Share

Chapter 10

MALAMIG sa loob ng venue kung saan sinu-shoot ang first episode ng 'Fly, Aim High' para sa mga trainees na napili namin. Komportable rin ang pagkakaupo ko habang pinapanuod mag-perform ang bawat isa sa stage.

Hindi ito ang unang beses na nag-judge ako sa mga shows pero hindi ko alam kung bakit parang kabado ako.

First round pa lang ay nagpakitang gilas na ang mga trainees at talagang ang intense ng atmosphere.

Masiyadong ginalingan na tipong kaming mga judge ay nahihirapan kung sino ang pipiliin at kung sino ang mai-eliminate.

"Maganda 'yung pinakita niyang performance pero nakulangan ako sa vocals. Medyo unstable ang boses niya," ang komento ko. Nag-uusap kaming limang judges kung sino-sino ang mga napili namin para mag-level up sa 2nd round.

"Kinapos na siya ng hininga dahil masiyadong maraming movements ang ginawa niya," ang komento naman ni Mr. Jake— mentor sa dance unit.

"'Yun nga rin ang iniisip ko," ang sagot ko. Nagdadalawang isip kung pipiliin ba ang trainee na pinag-uusapan. Grade A trainee ito at magaling ang pinapakita sa bawat training.

Pero ayoko namang iyon ang maging basihan para ipasok ito sa susunod na round. Ako pa naman ang mentor sa vocal unit.

"Pagbotohan na lang natin," ang suggestion ni Miss Anne— isa rin sa mga judges.

At ginawa nga namin. Pinagbotohan ang trainee at ang resulta—  nakapasok ito sa second round.

"Christian Tan," ang sabi ni Miss Anne.

"Pasok na siya," ang sagot ko na sinang-ayunan din ng ibang judges.

Wala akong makitang mali sa trainee na ito. Stable ang boses kahit sumasayaw at the same time.

Born talented talaga. Totoo nga si Thalia.

Natapos ang shooting ng episode 1 na nalagasan ng limang trainees at twenty na lang ang sasalang sa susunod na round.

Paglabas sa studio ay napansin ko sa hindi kalayuan si Thalia. Tuwang-tuwa ito na nakapasok ang pinsan sa 2nd round.

"Congratulations," ang sabi ko matapos lumapit sa kanilang dalawa.

"Thank you," ang sagot naman ni Thalia.

Napangisi tuloy ako. "Siya ang sinasabihan ko pero ikaw 'tong sumagot."

"Thank you po, salamat din sa magandang comment sa performance ko," ang sagot ni Christian.

"Wala 'yon, talagang magaling ka kaya gano'n." — Pero mas magaling pa rin ako.

"Balak naming mag-celebrate kasi nakapasok siya sa second round, sama ka?" ang tanong ni Thalia.

Agad akong sumenyas ng 'hindi'. "Hindi magandang nakikita akong kasama siya—" sabay turo kay Christian. "Baka kung anong sabihin ng iba lalo na at isa ako sa mga judges."

"Ay, tama ka," ang sabi ni Thalia. Mukhang nakuha ang punto ko.

Humawak ako sa balikat niya. "After na lang ng show," pagkatapos ay tumingin kay Christian at nilahad ang kamay. "Nice to know you... famous cousin." At nakipag-shake hands.

"Ako rin po, lagi kang nakukwento ni Thalia sa 'kin."

Tumingin ako bahagya kay Thalia nang nakangisi. Pero iniwas niya lang ang mga mata. Ilang sandali ay tumikhim ako para kunin ang pansin niya. "Sige, hindi ko na kayo aabalahin. Mag-enjoy kayo sa celebration."

Umalis ako sa harap nila para hindi na siya mailang.

HABANG naglalakad ay nakasalubong ko si Gab na nagmamadali.

"Kanina pa kitang hinahanap, ba't 'di mo sinagot ang tawag ko?"

"Bakit anong nangyari?" at saka ch-in-eck ang cellphone na may miss calls niya.

"Nakalimutan mo? May team dinner after ng show," tinapik niya ang balikat ko para padaliin. "Halika na, naghihintay na silang lahat."

Sumunod ako sa kanya habang papunta sa van. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa restaurant. Kung saan ay nagpa-reserve ang team ng exclusive room para lang sa celebration.

"Sorry, nahuli kami," ang sabi ni Gab sa mga kasamahang naghihintay.

Ako naman ay nagpunta agad sa bakanteng upuan. "Sorry," ang sabi ko lang sa lahat.

Naging masaya ang celebration habang pinag-uusapan ang iba't ibang bagay na may kinalaman sa trabaho.

Matapos kumain ay umiinom na lang ng wine ang lahat.

"Baka mapasobra ka," ang paalala ni Gab.

"Baka ikaw mismo." Sabay tingin ko sa hawak niya. Mas marami na siyang nainom kaysa sa akin.

"Hihinto lang ako 'pag huminto ka na." At napanguso.

Napangisi tuloy ako. "Mukhang may tama ka na."

Ganito siya kapag malapit ng malasing. Laging nagpapa-cute. In-short, ang sagwa niya tignan.

"Restroom muna ako," ang paalam ko kay Gab. Lumabas ako sa room at nagtanong sa waiter na dumaan kung saan ang restroom.

"Dito po, Sir." At sinamahan ako.

"Salamat," ang sagot ko at pagkatapos ay pumasok na sa loob.

Papunta na sana ako sa bakanteng cubicle nang biglang bumukas ang nauna at muntik pa akong matamaan ng pinto.

"Konting ingat naman," ang sabi ko sa lumabas. Lalagpasan ko na sana pero bigla itong yumuko at sumuka sa harap ko.

Agad akong napa-atras at napangiwi. Kadiri!

"Ayos ka lang?" ang tanong ko nang makabawi.

Inangat nito ang mukha kaya namukhaan ko kung sino ito. Ang pinsan ni Thalia.

Sasagot na sana ito nang bigla na lang tinakpan ang bibig at mabilis na pumasok sa loob ng cubicle para muling sumuka. Sumunod ako para tulungan ito.

Napangiwi ako ng halos isuka na niya ang buong lamang loob.

"Hihingi ako ng tulong," ang sabi ko pero agad niya akong pinigilan.

"O-okay na 'ko," ang sagot niya na halos hindi na masabi dahil sa hingal at pagod.

Pinagpapawisan ito ng malala.

Bigla kong naisip si Thalia. Sila ang magkasama kaya malamang ay nandito rin iyon.

"Si Thalia?" ang tanong ko. "'Di bale na lang, hahanapin ko na lang sa labas." At mabilis na lumabas para hanapin ito.

Nilibot ko ang paningin sa buong restaurant. Sa bandang kaliwa, malayo sa pwesto ay natanaw ko si Thalia na kumakain mag-isa.

Agad ko siyang nilapitan na bahagya pang nagulat nang makita ako.

"'Yung pinsan mo, may sakit ata."

Bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha at mabilis na tumayo para magpunta sa restroom.

Sinundan ko naman siya na napahinto sa may pinto.  "Sabi ko na nga ba mangyayari 'to," ang bulong niya habang nakatingin sa loob ng restroom.

"Dito ka na lang at ako na ang titingin." Nilagpasan ko siya at pumasok sa loob. Nakitang nasa sink na ito at nagmumumog.

"Ayos ka na ba? Nasa labas nga pala si Thalia."

"Hindi mo na dapat siya pinapunta rito, ayos lang naman ako." Kumuha ng tissue sa tabi at pinunasan ang bibig.

Matapos ay lumabas at hinarap si Thalia. "Okay lang ako," ang sabi pa nito.

"Of course you're not!"

Hinawakan nito ang ulo ni Thalia at saka nilapit sa katawan para mayakap. "Sorry na," ang sabi pa nito.

"Of course you are! Pinag-alala mo na naman ako!" ang hiyaw niya sa dibdib nito.

"Ano bang nangyari?" ang tanong ko matapos humiwalay ni Thalia.

"Wala lang 'to."

"Anong wala?! Hindi naman niya ako lalapitan kung wala lang."

"Kinabahan lang ako nang sobra kaya ganu'n," ang sagot nito.

"Liar! Siguro uminom ka na naman ng gamot bago nag-perform 'no?!"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Para lang hindi ako kabahan," ang paliwanag pa ni Chris.

Pero nanatiling kunot ang noo at inis ang tingin ni Thalia. "Alam mo namang hindi maganda ang side-effect ng gamot na—"

"Thalia!" ang saway nito. "I know what I'm doing, so please..."

Humarang na ako para awatin sila. "Ang mas mabuti pa ay ihatid ko na kayo pauwi. Masiyado na ring gabi."

"Siya na lang, susunduin ako ng driver," ang sabi ni Thalia. Ramdam kong wala na siya sa mood kaya hindi na ako nagpumilit.

"Magta-taxi na lang ako pauwi," ang tanggi naman ni Chris.

"Sige na, sumabay ka na lang sa'kin. Pauwi na rin naman ako."

Akala ko ay muli siyang tatanggi pero kalaunan ay sumunod na sa akin. Muli akong bumalik sa room para magpaalam sa mga natitira at para na rin kunin si Gab na tuluyan ng nalasing.

Nang makalabas sa restaurant ay hinintay lang namin ang driver ni Thalia saka nagpunta sa van. Tinulungan ako ni Chris sa pag-alalay kay Gab.

"Ang bigat!" reklamo ko matapos maisakay si Gab. Matapos ay naupo katabi si Chris. "Tayo na po," ang utos ko sa driver.

Buong biyahe ay tahimik lang sa loob ng van. Pinapakiramdaman ang kasama na nasa labas ang tingin.

Mukha siyang kalmado pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom niya ng kamay.

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status