Hapon na at hindi pa rin kinikibo ni Raine si Crassus. Naiimbyerna pa rin siya dahil sa ginawa nito.Aaminin niya na siya naman talaga ang nauna, pero isang beses lang naman iyon. Iyong ginawa nito ay mas masahol pa sa kanya. Umihi ba naman siya sa harap nito. Ang mas malala pa ay nakita pa nito at naamoy. Nakahihiya kaya iyon. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa siya naka-ihi sa harap ng isang tao.Sa totoo lang ay nahihiya siyang humarap kay Crassus. Sinadya lang niya na hindi umimik. Baka kapag nag-usap pa sila ay tutuksuin pa siya nito. Malakas na tinadtad ni Raine ang karneng baboy. Nasa kusina siya ngayon at kasalukuyang naghahanda ng hapunan nila ni Crassus. Hindi pa tuluyang nahati ang buto ng baboy kaya bumwelo ulit si Raine ng napakalakas.Napapitlag si Crassus. Napalunok na tinitigan niya si Raine. Nang magtama ang paningin nila ay mabilis niyang iniwas ang kanyang mata."Tch! Walang puso," nagpaparinig na maktol pa ni Raine. Muli siyang nagtadtad ng isa pang buto ng baboy.
Naalimpungatan si Raine dahil sa sinag ng araw na pilit na pumapasok sa kurtina. Kaagad niyang itinakip ang kanyang kamay sa mata. Kumurap-kurap pa siya habang inaaninag ang paligid.Sinipat niya ang wall clock. Nang makitang malapit na mag alas nuwebe ay napabuntonghininga siya. Mukhang hindi na siya makapasok ngayon. Alanganin naman kung papasok siya ng half day.Lumingon siya sa kanyang gilid. Nabungaran niya ang mukha ni Crassus na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.Sinalat niya ang noo nito. Nakahinga siya ng maluwag. Wala na itong lagnat.Nagising na siya kanina alas singko para i-check ang temperature nito. Bagaman may sinat pa ito ay pinainom niya pa rin ito ng gamot. Para hindi na babalik ang lagnat nito. Nadala na siya kahapon. Nakalimutan lang niya na painumin ito ng gamot sa takdang oras, bumalik na ang sakit nito.Ngumiti siya. Muli niyang hinaplos ang mukha nito. Hindi siya nakapagpigil. Inamoy niya ang leeg nito."Gwapo talaga ang kumag. May saltik nga lang," koment
Hindi nakasagot si Raine. Nilaro niya ang kwelyo ni Crassus at napatitig doon.Napaisip tuloy siya. Paano kung gumaling na si Crassus. Babalik ba siya sa dating treatment nito?Kumunot ang noo ni Raine. "Nilalagnat ka na, iyan pa ang iniisip mo? Bakit hindi mo na lang eenjoy ang pagkakataon na 'to?"Isang beses na kumurap si Crassus. Mapungay na tinitigan niya si Raine Malungkot siyang ngumiti."It's good to be true, Raine. Kaya natatakot ako na baka babalik na naman sa dati," pag-amin pa ni Crassus.Iniwas ni Raine ang kanyang mata. "Huwag mo ng isipin yan." Dahan-dahan siyang kumalas sa pagyakap nito. "Magpagaling ka muna. Saka na natin pag-usapan 'yan."Pinahiga niya si Crassus. Tahimik naman itong sumunod. Bumaluktot ulit ito. Pumasok si Raine sa kumot ni Crassus. Ibinuka niya ang braso nito at dumaus-us para roon at humiga. Sumiksik siya sa dibdib nito at yumakap.Manghang napatingin si Crassus. "Raine?"Pumikit si Raine. "Tulog na, Babe,"ani niya. Sinadya pa niyang i-emphasiz
Lumabas si Raine sa kwarto. Nilapag niya sa likod ni Crassus ang dala niya na unan at kumot. Saka siya umupoNaramdaman ni Crassus na may gumalaw sa likod niya. Paglingon niya ay mukha ni Raine ang kanyang nasilayan.Crassus frowned. "Raine? What are you doing here?"Napatigil ito sa pag-aayos sa unan. Lumingon ito sa kanya. "Samahan na kita rito."Crassus froze. He eyed Raine. "You don't have to. Bumalik ka na sa kwarto mo. Baka mahawa ka pa sa akin."Pero hindi nakinig si Raine. Sinalat pa nito ang noo niya. "Mainit ka pa. Walang magbabantay sa'yo rito.""I'm not a kid.""May sakit ka. Huwag ka ng magreklamo," panunupla pa ni Raine. Humiga siya. "Matulog ka na. Hindi uubra iyang gamot na ininom mo kung hindi ka magpapahinga."Saka ito tumalikod sa kanya. Walang magawa si Crassus kung hindi titigan ang likod nito. Muli na naman sumalakay ang pananakit ng kanyang ulo. Sa sobrang sakit niyon ay napapikit siya sa sakit. Ngumiwi siya. Tumalikod siya kay Raine at bumaluktot ulit. Niyakap
Hindi makapagsalita si Raine matapos ang mahabang paliwanag ni Crassus. Tikom ang bibig na tinitigan niya ito. Pero may parte ng puso ni Raine na naguguluhan. Bakit ba ginagawa ni Crassus ang lahat ng ito. Akala ba niya na mas gusto pa nito si Tia pero bakit panay ito'ng humahabol sa kanya."Crassus, hindi kita maintindihan," malamig na wika pa ni Raine. "Nagparaya na ako para sa inyo. Bakit naghahabol ka pa?"Hinawakan ni Crassus ang kanyang kamay. "Ikaw ang gusto ko."Parang bomba na sumabog ang katotohanan iyon sa utak ni Raine. Maang napatitig siya kay Crassus. Naging hudyat naman kay Crassus ang pananahimik ni Raine. Ginagap niya ang kamay nito. "Ikaw naman talaga ang gusto ko. Natural naman siguro na hahabulin ko ang isang taong may puwang na sa puso ko hindi ba?"Napaawang ang labi ni Raine. Nagkarambola sa pagtibok ang kanyang puso. Nagsimula na rin mamawis ang kanyang kamay dahil sa samu't-saring emosiyon na kanyang nararamdaman.Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga s
Napakurap si Crassus. Manghang napatingin siya kay Raine. "Kanina ka pa riyan?" tanong pa ni Crassus.Umiling si Raine. "Bago pa lang." Umalis siya sa hamba ng pinto at tumabi kay Crassus. "Bakit lumabas ka pa? Mahamog dito. Pwede naman kayo mag-usap sa loob."Tipid na ngumiti si Crassus. "I know, gusto ko lang magpahangin kaya lumabas ako saglit."Mataman tinitigan ni Raine si Crassus. Ewan niya pero hindi niya makuhang maniwala sa sinasabi nito. Napabuntonghininga siya. Pinulupot niya ang kanyang kanang kamay sa braso ni Crassus pero bigla siyang natigilan. Mabilis niyang sinalat ang noo nito."Tsk, mainit ka na naman," imbyernang saad ni Raine. "Dapat kasi hindi ka muna lumalabas."Matamlay na ngumiti si Crassus. "You're worried?"Naningkit ang mata ni Raine. Sa inis ay pinitik niya ang tainga ni Crassus. Namilog ang mata nito."Ano? Magagalit ka? Subukan mo. Lakas ng loob mong mamuna. Siyang-siya ka naman na inaalagaan kita ano?" saad pa ni Raine.Ngumisi si Crassus. "It's my fo