February’s POV
Napaiwas ako ng daan nang makita ko ang grupo nina Ate Reena. Halos ilang linggo na rin kasi ako nitong kinukulit patungkol kay Sapphire.
Gusto niyang ilakad ko siya dito. Hindi ko naman alam kung paano ko gagawin ‘yon dahil maski ako, hindi ko alam kung paano ko ilalakad ang sarili kay Sapphire. Half joke.
“Hey, Febi!” nakangisi nitong saad nang makita akong pabalik.
“Ate Reena…” nakangiti kong saad kahit na hindi naman ako masayang makita ito.
“Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba uuwi? Dito ang daan niyo, ‘di ba?” tanong niya pa na nakataas ang kilay.
“Ah, may nakalimutan po kasi ako sa classroom. Kukunin ko lang,” Para kaming high school na naghaharangan dito.
Alam kong mahirap banggain ‘tong sina Ate Reena ngunit hindi ko naman akalain na talagan
February’s POV“Hi, Febi!” nakangiting sambit ni Ate Reena nang makita akong katabi si Isaac dito sa canteen. Bumati rin naman ang mga ito kay Isaac.Ngumiti at tinanguan ko lang naman ito. Kasama niya sina Ate Kc pati ang iba pa nitong mga kaibigan.“Hi daw sabi ni Darren, Febi!” sabi naman no’ng isa niya pang kaibigan.“Hindi mo na kailangan pang gawin ‘yan, Jin, I can say hi to her in my own,” sabi naman ni Kuya Darren.“Hi, Febi,” nakangiti nitong bati. Nagsihiyawan naman ang mga kaibigan nito kaya napatingin sa amin ang mga tao sa canteen. Hindi ko naman alam kung paano ko ito babatiin pabalik kayo tumango na lang ako at ngumiti na lang din ng tipid.“’Yon naman! Kumusta ang tawagan niyo kagabi?” tanong pa nila kaya hindi ko maiwasang pagkunutan ito ng noo. Siniko naman s
February’s POV“Hey! You’re here! Bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala?” nakangiti kong tanong kay Sapphire na walang kangiti ngiti ngayong nakatingin sa akin.“Kanina ka pa hinahanap ng lola’t lolo mo ngunit mukhang nakipagdate ka pa ata,” sambit niya na una ng naglakad. Hindi ko naman maiwasang matawa ng mahina dahil dito, para kasi itong mga tita mong kapag umuwi ka ng late ay automatic na nakipagdate ka.“Huh? Hindi no. Niyaya kasi ako nina Ate Reena na kumain sa labas,” sabi ko na lang at nawala ang malapad na ngiti nang maalala ang naranasan ko kanina.Ni hindi ko maatim na nguyain ang mga pagkain na nakahain sa hapag, alam ko na agad na hindi ako nababagay sa mga katulad nila.Hindi ko naman namalayan na nawala na ang ngiti ko at nakitang nakatingin na sa akin si Sapphire.“What’s wro
February’s POV“Aray...” mahina kong saad dahil mahigpit ang pagkakahawak nito. Tinignan naman ako nito ng masama bago niya niluwagan ang pagkakahawak sa akin.Mayamaya ay binitawan ako nito sa walang taong lugar. Ang tingin nito sa akin ay hindi ko mawari. Mukha siyang galit na galit.“What’s wrong with you? I texted you na hindi ako makakapunta,” seryoso kong saad sa kanya.Pilit niya namang pinapakalma ang sarili bago niya kinuha ang bag ko sa akin at saka niya binuhos ang lahat ng laman. Nanlaki naman ang nga mata ko dahil dito.“Sapphire!” malakas ang boses na sambit ko dahil sa gulat sa ginawa nito. Kahit anong pilit niyang pagpapakalma sa sarili ay hindi niya na nagawa.Maski ako ay ganoon din lalo na ng makita ko ang cellphone na nahulog rin mula dito.“What the heck is fucking
February’s POV“Hoy, anong problema? Para kang tangang nakatulala lang diyan,” natatawang saad sa akin ni Isaac.Nandito lang ako ngayon sa duyan habang nakatulala lang sa cellphone ko.“Miss mo?” tanong niya at ngumisi.“Huh? Hindi ko miss si Sapphire ‘no!” sabi ko naman at inirapan siya.“May sinabi ba akong si Zeal?” natatawa niyang tanong na nakataas pa ang kilay.Pagkatapos no’ng mangyari noong nakaraang buwan, nagtutungo pa rin siya rito ngunit hindi nagpapakita sa akin. Ni wala nga akong update sa kaniya dahil hindi ko makausap maski sa text.Well, hindi ko naman siya tinetext dahil siya nga hindi ako magawang kausapin. Tuluyan na nga ata akong nakalimutan ng kupal na ‘yon.Nadala lang naman ako ng sama ng loob ko kaya nasabi ko ang mga nas
February’s POV“Hoy, anong problema? Para kang tangang nakatulala lang diyan,” natatawang saad sa akin ni Isaac.Nandito lang ako ngayon sa duyan habang nakatulala lang sa cellphone ko.“Miss mo?” tanong niya at ngumisi.“Huh? Hindi ko miss si Sapphire ‘no!” sabi ko naman at inirapan siya.“May sinabi ba akong si Zeal?” natatawa niyang tanong na nakataas pa ang kilay.Pagkatapos no’ng mangyari noong nakaraang buwan, nagtutungo pa rin siya rito ngunit hindi nagpapakita sa akin. Ni wala nga akong update sa kaniya dahil hindi ko makausap maski sa text.Well, hindi ko naman siya tinetext dahil siya nga hindi ako magawang kausapin. Tuluyan na nga ata akong nakalimutan ng kupal na ‘yon.Nadala lang naman ako ng sama ng loob ko kaya nasabi ko ang mga nas
February’s POV“Nandito ka na? Saan? Papunta na kaming sementeryo, dalian mo,” sabi ko sa kabilang linya.“Malapit na, just wait for me,” sabi naman ni Sapphire.“Aba, kanina pa ‘yang malapit mo,” sabi ko na napailing pa sa kaniya kahit hindi niya naman nakikita.Pistang patay kasi ngayon at nandito si Sapphire dahil sembreak niya. Nandito rin kasi ang Mommy’t Daddy niya pati ang Lola niya dahil nga dito nakalibing ang Lolo niya.“Malapit na nga,” sabi niya naman. Napailing na lang ako at hinintay siya.“Hindi ka ba sasama kina Lola mo?” tanong ko pa sa kanya.“Mamayang gabi pa dadalaw ang mga ‘yon dahil mainit pa raw,” turan niya naman.“I’ll come with them later,” aniya pa.“Ku
February’s POVPapunta na ako sa school nina Aya at Cali nang makareceive ako ng text mula kay Sapphire.Sapphire:Where are you? I’m now at home.Ako:Papunta akong school nila Aya. Pauwi na rin mayamaya.Ipinasok ko naman na ang cellphone at nagsimula ng maglakad patungo sa school ng mga ito.Nang makarating doon ay agad kong hinanap sina Aya at Cali ngunit wala pa sila sa gate, madalas na naghihintay ang mga ito dito.“Inigo, na saan na sina Cali?” tanong ko nang makitang naghihintay si Inigo dito sa gate. Mukhang hinihintay ang kaniyang sundo.“Nandoon po. Inaya niya po ng sapakan si Terence,” sabi ni Inigo sa akin kaya agad naman akong napakunot ng noo dahil dito.“Hindi maganda ang nagsisinungaling, Inigo,” sabi ko pa sa ka
February’s POV“Saan ang punta niyo, Febi?” tanong ni Isaac na may dala dalang ulam para sa amin.“Sa mundo kung saan wala ka,” natatawa kong biro sa kanya ngunit inirapan niya lang ako.“Sa peryahan!” excited na saad nina Aya at Cali. Natawa na lang ako sa kanila. Fiesta na kasi ng buong bayan sa amin at may peryahan ngayon sa bayan. Wala naman kasing amusement park dito sa lugar namin kaya excited talaga ang mga bata kapag fiesta.“Sama!” sabi ni Isaac sa akin.“Sige ba, kasama naman namin si Sapphire. Tara,” sabi ko sa kaniya at tinuro si Sapphire na naghihintay na sa may labas.“Aba! Una tayong naging magkaibigan pero siya pa ang una mong niyaya,” sabi niya sa akin na pinaningkitan pa ako ng mga mata. Napatawa naman ako sa kaniya dahil dito.“I was sup