LOGIN
Anong klaseng magulang ang kayang ibenta ang sariling anak?
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang ipamukha sa ’yo na wala kang halaga o ang ipakasal ka sa lalaking ni anino ay ’di mo nakita.
"Magpapakasal ka, sa ayaw mo’t sa gusto!" hasik ni Papa.
Parang bomba na sumabog sa tainga ko ang salitang iyon. Wala na akong marinig matapos ang nakabibinging katagang iyon.
Nadatnan ko ang magagaling kong mga magulang na kausap ang tauhan ng taong pinagkakautangan nila. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Ako bilang kabayaran sa utang.
Umalma ako nang makaalis ang mga lalaking iyon. At ito nga, sandamakmak na singhal ang inabot ko.
Lahat na yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko. May mga magulang nga akong matatawag, pero hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal nila. Magulang lang sila sa pangalan, pero hindi nila nagagampanan ang tungkulin nila.
"Mayaman ang mapapangasawa mo, Cahaya! Kaya tigilan mo na iyang kaartehan mo!" singhal ni Mama.
"Ano ngayon kung mayaman? Hindi naman iyon ang issue dito. Ginawa n’yo po akong pambayad-utang."
Ang sakit. Hindi na nga nila ako magawang mahalin, ngayon ipapakasal pa nila ako sa lalaking hindi ko kilala.
Para saan?
Para sa pansarili nilang interes.
"Bakit n’yo ba ginagawa sa akin ’to? Lahat naman po, ginagawa ko. Hindi ako nagrereklamo kahit hirap na hirap na ako. Iyong mga tungkulin na dapat kayo ang gumawa, inaako ko na. Pero ang gawin n’yo akong pambayad-utang, kalabisan na po iyon. Kaya kong tiisin ang lahat, pero ang magpakasal sa hindi ko kilala… hindi ko po kaya, Ma, Pa."
Napahagulgol ako. Natiim ko ang mga mata. Ni kaunting awa o simpatya, wala akong makita sa mukha nila.
"Ma, Pa, marami po akong pangarap. Huwag n’yo naman po iyon sirain."
Masinsinan ko silang kinausap, umaasang matauhan sila. Baka maisip man lang nila ang mga sakripisyong ginagawa ko para matustusan ang sarili kong pag-aaral.
"Tigilan mo na iyang drama mo, Cahaya. Our decision is final. Bukas, sasama ka na sa magiging asawa mo. Titigil ka na sa kahibangan mong maging nurse. You will serve your husband."
"Pa, ayaw ko!" hagulgol ko.
"Ma, please… ayoko po. Maawa naman po kayo."
Sinubukan kong magmakaawa, pero ismid lang ang isinagot ni Mama.
"Anak n’yo po ba talaga ako?" yuko kong tanong.
Walang sumagot.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Mapakla akong natawa.
"Ang tanga ko rin. Nagtanong pa ako. Ramdam ko naman na hindi n’yo ako tinatrato bilang anak."
Patakbo akong pumasok sa kwarto. Iniwan ko sila, pero ang sakit.
Hindi man lang nila kayang sagutin kung anak ba nila talaga ako.
Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila. Sa mga lolo at lola ako lumaki. Sila ang naging tunay kong magulang. Ayon sa kuwento, bunga lang daw ako ng kapusukan ng kabataan nila.
Minsan naiisip ko, sana hindi na lang ako nabuhay.
Gusto kong tumakas, pero may mga bantay sa labas.
Namaluktot ako sa kama, yakap ang unan. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit. Luha, galit, at panghihinayang.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano makatakas.
Kinuha ko ang phone ko at naghanap ng matatawagan. Pero lahat ng kaibigan ko, kilala nila Mama at Papa. Pati ang manager at mga katrabaho ko.
Kung tutuusin, kilala sila ng lahat, lalo na sa ugali nilang manghingi ng pera para sa bisyo.
Ako naman, bigay lang nang bigay. Hanggang sa wala nang matira sa akin.
Masakit lang, hindi nila nakikita ang sakripisyo ko.
Imbes na sila ang bumuhay at magpaaral sa akin, kabaliktaran ang nangyari.
Kahit nanghihina, tumayo ako at sumilip sa bintana. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Hanggang sa mapatingin ako sa maliit na bintana ng banyo.
Napangiti ako.
Mabilis kong inayos ang sarili ko. Nagbihis ng komportableng damit at naghanda ng gamit.
Maingat kong tinanggal ang jalousie blades. Dahan-dahan, sinigurong walang ingay.
Nang matanggal ko ang mga salamin, sandali akong napatigil.
Hindi ako agad tumakas.
Alam kong naka-alerto sila. Kailangan kong maging mas matalino.
Nagtago ako sa loob ng closet. Tahimik. Halos hindi huminga.
Ilang sandali pa…
Bumukas ang pinto.
"Carl! Si Cahaya tumakas!" sigaw ni Mama.
"Buwisit ang anak mo!" singhal ni Papa.
Pinigilan ko ang hikbi ko.
"Hanapin n’yo siya! Hindi pa iyon nakakalayo!" utos ni Papa.
Sunod-sunod ang yabag. Sigawan. Kaguluhan.
Hanggang sa tumahimik.
Narinig ko ang pag-andar ng mga sasakyan.
Dahan-dahan akong lumabas ng closet.
Sumilip sa bintana.
Walang bantay.
Bitbit ang backpack, tumakbo ako palabas ng bahay.
Takbo nang takbo. Walang direksyon.
Wala na akong pakialam kung saan ako mapunta.
Basta makalayo lang.
Makalayo sa mga magulang kong itinuring akong pambayad-utang.
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
CAHAYA POVHindi mawala ang ngiti ko habang papalapit sa kinaroroonan nina Ancel at Belle. Pakiramdam ko nakalutang ako sa ere. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Kung may makakakita nga sa akin ngayon, siguradong iisipin nilang nababaliw na ako. Matapos ang isang linggong pagmumukmok sa kubo, heto na n
“Ibaba mo si Aya, Ancel!” Gigil na dinuro-duro ni Tatay si Ancel. Madilim rin ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Sa tagal na panahon na nakasama ko ang pamilya nila, ngayon ko lang nakita si Tatay na nagalit ng ganito. Mas nakakakaba dahil hindi ko pa alam kung bakit siya nagkakaganito at baki
"Tay, pwede po ba, saka na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan? Kumain na lang po tayo, at e-enjoy ang oras na magkasama tayong lahat, at saka, para hindi naman masayang ang effort n’yo sa mga handa n’yo," mahinahon kong kausap kay Tatay na sinabayan ko pa ng ngiti. Alam ko nga kasi na ayaw ni A
“Ancel…” Hindi ko napigil ang agad na pagpatak ng luha ko nang marinig ang sinabi ni Ancel. “Iiwan mo ako? Kaya mo na iwan ako?” tanong ko sa garalgal na boses.“Aya—” Hindi magawang tapusin ni Ancel ang gusto niyang sabihin. Pero umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Sumagot ka, An







