LOGINIsabela’s POVMaaga kaming nagising ni Liam, tila ba kapwa kami hinahabol ng oras. Walang magarbong puting gown, walang mahabang listahan ng bisita, at walang malalakas na kanta. Sa loob ng Municipal Hall, sa harap ng isang judge at iilang saksi, mabilis na naganap ang seremonya. Ngunit sa bawat salitang binibitawan namin, tila nayayanig ang buo kong pagkatao. At sa isang iglap, bago pa man tumirik ang araw, tapos na.Isa na akong ganap na Mrs. Isabela Alcantara-Tejero.Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa wedding ring na nasa daliri ko. Napakasimple nito, ngunit ang bigat ng kahulugan ay tila sapat na para punan ang anim na taon naming pagkakalayo. Ang kislap ng ginto sa ilalim ng sikat ng araw ay tila nagsasabing.. "Sa wakas, pag-aari mo na siya, at pag-aari ka na niya."Nasa loob na kame ng kotse at pauwi dahil naghihintay sila mommy at Maeva sa bahay para sa aming lunch. “Misis ko...” malambing na bulong ni Liam sa tabi ko.Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga
Liam’s POVKaming dalawa lang ni Isabela ang bumalik sa mansyon. Pinili nina Selene at Maeva na magpaiwan muna sa kalinga ni Tita Amanda.Ang malawak na bahay na dati ay tahimik at malamig ay tila lalong bumigat ang atmospera dahil sa katotohanang bukas, mawawala na naman ang liwanag dito.Pinagmamasdan ko si Isabela habang maingat niyang inaayos ang kaniyang mga gamit sa maleta. Bawat tiklop niya ng damit ay parang pagpunit sa puso ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang napakahigpit mula sa likuran. Ibinaba ko ang aking mukha sa kanyang balikat, pilit na humahanap ng lakas.“I don’t want to let you go... I want you here. I need you, Mhine,” basag ang boses na pag-amin ko.
Liam’s POVKagagaling ko lang sa isang tensyunadong board meeting. Halos liparin ko ang daan patungo sa mansyon ni Tita Amanda dahil alam kong ito na ang huling gabi ni Isabela bago siya bumalik ng Milan.Pagod na pagod ako, ang isip ko ay puno pa rin ng mga numero at problema sa kumpanya, pero lahat ng iyon ay tila naglaho nang makarating ako sa tapat ng gate.Pagpasok ko pa lang sa loob, agad na sumalubong sa akin ang tunog ng masiglang tawanan mula sa garden. Isang pamilyar na tawa ang nangingibabaw, ang tawa ni Isabela.Ilalabas ko pa lang sana ang phone ko para i-text siyang narito na ako, nang bigla siyang lumingon. Nagtagpo ang aming mga mata mula sa malayo. Nakita ko ang biglang pagliwanag ng kanyang mukha. Hindi siya nag-atubilin
Isabela’s POVPagkatapos naming kumain, ipinagpatuloy namin ang usapan sa kanilang garden. Ang malamig na simoy ng hangin at ang mabangong amoy ng mga bulaklak ay tila nagbigay ng pagkakataon para sa mas malalim na pag-uusap, isang sandaling mapayapa bago ang aking pag-alis.Nagpresinta akong gumawa ng tsaa para sa lahat. Mula sa kusina, natatanaw ko sa labas na hindi tinatantanan ni Maeva ang kaniyang Tito Miguel. Nangingiti ako, nakikita ko sa kanya ang kislap ng saya na matagal ding nawala.Nang patapos na ako sa paghahanda, bigla kong naramdaman ang presensya ng isang tao sa aking likuran.Si Celeste.“How’s Liam?” malungkot na tanong nito.
Isabela’s POVBukas ng gabi na ang flight ko pabalik ng Milan. Habang papalapit ang oras, tila lalong bumibigat ang bawat hakbang ko.Narito kami ngayon sa mansyon ni Tita Amanda dahil inimbitahan niya kami para sa isang farewell dinner.Kahit anong pilit kong maging matatag, hindi ko maitago ang lungkot sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon matapos ang aming muling pagkakasundo, kailangan ko na namang iwan sila Liam, Mommy, at ang anak kong si Maeva.Pero alam ko ang reyalidad, kailangan ni Mommy ng suporta sa kaniyang pagdadalamhati, at si Tita Amanda ang taong laging nariyan para sa kaniya. Mas mapayapa ang loob ko na alam kong nasa mabuting kamay si Mommy habang wala ako.Bitbit
Isabela’s POVIlang araw na rin ang mabilis na lumipas simula nang bumalik ako sa Pilipinas. Sa kabila ng init at gulo ng Maynila, nahanap ko ang kapayapaang matagal kong hinanap sa piling ni Liam at Maeva.Naayos na namin ang Urn ni Tito Ben at nalagay na ito sa kanilang museleo. Si mommy naman, nakita ko na dahan dahan nagkakaroon na siya ng pagtanggap.Alam ko matagal bago maghilom ang sugot ng pagkawala ni Tito Ben pero alam ko na maghihilom din ang lahat ng sugat.Ngunit alam ko ang reyalidad, ang buhay na binuo ko sa Milan ay naghihintay na. Kailangan kong bumalik para sa aking shop, para sa mga pangarap na itinaguyod ko nang mag-isa.Pero bago ako muling lumipad, hindi k
Isabela’s POVSa loob ng dalawang araw na palugid na ibinigay ni Liam, tila tumigil ang mundo ko. Hindi ako makatulog, hindi ako makakain nang maayos, at pati ang trabahong dati ay nagsisilbi kong pahinga, ngayon ay naging pasakit.Nasa shop ako ngayon, pilit na itinatali ang atensyon sa tahiin, pe
Isabela’s POVHalos hindi ako makahinga habang hawak ang phone ko pagkatapos kong tawagan si Liam. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na pumayag ako sa absurd na kondisyon ng lalaking iyon.“Hisshh!” Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Bakit ba ang bilis niyang magpaikot ng sitwasy
Liam’s POVHalos hindi ako makatulog sa loob ng dalawang araw. Ang bawat oras ay tila isang dekada, at ang bawat minutong lumilipas ay dahan-dahang kumikitil sa pasensya ko.
Liam’s POVPinanood ko ang bawat hakbang ni Isabela palayo. Ang bawat padyak ng kanyang takong sa sahig ng restaurant ay tila musika sa pandinig ko, isang martsa ng pagsuko na pilit niyang itinatago sa li







