Hindi na siya pumasok sa loob ng restaurant. Sa halip, dali-dali siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito pauwi. Pagkarating sa bahay, dumiretso siya sa kaniyang kwarto. Sa ibabaw ng mesa, nakapatong ang kaniyang laptop. Agad niya itong binuksan, nagpunta sa MS Word, at sinimulang gawin ang divorce agreement.
Pagkatapos niyang matapos ang dokumento, tinawagan niya ang kaibigang si Michelle, ngunit hindi ito sumagot. Napakagat siya sa labi at napaisip. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Jude. Dali-dali niyang hinanap ang numero nito at tinawagan.
"Hello, si Seraphina 'to. I need your help. Puwede mo ba akong sunduin sa bahay?" Walang paliguy-ligoy niyang sabi. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jude at agad niyang binuksan ang airline website para bumili ng ticket papuntang Davao. Mahal ang pamasahe dahil last-minute booking ito, pero wala siyang pakialam—ang mahalaga ay makaalis siya agad.
Pagkabili ng ticket, agad niyang pinrint ang divorce agreement, ipinasok ito sa isang brown envelope, at nagsimulang mag-empake. Kinuha niya lahat ang kanyang damit at pinagsiksikan sa kanyang maleta, hindi din naman ito madami daihil hindi naman siya mahilig sa maraming gamit. Kinuha rin niya ang mahahalagang papeles at iba pang dokumento.
Bago tuluyang lumabas ng kwarto, napatigil siya saglit sa tabi ng bedside table. Naroon ang wedding picture nila ni Sebastian. Dinampot niya ito, saglit na tinitigan, saka walang pag-aalinlangan ibinato sa sahig. Hindi na siya lumingon pa.
Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Manang Jelly na naghahanda ng snacks, kaya nilapitan ko siya.
“Manang Jelly, pakihatid na lang po nito kay Sebastian,” sabi ko habang iniaabot sa kanya ang brown envelope.
Tinanggap niya ito na may bahagyang pagtataka sa mukha, pero hindi na siya nagtanong. Nang makuha na niya ang envelope, tumalikod na ako at naglakad palabas ng bahay, bitbit ang aking maleta.
Paglabas ko, agad kong napansin ang sasakyan ni Jude na nakaparada sa harap, bukas ang compartment sa likod, tila handa na siyang umalis anumang oras.
“Let me help you with that,” sabi niya habang inabot ang aking maleta. Hinayaan ko lang siya at binuksan ko naman ang aking bag upang kunin ang cellphone ko.
Matapos niyang ipasok ang maleta sa trunk, pumasok na ako sa sasakyan, at ganoon din siya. Hindi nagtagal, pinaandar na niya ang sasakyan at sinimulang tahakin ang daan papunta sa airport.
“Hinto muna tayo sa bangko,” sabi ko.
Tumango lang si Jude at walang tanong na lumiko patungo roon.
Pagdating sa bangko, agad akong pumasok at nag-withdraw ng pera—kabuuang dalawang daang libong piso.
Pagkatapos kong mag-withdraw ng pera, bumalik ako sa sasakyan at agad kong iniabot kay Jude ang aking cellphone. Kita ko sa mukha niya ang gulat—parang hindi sigurado kung ano ang dapat niyang gawin.
“Dispose it. Sirain mo, ibenta mo, itapon mo, ibigay mo kahit kanino. I don’t want that anymore,” sabi ko nang matigas habang iniaabot sa kanya ang cellphone.
Wala akong pakialam kung latest iPhone pa ‘yan. I can buy a new one. Kung ito ang huling bagay na kailangang mawala para tuluyan ko silang makalimutan, gagawin ko.
Ganito ba talaga kapag napagod ka na? Kapag wala ka nang lakas para lumaban pa?
Sandaling natahimik si Jude bago tumango. “Okay,” tanging sagot niya bago niya muling pinaandar ang sasakyan, tahimik na nilalandas ang daan patungo sa airport.
Pagdating namin sa airport, agad na ibinaba ni Jude ang aking maleta mula sa compartment.
“How about this phone? Sigurado ka bang ayaw mo na nito?” tanong niya habang hawak pa rin ang cellphone ko.
Ngumiti lang ako bilang sagot.
“Aalis na ako. Ingat kayo,” sabi ko, saka bahagyang tumawa. “I sent my resignation letter through email. Sana kasing ganda ko pa rin ang bagong secretary.”
Napatawa rin si Jude at umiling. “Ikaw talaga.”
“Bye-bye.”
Wala nang maraming drama. Tumalikod na ako at dumiretso sa check-in counter. Matapos ang mahabang proseso, nag-anunsyo na maaari nang sumakay sa eroplano. Huminga ako nang malalim, saka ngumiti habang naglalakad papunta sa aking flight.
What should I do after reaching Davao?
Maghanap ng trabaho?
I have a degree in Early Childhood Education, I’m licensed, and I even have a doctorate
Agad akong lumabas ng airport at pumara ng taxi, saka nagpahatid sa isang hotel. Pagkarating ko roon, mabilis akong nag-check-in at dumiretso sa aking kwarto.
Pagpasok ko, hindi ko na nagawang mag-ikot pa. Agad akong humiga sa kama, ramdam ang bigat ng katawan ko matapos ang lahat ng nangyari. Ilang sandali akong nakatitig sa kisame bago bumangon, kinuha ang laptop ko, at ikinonekta ito sa WiFi ng hotel.
Habang nag-scroll ako sa aking LinkedIn account, napansin ko ang isang job offering mula sa isang private school. Pero hindi ito sa Davao—nasa Tagum. Napangiti na lang ako at agad na nagsend ng resume.
"I guess trying a new place isn’t bad, right?" bulong ko sa sarili habang nakatitig sa screen.
Dahil gabi na, hindi na ako nag-antay ng reply mula sa paaralang inaplayan ko. Isinara ko ang aking laptop at bumuntong-hininga. Bahala na bukas.
Tumayo ako mula sa kama at nagdesisyong maligo muna bago lumabas para mag-dinner. Kailangan ko ring makapag-relax kahit papaano.