Salamat sa kakaunting nagbabasa nito. Thank sa top contributor ko. Salamat sa walang sawang suporta.
Pikit-mata kong tinugon ang masarap at nakakalunod na halik ni Ancel. Kahit may parte sa utak ko na nagsasabing tama na, itigil na namin ang ginagawa at baka hindi na namin ma-control ang aming mga sarili, hindi ko naman magawa. Hindi ko magawang awatin ang sarili ko, at hindi ko magawang hindi suklian ang mapupusok niyang mga halik. Lahat ng pangamba at lahat takot ko ay naglahong bigla. Ngayon ko lang napatunayan na kahit anong pigil at tago pa ang gawin ko sa nararamdaman ko, darating din pala ako sa puntong bibigay na lang ng kusa itong puso ko. “Aya—” napadilat ako nang marinig ko ang napakalambing na boses ni Ancel, sabay ang pagbawi ng labi niya na ayaw ko nang bitiwan. "Mahal kita, Aya," malambing niyang sabi. Sa sobrang lambing para akong nakikiliti. May kung anong kuryente akong naramdaman na dumaloy sa buong katawan ko. Pero imbes na sumagot, hindi ko magawa dahil nabalot ako ng hiya, hindi ko rin nga siya magawang tingnan. Kagat-kagat ko lang ang pang-ibaba kong labi ha
"Aya—" sabi niya, saka nagkusa na siyang humiga ng maayos, at maya maya ay bumuga ng hangin. Siguradong nawalan na siya ng gana dahil sa tanong ko. Sinadya ko naman talagang magtanong ng gano'n para maputol ang ginawa niya. Nakakalungkot lang dahil nawalan na nga siya ng gana, ayaw niya pang sagutin ang tanong ko. Ilang minuto na kasi akong naghihintay ng sagot, kaya lang, hindi na siya muling nagsalita. Sinambit niya lang ang pangalan ko at wala nang naging kasunod. Ni ang sulyapan nga ako hindi na rin niya ginawa. Puro titig na lang sa bubong ang ginagawa niya. "Sorry, hindi na sana ako nagtanong," sabi ko sabay ang pagtalikod. Ayoko nitong nararamdaman ko, ayoko na maging malungkot at madismaya dahil hindi niya lang masagot ang tanong ko. Alam ko kasi na wala akong karapatan na magdamdam, pero ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kumikirot talaga itong puso ko.Nag-assume kasi ako, ito ang napala ko. Akala ko dahil mahal niya ako, handa na siyang sabihin sa akin ang la
Hindi na pinansin ni Ancel ang sinabi ni Camille. Hindi ko alam kung hindi nga ba niya narinig ang sinabi ng kaibigan ko o nagbibingi-bingihan lang siya. Sandali ko pang nilingon ang mga kaibigan ko at si Tatay, pero wala na sa amin ang tingin nila. Nag-uusap na sila. Nagtataka man, hindi na rin lang ako nag-usisa pa. Nadala na ako sa ginawa kong pagtatanong kagabi. Sabi nga niya, hindi pa siya handa na sabihin sa akin ang lahat tungkol sa buhay niya. Kaya rerespetuhin ko na lang ang gusto niya. Naging tahimik din ang buong byahe namin papuntang bayan. Maski kasi siya ay hindi na nagsasalita, pero paminsan-minsan naman siyang sumusulyap sa akin at gano'n din ako sa kanya. Matapos ang mahigit isang oras na byahe, narating din namin ang bayan, at ngayon nga ay papasok na kami sa vicinity ng hospital."Aya, kuha lang ako ng wheelchair ha," sabi ni Ancel nang nasa parking na kami. "Sige, bilisan mo," sagot ko kasabay ang pagtingin-tingin sa paligid. Hindi kasi ako mapakali, natatakot
“Kumapit ka ng mabuti,” utos ni Ancel. Imbes na sagutin ang tanong ko. Sinunod ko na nga lang ang utos niya, Kumapit ako at napapadasal pa. Naisip ko rin na hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. Hindi pwede na iaasa ko na lang ang buhay ko kay Ancel. Alam ko nga na may sarili rin siyang problem pero heto ako, dumadagdag din sa pasanin niya. “Parang may nakasunod sa atin,” sabi niya kasabay ang mabilis na paglihis ng daan. Bago kami pumasaok sa makipot at lubak-lubak na daan ay nagawa ko pang lumingon. Kita ko nga ang itim na van na hindi na makadaan dahil sa prosesyon ng patay. “Ancel,” tawag ko sa pangalan nito nang umaga ang tricycle. Nakasagasa kasi siya ng malaking bato at muntikan pa kaming tumagilid. Todo kapit pa rin ang ginawa ko habang nililibot ang paningin sa paligid. Tingin ko, walang sasakyan na pumapasok sa lugar na ‘to dahil pati daan ay ginapangan na ng cadena de amor na damo. Katulad ng El Canto, malalago rin ang mga damo at nagkalat ang mga kawa
“Ibaba mo si Aya, Ancel!” Gigil na dinuro-duro ni Tatay si Ancel. Madilim rin ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Sa tagal na panahon na nakasama ko ang pamilya nila, ngayon ko lang nakita si Tatay na nagalit ng ganito. Mas nakakakaba dahil hindi ko pa alam kung bakit siya nagkakaganito at bakit narito ang buong pamilya. “Ewan ko naman sa inyo, Tay. Hindi man lang ba kayo nagtaka? Hindi n’yo naisip kung bakit biglang may sumulpot na kamag-anak si Aya rito? E, nagtatago nga ‘yan!” Napalabi ako at napayuko kalaunan. Alam na pala nila ang totoo. At si Camille, hindi niya man alam ang totoong dahilan kung bakit ako nagtatago, alam naman niya na takot ako na may makaka-alam kung saan ako naroon. Napasulyap ako kay Ancel na ngayon ay todo yuko na ang ginawa. Imbes nga na ibaba niya ako, halos isubsob na niya ang mukha sa leeg ko. “Hay naku, Aya!” umiling-iling na sabi ni Camille. “Anong silbi ng pagtatago mo kung nagpatira ka naman sa bahay mo ng hindi mo kilala. Hindi mo nga raw a
“Ancel…” Hindi ko napigil ang agad na pagpatak ng luha ko nang marinig ang sinabi ni Ancel. “Iiwan mo ako? Kaya mo na iwan ako?” tanong ko sa garalgal na boses.“Aya—” Hindi magawang tapusin ni Ancel ang gusto niyang sabihin. Pero umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Sumagot ka, Ancel. Iiwan mo ba talaga ako?” tanong ko uli. Pero imbes na sumagot. Kay Tatay siya tumingin na ngayon ay sapo na ang noo at napailing-iling. “Ito na nga ba ang sinasabi ko—” Nagpalit-lipat ang tingin nito sa amin—tingin na nagdududa. Tingin na binabasa kami. “Ano kayo na? May nangyari na sa inyo kaya ganyan na lamang kayo kung umasta?” deritsong tanong ni Tatay na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang tanong niya na 'yon. Napatayo naman ng maayos sina Nanay at Camille habang si Cambelle, umawang ang bibig at nanlaki ang mga mata. Lahat sila, hindi makapaniwala. Maski naman ako noong una, hindi rin makapaniwala na mahuhulog kami sa isa't-isa. Na mamahalin namin ang isa't-is
"Tay, pwede po ba, saka na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan? Kumain na lang po tayo, at e-enjoy ang oras na magkasama tayong lahat, at saka, para hindi naman masayang ang effort n’yo sa mga handa n’yo," mahinahon kong kausap kay Tatay na sinabayan ko pa ng ngiti. Alam ko nga kasi na ayaw ni Ancel pag-usapan ang anumang tungkol sa buhay niya. At isa pa, ayaw ko na mapilitan siyang gumawa ng kwento o magsinungaling tungkol sa buhay niya. Handa naman akong maghintay hanggang sa handa na siyang sabihin sa akin ang lahat tungkol sa buhay niya. Gusto ko na kung sasabihin niya man ang totoo, bukal sa loob niya. "Oo nga naman, Lito, tama na muna ang mga tanong. Dapat magsaya tayo ngayon dahil sa wakas, balik normal na ang buhay ni Aya. Magagawa na niya ang bagay na ginagawa niya noon. Kaya nga tayo naghanda para sana magsaya. E nagsermon ka–" "Nay, tama na po," mahinahong sita ko kay sa kanya, sabay sulyap kay tatay na parang wala namang pakialam si sinasabi niya. “Oo na, tatahimik
ANCEL POV"Prepare ko lang ang breakfast natin." Kaagad akong lumabas ng kwarto matapos sabihin ‘yon. Nasasaktan kasi ako habang nakikita ang reaction niya. Napapapikit kasabay ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata niya. Sana hindi na lang ako nagtapat. Sana pinigil ko na lang ang sarili ko na mahalin siya. Hindi ko sana nakikita ang babaeng mahal ko na sasaktan dahil nagmahal siya ng kagaya ko—kagaya ko na isang masamang tao, salot sa lipunan, at walang kwenta. “Aya, kumain ka na lang kapag gutom ka na. Hinanda ko na rin lahat ng kailangan mo,” mahinahon kong sabi, pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Ni ang lumingon nga, hindi niya ginawa. Mapait akong ngumiti. Ito na nga ang kinatatakutan ko. Alam ko naman na ganito ang mangyayari. Alam ko na magbabago ang nararamdaman niya kapag nalaman niya ang totoo. Kaya nga ginusto ko na 'wag muna sabihin sa kanya kung anong klaseng tao ako dahil takot ako na mawala siya. Ito na nga ang nangyayari ngayon. Ayaw na niya akong ting