Share

CHAPTER 39

"Uy, Jazzie!"

I flinched on my place when someone tapped my shoulder. "Oh, Ken, b-bakit?" tanong ko nang natuon ang atensyon ko sa kanya.

Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "May problema ba, Jazzie? Kanina ko pang napapansin na para bang malalim ang iniisip mo," puna niya.

Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa bintana. "W-wala, ano... naisip ko lang si Erom," pagpapalusot ko.

Kababalik ko lang sa hotel pero ito ako, lutang at hindi makagawa nang maayos sa 'king trabaho. Pangatlong suite na ang nililinisan ko ngayon at ang dalawa kong silid na nalinisan kanina ay parehong palpak. Nakalimutan kong palitan ng bedsheet ang naunang suite habang nawala naman sa isip ko na linisin ang cr ng pangalawang kwarto. Kaya naman ngayon sa ikatlong suite na nakatoka sa akin ay nagpasama na ako kay Ken para hindi na makalimot pa sa ibang bagay. Marahan akong nagpakawala ng buntonghininga at muling tinanaw ang itim na sasakyan sa ibaba

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status