumapit si Yngrid sa kambal. Pinilit niyang gawing malumanay ang boses niya, pero nanatiling matalim ang tingin niya. “Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo? Hindi mabuting tao ang Mommy ninyo.” Makitid na tinitigan ni Riven si Yngrid. Nanigas ang maliit niyang panga.“If your Mommy wasn’t a bad person,” pagpapatuloy ni Yngrid, lalo pang pinipilit silang kumbinsihin, “...she wouldn’t have left you when you were still babies.”“Tita, mali ka,” mahinahong putol ni Rayan, pero matatag ang boses. “Hindi naman umalis si Mommy. Nag-aral siya sa ibang bansa.” Direktang tinitigan niya si Yngrid nang walang pag-aalinlangan. “Alam na namin mula pa noong bata kami kung bakit umalis si Mommy.”“At sa tingin mo, naniwala kami sa lahat ng sinabi mo tungkol kay Mommy nitong mga nakaraang taon?” malamig na dagdag ni Riven. “No, Tita.” Hindi na hinintay ni Riven ang sagot ni Yngrid. Diretso siyang naglakad lampas sa babae at lumapit kay Jenesis na nakatayo sa tabi nina R
“Ate Yngrid?” Tumayo si Jenesis mula sa pagkakaupo at diretsong tiningnan ang babae. Hindi siya natinag sa malamig nitong tingin.“So, what’s your reason for coming back this time?” sarkastikong tanong ni Yngrid. Nakatiklop ang dalawang braso nito sa dibdib, malamig at matalim ang mga mata.Huminga nang malalim si Jenesis, pilit pinapakalma ang sarili. “May problema ba kung bumalik ako?” Saglit siyang tumingin kay Rheana bago muling ibinaling ang tingin kay Yngrid. “Asawa pa rin ako ni Raoul. At ako ang biological mother ng mga anak namin.”“Biological mother?” Mapait na napatawa si Yngrid. “What kind of mother leaves her children when they’re still babies, then comes back five years later as if nothing happened?”“Hindi mo alam kung ano talaga ang nangyari sa akin,” kalmadong sagot ni Jenesis. “So, please, huwag ka nang makialam. May dahilan kung bakit ako umalis, at may dahilan din kung bakit ako bumalik.”“There is no reason that can justify a mother abandoning her own babies,”
“Hey!” Hinawakan at itinulak ni Salome si Jude gamit ang dalawang kamay niyang nakaposas. “Don’t you dare touch my son!” mariing sabi niya. Nanginginig ang boses niya sa galit na matagal niyang pinipigilan. Saglit na tiningnan ni Jude si Salome. Wala halos mabasang emosyon sa mukha nito.“I just want to talk to Duke. Is there a problem with that?” malamig nitong sagot. “You do know what our relationship is, don’t you?”“Tumahimik ka!” sigaw ni Salome. Bumilis ang paghinga niya. “I never acknowledged you as part of this family. Dahil sa ‘yo...”“Tama na, Ma,” mahinahong putol ni Duke, pero matatag ang boses. “There’s nothing wrong with what he’s doing. Ako mismo ang pumili ng landas na ito.” Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Jude. Diretso ang mga mata niya at wala siyang bakas ng takot.“Hindi sa ayaw pumunta ng asawa ko. She’s taking care of our daughter para hindi niya malaman ang lahat ng ito. Besides, kahapon lang ako dinala rito.”Mahinang napasinghap si Jude at na
“Raoul? Jenesis?” mahinang sambit ni Iris, halos hindi makapaniwala sa nakikita niya sa harapan.Napatingala si Jenesis. Noon lamang niya lubos na napansin kung sino ang babaeng nakatayo sa harap niya. Biglang nanikip ang dibdib niya at nanuyo ang lalamunan. Dahan-dahan siyang napalunok. Bahagyang humakbang si Raoul palapit, saka ipinatong ang isang braso sa baywang ni Jenesis. Malinaw at matatag ang kilos niya, na para bang may gusto siyang ipakita sa lahat. Ang babaeng iyon ay asawa niya.“You’re here to pick up Bernice?” tanong ni Raoul, mabigat ngunit kontrolado ang boses.Maikling tumango si Iris. Muli niyang itinuon ang tingin kay Jenesis. “Jenesis... since when did you come back?”Hindi pa nakakasagot si Jenesis nang may isang taong lumitaw mula sa likuran ni Iris. Nakatayo roon si Caizer, nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon habang diretso ang tingin nito sa kanilang harapan.“Jenesis,” mahina niyang tawag, “...you’re back?”Maikling tumango si Jenesis at pi
“Kuya Riven, Kuya Rayan, sa school ba maraming friends?” inosenteng tanong ni Rheana sa dalawa niyang kambal na kuya.“Yes,” maikling sagot ni Riven, gaya ng nakasanayan nito.“Marami talaga, baby,” sabat naman ni Rayan na halatang excited. “Tapos may playground din. May canteen where you can buy snacks.”Agad na kumislap ang mga mata ni Rheana. “May swing din, Kuya?”Mabilis na tumango si Rayan. “Meron. May slide din. Basta, ang dami.”“Wow...” Napakalaki ng ngiti ni Rheana. “I can’t wait to go to school.” Lumipat ang tingin niya kay Raoul na abala sa pagmamaneho, habang nakaupo naman si Jenesis sa front seat sa tabi nito. “Daddy, papasok na ba ako bukas?”Sumulyap si Raoul sa rearview mirror. “Not yet, sweetheart. Magpaparehistro muna tayo today. Usually, hindi naman agad-agad nakakapasok.”“Oh...” Bahagyang napasimangot si Rheana, pero agad siyang sinagot ni Riven. “But you can play in the playground with us.”Mabilis na napalingon si Rheana sa kuya niya. “Really, Kuya?”
“So, saan ka na titira ngayon?” tanong ni Caizer kay Iris nang umagang iyon habang sabay silang nag-aalmusal sa dining table. Nandoon din si Bernice. Malungkot ang mukha ng bata. Mula nang wala na sa mansion ang kanyang ama at lola, at umalis na rin ang dalawa niyang kambal na pinsan, mas lalong naging tahimik ang malaking bahay. Para kay Bernice, parang biglang nawala ang ingay na nakasanayan niya. Tahimik na nakayuko si Iris habang nakatingin sa pagkain sa harap niya. Wala siyang ganang kumain. Makalipas ang ilang segundo, itinaas niya ang ulo at tumingin kay Caizer.“Dito na lang ako, Cai,” mahina niyang sagot. Lumipat ang tingin niya sa anak. “Kapag kaming dalawa lang, wala siyang makakasama.” Bahagya siyang huminga bago nagpatuloy. “At least, nandito ka pa rin sa mansion. Nandito pa rin ang favorite niyang Tito.” Iniabot niya ang kamay at marahang hinaplos ang ulo ni Bernice. “Okay lang sa iyo, love?”Maliit na umiling si Bernice. “Gusto ni Bernice makasama sina Riven at Rayan
Matapos ang almusal na nagtapos sa mabigat at tensyonadong atmosphere, lumipat si Jenesis sa kusina para hugasan ang pinagkainan ng buong pamilya.Mariin niyang pinipisil ang sponge laban sa plato, halos sobra na ang diin, parang gusto niyang kuskusin hindi lang ang dumi, kundi pati ang mga salitan
“Maghanap ka ng ibang lalaki para mabuntis ka, Jen.”Ang sinabi ni Caizer nang umagang iyon ay parang malakas na hampas sa dibdib ni Jenesis. Nanlaki ang mga mata ng dalagang asawa, hindi makapaniwala sa narinig.Paano nagawa ng sarili niyang asawa na sabihin iyon nang ganun lang kadali? Na para b
“Raoul…?” kakalabas lang ni Yngrid mula sa banyo matapos gumamit ng CR nang mapansin niyang walang laman ang kama.Agad siyang napasimangot. Tumingin siya sa paligid, gusot ang kumot, pero wala ang asawa niya.“Sigurado nasa study room na naman,” bulong niya, naka-pout pa. “Ba’t hindi na lang siya
“Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya







