Share

CHAPTER III: The Proposal Part II

Author: moonlitmuse
last update Last Updated: 2025-09-23 18:18:58

"Ano?" Di niya namalayang napataas ang kaniyang boses kaya agad niya itong tinakpan.

Bumuntong hininga si Caesar at tumayo ng matuwid bago inayos ang kaniyang suit.

"We need to sit down and talk." Alok niya at napatango nalang si Alora sabay upo sa mga sofa sa office. Halatang kinakabahan siya dahil sa paraan ng pagkulikot niya sa kaniyang mga daliri. Napansin naman ito ni Caesar kaya napagtanto niyang simulan na ang paguusap nilang dalawa.

"Do you have any idea what I wanted to talk with you about?"

Alam ni Alora, may ideya siya kung alin ang gusto niyang pag-usapan. Tumango na lamang siya at sinimulang sumagot.

"About last night, I am very sorry. Nalasing ako at hindi ko alam ang mga ginawa ko. It was a mistake and I am very sorry." kulang nalang ay lumuhod siya para humngi ng kapatawaran dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho.

"No need to apologize." Sabi niya at sumandal sa sofa na siyang ikinagulat ni Alora. "I took the initiative last night. Lasing ka noong hinalikan mo ako pero I wanted to do it. I wanted you that night and if ayoko, I could have easily pushed you away."

"Pagkakamali pa rin yung nagawa ko, Mr. Apollion." giit ni Alora.

"We're adults. May mga nangyayari talagang hindi natin kontrolado. Let's just pretend it never happened."

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Alora sa sinabi ni Caesar Ajax. Hindi lang dahil sa walang emosyon niyang pagkasabi kundi para na siyang nawalan ng dignidad.

"What do you mean mag-panggap nalang na hindi yun nangyari?" Tanong niya.

"Yes, mag-panggap tayo na hindi pagkakamali ang nangyari sa atin."

"Huh? Teka, naguguluhan ako." Napakamot si Alora sa ulo.

"All I am saying is, let's get married."

Gulat niyang tinignan si Caesar at namula. Anong ibig niyang sabihin? Agad-agad? Mas lalong naguluhan si Alora at hindi na alam kung ano ang dapat maramdaman.

"Ha!?" Nagkatinginan silang dalawa. Sinubukang basahin ni Alora ang kaniyang mga mata ngunit wala itong ibinabahagi. Walang emosyon, parang patay na kandila.

"We didn't use protection last night. If you're pregnant, we can keep the baby. Kung ayaw mo, papanagutan pa rin kita."

Ang paraan ng pagkasabi niya ay kalmado na siyang ikina-klaro ng isip ni Alora. Pero biktima lang din naman siya ng kataksilan. Pagkatapos siyang lokohin ng kaniyang ex-boyfriend, takot na ulit siyang mag-commit o kahit sumubok man lang. At isa pa, may parte sa kaniyang damdamin na ayaw makapag-asawa ng mayaman dahil sa kaniyang pinanggalingan.

At si Caesar Ajax Apollion ay napaka-yaman. Kaya niyang gawin at kaya niyang kunin ang gusto niya sa isang bagsakan lang ng pera. Conservative siyang lalaki dahil kung hindi, magiging single ba siya ng dalawampu't walong taon?

Habang siya? Hindi lehitimong anak lang naman siya ng kaniyang ina at isang businessman. Simula bata ay pinagku-kwentuhan na siya ng hindi makatotohanan ngunit wala na masyadong nakaka-alam ang tungkol sa kaniya simula noong maka-graduate at umalis sa kanilang lugar para matupad ang kaniyang mga pangarap. 

At dahil sa isang pagkakamali, mukhang siya pa ang magiging dahilan para madungisan ang imahe ni Caesar. Kaya wala siyang ibang pag-pipilian kundi tumanggi.

"I'm so sorry, Mr. Apollion. Uminom na po ako ng gamot para hindi maka-buo. Hindi na rin natin kailangang mag-pakasal. I really appreciate your offer though pero kalimutan nalang natin ang mga nangyari." Mabilis niyang sabi bago tumayo at tumangkang umalis ng office ng bigla naman siyang pigilan ni Caesar.

"Stop." Mariin niyang pag-banggit. Lumalim ang kaniyang boses at mas lalo itong nakakasugat. Isa siyang pinaka-kilalang tycoon sa bansa, maraming babae ang naghahabol sa kaniya pero ni-reject lang siya ng kaniyang employee?

Unti-unting humarap si Alora sa kaniya at sadyang iniiwasan ang kaniyang titig dahil sa kaba.

"We are still talking, Ms. Alora. Standing up and walking away mid conversation is very disrespectful." Saad niya at napalunok nalang si Alora sa kaba.

"I am very sorry, Mr. Apollion. Pero hindi na talaga nating kailangang magpaka-"

"The company plans to send you and Director Giovanni to Goullivuere Fashion Week next month. Kung ayaw mong pumunta, you can just ignore me and miss that oportunity." Sulpot ni Caesar na siyang ikana-putol ng sinasabi ni Alora.

Maiinis na sana si Alora sa taong nasa harap niya kung hindi maganda ang mga balitang hatid ni Caesar. Napatakip siya sa kaniyang mga labi dahil sa gulat at hindi napigilang mapa-ngiti. Nakita naman ito ni Caesar at napa-ngiti ng pasikreto.

"Talaga po?" Tanong niya nang hindi maitago ang katuwaan sa kaniyang boses. Tumango lamang si Caesar na parang hindi ito malaking bagay.

"Yes," sagot ni Caesar bago tumayo at mabagal na lumapit sa puwesto ni Alora. "At hindi ako tumatanggap ng rejection. Bibigyan kita ng tatlong linggo para pag-isipan ang proposal ko. I hope you will change your mind."

Napa-atras na lamang si Alora habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi niya mabura ang ngiti sa kaniyang labi sa magandang balita.

"Okay, pag-iisipan ko Mr. Apollion." Tinaasan lamang siya ng kilay ni Caesar.

"You can leave now."

Tumango si Alora at dali-daling lumabas ng office. Hindi matanggal sa isip niya ang magandag balita. Hindi madaling maka-punta sa Goullivuere Fashion Week kaya hindi pwedeng masayang itong opportunity. Hindi na niya maisip ang tungkol sa proposal ni Caesar dahil sa kasiyahan kaya isinintabi niya muna ang tungkol dito.

Pag-balik niya sa workstation, bigla siyang siniko ni Sophie.

"So ano? Maganda ba ang office ng CEO? Sobrang mamahalin ba?"

Ngumisi si Alora. "Sa tingin mo?"

"Damn, nakaka-inggit. Ikaw na girl!" Patawang sabi ni Sophie habang niyu-yugyog ang katawan ng kaniyang kaibigan.

"Then ano ang pinag-usapan niyo, hmmm?"

Hinarap ni Alora si Sophie at hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang braso.

"Sophie! Matutupad ko na ang isa sa mga pangarap ko!" pasigaw niyang sabi.

"Teka, andami mong pangarap. Alin ba? Na makapag-asawa ng mayaman o ano?"

"Baliw ka ba?" inirapan ulit siya ni Alora.

"Eh ano? Malay ko ba. Diba isa yun sa mga pangarap mo?" sumbat naman ni Sophie.

"Hindi! A-attend ako sa Goullivuere Fashion Week next month!" Sigaw ulit niya at napatakip sa labi si Sophie sa balita.

"Oh my god, totoo!?" Tumango si Alora at agad naman siyang niyakap ng kaniyang kaibigan sa tuwa.

"I am so happy for you, Alora! Congratulations!"

Tumalon-talong silang dalawa habang mag-kayakap at sumisigaw sa tuwa hanggang sa suwayin sila ng isa nilang senior. Agad silang tumahimik at humagikgik ng mahina.

"Good luck, Lor."

"Thank you, Soph."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal   CHAPTER V: One True Kiss

    Hinila siya ni Caesar sa kaniyang tabi sa punto kung saan naidikit ang kanyang pisngi sa braso niya. Ramdam ni Alora ang mabilis na pagtibok sa kaniyang dibdib na pilit niyang binabalewala.Tsaka niya lang binitawan ang baywang ni Alora ng lumabas na lahat sila sa first floor. Napa-buntong hininga si Alora at nag-madaling lumakad papalayo ng marinig niya ang mga usapan ng mga employeeng kasabay nila kanina."Nakita mo ba yung hickey sa leeg ni Mr. Apollion?""Siguro yun yung sabi nila na may kahalikan siya last time!"The heck? So nagkalat na nga. Nakahinga ng maluwag si Alora dahil kahit papaano ay walang nakakilala sa kaniya. Lalabas na sana siya ng building ng maalala niyang may naiwan siyang project na kailangan niyang ayusin kaya bumalik siya sa taas.Pagkarating niya sa 298th floor, agad niyang kinuha ang mga designs na project niya sa kaniyang desk. Aalis na sana siya ng masulyapan ang magandang view sa labas. Parang cityscape na nababasa lamang niya sa mga nobela. Lumapit siya

  • What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal   CHAPTER IV: A Vampire

    Habang nakatuon ang kaniyang pansin sa mga upcoming projects, biglang may tumawag sa kaniyang pangalan na siyang ikina-balikwas niya. Si Director Giovanni, ang kaniyang kasama sa Goullivuere Fashion Week next month. Agad-agad namang tumayo si Alora para batiin siya."Alora, I can't believe na ikaw ang makakasama ko next month for the upcoming Fashion Week."Kinakabahang tumawa si Alora habang tumango."I was surprised! A document has been issued from the bulletin board.""Me too, Director Giovanni. Hindi ako maka-paniwala na isa ako sa dadalo."Hindi talaga siya maka-paniwala dahil sa dinami-raming employee na matagal ng nagta-trabaho sa kompanyang ito kompara sa kaniyang isang taon pa lang. At isang rason na iyon kung bakit siya naging target ng public critisism. Hindi niya mapigilang isipin na binigyan lang siya ni Caesar ng ganitong opportunity para bumawi sa mga pagkakamali nilang dalawa.Noong kumalat ang balitang ito, marami ang naging masaya para sa kaniya. In fact, mas motivat

  • What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal   CHAPTER III: The Proposal Part II

    "Ano?" Di niya namalayang napataas ang kaniyang boses kaya agad niya itong tinakpan.Bumuntong hininga si Caesar at tumayo ng matuwid bago inayos ang kaniyang suit."We need to sit down and talk." Alok niya at napatango nalang si Alora sabay upo sa mga sofa sa office. Halatang kinakabahan siya dahil sa paraan ng pagkulikot niya sa kaniyang mga daliri. Napansin naman ito ni Caesar kaya napagtanto niyang simulan na ang paguusap nilang dalawa."Do you have any idea what I wanted to talk with you about?"Alam ni Alora, may ideya siya kung alin ang gusto niyang pag-usapan. Tumango na lamang siya at sinimulang sumagot."About last night, I am very sorry. Nalasing ako at hindi ko alam ang mga ginawa ko. It was a mistake and I am very sorry." kulang nalang ay lumuhod siya para humngi ng kapatawaran dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho."No need to apologize." Sabi niya at sumandal sa sofa na siyang ikinagulat ni Alora. "I took the initiative last night. Lasing ka noong hinalikan mo ako pero I

  • What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal   CHAPTER II: The Proposal Part I

    Pagkatapos ng appointment niya, hinatid naman siya ni Asher papuntang building. Si Asher Esteban ang assistant ni Caesar Ajax. Magka-edad sila ni Alora, parehong 22 at grumaduate sa parehong university, na-interview at nagsimulang mag-trabaho ng sabay. Marami siyang kapabilidad sa industriya ng business at siya lamang ang kayang sumabay sa kanilang boss kaya bagay na bagay siya sa trabaho niya ngayon.Hindi rin napigilang asarin ni Asher si Alora dahil sa mga nangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi naman naging awkward ang byahe nila papauwi. Hindi rin pinalampas ni Alora na tanungin kung bakit sila natuntong sa ganoong sitwasyon."Lasing na lasing ka that night at sumakay ka sa maling sasakyan which is pagma-may ari ni Mr. Apollion. Tinawag mo pa talaga siya sa pangalan ng ex mo at ayaw mo siyang bitawan. Ma-swerte ka at hindi ka tinapon sa kung saan-saan." Sagot naman ni Asher habang nagmamaneho at gusto nalang ni Alora na lamunin siya ng lupa sa sobrang hiya."By the way, pababa n

  • What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal   CHAPTER I: Aftermath of One Night Intimacy

    Isang ungol ang kumawala sa mga bibig ni Alora nang magising siya't naramdaman ang sakit ng buong katawan at ulo. Nasobrahan niya ang pag-inom kagabi sa naganap na department party pero bakit pati katawan ay nanghihina rin kung hangover lang sana ito? Pagkamulat ng kaniyang mga mata ay kaniyang napagtanto na nasa isa siyang 'di pamilyar na kwarto.Unti-unti siyang bumangon at napansing wala siyang saplot kundi malambot na kumot lamang. Gulat niyang tinignan ang kaniyang pambaba na ngayon ay puno ng marka na siyang nagpaalala sa mga nangyari noong gabing iyon."What the fuck!" napamura nalang siya dahil sa napaka-klarong alaala sa gabing iyon.Agad siyang bumangon kahit ang kaniyang mga hita ay nanginginig pa rin. Hinanap niya ang kaniyang mga damit na punit-punit nang nakakalat sa sahig. Pinulot niya ang kaniyang puting blouse at napa-buntong hininga. "Anak ng tokwa, hindi na siya pwedeng isuot." Pareklmo niyang bulong sabay hagis sa sahig.Pag-tingin niya sa bed side table ay mayroo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status