NATAPOS magluto si Kevin at noong silipin niya ang oras sa grandfather's wall clock na nasa gilid ng living room, malapit na palang mag-alas otso ng gabi. Pagkatapos niyang kumuha ng ilang gamit sa kwarto, muli kasi siyang sinaraduhan ni Cinder ng pinto at nagkulong na ito roon. Natatawang iniling ni Kevin ang ulo at dahil pumasok sa isipan niya ang mukha ni Cinder na namimilog ang mga mata at namumula ang magkabilang pisngi. He wants to poke those lovely cheeks but he knew that she'll be mad. Ganoon na ganoon pa naman si Serena dati; galit kapag dinudutdot niya ang pisngi nito. Naghubad si Kevin ng cooking apron, sinampay iyon sa hook rack, at hinanda na ang pagkain para maaya na si Cinder kumain. Nang matapos, umakyat siya sa second floor, nagtungo sa kwarto, at kumatok doon. Nakailang katok si Kevin bago marahang bumukas ang pinto at sumungaw roon ang magandang mukha ni Cinder. Ngumiti si Kevin noong makita ito. He actually wanted to reach out and caress her cheeks but he held b
PAPATULOG na si Cinder noong maka-receive siya ng alert message mula sa HQ. Noong silipin, nanlaki ang mga mata niya noong mabasa ang nasa screen ng phone. Agent Chiron is back and now, he got hold of Chiles and that moron is training her son to use short knives! Napamura si Cinder dahil may naka-attach pang video sa dulo ng message at noong i-play niya, nakita niya ang anak na tuwang-tuwa ngang naglalaro ng mga kutsilyó! Mabilis siyang nag-text kay Hyan para magpasundo dahil wala siyang dalang sasakyan noong pumunta rito. Pagbalik niya mamaya rito, dadalhin niya ang big bike para hindi na siya mang-abala pa sa susunod. Sinilip niya ang oras at malapit na palang tumuntong ng alas doce ng gabi. Sa tingin naman niya at tulog na si Kevin kaya mabilisan siyang nagbihis ng suit, nilibot ng tingin ang buong lugar at nakita niya ang nakapinid na pinto ng balkonahe. Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Napahigop si Cinder ng hangin at marahas na bi
PARA pigilan si Gideon sa balak nitong pag-alis, hinatak ni Cinder ang overcoat na suot nito kaya nahinto si Gideon. Alam kasi ni Cinder na hindi nagbibiro ang lalaking 'to. Sa lahat ng pinsan niya, ito ang pinakamainitin ang ulo at alam niyang nag-init ang ulo nito noong marinig ang pangalan ni Kevin. “Teka nga, bakit ba galit ka kay Kevin? Hindi ka naman inaano ng tao! And he's my subject so don't lay your hands on him.”Hinubad ni Gideon ang coat na nasa katawan nito kaya iyon na lang ang natira na hawak ni Cinder. Ang tanging suot lang ni Gideon ay white shirt at pantalon. Umikot si Gideon at mariing tumitig kay Cinder. “I just hate the guts of that man. Masama ba iyon? And what was Chlyrus thinking of assigning you to that fúcker? Kahit siya ang boss dito, masasapak ko 'ata siya!”“Really?”Pareho silang napalingon noong nakita nilang nakasandal si Chlyrus sa hamba ng pinto at pinanonood pala sila ng taong ito. Inis na hinarap ito ni Gideon at tinuro pa si Cinder. “Why did you
“SAAN ka galing?” ulit na tanong ni Kevin. Lumikot ang mata ni Cinder, nag-iisip ng idadahilan. Bumaba ang tingin niya sa bitbit na pagkain at nakaisip siya ng palusot. Tinaas niya ang dala-dalang plastic bag at inalog-alog iyon. “Ano kasi, Boss Kevin, nagutom ako kaya bumili ako ng pagkain.”Tumaas ang kilay ni Kevin. “Really? Bibili ka lang ng pagkain, tumakas ka pa? Kung hindi kita nakilala, iisipin kong akyat-bahay ka.”“Ha? Anong akyat-bahay?”“Nakita ko kung paano ka sumampa ng bakod, Miss Fuentes. Did you enjoy climbing over the wall?”Napakamot si Cinder sa ulo at hindi alam kung paano lulusot dahil nasukol na siya. Ano ba naman kasi, bakit parang patay ang pakiramdam niya kapag si Kevin ang nasa paligid? “Cinder,” tawag muli sa kanya ni Kevin noong mapansin nitong lumilipad ang isip niya. “Yes, Boss?” aniyang nakangiti, konti na lang mag-bi-beautiful eyes pa siya. “Quit calling me boss. Just address me as Kevin. Ipaliwanag mo kung bakit ka umalis. Looking like that? Weari
TATAYO sana ang lalaki noong apakan ni Cinder ang dibdíb nito nang mariin. Napaigik ang lalaki dahil ramdam nito ang pagbaon ng heels ng boots na suot ni Cinder. “H-Hey, help me here!” anito sa mga kasama. “C-Call the security!” anang kaibigan ni Connor habang nakatingin kay Cinder. Sinubukan nitong lumapit sa kanya ngunit humarang naman si Kevin. “Don't you fúcking touch her!”“Pero, Xavier, he attacked Connor!”“Connor deserves it,” sagot ni Kevin. Napanganga ang taong mga nakarinig. Lumapit naman si Kevin kay Cinder at pinulupot nito ang braso sa beywang ni Cinder. Nangilabot ang buong katawan ni Cinder dahil doon at halos mapatalon siya. Nawala rin ang bagsik sa mukha niya at namumula ang magkabilang pisngi na hinarap si Kevin. “Iyong kamay mo, oy,” mahina niyang sita rito. Inalis naman ni Kevin ang kamay sa beywang niya ngunit ngumiti muna ito nang pagkatamis-tamis sa kanya. 'Yan, diyan ito magaling! Alam na alam yata ni Kevin na kahinaan niya ang ngiti nito kaya panay gan
HIRAP NA HIRAP na dinala ni Cinder sa maliit na kwarto na nasa loob din ng opisina na iyon. Wala pa ring malay si Kevin. Inihiga ito ni Cinder sa pang-isahang kama at napansin niya na bakas pa rin ang natuyong luha sa pisngi ni Kevin. Napabuga siya ng hangin at naghanap ng tissue. Mabuti na lang at mayroon sa office ni Kevin ng tissue box. Lumapit siya kay Kevin, umupo sa gilid ng kama at maingat na pinunasan ang mukha nito. Mabigat pa rin ang loob niya nang maisip na umiyak ito. Hindi niya inaasahan na iiyak si Kevin noong i-deny niya rito na hindi siya si Serena. Malamang ay apektado pa rin ito sa pagkawala ng asawa. Sa narinig niya ay namatáy ito sa aksidente at coping mechanism siguro ni Kevin na maniwala na hindi pa pátay ang babae. At noong makita siya nito, naisip nito si Serena. Pero kahit na. She's Cinder now. Hindi siya si Serena. Dapat maintindihan iyon ni Kevin. Nakailang buntong-hininga na siguro si Serena habang minamasdan si Kevin. Inayos niya ito at hindi maiwasan
NAGLAKAD si Helia patungo sa kotse at kumatok sa bintana noon. Hindi nito alam na si Cinder na ang nasa driver's seat kaya napangisi si Cinder. She rolled down the window and showed her face to this woman. Nakangiting nakasalubong ang mukha ni Helia habang hinihintay na makita si Kevin ngunit mabilis na nabura iyon at napalitan ng pagkaputla noong makita kung sino ang kaharap. “W-Who are you? Where's Xavier?”Xavier? Hah? Lumingon si Cinder kay Kevin. “Ikaw ba ang tinatawag nitong Xavier?”Hindi nagsalita si Kevin at matalim na tinapunan ng tingin ang direksyon ni Helia. Mukhang ito nga ang tinutukoy ng babae dahil second name iyon ni Kevin. “I said, where's Xavier? Who are you?! Why are you inside his car?”Hindi sinagot ni Cinder ang tanong ni Helia. Nirolyo niya pataas ang bintana ng kotse at naghahanda na sanang i-U Turn ang sasakyan noong may humarang pa muli na isang sasakyan sa likuran nila. Trapped sila at muntik ni Cinder hampasin ang manibela sa inis. She's not vigilant
KEVIN watched Cinder's expression. Kita niya ang kaseryosohan noon at nabahala siya dahil baka nasaktan ito kanina. Watching her beating those guys made him see Cinder in a new light. Hindi niya akalain na sa tatlong taong hindi sila nagkita, kayang-kaya na nitong protektahan ang sarili at ito pa mismo ang nagprotekta sa kanya. May lungkot siyang nadarama dahil naisip niya, noong mga panahon na wala siya sa tabi nito, ano kaya ang pinagdaanan ni Cinder para itulak nito ang sarili para mag-aral ng self defense technique? But he also felt proud. Mas panatag ang loob niya ngayon na kahit pala wala siya sa tabi nito, magagawa nitong protektahan ang sarili. Bakit nga ba siya nagugulat kung nasa CV dito ay expert si Cinder sa mga self defense sports. Nahugot si Kevin mula sa malalim na pag-iisip noong may kamay na naglahad sa harap niya. Noong tingnan, kamay ni Cinder iyon na may hawak na band-aid. “Dikit mo muna sa sugat mo sa labi. Mamaya, lilinisan ko 'yan pagdating sa bahay.”Napan
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i