Mag-log inNaglakad papalapit si Chaddion patungo sa Lola niya at kay Cara na kausap nito. Napalingon si Cara sa kanya at agad napangiti nang makita siya. Lumapit siya dito at agad yumakap sa braso ni Chaddion. Hinayaan naman iyon ni Chaddion at lumapit sa Lola niya upang humalik dito."Saan ka ba galing, Chad? Kanina pa si Cara dito hinahanap ka," sabi ng kanyang Lola na ngumiti kay Cara, nang tingnan ito."I went somewhere," tugon niya at tumabi sa pagkakaupo ng kanyang Lola.Bumaling siya kay Cara at ngumiti ito, saka ito hinila palapit sa kanya upang tumabi sa kanyang pagkakaupo. Hindi naman inaasahan ni Cara iyon, pero tumabi na lang rin siya at ngumiti dito."Grandma, Let's talk about our engagement. I been neglected this engagement for a long years, maybe we can held it next week," sabi ni Chaddion sa kanila.Natigilan naman ang dalawa at sabay pang napatingin dito."Are you serious, Chad?" nagugulat na tanong ni Cara.Tumango lang Chaddion at hinawakan ang kamay nito." I know
Dahan-dahang napaupo si Chaddion sa bakanteng upuan, ganoon rin si Jamie bago ito muling nagpatuloy sa kung ano pa ang dapat na malaman ni Chaddion."Habang buntis noon si Daniela ay naging mailap siya sa paligid at hindi halos lumalabas sa mansion ng mga Alejandro, dahil natatakot siyang makita si Allen. Ngunit, kahit anong iwas niya ay nagagawa nitong makalapit sa kanya dahil kinaibigan pa nito si Charlie. Kaya naulit muli ang panggagahasang iyon sa kanya. Kaya naman, noong buntis siya ay nakilala niya si Carmella-siya ang Ina ni Cara at kasintahan naman siya ni Albert," putol nito at napatingin kay Chaddion, Lalo na at nabanggit niya ang pangalan ni Cara.Kaya naman, napalingon rin si Chaddion sa kanya at napakuno't noo ito."What do you mean by that? Magkasintahan si Albert at Ina ni Cara, ibig sabihin ba no'n anak siya ni Albert?" naguguluhang tanong ni Chaddion.Umiling si Jamie sa tanong niyang iyon."Hindi siya anak ni Albert, hindi ko alam kung sino ang ama ni Cara. Hanggang
Matapos nilang mag usap sa kung anong gagawin nilang Plano, ay nagpaalam na sina Alyana at Sebastian na aalis. Naiwan si Keanne at Chaddion na ngayon ay tahimik na nakaupo. "Kaya mo bang gawin ang plano nating ito? Posibleng masaktan si Chelsea," paalala ni Keanne kay Chaddion, habang tahimik itong nakaupo.Napapikit si Chaddion, at napabuntong-hininga."Alam ko, pero hindi matatapos ang lahat ng ito kung hindi ko ito gagawin," tugon ni Chaddion.Napatitig si Keanne kay Chaddion. Naiintidihan niya ngayon ang nasa isip nito, na kahit ayaw nitong saktan si Chelsea ay masasaktan ito... kung totoong may nararamdaman pa rin ito dito. Habang nakatingin siya Kay Chaddion ay may nabuong plano si Keanne para kay Chelsea, sa kung anong gagawin nito upang makatulong."Naiintidihan kita, mag ingat ka sa gagawin mo. Ako nang bahala kung paano paamuhin si Chelsea," nakangising sabi ni Keanne.Napatingin naman si Chaddion kay Keanne dahil sa sinabi nito at napakuno't noo sa nakikita niya dito
THIRD PERSON'S POV Matapos mawala sa paningin ni Chaddion ang sasakyan nina Chelsea ay pumasok na siya sa Bahay nina Keanne. Hindi niya alam kung ano ang pag uusapan nila at kung gaano ito ka seryoso. Alam naman kasi nito na kasama niya sina Chelsea, pero mas gusto nitong bumalik na siya dahil may pag uusapan sila. Pagpasok niya ay napadaan siya sa parking lot, at bahagyang napakuno't noo ng makita ang kotse nina Sebastian. Kaya naman, agad siyang pumasok sa loob ng Bahay at doon, naabutan niya sina Alyana at Sebastian na nakaupo at nag uusapan. Napatingin naman siya kay Keanne na pababa ng hagdan, na agad rin na napatingin sa kanya."Mabuti at dumating ka na," sabi ni Keanne sa kanya. "Sa library tayo," muling sabi ni Keanne.Tumango ang mga ito at sumunod sa kanya. Tinapik ni Sebastian ang balikat ni Chaddion, na nakasabay niya sa paglakad."Did you enjoy your day being with them?" tanong ni Seb sa kanya."Of course, being with my family is wonderful," nakangiting tugon
Dumating kami sa amusement park na gustong puntahan ngayon ng mga bata. Pagkababa pa lang namin ay nakikita ko na ang paghanga ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sila, ganoong palagi naman kaming namamasyal sa Canada, kung saan mas malaki pa kaysa dito. Well, sa totoo lang ito rin ang unang beses na nakapunta ako dito sa amusement park na ito. Dahil noong teenager pa ako ay hindi naman kami nagawi ni Alyana dito, sina Stella lang naman ang mahilig sa pagpunta sa ganitong Lugar. Kaya naman, sa pagkakataon na ito ay maari ko itong iparanas sa anak ko. Napatingin ako kay Chaddion, na ngayon ay karga si Cheanna habang nakahawak naman sa isang kamay niya si Chenno. Nakikita ko tuloy ang pagiging ama niya sa mga ito, na kung tutuusin ay siya naman talaga ang ama. Hindi rin nakaligtas sa akin, ang saya na nakikita ko sa kanyang mga mata, na para bang iniisip niyang siya ang ama ng mga ito.Napalingon ako bigla kay Zarrah na katabi ko ngayon sa paglalakad, habang nauuna sa amin
CHELSEA'S POVKinabukasan, nagising ako na tila hindi pa rin makapaniwalang nandito si Chaddion kagabi. Umupo ako sa kama, nang mapansin kong wala na siya. "Sandali, baka naman naparami lang ang inom ko kagabi at naisip kong nandito siya?" sambit ko sa sarili. Possible 'yon! Tama! Napangiti na lang ako at tumayo sa kama. Pumunta ako sa harap nang salamin at sinuklay ang buhok ko. Napakuno't noo ako nang may nasulyapan ako sa maliit na couch. Kaya lumingon ako doon, at nakita ko kung ano talaga iyon. Napalunok ako at naglakad palapit dito. Kinuha ko iyon at tiningnan. Nasapo ko na lang aking noo nang makilala ang damit na iyon. Tsk!"Nandito pala talaga siya, hays!"Tok! Tok! Tok!Napalingon ako sa pinto, nang may kumatok doon. Bigla akong natigilan dahil hindi alam ni Zarrah na nandito si Chaddion. Hinanap ko si Chaddion sa paligid pero hindi ko siya makita."Chel? Gising ka na ba? Let's eat breakfast together," tawag sa akin ni Zarrah."O-Okay! I'll be there in a minute!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dapat hindi na ako sumama pa sa kanila. Dapat, hindi na ako nakinig pa at makipagtitigan sa kanya. Bakit ba kailangan pa naming magkita sa lugar na ito.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, napadaan ako sa isang waitress at kumuha ng alak na
Sabay kaming naglakad ni Keane papunta sa kanilang Lounge at nakita kong may mga tao doon, na nagkakasiyahan at may banda pa sa gitna na kumakanta."I will pretend that this is our first meet. But of course, malalaman rin naman niya kung sino ka talaga. Just for tonight, I will be good too yo
Naglalakad kami apat at naririnig ko kung paano mag usap si Zarrah at Charleston. Tila ba inaalam ng kaibigan ko kung sino silang dalawa at masasabi kong subrang daldal niya.Naramdaman ko ang kamay ni Charleston na humawak sa kamay ko, na tila kinukuha ang atensyon ko. Napatingin ako sa kanya
Kumuha ako ng alak sa isang papalapit na crew at bahagyang kumindat pa dito. Nahuli ko pa kung paano niya ako sinundan nang tingin. Lumapit ako sa mga nagkukumpulang mayayamang tao at tumingin sa kanilang ginagawa. They are having a poker game with a bet of millions. Well, I'm on vacation and I'm t







