[Kailan ka babalik, Tina?"]Bumikig ang lalamunan ni Raine nang mabasa niya ang chat ni Lolo Faustino. Nailapag niya ang selpon at napatingala. Saka siya napabuntonghininga. Parang gustong pagsisihan ni Raine na ginalit niya si Crassus. Sa huli ay pati ang kanilang Lolo ay nadamay. Nawalan ito ng kasama at kausap. Hindi niya maiwasang maisip na para ito isang batang paslit na naghahanap ng Ina nito. Hindi naman niya ito masisisi. Halos isang buwan niya itong nakasama sa villa. Noong umalis din si Crassus ay siya ang kasama nito. Sa maiksing panahon ay mas lalong nagkalapit ang kanilang loob. Hinablot ni Raine ang selpon at saka suminghot. Nagtipa siya ng reply para kay Lolo....[Huwag ka po mag - alala, Lolo. Babalik po ako kapag kumalma na ako. Please bear with me. Hayaan niyo po, kapag okay na ay babalik po kaagad ako sa villa. Pangako po 'yan.]Saka niya pinadala ang chat. Nang may pumasok sa isip niya ay muli siyang nagtipa ng panibagong mensahe. ...[Lolo, Friday po bukas. G
A- anong pong ginagawa mo rito, Sir? May hinahanap po ba kayo na libro?" takang tanong pa ni Raine."Uh, I guess?" Napakamot sa ulo si Sir Xhun. Napatingin ito sa suot na libro. "You guys go shopping first, I still have to sign for about fifteen minutes."Natahimik si Raine. Iniisip niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Nang mapansin ni Sir Xhun na natahimik siya ay ngumiti lang ito. Saka ito tumalikod sa kanya.Kipkip ang libro, dahan - dahan na naglalakad si Raine para sundan ang dating Propesor. Tinanaw niya ito. Nakita niyang umupo ito sa gitna ng mesa at may pinepermahan na libro. Sa gilid nito ay may nakasalansan na libro na pareho lang ang pabalat at kapal.Bahagyang umawang ang bibig ni Raine. Kung ganoon ay may book signing ito rito?Muli na naman siyang napahanga. Ang talino talaga nito. Parang wala itong bagay na hindi kayang gawin. Panaka - naka ay pinagmasdan niya ito habang namimilo ng libro. Narinig niyang nagsalita mula sa kanyang gilid."Adih, may napili ka na ba?"
Napaisip si Raine. Wala naman masama kung pupunta siya sa firm ni Professor Xhun kaya lang ay biglaan ang pang - aaya nito. Isa pa, driver nito si Athelios. Ayaw niya pa makita ang magaling niya na kapatid. "Sa susunod na lang po siguro, Sir. Baka nakaabala po ako," pagtanggi pa ni Raine. Parang nabasa naman ni Professor Xhun ang utak niya kaya sinabi nitong," You don't have to worry. Hindi ko kasama si Athelios. Mag - isa akong pumunta rito."Napalingon si Diana kay Raine. "Ano?"Napabuntonghininga siya. "Driver niya si Athelios."Natutop ni Diana ang kanyang bibig."So?"Ngumiti si Raine. "Kung okay lang sa kasama ko po.""Okay lang. Wala naman tayo ibang gagawin," pagsagot pa ni Diana. "It's settled. Tara?" Paanyaya pa ni Professor Xhun. Tumagilid pa ito para bigyan sila ng madadaanan.Nagkatinginan naman sila ni Diana. Nang siya ang nauna ay sumunod ito sa kanya. Bumaba sila at binayaran ang napiling libro. Habang pumipila sila para sa counter ay nakatingin sa kanila ang mga ta
Inilibot sina Raine at Diana sa firm ni Professor Xhun. Hindi niya alam kung ilang beses siyang namangha sa tuwing makikita niya ang mga trabahante nito. Talagang focus ito sa trabaho. Napansin nga niyang lumingon lang ito sa kanila pero parang ihip lang ng hangin at bumalik na ito sa trabaho nila. Na para bang hindi sila nito nakita.Kung sana lang ay ganito rin ang mga kasama niya sa trabaho.Pagkatapos nilang maglibot ay nagpasiya sina Raine at Diana na umuwi na. At para hindi magambala sa pagtatrabaho ni Professor Xhun ay hindi na sila nagpahatid. Sumakay sila ng jeep. Hind pa man uminit ang pang - upo nila ay kinausap na siya ni Diana."Raine, alam kong ayaw mong pinapangunahan ka, pero sana naman ay pag - isipan munang mabuti. Minsan ka lang makakakita ng magandang offer na tulad sa Forgatto," pagpapaliwanag pa ni Diana.Napabuntonghininga siya. Lumapit siya sa tainga nito. "Alam ko naman 'yon, Diana. Kaya lang kasi toxic masyado iyong department na napasukan ko. Alam ko naman
Naibaba ni Crassus ang hawak na selpon. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nahulog siya sa malalim na pag - iisip.Katatapos lang niya basahin ang paliwanag ni Diana. Ngayon na nalaman na niya ang totoo ay unti - unting nawala ang kanyang galit kay Raine. Pero hindi niya rin maiwasan na madismaya.Nalaman niya na binilog lang ni Tia ang ulo niya. Pinapaliwanag ni Diana ang teorya nito, at kung pagbabasehan nga sinabi nito ay napapansin niya na may punto ito. Hindi talaga totoong buntis ang kaibigan nito, kaya wala ring katotohanan ang tungkol sa pagpapalaglag ni Raine. Napatitig si Crassus sa kawalan. May parte man na puso niya na nasiyahan dahil hindi totoo ang kanyang paratang kay Raine pero may parte rin ng puso niya na parang dismayado. Hindi niya matumbok kung bakit pero may isang tanong na nabuo sa utak niya.Paano kaya kung totoo talaga na buntis si Raine?***Sa isang banda, tumayo naman si Diana para sabihin ang ginawa niyang pangingialam. Sinabi niya na nagpadala siya ng
Nakita ni Raine na papasok sa loob ng quarter nila ang kanilang Direktor. Lumapit ito sa kanya at may binigay na papel. Alam na niya kung ano 'yon kaya dali - dali niya itong binuklat.Nang makita niya ang isang napalaking 'No' sa liham na ay napakunot ang kanyang noo. Pinapagpaguran niya 'yon tapos makakatanggap lang siya ng isang malaking 'No' ?"Bakit po ganito, Sir?" tanong niya na hindi inalis ang paningin sa papel."Hindi ka naman siguro kinulang sa talino para hindi malaman ang ibig sabihin niyan."Padabog na nilapag ni Raine ang papel sa mesa. "Ang ibig ko pong sabihin, bakit ganito ang pagkakasusulat. May pormal naman na paraan kung tanggihan niya ang rason ko.""Sa tingin mo, magagawa pa ng isang tao na makapagsulat ng pormal kapag galit na galit siya?" Pabalang na tanong ni Mr. De Guzman. Umiling pa ito. "Mabuti nga hindi niya 'yan pinunit dahil sa reaksiyon niya kanina. Pwede na niya ako patayin sa nerbiyos."Napahaplos sa batok si Mr. De Guzman. "Hindi siya pumayag. Ikaw
Nilapag ni Raine sa mesa ang sopas na kanyang niluto para kay Lolo Faustino. Gusto kasi nito kumain ng luto niya kaya ginawa niyan ito. Ngumiti naman ito nang makita ang niluto niya. "Kain ka po, Lolo. Meron pa po rito," paanyaya pa ni Raine."Salamat, Hija." Saka nito nilantakan ang sopas. Nang matikman ang kanyang luto ay napatango ito. "Gawa ka nito ulit sa susunod, Tina."Napangiti si Raine. "Sige po."Kakausapin niya pa sana si Lolo nang biglang may pumasok sa kusina. Nagkakatigan sila ni Crassus. Mula sa pagtukod sa mesa ay napaayos siya ng tayo.Sinipat ni Crassus ang suot na relo. "Skipping work?" Crassus's voice is low, magnetic, and calm. Her heart skips a beat. Boses pa lang nito ay nagkagulo na ang puso niya.Nang mapansin na kamuntik na siyang mapatanga sa harap nito ay tumikhim siya. "Inutusan ako ni Mr. De Guzman kanina na mag - deliver ng information sa Tax Bureau. Sabi niya ay hindi ko na kailangan pang bumalik pagkatapos kaya nagpunta na lang ako rito kahit maaga
"Kung may gagalawin man ako, hindi ikaw 'yon."Tumabingi ang ulo ni Crassus. "Talaga?" Pinisil nito ang dède niya kaya napamulagat siya. "Kahit na magmamakaawa at susuka ako ng dugo sa harap mo? Kahit pa na mamatay ako?"Ginatungan ito ni Raine. Ngumiti siya. Lumapit siya sa tainga nito at doon ay bumulong. "Kung mamatay ka man, mamamatay ka. Ayaw mo no'n? Sa akin mapupunta ang lahat ng kayamanan mo?"Napatawa si Crassus. Tinitigan niya si Raine sa mata. "Nakalimutan ko kung ano ka kahit na asawa na kita. Oo nga naman, pwede ka naman mag - drama kahit na patay ang asawa mo. Tapos pasimple mong nanakawin ang kayamanan ko."Hinarap niya si Crassus. Tinitigan niya ang mata nito hanggang sa dumapo ang kanyang paningin sa tungki ng ilong nito."Di ba? Tapos yayaman na ako," pabiro niya pang ani."That's good. I don't mind if you'll snatch my wealth, as long as you are here with me while I am dying. Alam ko naman hindi mo ako pababayaan."Napipilan si Raine. Mabilis na pumintig ang kanyang
Nang marating ni Raine ang bahay nila ay nanumbalik sa kanya ang alaala ng nakaraan. Naging nostalgic sa kanya ang lahat. Lalo na nang makita niya ang puno ng mangga na nasa harap mismo ng kanilang bahay.Napahawak siya sa luma nilang tarangkahan na binahayan na ng kalawang. Dati ay kumikinang pa ito dahil sa pag - aalaga ng kanyang Ama. Ngayon na wala ng nag - aasikaso ay naging marupok na ang ibang parte nito. Malayong - malayo sa dati nitong itsura na makintab at matibay.Tinulak niya ito at pumasok. Muli na naman siya nanibago dahil napakatigas nito kung itulak. Sumadsad na kasi ang katawan nito sa lupa kaya kailangan niya pa itong iangat para makapasok.Napagawi ang paningin niya sa bakuran nila. Bigla siyang nanlumo. Paano at marami ng nakatubong damo roon. Ang dating makulay na palibot ay puno na ng patay na sanga ng kahoy at patay na dahon. Ang parteng lupa na nasa gawing gilid ng bakod ay naging talahiban. Naghahabulan sa pakikipagtaasan ang mga masamang damo roon. Kauti na l
Pagkatapos ng ilang buwan na pagtatrabaho ni Raine sa Almira ay bumalik siya sa Forgatto Celestina. Kasama ang dalawa pang kasama, sabay silang bumalik sa Araw ng Huwebes sa dating kompanya.Hindi na maampat ang ngiti ni Mr. De Guzman. Nakausap niya kasi si Raine. Sinabi nito na bibitawan na ang job oppurtunity na ibinigay ng taga Audit Department.Nang marinig niya ito ay halos mapunit na ang kanyang labi dahil sa malaki niyang ngiti. "Mabuti naman ang pinag - isipan mo ng mabuti ang suhestiyon ko, Ma'am Raine," ani pa ni Mr. De Guzman.Nagkibit - balikat si Raine. Gusto man niyang sabihin na walang kinalaman ang suhestiyon nito sa naging pasya niya. Pero mas pinili na lang niya na maglihim."Direktor ko po kayo. Mas mataas po ang experience mo sa akin kaya nararapat lang na makinig ako sa'yo," sabi ni Raine.Tumango si Mr. De Guzman. "Bueno! Sasabihin ko kay Mr. Almonte ang naging pasya mo."The next day, Mr. De Guzman promoted Raine to be the financial manager. Nang marinig iyon n
"Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldré primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil
Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.
Napakunot ang noo ni Crassus. Mahigpit niyang hinawakan ang manubela na room ay kumuha ng lakas."Ano ang dapat kong malaman?" tanong niya.Hindi kaagad sumagot si Raine. Mas lalong nagkarambola ang puso ni Crassus. Nababasa niya sa aksiyon ni Raine na nag - aalinlangan ito."Ano kasi.."Malamig na tinitigan ni Crassus si Raine. Hindi siya kumibo. Gusto niya na ito na ang kusang magsalita.Napabuntonghininga si Raine. "Natatandaan mo pa ba iyong sinundo mo ako sa presinto?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Iyong walang magpapiyansa sa'yo kaya tinawagan na ako ng Pulis?"Tumango si Raine. "Hmm."Binalot ng pagtataka si Crassus. "Bakit? Anong meron?"Nilaro ni Raine ang zipper. "Iyong lalaking nagtangkang manakit sa akin. Naalala mo?"Biglang dumilim ang mukha ni Crassus. "Bakit?"Tinitigan siya ni Raine sa mata. "May half brother si Sasha na lalaki. Iyong naabutan mo sa presinto noon, siya ang kapatid ni Sasha, si Romano." Tumingin sa labas ng bintana si Raine. "Kanina kasi ay napang - abo
"Natanggap din pala siya," komento pa ni Raine habang nakatingin sa lista na nasa selpon.Pabagsak niyang nilapag sa kanyang kamay sa hita. Lumaylay ang balikat niya. Muli niyang binasa ang pangalan nito. Napabuntonghininga siya nang maanalisang hindi siya namalik - mata.Gustuhin man niyang magtrabaho sa Departmentong iyon ay hindi na niya magawa. Nadala na siya sa nangyari noong biyernes at ayaw niya ng maulit 'yon. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang choice kung hindi i - give up ang slot niya sa iba.Nagpadala siya ng email kay Sir Rothn. Medyo nahirapan pa siya kung paano magpaalam dahil hindi siya makapag - isip ng maayos. Ayaw kasing tanggapin ng puso niya ang kanyang desisyon. Dumaan ang mahigit kalahating oras ay sinent ni Raine ang kanyang apology letter. Simula niyon ay naging matamlay na sa pagtatrabaho si Raine.Nasa loob ng opisina ni Crassus si Rothan. Kararating pa lang nito para ibigay sa kanya ang listahan ng mga empleyadong natanggap sa Audit Department."
Araw ng Biyernes, bumalik si Raine sa Forgatto Celestina. Ngayon ang Exam niya sa Audit Department. Ni hindi na nga niya hinintay pa si Crassus sa kakamadali niya. Natatakot kasi siya na baka mahuli siya. Binigyan na sila ng hint ng HR Department kanina. Nakatanggap siya ng email. There were two exams in the morning and afternoon, and there was another interview next week.Kaya hindi niya maiwasan na kabahan. Akala niya kasi ay written exam lang. Hindi niya inaasahan na higit pa sa dalawa ang pasulit. Bigla tuloy siya napaisip kung tama na ba iyong mga inaral niya noong nakaraan.Habang nakaupo sa labas ng waiting area ay kinalma ni Raine ang sarili. Bumuga siya ng hangin at pagkatapos niyon ay huminga na naman siya ng malalim.Naagaw ang atensiyon niya sa isang babae. Kapapasok pa lang nito at may dalang shoulder bag na itim. May kasama ito na lalaki."Sasha?" Tawag ni Raine.Napatingin siya sa kasama nito. Bumaha sa utak niya ang ginawa nito noong nakaraan. Ito lang naman ang may d
Tinanggap ni Raine ang advise ng kanilang Direktor. Kaya kinabukasan ay hinatid siya ni Crassus sa mall para makabisado niya ang loob nito. Maging ang exit kung saan pwede dadaan ang mga empleyado na katulad niya ay tinuro ni Mr. De Guzman. Nagmamasid lang si Crassus at kung may kulang man sa sinabi ni Finance Director ay ito ang nagpapatuloy sa pagpaliwanag. Kaya kahit papaano ay hindi nakaramdam ng pagkalito si Raine. Hindi siya pinapabayaan ni Crassus, at nang pinaliwanag na nito ang accounts ng mismong mall ay mas lalo inigihan ni Raine ang makinig. Nalaman niya kung gaano iyon karami ay nakaramdam siya ng pressure. Nandoon na rin ang kaba at excitement. Ganoonpaman ay hindi siya nagpatinag."Are you sure about this?" Crassus asked while they are walking in the hallway.Lumingon si Raine kay Crassus. "Kaya naman na."Napataas ang kilay ni Crassus. "Ba't parang hindi ka sigurado?"Umiling lang si Raine. "Medyo kinabahan lang.""Don't be," Crassus replied. Namulsa siya. "Tawagan mo
Crassus face darkened. "What do you mean by I also published a book?" he growled pretended to know nothing about Paul Tyler's book. Nang maanalisa ni Raine ang kanyang naibulalas kanina ay tinakusan siya ng kulay sa mukha. "Wala, wala," pagtanggi niya at hindi na makatingin kay Crassus Binuklat niya ang libro. Muli niyang binasa ang pamagat nito. Bumaha sa mata niya ang paghanga. "Ikaw talaga ang nagsulat nito?" Muling tanong pa ni Raine. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro. "The Human Resources Department wrote it and put my name on it. Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng magbasa ng ibang libro. Maliban sa college books mo, wala ka na pwedeng ibang buklatin kung hindi yan lang. Oras na may nakita ako ng ibang libro na nakapasok sa bag mo ay itatapon ko. Or, if you put it in, don't let me see it! Otherwise, you know the consequences." His words were as firm as a law. Napatanga si Raine. Tama ba siya ng rinig? Ayaw nito na may makapasok na ibang libro sa