Se connecterPagkasara na pagkasara ng pinto ng opisina ko, tila doon lang bumagsak ang lahat ng hanging pilit kong ipinapaloob sa aking dibdib. Sumandal ako sa pinto at napahawak sa aking noo, pilit na hinahabol ang hininga ko. Nanginginig ang mga kamay ko, isang panginginig na kanina ko pa pilit itinatago habang nasa harap ni Liam.
"Isa... Isa, humi
Isabela’s POVFlashback (6 Years Ago)Noon ko unang naramdaman ang tunay at nakabibinging pangungulila. Iyon ang mga araw na mag-isa akong naglalakad patungo sa ospital para sa aking prenatal check-up. Habang ang ibang mga buntis doon ay inaalalayan ng kanilang mga asawa, hinahaplos ang kanilang mga tiyan at masayang pinag-uusapan ang pangalan ng sanggol, ako ay nakaupo lang sa isang sulok, mag-isa, yakap ang sariling bag, at pilit na nilulunok ang bara sa aking lalamunan.Dahil abala si Mommy sa pagtatrabaho para may makain kami sa Paris, wala akong choice kundi harapin ang lahat nang mag-isa.Naaalala ko ang isang gabi, nakatayo ako sa harap ng salamin habang hinihimas ang bahagya nang lumalaking tiyan ko. Umiyak ako nang gabing iyon, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa isang klase ng galit na humahati sa puso ko.Galit ako dahil sa kabila ng sakit na nakita ko sa mansyon, ang eksena nila ni Celeste na magkatabi sa kama, may bahagi pa rin ng tanga kong puso na umaasang sana... san
Isabela’s POVGabi na nang makauwi ako galing sa opisina, pero ang pagod ko ay hindi lang pisikal, ito ay abot hanggang kaluluwa. Anim na araw. Anim na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang paghaharap namin ni Liam sa ospital, ngunit hanggang ngayon, nakakabinging katahimikan ang namamayani mula sa panig ni Liam.Wala akong natanggap na tawag. Walang subpoena. Walang galit na lalakeng sumusugod sa pintuan ko.Sa halip na gumaan ang loob ko, tila mas lalo akong nilalamon ng anxiety. Bawat busina ng sasakyan sa labas ng bahay ay nagpapatalon sa puso ko. Bawat hindi kilalang numero na tumatawag sa cellphone ko ay nagpapadama sa akin ng matinding kaba. Natatakot ako na baka sa isang iglap, may mga pulis na sa harap ko para kunin si Maeva. Natatakot ako na baka ang katahimikang ito ay ang kalmado bago ang isang napakalakas na bagyo.Ngunit kasabay ng takot ay ang isang tanong na unti-unting dumudurog sa akin.. Matutuwa ba ako o dapat akong manghinayang?Dahil sa bawat oras na lumi
Casey’s POV"Hudson, halika dali! Habulin natin si Liam!"Halos maubos ang hininga ko sa pagmamadali. Ang kaba sa dibdib ko ay tila tambol na lalong bumibilis ang pagtibok. Ito na... ito na ang sandaling matagal ko nang kinatatakutan. Sumusubo pa si Hudson nung hilain ko siya. Muntik pa siyang matumba dahil sa lakas ng pagkakaladkad ko sa kanya palabas ng restaurant."Ano ba ang nangyayari, Babe? Bakit ba tayo nagmamadali?" takang tanong ni Hudson, bakas ang pagkalito sa kanyang mukha."Basta, kailangan nating silang mahabol!" tanging naisagot ko habang nanginginig ang mga kamay na pumapara ng taxi. Agad kong kinalikot ang cellphone ko. Tinatawagan ko si Isabela pero hindi siya sumasagot. My God, Isabela... sumagot ka, baka mahabol ka ni Liam, baka malaman na niya lahatSa desperasyon, si Tita Selene ang tinawagan ko. Sa nakalipas na mga taon, naging maayos ang relasyon namin dahil kay Maeva at Isabela."Ho? Si Maeva? Nasa ospital po? Okay lang po ba siya?" Halos maglupasay ako sa k
Liam’s POV"May anak tayo..."Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ko, bawat pag-ulit ay tila isang malakas na suntok sa aking dibdib na nag-iiwan sa akin ng hapo at hirap huminga."Bakit, Isabela?" puno ng pait kong tanong. Ramdam ko ang panginginig at pagkuyom ng aking kamao hanggang sa mamuti ang aking mga buku-buko. Bakit kailangang ilihim? Ganoon ba katindi ang galit niya sa akin para ipagkait ang karapatan kong maging ama?Nakita ko ang panandaliang pagkalito sa kanyang mukha, ngunit mabilis itong napalitan ng paninindigan. Napapikit siya, tila pilit na hinahugot mula sa kaibuturan ng kanyang pagkatao ang tamang sagot. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang mahinang ungol ang nagmula sa kama."Mommy..."Ang boses na iyon, maliit, paos, at walang muwang, ay tila kuryenteng nagpatigil sa namumuong bagyo sa loob ng silid. Sabay kaming napalingon sa bata. Nakita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata, mga matang kasing-linaw ng sa akin ngunit ngayon ay
Liam’s POVNang makita ko ang biglang pagwala ng kulay sa mukha ni Isabela, may kung anong humaplos sa dibdib ko, isang pamilyar na kaba na matagal ko nang ibinaon. Ang mapanuri at malamig kong maskara ay tila natunaw sa tindi ng takot na rumehistro sa kanyang mga mata. “I will use the car,” mabilis kong sabi, halos mahablot ang susi sa ibabaw ng mesa.“Liam! Saan ka pupunta?!” rinig kong sigaw ni Hudson, ngunit tila naging malabong ugong na lang iyon sa pandinig ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sinisigaw ng aking isipan na sundan si Isabela.Tanging malinaw sa akin ay ang kailangang malaman kung bakit ganoon ang itsura ni Isabela. At alam kong may nangyari. At kailangan ko siyang sundan.Kumaripas ako ng takbo patungo sa parking lot. Maswerte kong naabutan ang taxi na sinakyan niya. Hindi ko hinayaang mawala sa paningin ko ang sasakyang iyon. Habang nagmamaneho, ang mga kamay ko sa manibela ay nanginginig sa hindi maipaliwanag na tensyon. Bakit siya nagmamadali? Sino ang nasa
Isabela POV"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Liam," pilit na pakalma kong sagot. Ngunit kahit anong pigil ko, ang boses ko ay parang marupok na sinulid, isang hila lang, mapuputol na."Talaga ba?" Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig at mapanuri. "We'll see, Isabela. We'll see."Hindi pa ako nakakabawi sa talim ng kanyang mga salita nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Ang tunog na iyon ay parang isang pagsabog sa gitna ng aming katahimikan. Muntik ko na itong mabitawan nang makita ko ang pangalan ni Mommy. Hindi tumatawag si Mommy sa ganitong oras, lalo na’t alam niyang nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting. Maliban na lang kung..."Excuse me," mabilis kong paalam. Lumayo ako ng ilang hakbang, ang bawat segundo ng paglalakad ay parang isang taon."Hello, My? May problema ba?""Nasa ospital kami ngayon, Isa! Isinugod namin si Maeva. Biglang tumaas ang lagnat niya, ang bilis, hindi







