로그인Ang mundo ay tila tumigil sa pag-ikot nang magtama ang aming mga mata ni Isabela. Ang lahat ng ingay ng mga batang naglalaro sa paligid ng MUBA ay biglang naglaho, na tila kaming tatlo lang ang natira sa ilalim ng kalangitan ng Milan.
Si Isabela. Narito na siya. At sa tabi niya... ang isang cute na batang babae na napakaganda na repleksyon k
Liam’s POV"I told you on the phone, Lorenzo," sabi ko, ang boses ko ay mahina na ngayon pero puno ng banta."I don't like unnecessary distractions. At mukhang ikaw ang pinakamalaking distraction dito.""Liam, stop it! Nakakahiya kay Lorenzo!" saway ni Isabela. Lumapit siya sa amin at pilit na kinuha si Maeva."Nakakahiya?" napangisi ako nang mapait."Ang nakakahiya, Isabela, ay ang makita ang ina ng anak ko na halos makipaghalikan na sa empleyado niya sa loob mismo ng shop na ito.""He's not an employee! He's my partner!" sigaw niya pabalik."Partner?" lumapit ako sa kanya, sapat para
Liam’s POVNakasandal ako sa swivel chair sa loob ng library ng mansyon habang pinapanood si Maeva na mahimbing na natutulog para sa kanyang tanghalian.Limang araw na ang nakalipas simula nang lumipat sila sa mansyon. At puno iyon ng mga masasayang alaala. Di ko mapigilang malungkot dahil sa lunes kailangan kong lumipad papuntang paris para sa meeting namin ni Mr. Beamont.Hawak ko ang aking phone, hinihintay ang pagkakataong marinig ang boses ni Isabela. Pagkatapos kong ipadala ang paborito niyang lilies, hindi ko mapigilan ang pagnanais na malaman kung anong naging reaksyon niya.Gulat ba siya? Galit? O baka naman... kahit konti, napangiti siya?Hindi ko na natiis, denial ko ang numero niya. Isan
Isabela’s POVHindi ko inaasahan na ganoon kabilis tatakbo ang mga araw. Limang araw na pala kaming nakatira sa ilalim ng iisang bubong ni Liam. At sa loob ng limang araw na iyon, walang ibang ginawa ang lalaking iyon kundi ang landiin at paamuhin ako sa bawat pagkakataon.Para akong kandilang unt-unting nalulunod sa sarili kong init, sa bawat haplos niya, sa bawat pilyong kindat, at sa bawat "Mhine" na binibitawan niya, tila ba dahan-dahan akong natutunaw.Buti na lang at nagagawa ko pa ring kontrolin ang sarili ko, kahit na ang totoo ay konting-konti na lang at bibigay na ang mga pader na itinayo ko.Kagagaling lang namin ni Lorenzo sa isang seryosong pag-uusap tungkol sa mga bagong designs para sa shop nang biglang bumukas ang pinto. P
Isabela’s POVPagod ang katawan ko pag-uwi galing sa shop, pero mas pagod ang isip ko. Hindi ako masyadong naging productive sa shop dahil sa pag-aalala ko kay Maeva na naiwan mag-isa kay Liam.Pagkapasok ko pa lang sa mansyon, sinalubong na ako ng amoy ng bawang, kamatis, at sariwang pasta. Pero kasabay niyon ang isang ingay na hindi ko inaasahan sa ganito kagarbong bahay, ang malakas na tawanan nina Liam at Maeva.Dali-dali akong naglakad patungo sa kusina, at doon, napatigil ako sa may pintuan.“Anong nangyari dito? May bagyo ba?” gulat kong tanong.Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o maiinis. Ang pristine at modernong kusina ni Liam ay mukhang dinaanan ng buhawi ng hari
Liam’s POVKahit puno ng kasambahay ang mansyong ito, pinili kong pakiusapan silang lumayo muna sa kusina. Ako ang gagawa ng almusal para sa kanila. Gusto kong ang unang lasa ng umaga nila sa pamamahay ko ay magmula sa sarili kong mga kamay. Habang pasipol-sipol akong nagluluto, may iniwan akong tauhan na nakabantay kay Maeva sa playroom para masiguro ang kaligtasan niya.Halos patapos na ang paghahanda ko nang marinig ko ang mahihinang yabag at ang masayang hagikhik na nagmumula sa hagdan.Natigil ang pag-ikot ng sandok sa kamay ko. Napatulala ako habang pinagmamasdan silang papalapit sa dining table. Nakaligo na si Maeva, basa pa ang buhok nito at nakasuot ng isang kulay dilaw na dress, habang si Isabela naman ay tila isang anghel na naglalakad sa gitna ng sikat ng araw na tumatama sa aming
Liam’s POVGising na ako bago pa man tuluyang sumilay ang sikat ng araw sa bintana. Ang totoo niyan, halos hindi ako nakatulog sa tindi ng adrenaline na dumadaloy sa ugat ko sa buong magdamag.Naramdaman ko ang paggalaw sa gitna namin. Si Maeva. Dahan-dahan siyang bumangon, kinukuskos ang mga mata at tila handa nang mag announcement na gising na siya.“Shh… Goodmorning baby” mabilis kong bulong, sabay lagay ng hintuturo sa aking labi. Napatitig sa akin ang anak ko, nanlalaki ang mga mata sa kuryosidad.Hinal







