Share

Kabanata 21

Pikit-mata kong tinugon ang masarap at nakakalunod na halik ni Ancel. Kahit may parte sa utak ko na nagsasabing tama na, itigil na namin ang ginagawa at baka hindi na namin ma-control ang aming mga sarili, hindi ko naman magawa. Hindi ko magawang awatin ang sarili ko, at hindi ko magawang hindi suklian ang mapupusok niyang mga halik.

Lahat ng pangamba at lahat takot ko ay naglahong bigla. Ngayon ko lang napatunayan na kahit anong pigil at tago pa ang gawin ko sa nararamdaman ko, darating din pala ako sa puntong bibigay na lang ng kusa itong puso ko.

“Aya—” napadilat ako nang marinig ko ang napakalambing na boses ni Ancel, sabay ang pagbawi ng labi niya na ayaw ko nang bitiwan. "Mahal kita, Aya," malambing niyang sabi.

Sa sobrang lambing para akong nakikiliti. May kung anong kuryente akong naramdaman na dumaloy sa buong katawan ko.

Pero imbes na sumagot, hindi ko magawa dahil nabalot ako ng hiya, hindi ko rin nga siya magawang tingnan. Kagat-kagat ko lang ang pang-ibaba kong labi ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status