Share

Chapter 2

Chapter 2

"Mukha lang siyang bata pero bente-uno na 'yan, mga kuya. Papasukin n'yo na kami, please?"

We had arrived in front of The Euphoria. Nagmamakaawa si Melvina sa harap ng dalawang bouncer habang tinutulungan ako ni Olivia na hanapin ang ID sa backpack ko. Hinarang ako dahil mukha raw akong menor-de-edad. And I needed to show them my ID to prove that I was of legal drinking age to enter the nightclub.

Pero kasalanan ko rin. Paano ba naman kasi? Naka-denim shorts lang ako at vintage jacket, then I paired it with sneakers. Parang mamalengke lang ako sa suot ko. Wala naman kasi akong ideya na hahatakin na naman nila ako after our graveyard shift.

I don't get it. What's wrong with these people? Just because I have a youthful face doesn't mean I'm not an adult. Being small can make me feel and look even younger, which can be both nice and annoying at the same time. I'm already mistaken for someone younger than my actual age, and being petite only adds to that.

Agh! Nakakainis maging pandak.

"Protocol lang, mga Miss," paliwanag ng bouncer.

"Kuya, ilang beses na kaming nakapasok dito, hindi mo ba siya natatandaan?" tanong ni Olivia. Inilalabas na niya ang lahat ng laman ng bag ko. "Ano ba 'tong mga 'to? Puro discount cards naman?" Palatak niya. Iniisa-isa niya ang mga rewards cards sa wallet ko, kasama roon ang suki card, happy plus card, pag-ibig loyalty card at 7-eleven cliqq. Naroon din ang PWD ID card ng kapatid ko pati na ang mga McDonald's coupons na naiipon dahil paborito niya ang fast-food restaurant na 'yon.

"Please, kuya! Next time, dadalhin na niya ang ID niya," pakikiusap muli ng isang kaibigan ko, si Melvina.

"Kailangan po talaga niyang maipakita ang ID niya, Miss," sagot ng bouncer pabalik.

"Ako ang nahihiya para sa inyo. Obligasyon naman talaga nilang i-check kung nasa tamang edad na siya." Hinatak ni Elaine si Vina at pinatayo sa gilid, sa tabi namin.

Ngumiti ako sa kanila. Ayos lang din naman na hindi ako makapasok. Hindi naman ako alak na alak. "Uuwi na lang ako. Kayo na lang ang mag-enjoy. Pumasok na kayo." Itinulak ko pa siya ng bahagya matapos kong isarado ang bag ko. Siguro ay nasa bahay ang ID ko. Nagpalit kasi ako ng bag kanina. Hindi ko siguro napansin na nalaglag or what?

"Kuya, please?" Ipinagsalubong ni Olivia ang dalawang kamay niya, plus nagpa-cute pa siya sa harap ng bouncer ngunit hindi natinag ang huli.

Pumagilid kami ng kaunti nang may makita kaming grupo ng mga lalakeng papasok sa nightclub. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang nasa unahan. Humaging sa pang-amoy ko ang mamahalin niyang pabango, pagkalagpas niya sa kinatatayuan ko.

He turned at me with a smirk on his face that gave me goosebumps. "Don't let her in; she's a minor," he said in his distinctively deep baritone voice.

Kakikita ko lang sa kanya kagabi sa trabaho tapos susulpot sila rito ngayong madaling-araw?

Gusto kong mag-assume na sinusundan nila ako, pero, hello?

Sino ba naman ako? Isa lang akong waitress sa araw at masahista sa gabi.

"Eh!" sabay-sabay na sabi ng mga ka-trabaho ko. "Sir naman, e!" Reklamo nila habang hinahatid-tanaw ang papalayo nang lalaking iyon. Hindi siya kinapkapan ng mga bouncer.

Bakit ang unfair? Hindi rin hiningian ng ID. Ang tangkad naman kasi! Mas matangkad pa siya kaysa sa mga bouncer. Pumasok siyang hindi man lang lumilingon.

Malamig naman ang tingin sa akin ng tatlo pa niyang kasama, maliban sa lalaking nasa pinakahuli.

Si Leon Montecalvo, ang anak ni Mayor na naging boyfriend ko noong seventeen ako. Dalawang buwan lang ang itinagal namin dahil masyado siyang seloso.

Si Miles Finnegan naman na isang half-Irish ay naging nobyo ko noong nineteen ako. Naghiwalay din kami sa kadahilanang ayaw ko ng long-distance relationship. Umalis siya noon papuntang Ireland ngunit bumalik din pagkatapos ng dalawang taon. Hindi na siya nakipagbalikan sa akin dahil nalaman niya ang tungkol sa kalagayan ng kapatid kong si Josue. Perhaps he was afraid that if he ended up with me, magiging katulad din ng kapatid ko ang mga magiging anak namin.

Hindi ko naging ex si Morris dahil may long-time girlfriend siya. Wala akong ideya kung sino. Ewan ko ba kung bakit galit ang isang 'to sa akin, hindi ko naman siya ka-close. Marahil ay inaakala talaga niyang tinuhog ko ang mga kaibigan niya.

Malay ko bang magkakaibigan pala sila?!

I noticed their closeness as they all went inside Serene & Loud years ago. Doon ko nalaman na connected pala silang lahat. Naloka ako!

Sa kanilang apat, si Maximus lang ang tanging hindi galit sa akin. Naghiwalay kami dahil kinailangan niyang magpokus sa law school. But after that, we remained friends.

Parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa pagiging assumera. Doon ko na-realize na kaya sila nandito ngayon ay para mag-celebrate. Katatapos lang kasi ng bar exam ni Maximus.

Tumitig siya sa akin at nginitian ako, sabay lagay ng palad niya sa ulo ko at niyuko ako ng kaunti. Sobrang tangkad kasi niya. Halos magkasing-taas lang sila ni Jacques. "Dili siya menor de edad. Let her in," he told the bouncers, which made me smile. Nagpasalamat agad ako.

"Areglado, bossing," sumaludo ang bouncer. Binuksan niya ang pintuan para sa amin.

Halos magtulukan ang mga kasama ko sa pagpasok, kasunod ako at si Maximus. Sinabihan pa niya kami na sagot niya ang bill namin.

"Bumisita ka minsan sa Spa kapag may time ka. Treat ko ang massage mo!" sabi ko sa kanya. Medyo pasigaw iyon habang nakalapit ang bibig ko sa tenga niya dahil maingay sa loob.

"Sige ba!" Sigaw niya pabalik at sumenyas sa akin na aakyat na siya sa VIP room. Glass paneled iyon at kita mula rito ang mga taong nandoon.

"Salamat!" sigaw ko habang kumakaway sa kanya na abot-tenga ang ngiti. Paglingon ko'y tinitira na ng mga kasama ko ang alak na inilagay ng waiter. Cazadores Reposado iyon at parang uhaw na uhaw nilang naubos. Isang shot lang ang nainom ko dahil iba ang sadya ko rito. Gusto ko lang sumayaw at kalimutan pansamantala ang mga problema ko. Para sa akin, hindi alak ang solusyon sa problema. I should just let the steam out and breathe away the stress.

I dragged Melvina to the middle of the dance floor and we started moving without a care in the world. Elaine and Olivia looked jealous, so they joined us too. My mind was racing as we danced to the beat of the music. I ruffled my curly lob hair and threw my hands up in the air, swaying my head to the rhythm of the song.

Paglingon ko sa mga kasama ko, may kanya-kanya na silang kahalikan. Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kanila.

Sa pag-ikot ko, may mga brasong yumakap sa bewang ko. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para mabigyan ng space ang katawan naming dalawa.

"Can we dance for old times sake?" Leon whispered as he pressed his body against mine and slid his hands a few inches lower until they were resting in my back, squeezing my buttocks. Hindi ko gusto ang ginawa niyang pagpisil ng puwetan ko kaya itinulak ko siya. Bahala na kung anak siya ni Mayor. Wala siyang karapatang bastusin ako. He pursed his lips in a conceited smirk. "Come on, hon. You want this, too."

Muli niyang inilapit ang katawan niya sa akin at amoy na amoy ko ang naghalong alak at sigarilyo sa bibig niya. I almost puked because of it while walking backwards to avoid getting too close to him.

Bago pa niya mailapit ang labi niya sa akin at may malalaki nang brasong humila sa kanya.

"Senyorito, oras na ho para umuwi!" Dinig kong sabi ng bodyguard niya. Napansin ko ang pagtapik niya sa balikat ni Leon. Kilala ko siya dahil kahit noong kami pa ni Leon ay nakabantay na siya sa kanya.

"Fuck that curfew. I'm old enough to go home against my will." He cursed discontent but did nothing because his bodyguard was stronger than him. Sumama na lang siya at nahihiyang nagbawi ng tingin sa akin.

Bumalik ako sa table namin. Nagyaya nang umuwi si Olivia kaya lumabas na kami. Tumapat kami sa kotseng Suzuki S-Presso. It is Olivia's car. Iyon ang ginagamit namin tuwing may mga lakad kami.

"Paano? Mauuna na kami?" tanong ni Melvina sa akin. "Kaya mo namang umuwi mag-isa, 'di ba?"

Out of the way ako sa uuwian nila kaya tumango ako. Wala rin naman akong choice, alangang magpahatid pa ako sa kanila, mapapalayo pa sila.

"Send ko mamaya sa 'yo iyong address ng magpapa-home service," bulong sa akin ni Olivia. I thanked her, and they all climbed into the car and said their goodbyes.

Magliliwanag na rin naman. May mga tricycle nang pumapasada papunta sa amin. Iyon nga lang ay special fare. Humikab ako. Inaatake na ako ng antok.

Sasakay na sana ako sa pinara kong tricycle ngunit tumigil ako dahil may tumatawag sa pangalan ko.

"Jen! Sa amin ka na lang sumabay! Madadaanan naman namin ang bahay n'yo!"

Napatingin ako sa kinaroroonan nila. Maximus is waving his right hand at me. They were in the parking lot. Si Jacques na lang ang tanging kasama niya. His brows were creased, and I could tell he didn't want me around them.

"Salamat pero hindi na lang!" sigaw ko pabalik. Akma na sana akong sasakay ngunit nakita kong mabilis na tumakbo si Maximus sa kinaroroonan ko. Hinarangan niya ang motorsiklo ni Kuyang driver.

"Boss, sa amin na siya sasabay," sabi niya. Dinukot niya ang pitaka sa bulsa niya at nag-abot ng isang libo sa tricycle driver.

Wala akong nagawa.

Nakasimangot akong napatitig kay Maximus. "Lahat na lang dinadaan mo sa pera. I really hope you don't do that in court."

Naglakad na kami palapit sa kotse niya.

He was chuckling and rested his right hand on my shoulder. Siniko ko siya sa tiyan. Napaigik siya at tumawa. "I won't. Napakapabebe mo. Sinabi ko na kasing isasabay kita, 'ayan tuloy nawalan ako ng isang libo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino ba kasing nagsabing bayaran mo?"

He didn't answer me but instead opened the passenger seat door for me. Sumakay ako. Jacques was already seated at the back, and I caught his eyes fixed on the rearview mirror. I looked away and fastened my seatbelt.

"How are you?" Maximus asked as he started the car.

I glanced at Jacques in the mirror, and he had already closed his eyes and was comfortably leaning in the backseat. Look at this guy, why does he still look hot even when he's asleep? His muscled arms were flexed as he crossed them. I couldn't help but think how tempting it would be to touch those muscles.

"Well, I may not have grown taller, but I'm still pretty," I replied, making Maximus laugh.

If it weren't for the fact that he was my ex and a notorious womanizer, I might have fallen in love with his laugh. But I know better than to risk my heart on a man who can't be satisfied with just one woman. Sabi niya noon, magpopokus siya sa law school kaya siya nakipaghiwalay sa akin.

Aba! Wala pang isang buwan, may bago na kaagad! At napalitan na naman ng bago pagkatapos ng isang buwan hanggang sa papalit- palit na lang siya ng babae na para bang nagpapalit lang siya ng brief sa araw-araw.

I've never lost hope of finding a new love after our breakup. 'Yon nga lang mahirap hagilapin si love. Ayaw yata sa akin.

Muling napatingin ako sa lalaking nasa likod at sumikdo ang puso ko nang magkatinginan kami sa salamin. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

Napa-hinga ako ng malalim at inayos ang tingin ko, iwas sa mapang-akit niyang mga mata.

Ano ba 'to, iba na yata ang nararamdaman ko sa kanya! Pero alam ko namang imposibleng pumatol siya sa akin, lalo na't naging girlfriend ko na ang tatlo niyang kaibigan. Tiningnan ko ulit siya sa salamin, nagtatanong kung ano kaya ang iniisip niya sa akin ngayon. Pinagalitan ang sarili at iwinaksi ang mga ideyang bumabagabag sa isip ko.

Nahimbing ako sa biyahe at bigla akong nagising nang may marahan na kamay na tumapik sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ay nagulat ako sa aking paligid. Nasa tapat na pala kami ng bahay ni Tita. "Salamat, Mac. Diyan ka pa rin nakatira?" tanong ko sa kanya habang itinuturo ko ang malaking mansyon na hindi kalayuan mula sa amin.

"Someone had brought it actually," sagot niya.

"Huh? Bakit mo ibinenta?" Napatitig tuloy ako sa kanya. Alam ko kasi na regalo iyon ng ama niya dahil nakuha niya ang summa cum laude sa USC.

"I need to stay now in Manila. Doon ako magpapa-practice ng law kapag nakapasa na ako. At kailangan ko ng pera dahil alam naman nating magastos doon. Konting kibot lang, pera na. Samantalang dito, pupunta lang ako sa dagat, may pang-ulam na ako. Pupunta lang ako sa hardin, may gulay at prutas na ako."

Tumawa ako ng mahina sa mga sinasabi niya. He's stating facts right now. "Ayaw mo rito sa Cebu?"

"Walang opportunities dito. Tiyaka na lang ako babalik kapag magtatayo na ako ng sarili kong law office."

"Naks!" Sinuntok ko siya sa dibdib. He laughed heartily again. "I'm so proud of you," I said, looking straight into his brown eyes.

Tumigil siya sa pagtawa at tinitigan lang niya ako.

"Wala pa man pero gusto na kitang batiin dahil ang layo na ng narating mo. Sana lang ay maging matino kang abogado, hindi abogago."

Ginulo niya ang buhok ko. Tumawa ulit siya. Then he made a serious face and stared at me. "I won't. Babaero man ako sa paningin mo pero hindi ako magloloko sa husgado."

Habang nagkatitigan kami, hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. He was such a unique person, with a deep passion for building great things and caring for people. I promised to remember him in my prayers.

Our gaze broke when Jacques cleared his throat from the backseat.

"Don't go kissing in front of me, Mac. I'll kick you out," he said, his tone laced with something I couldn't pinpoint. I could feel the tension in the air.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emmanuel Regatis
hehw.selos si jacques
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status