Share

Kabanata 1

"Aya! 'Yong kambing mo, gumala na naman!" Nagising ang diwa ko nang marinig ang kambing. Ay este, si Cambelle. Matalik ko'ng kaibigan na mala kambing din ang bunganga kung makasigaw.

Tinawag ko ang alaga kong kambing na agad namang lumapit sa akin.

"Naku naman, Aya. Hindi mo pet ang kambing na 'yan para pangalanan mo at lalong hindi mo kambing 'yan. Tagapag-alaga ka lang. Ibibenta rin ni Mang Eban 'yan!" saway sa akin ng kaibigan ko.

Bahagya akong natawa. Tama siya, tagapag-alaga ako. Iyan nga ang magandang tawag sa akin. Imbes na nurse sana, nauwi sa tagapag-alaga ng mga hayop. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, e 'di sana nag-veterenarian na lang ako.

Dalawang taon na ang lumipas mula nong tumakas ako sa sarili kong mga magulang. Gano'n na katagal, ngunit sariwa pa rin sa alaala ko. Nandito pa rin sa puso ko ang hinanakit sa magulang ko.

Pero kahit na ganoon ang ginawa nila. Hindi pa rin sila mawaglit sa isipan ko. Magulang ko pa rin kasi sila. Kahit hindi ko pa naramdaman ang pagmamahal nila.

Kahit mahirap, pinipilit kong lumaban sa buhay. Laban sa buhay— talagang marami akong kalaban sa buhay na kinahaharap dito sa El Canto. Dito ako dinala ng mga paa ko.

Basta na lang akong bumababa ng bus at wala sa isip na sinundan ang dalawang babae. Mahabang lakaran ang aming ginawa bago ko nabasa ang maliit na signage na El Canto. Tunog pa lang ay nakakatakot na. Makapanindig balahibo na.

Nahinto pa nga ako sa paglalakad no'n at gustong bumalik sa dinadaan namin, ngunit takot ang naramdaman ko nang makita ang makipot na daan at matataas na puno na lalong nagpakulimlim sa aming dinadaanan.

Lakas loob kong tinawag ang mga babaeng sinundan ko. Sabay silang lumingon. Bakas sa mukha ang pagkagulat. Walang lingon din kasi silang naglakad at magkahawak kamay pa. Mababanaag din sa mga mukha nila ang takot.

Sandali silang hindi nakagalaw at tumitig lamang sa akin. Hindi nila ako kilala at alam nila na dayo ako sa lugar nila. Ibang-iba ang klase ng pananamit ko, sa pananamit nila. Damit kasi nila, abot hanggang sakong at mahaba pa ang manggas. Suot ko ay shorts, sneakers, 'tsaka hoodie jacket.

Sinabi ko sa kanila na nawawala ako at sinundan lang sila na bumaba ng bus. Bumakas agad ang awa sa mga mukha nila nang makita ang agarang pagpatak ng mga luha ko. Inaya nila ako sa bahay nila at bukal sa loob na kinupkop ng kanilang pamilya.

Pamilya nila Cambelle. Nanatili ako sa kanilang poder hanggang sa masanay ako sa klase ng pamumuhay nila. Nagkaroon ulit ako ng pamilya na tinuturing dahil sa kanila.

Nagsumikap akong kalimutan ang dati kong buhay. Ang buhay na tinakasan ko. Ang lugar na nakagisnan ko, ang maingay at napaka-busy na syudad ng Maynila.

Kahit na mahirap, kahit hindi ako sanay sa mga trabahong bukid, pinilit kong matuto para mabuhay. Hanggang sa naging tagapag-alaga ako ng mga hayop. Taga pastol ng iba't-ibang hayop. Pati taong asal hayop ay pinapastol ko.

Wala nga ni isang nagtangkang bulaskahin ako sa lugar na ito dahil hindi ako nagpapasindak sa kanila. Kahit ang mga lalaking pasiga-siga rito ay hindi ako kinanti. Takot lang nilang maputulan.

Sino ba kasi ang hindi matatakot sa babae na laging may sukbit na itak sa tagiliran. Mag-isa nga lang kasi ako sa tinutuluyan kong kubo, Kaya kailangan lagi akong alerto. Pasalamat nga ako, pinagamit sa akin ni Mang Eban ang kubo na dati nilang tirahan. Si Mang Eban ang amo ko.

Nakapagpatayo sila ng malaki-laking bahay at do'n na sila tumira kasama ang pamilya niya. Ayaw naman niyang sirain ang kubo dahil pamana pa raw iyon ng mga magulang niya.

Kaya tudo rin ang alaga ko sa kubo, agad kong inaayos kapag may butas na ang bubong. Bukod sa libre na ang tinutuluyan ko, may libre pang swimming pool dahil may batis sa likod ng kubo.

Sinisiguro ka kasi na hindi ako nangangamoy hayop. Inaalagaan ko pa rin ang sarili ko kahit puro mga hayop ang kasama ko.

"Hoy!" Isang malakas na hampas ang gumising na naman sa diwa ko.

"Aray, Cambelle naman!" d*ing ko, saka gumanti ng kurot.

"Bangag ka na naman, kasi!" Ano ba ang tinitira mo at lagi kang gan'yan, Aya?"

"Utot ng kambing!" patawa ko, ngunit hindi naman siya natawa. Umiling lang.

"Paalala lang, Aya. Alam mo naman kung saan tanyag ang lugar na ito. El Canto— kinuha sa salitang engkanto. Kapag lagi kang gan'yan, baka ka ma-engkanto!"

"Cambelle naman. Alam mo namang takot ako sa gan'yan. Sa kubo ka matutulog mamaya!" singhal ko.

Hindi ako takot sa mga taong asal-hayop, ngunit pagdating sa mga engkanto, at iba pang elemento, bahag ang buntot ko. Hindi ko nga kasi sila nakikita at ayokong maramdaman sila.

"Cambelle, Aya, halina muna kayo at kumain," tawag sa amin ni Nanay Sabelle—Nanay nila Cambelle at Camile.

Sila ang dahilan kung bakit hindi ko pa rin nakakalimutan ang tumawa at ngumiti. Sa kabila ng naranasan ko sa buhay. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na sana, dumating ang araw na magbago ang aking mga magulang, mamahalin din nila ako gaya ng mga magulang nina Cambelle at Camile.

Kahit kasi salat sila sa buhay, masaya pa rin sila. Kuntento sa ano mang may ro'n sila.

Umupo kami sa papag na kawayan na nasa tabi ng palayan.

"Aya, kumain kana," anyaya ulit sa akin ni Nanay. Paksiw na tilapia at ginataang langka ang dala niya. Simpleng pagkain, simpleng luto pero ang sarap pa rin. Lalo na at masaya sila, kami—habang kumakain.

Kapag ganito at sama-sama kami, laging pumapasok sa isipan ko ang mga magulang ko na hindi sanay sa ganitong pagkain, hindi sanay sa simpleng buhay. Kaya ako na anak nila ay ginustong ipambayad utang.

Anak mayaman ang mga magulang ko. Kaya lang lahat ng pamana ng mga magulang nila. Nawala lahat dahil sa pagsusugal.

"Salamat po, Nay." Haplos sa likod ang tugon nito sa akin.

"Ma, hindi pa rin ba uuwi si Ate," tanong ni Belle, sa Inay niya.

"Hindi raw siya uuwi, hangga't walang dalang pera," naiiling na sagot ni Nanay.

Lumuwas kasi ng Maynila ang ate ni Cambelle. Nagsawa na yata sa mahirap na pamumuhay dito. Kaya ayon, naghanap ng trabaho sa Maynila. Hindi naman kasi niya alam na mas mahirap ang buhay sa Maynila, lalo na para sa mga katulad nila na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Pero hiling pa rin ng mga magulang nila na sana, may magandang patutungahan ang pakipagsapalaran ng panganay na anak.

"Si ate, ang tigas talaga ng ulo!"

"Belle, ipagdasal mo na lamang ang ate mo," sabi ko na lang. Tutol kasi itong si Cambelle sa pag-alis ng ate niya. Takot siya na baka may masamang mangyari o mapahamak dahil sa pangarap niya.

"Tapusin niyo na iyang pagkain n'yo at balikan n'yo na iyong mga pinapastol n'yo para 'di kayo abutan ng dilim," bilin ni Nanay, bago niya kami iniwan.

"Aya, una na ako ha. Balikan na lang kita mamaya. Ihahatid ko lang 'yong kalabaw sa bahay. Kukuha na rin ako ng mga gamit ko," sabi Belle at nagmamadaling pinuntahan ang pinastol na kalabaw.

Itinali ko na rin ng maigi ang itak ko sa baywang. Bago pinuntahan ang dalawang baka na pinastol ko. Ihahatid ko kasi ang mga iyon sa bahay nila Mang Eban. Saka ko babalikan ang alagang kambing. Sa kubo ko kasi iyon inuuwi, para may kasama naman ako.

"Aya, kain ka muna," anyaya sa akin ni Aling Mina, asawa ni Mang Eban.

"Salamat na lang po, tapos na po akong kumain," tanggi ko at agad na ring nagpaalam. Ayoko kasing magtagal sa bahay nila. Ayokong abutan ng anak nilang si Miguel na guwapong-guwapo sa sarili at panay ang paramdam sa akin.

Ilang minuto na akong nakabalik sa palayan pero hindi pa rin bumabalik si Cambelle. Matiim kong pinikit ang mga mata at humiga sa papag. Hawak ko lang ang tali ng alaga ko.

Malapit na akong mabagot, padilim na nga kasi at wala pa rin ang kaibigan ko. Kinuha ko ang maliit na flashlight na nakasuksok sa bulsa ko. Ihahatid ko na lang muna itong alaga ko sa kubo at babalik na lang dito.

Hila-hila ko ang alaga ko. Mabilis ang mga hakbang papunta sa kubo. Hindi naman gano'n kalayo ito, ngunit madilim ang daanan dahil sa mga dahon ng punong-kahoy na nakatabing sa liwanag ng kalangitan.

Agad kong itinali ang alaga ko at bumalik sa palayan.

Pero heto at ilang minuto na akong nakabalik, ngunit wala pa rin ang kaibigan ko. Tuluyan na ring dumilim. Mahilig din kasing dumaldal ang babaeng iyon. Baka nakasalubong na naman iyon ng katsismisan at nakalimutan ako.

"Aya!" untag ni Cambelle sa akin.

"Cambelle, naman! Ang hilig mong mang gulat. Pasalamat ka at 'di ko nabunot itong itak ko," singhal ko at napakapa pa sa dibdib. "Bakit ba ang tagal mo?" tanong ko, kasabay ang pagtayo.

"Kumain na muna kasi ako, heto nga at dinalhan din kita!" inangat pa nito ang dalang basket.

"Katatapos mo lang kumain. Kumain ka na naman?" Ang hilig talaga kumain nitong kaibigan ko. Kita naman sa katawan niya, cute na chubby.

"E, bakit ba? Nagugutom nga ako," tugon naman nito.

"Tara na nga," sabi ko, kasabay ang paghila sa kaniya.

Magkakapit-bisig kami habang naglalakad. Pero sabay napako ang mga paa nang makita ang kotse na paatras na pumasok sa med'yo makipot na daan.

Agad kaming nagkubli sa mga talahib. Hindi ko maawat ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Ang dami agad pumapasok sa isip ko. Ngayon lang nangyari na may pumasok na kotse sa lugar namin.

"Aya..." natatakot ako," pahikbing bulong ni Cambelle.

"Belle... 'wag kang maingay," pabulong kong tugon.

Alam ni Cambelle ang totoong dahilan kung bakit ako nanatili at nagtiis sa liblib na lugar na ito. Siguro iyon din ang naiisip niya. Paano na lang kung natunton ako ng mga taong naghahanap sa akin? Paano kung pati si Belle, madamay sa gulo ko?

Wala kaming kagalaw-galaw, pigil ang hininga at magkahawak-kamay. Ramdam ang panginginig ng aming mga kamay.

Bukas ang tail lights ng kotse na kasalukuyan nang nakahinto. Pero hindi naman bumukas ang pinto. Nakatigil lang iyon na parang may hinihintay.

"Shit!" Sabay kaming napatakip ng bibig nang makita ang malakas na pag-uga ng kotse.

Takot na takot at halos mahimatay kami sa kaba. E, nag-jugjugan lang pala ang mga h*nayupak. Hindi na yata matiis ang kati sa katawan kaya naghanap ng masuksukan.

Sumabay ang pagyugyog ng balikat ni Belle sa pagyugyog ng kotse. Sobrang pagpigil kasi ang ginawa niya upang hindi makawala ang malakas na tawa.

Nakapa ko na lang ang dibdib ko. Gustuhin ko mang tumawa katulad ng kaibigan ko na halos humiga na sa talahib sa sobrang pigil ng tawa. Hindi ko magawa. Bumalik kasi lahat sa alaala ko ang takot noong tumakas ako mula sa mga humahabol sa akin. Ilang beses na muntik nila akong makita sa bus terminal na pintuhan ko.

Panay ang saway ko sa kaibigan ko. Kahit kasi alam na namin na hindi pala masasamang tao ang nasa loob ng kotse, hindi na muna kami lumabas mula sa pinagkublian. Kahit ba ang sarap na nilang batuhin, dahil kanina pa sila nag-jugjugan at hindi pa rin natapos.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Cambelle na kanina niya pa pinigilan nang umalis na ang mga nag-detour para lang ilabas ang init ng katawan.

"Jusko, naman. Pinakaba tayo! Nagpasarap lang naman pala ang mga hunghang!" tawang-tawa na sabi ni Cambelle.

Hindii matigil ang tawa ng kaibigan ko habang naglalakad na kami papunta sa kubo. Nakatutok ang hawak na flashlight sa aming daanan at usapan pa rin ang nasaksihan.

Paliko na kami, papunta sa kubo ko nang may mahagip ang liwanag ng flashlight sa 'di kalayuan. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Cambelle at agad pang kumabog ang dibdib ko.

"Aya, bakit?" takang tanong nito.

"B-belle, m-may nakita ako roon!" nauutal kong sabi.

Tinutok ko muli ang liwanag ng flashlight sa parte ng kakahuyan ilang dipa ang layo papunta sa kubo ko.

"Ano na naman ba ang nakita mo, Aya?" bakas ang takot sa boses nito.

Kahit na balot ako sa takot, kailangan kong masiguro kung ano nga iyong nakita ko. Kung tama ba ang hinuha ko. Mabagal ang hakbang ko na tinungo iyon. Nakasunod naman sa akin si Belle.

"Aya, ano ba? 'Wag mong lapitan!" takot na singhal ni Cambelle.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status