Share

Chapter 7

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2025-10-30 19:18:28

Isabela’s POV

“Andito ako sa may bench malapit sa building natin,” sabi ko sa phone habang nakaupo at nakatanaw sa mga estudyanteng nagdaraan. I’m at school, at in an hour magsisimula na ang klase namin sa Business Law and Taxation.

“Asan ka na ba? Andito na ako! Hindi ako nakapag-research, pakopya!” halos sumigaw na sabi ni Casey sa kabilang linya.

Napangiti ako. The usual Casey.

“Nakikita na nga kita, tignan mo sa harap mo!” natatawa kong sabi.

Bigla siyang napalingon. At first, blanko lang ang mukha niya, parang loading pa ang utak niya. Pero nang tuluyang maregister sa isip niyang ako nga ‘yung nakatayo sa harap niya, namilog ang chinita niyang mata at halos malaglag ang panga niya.

“Hahaha!” natatawa ako sa priceless niyang reaksyon.

Lumapit siya sa akin, parang isang imbestigador na may bagong kaso, lumapit, yumuko ng bahagya, at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tapos bumalik ulit sa mukha ko na parang hindi makapaniwala.

“Isabela Alcantara… ikaw ba ‘yan?! OMG!” halos mapasi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lady Love Ebol
... nice....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 160

    Hudson’s POV“Steve, ikaw na munang bahala dito sa bar. May kailangan lang akong lakarin,” bilin ko sa assistant ko pagkatapos kong matanggap ang details ng hotel nina Isabela mula kay Liam.“Copy, Sir. Ako na’ng bahala rito,” sagot niya.Napailing ako habang lumalabas ng bar. “Hay... babae talaga, laging sakit sa ulo,” bulong ko sa sarili ko.“Kaya bakasyon muna ako sa babae. I would rather focus on expanding my businesses” Hindi naman ganoon kalayo ang hotel nila, saktong distansya lang para lakarin at damhin ang gabi. Malapit sa dalampasigan ang bar ko sa Station One, habang ang tinutuluyan nina Isabela ay nasa Station Three. Habang naglalakad, pasipol-sipol pa ako, pilyong sinusulyapan ang bawat seksing turistang nadadaanan ko.Buhay na buhay ang Boracay. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin at ang tunog ng alon ay tila musika na nakaka-relax ng utak. Kahit gabi na, suot ko pa rin ang sunglasses ko. It’s my secret technique, para hindi halata kung sino ang tinititigan ko. Stylish n

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 159

    Liam’s POVHabang hinihintay ang pag-andar ng eroplano, tila sasabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako tumitigil sa pag-contact sa mga tao sa Boracay. Ilang sandali pa, sa wakas ay nasagot din ng kaibigan kong si Hudson ang tawag ko.“Yo Bro, what’s up?” tanong nito sa kabilang linya. Rinig ko ang ingay ng paligid niya, buhay na buhay ang Boracay, malayo sa madilim na mood ko ngayon.“Nasa Boracay ka pa ba?” mabilis kong tanong. Naalala ko noong isang araw, tumawag siya para imbitahan ako sa bago niyang bar doon.“Yep, why? Are you coming? Halika na, Bro!”“Papunta na ako. Pero may hihingin sana akong pabor,” seryoso kong sabi.

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 158

    Liam’s POVHalos gumuho ang mundo ko sa tindi ng pressure. Ang project na pinagpuyatan ko ng ilang buwan ay nagkaroon ng major glitch, at bawat minutong dumadaan ay milyun-milyon ang nawawala sa kumpanya. I was drowning in paperwork, meetings, and endless crisis management. I was a CEO, expected to be invincible, but at that moment, I felt like I was being suffocated by my own empire.Patong patong ang problema ko. Kay mommy, kay Daddy, kay Selene at kay Isabela. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko.Dapat uuwi ako sa Pilipinas, ngunit dahil sa aberya, hindi ako natuloy. Alam kong nalungkot si Isabela, ayaw lang niyang aminin sa akin. Kaya kahit sa kabila ng selos sa aking puso sa posibilidad na may lalaking umaligid sa kanya sa Boracay, pumayag

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 157

    Isabela’s POVTumuloy ako sa tabing-dagat, pero kahit ang dambuhalang bugso ng hangin ay hindi sapat para palamigin ang nag-aapoy kong dibdib.“Waahh!”Isang malakas na tili ang pinakawalan ko mula sa kaibuturan ng puso ko. Kasabay niyon ang walang tigil na pag-agos ng luha na kanina ko pa kinukulong.“Why?” bulong ko sa hangin. Bakit kailangang mangyari 'to?“Ang tanga mo, Isabela! Napakatanga mo!” Napaupo ako sa buhanginan at itinago ang mukha sa aking mga braso. Kasalanan ko 'to dahil naniwala ako. Kasalanan ko dahil nagmahal ako nang sobra.Nang mahimasmasan, tumayo ako nang pasuray-suray. Natag

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 156

    Isabela’s POVPagbalik namin sa suite, bumungad sa amin ang mga bote ng alak na tila ba hudyat ng isang gabi ng paghuhukom. Nakabilog sina Celeste, Margot, at Lexi, mga mukhang buwitreng handang sumagpang ng biktima."Finally! Let’s start," nakangising sabi ni Margot habang itinuturo ang pwesto namin."Doon kayo... upo na."Inikot ang bote. Huminto ito kay Celeste."Truth!" mabilis niyang sagot.‘Celeste, it’s you! “ sabay na sigaw ni Margot at Lexi.“Is it true na you are still a virgin and you are saving yourself para sa kasal ninyo ni Liam dahil siya ta

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 155

    Isabela’s POV"Isabela, are you crying?" boses iyon ni Lexi na may halong pang-uuyam.Dali dali kong pinahid ang luhang hindi ko namalayang pumatak na pala."No. Napuwing lang ako sa hangin.""Whatever. Just enjoy the ride. Hindi araw-araw ay makakasakay ka sa ganito ka kagandang yate," sabi ni Margot habang humihigop ng wine.…Halos wala akong nalunok sa mga pagkaing inihanda sa yate. Bawat subo ay tila abo sa aking bibig, at bawat halakhak nina Margot at Lexi ay nagsisilbing ingay na nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Para akong naubusan ng lakas, isang basyong katawan na sumasama lang sa agos hanggang sa makabalik kami sa pampang.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status