Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 19 - Sharp as an arrow

Share

Chapter 19 - Sharp as an arrow

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2024-12-05 22:58:48

NAPUNO NG TAWANAN ang loob ng bahay ni Lolo Faustino nang may sinabi si Raine na isang nakakatawang bagay.

Kung si Crassus ay tahimik at matalino, si Raine ay matabil ang dila at masayahin.

Katulad ngayon, inulan niya ng tanong si Lolo Faustino. Panay naman ang sagot ng huli.

Tulad ng pagkakaiba ng iskedyul sa pagitan ng dalawang sikat na Unibersidad. Masaya nitong ikinuwento ang nakaraan nito. Lalo na noong nagtuturo pa ito sa mga estudyante.

"Pero, Lolo, madami na pong bumagsak sa subject mo?" Tanong pa ni Raine habang nakaupo sa stall.

"Ay nako! Tinanong mo pa. Alam mo ba ----"

Kinuwento na naman nito ang lahat. Napahagalpak ng tawa si Raine nang inilahad nito ang mga dahilan na nagpapasakit ng ulo nito. Lalo na iyong mga bulakbol na anak - mayaman. Lahat ng iyon ay magiliw na sinagot ni Lolo Faustino.

Kailanman ay hindi nagsalita si Lolo tungkol sa kanyang nakaraan kay Crassus, pero sa harap ni Raine, naging madaldal ito.

Nang tumambay si Crassus sa veranda para sana magbasa n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 20 - Hot Topic

    Hindi katulad noong nakaraan, wala masyadong ginagawa si Raine sa bahay ni Lolo Faustino ngayon. Hindi rin siya makapagluto dahil may nakatuka nasa pagkain. Dumating kasi ang tagapag - luto ni Lolo kaya tumakbo ang araw niya na halos nakahilata lang siya.Ayaw rin makipag - usap ni Crassus. Naintindihan niya naman ito pero minsan ay naiilang na siya. Dumaan ang araw na halos mapanisan siya ng laway dahil hindi ito kumikibo sa kanya. Buti na lamang at nandiyan ang Lolo nito. Kahit papaano ay may kausap siya.Binigyan na naman siya ng pera ni Crassus. Alam niyang sumunod lang ito sa kasunduan nila pero may kakatwa siyang nararamdaman. Hindi na siya komportable kung binibigyan siya nito ng pera. Hinatid siya nito sa baba ng apartment. Ewan niya kung ano ang nasa isip nito. Basta lang siya nito hinatid at hindi nagsalita. Nang makababa na siya sa kotse nito ay bigla namang humarurot ang sasakyan nito. Napakurap siya. Tinanaw niya ang papalayo nito na sasakyan. Binalot man ng pagtataka

    Last Updated : 2024-12-07
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 21 - The Guy in the Luxury Car

    HINDI MAKAPAGSALITA SI RAINE sa lahat ng kanyang nabasa sa comsec. Kung mag - rereact siya ay bigla na namang mauudlot dahil sa panibagong mababasa niya na comments. Parang isang libro na nagpatong - patong sa loob ng kanyang utak ang lahat ng nabasa niya. Napailing siya. May bago na namang comment ang nakapukaw sa kanyang atensiyon. Tahimik niyang binabasa ito na para bang doon nakasalalay ang kanyang kinabukasan.[I remember during the team building, I saw her toasting with the deputy general manager of the human resources department. Baka siya iyong ....] Nabitin na sa ere ang kanyang binasa. Bigla ay natagpi niya ang lahat ng mga comments. Halos lahat ng iyon ay hindi maganda ang ibinabato sa kanya. Nakakasira iyon ng kanyang imahe. Bagay na ikinabahala niya dahil sa kaibutaran ng kanyang puso, wala siyang ginawang masama.Noong Team Building ay nakipag - toast nga siya kay Deputy General Manager. Pero iyong manager ay si Mr. De Guzman. Anong masama roon? Nakipag - toast lang s

    Last Updated : 2024-12-07
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 22 - Wedding Dress

    "A-anong rumored?" Nauutal na tanong ni Raine habang nakatingin sa kaibigan."Ay teh, amnesia?" Hinampas na naman siya nito. "Iyong nasa hot topic, Gaga ka.""H-Hindi, nagkakamali ka." Napabunsagot siya sabay hawak sa kanyang braso na dalawang beses na nitong hinampas dahil sa gigil. "Wala kaming relasyon.""Oh? Eh bakit nakasakay ka sa sasakyan niya? Don't tell me na hindi na naman ikaw iyon? "Napakunot ang kanyang noo, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay nagkarambola na ang pagtibok niyon dahil sa kaba."I-iyon ba?" Iniwasan niya ang titig ni Diana. "Noong pumunta ako ng ospital ay nabangga ko siya. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko siya nakita. K- kaya pinasakay niya ako." Pagtatakip pa ni Raine sa pangyayari, pero tumaas lang ang kilay ng kaibigan niya sabay halukipkip. Halatang hindi ito naniniwala sa kanya. "Nagmamagandang loob lang siya." Dagdag niya pa kanyang paliwanag.Kung kanina ay hindi magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagsigaw; ngayon naman ay parang nadaanan ng

    Last Updated : 2024-12-08
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 23- sooner or later you will see

    TIKOM ANG BIBIG NI CRASSUS habang pinagmasdan ang babaeng nasa harap niya. Napaangat ang gilid ng kanyang labi. Sa totoo lang ay kinutya na niya ito ng ilang beses sa kanyang utak. Lalo na nang makita niyang bumagay rito ang wedding dress.Hindi niya pa rin nakalimutan ang ulterior motives nito, kaya parating umuukil sa kanyang utak ang plano nito. Parang isa itong alarm clock na parating nagpaalala sa kanya, na dapat ay hindi siya magpatangay sa pang - hipnotismo nito.Pero sa tuwing nakikita niya ang maliwanag nito na awra. Ang pagngiti nito, ang malambing nito na boses. Maging ang pagkislap ng mata nito ay unti - unting napapawi ang kanyang agam - agam. Beautiful, graceful. Those words are not enough to describe Raine.Aaminin niyang dati na siyang nagagandahan sa Intern. Unang kita niya palang dito ay napapansin na niya ang kakaiba nitong ganda. Ito iyong tipong babae na kapag hindi mo aayusan ay lulutang pa rin ang ganda. At kapag nabihisan ay magmumukhang diyosa.His jaw tight

    Last Updated : 2024-12-09
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 24 - One Identity

    SA ISIP NI RAINE, isa itong napakalaking coincidence. Ang tinaguriang Legend sa kanilang campus sa larangan ng CPA ay ito at nasa harap niya. Magiliw na nagtuturo sa kanila. Narinig na rin niya rati na madalas itong nagtuturo sa matataas na lebel ng kanilang paaralan. Ngunit hindi niya inaasahan na isa rin siya sa matuturuan nito. Para sa kanya, isa itong napakalaking pribilehiyo ang maranasan na maturuan ng isang sikat at matalinong lalaki.Pumapatak ang oras, hanggang sa dumating ang uwian ni Raine. Habang naglalakad siya palabas ng gusali ay may namataan siya na isang pamilyar sa pigura sa bukana. Naglakad siya palapit dito. Kaya pala pamilyar ang pigura nito sa malayuan. Ang nakakabata niyang kapatid na si Athelios; ay prenteng nakasandal sa sasakyan at parang may inaantay."Anong ginagawa mo rito?" Tanong kaagad ni Raine sa kanyang kapatid.Ngumisi ito ng nakakaloko. "Ah! May pera na rin pala ang kapatid ko para mag - aral sa isang training class." Pumalakpak ito. "Bigla ka ya

    Last Updated : 2024-12-10
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 25 - spilling secret

    NANG MAKARATING NA SILA sa apartment ay bumaba si Raine. Nagpasalamat siya kay Mr. Xhun at hindi niya kinibo si Athelios. Mabuti na lang at hindi rin ito nagsalita. Habang naglalakad ay abala rin ang kanyang kamay sa pagtitipa ng cellphone. Kapag may dumadaan o nakakaharap siya na tao ay kusang umiiwas ang mga ito na para bang may malubha siyang sakit. Siguro ay dahil sa paningin nila ay isa siyang babae ni Mr. Almonte. Sa paningin nila ay siya na ang magiging 'boss lady' ng Almonte Industries. Kaya ilag ang mga ito dahil takot itong madawit sa isang gulo. Bago niya buksan ang pintuan ng apartment ay nakatanggap siya ng mensahe sa messenger. [We wil go back to grandpa's house at 10 o'clock tomorrow morning, I will pick you up. ] Napatalon ang puso ni Raine. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki sa loob lang ng madaling panahon. Pinatay niya ang cellphone. Pumasok siya sa apartment at kaagad na tinungo ang kanyang kwarto para mag - empake. "May relasyon ba kayo n

    Last Updated : 2024-12-10
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 26 - He thought its her boyfriend

    WALANG PATID ANG SAYA NI LOLO FAUSTINO nang bumisita ulit sina Raine at Crassus. Napalaki ng ngiti nito at mamula - mula na rin ang pisngi.Hindi katulad noong unang punta nila sa bahay nito. Malalaman mong may iniinda ang matanda dahil sa kakulangan ng liksi sa katawan. Naalala rin ni Raine na napaluha ito noong maalala nito ang yumao nitong asawa.Ngayon ay iba na. Bagamat may kabagalan pa rin ang galaw nito ngunit hindi na ito tulad ng rati. Parang wala sa itsura nito na may sakit ito na lung cancer.Lihim na nasiyahan si Raine. Kung patuloy na maging masayahin si Lolo Faustino ay alam niyang gagaan kahit paano ang nararamdaman nito.Gaya ng rati ay sinamahan ni Raine si Lolo Faustino. At dahil hindi naman siya kinibo ni Crassus ay nagpasiya siyang palipasin nalang ang oras kasama ang Lolo nito. Mas mainam na iyong ganito.Hanggang sa pagsapit ng gabi. Nang pumasok na si Lolo Faustino sa kwarto nito para magpahinga ay pumunta na rin si Raine sa kwarto nila ni Crassus. Nagpasiya si

    Last Updated : 2024-12-11
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 27 - Got Drug

    KAHIT HINDI NASIYAHAN SI RAINE KAY CRASSUS ay hindi siya nagpaapekto. Inayos niya pa rin ang kanyang trabaho. Kahit na alam niyang nasa kasunduan nila ni Crassus na dapat niyang tratuhin ng maayos ang Lolo nito.Winaglit iyon ni Raine sa kanyang isipan. Bukal sa kanyang puso ang pag - aalaga at pag - aaliw niya rito.Nang babalik na sila ni Crassus sa siyudad ay nag-aatubili ang matanda na paalisin si Raine. Parang piniga ang kanyang puso. Sinabi kasi nitong mawawalan na naman ito ng kausap sa bahay.Habang tinatahak nila ang dumaan pauwi ay nagpadala na naman ng pera si Crassus. Tinignan ni Raine ang pera. Sa takot na marinig sila ng driver ay nagpasiya siyang magpadala nalang ng mensahe rito.[Ano 'to?]Mayamaya pa ay nag - reply ito.[Good job]Namula ang mukha ni Raine. Ayaw niyang makita nito ang kanyang pagkahiya kaya pinili niyang humarap sa bintana. Hindi niya inaasahan na BAWAT galaw pala ng kamay niya para alagaan si Lolo Faustino ay kumakatumbas na pala ng pera.Biglang k

    Last Updated : 2024-12-11

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 178 - Thinking how to please her

    "Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldrÃĐ primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 177 - Set aside her feelings

    Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 176 - Treat

    Napakunot ang noo ni Crassus. Mahigpit niyang hinawakan ang manubela na room ay kumuha ng lakas."Ano ang dapat kong malaman?" tanong niya.Hindi kaagad sumagot si Raine. Mas lalong nagkarambola ang puso ni Crassus. Nababasa niya sa aksiyon ni Raine na nag - aalinlangan ito."Ano kasi.."Malamig na tinitigan ni Crassus si Raine. Hindi siya kumibo. Gusto niya na ito na ang kusang magsalita.Napabuntonghininga si Raine. "Natatandaan mo pa ba iyong sinundo mo ako sa presinto?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Iyong walang magpapiyansa sa'yo kaya tinawagan na ako ng Pulis?"Tumango si Raine. "Hmm."Binalot ng pagtataka si Crassus. "Bakit? Anong meron?"Nilaro ni Raine ang zipper. "Iyong lalaking nagtangkang manakit sa akin. Naalala mo?"Biglang dumilim ang mukha ni Crassus. "Bakit?"Tinitigan siya ni Raine sa mata. "May half brother si Sasha na lalaki. Iyong naabutan mo sa presinto noon, siya ang kapatid ni Sasha, si Romano." Tumingin sa labas ng bintana si Raine. "Kanina kasi ay napang - abo

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 175

    "Natanggap din pala siya," komento pa ni Raine habang nakatingin sa lista na nasa selpon.Pabagsak niyang nilapag sa kanyang kamay sa hita. Lumaylay ang balikat niya. Muli niyang binasa ang pangalan nito. Napabuntonghininga siya nang maanalisang hindi siya namalik - mata.Gustuhin man niyang magtrabaho sa Departmentong iyon ay hindi na niya magawa. Nadala na siya sa nangyari noong biyernes at ayaw niya ng maulit 'yon. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang choice kung hindi i - give up ang slot niya sa iba.Nagpadala siya ng email kay Sir Rothn. Medyo nahirapan pa siya kung paano magpaalam dahil hindi siya makapag - isip ng maayos. Ayaw kasing tanggapin ng puso niya ang kanyang desisyon. Dumaan ang mahigit kalahating oras ay sinent ni Raine ang kanyang apology letter. Simula niyon ay naging matamlay na sa pagtatrabaho si Raine.Nasa loob ng opisina ni Crassus si Rothan. Kararating pa lang nito para ibigay sa kanya ang listahan ng mga empleyadong natanggap sa Audit Department."

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 174

    Araw ng Biyernes, bumalik si Raine sa Forgatto Celestina. Ngayon ang Exam niya sa Audit Department. Ni hindi na nga niya hinintay pa si Crassus sa kakamadali niya. Natatakot kasi siya na baka mahuli siya. Binigyan na sila ng hint ng HR Department kanina. Nakatanggap siya ng email. There were two exams in the morning and afternoon, and there was another interview next week.Kaya hindi niya maiwasan na kabahan. Akala niya kasi ay written exam lang. Hindi niya inaasahan na higit pa sa dalawa ang pasulit. Bigla tuloy siya napaisip kung tama na ba iyong mga inaral niya noong nakaraan.Habang nakaupo sa labas ng waiting area ay kinalma ni Raine ang sarili. Bumuga siya ng hangin at pagkatapos niyon ay huminga na naman siya ng malalim.Naagaw ang atensiyon niya sa isang babae. Kapapasok pa lang nito at may dalang shoulder bag na itim. May kasama ito na lalaki."Sasha?" Tawag ni Raine.Napatingin siya sa kasama nito. Bumaha sa utak niya ang ginawa nito noong nakaraan. Ito lang naman ang may d

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 173 - Don't have company

    Tinanggap ni Raine ang advise ng kanilang Direktor. Kaya kinabukasan ay hinatid siya ni Crassus sa mall para makabisado niya ang loob nito. Maging ang exit kung saan pwede dadaan ang mga empleyado na katulad niya ay tinuro ni Mr. De Guzman. Nagmamasid lang si Crassus at kung may kulang man sa sinabi ni Finance Director ay ito ang nagpapatuloy sa pagpaliwanag. Kaya kahit papaano ay hindi nakaramdam ng pagkalito si Raine. Hindi siya pinapabayaan ni Crassus, at nang pinaliwanag na nito ang accounts ng mismong mall ay mas lalo inigihan ni Raine ang makinig. Nalaman niya kung gaano iyon karami ay nakaramdam siya ng pressure. Nandoon na rin ang kaba at excitement. Ganoonpaman ay hindi siya nagpatinag."Are you sure about this?" Crassus asked while they are walking in the hallway.Lumingon si Raine kay Crassus. "Kaya naman na."Napataas ang kilay ni Crassus. "Ba't parang hindi ka sigurado?"Umiling lang si Raine. "Medyo kinabahan lang.""Don't be," Crassus replied. Namulsa siya. "Tawagan mo

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 172 - Shouldn't have said it

    Crassus face darkened. "What do you mean by I also published a book?" he growled pretended to know nothing about Paul Tyler's book. Nang maanalisa ni Raine ang kanyang naibulalas kanina ay tinakusan siya ng kulay sa mukha. "Wala, wala," pagtanggi niya at hindi na makatingin kay Crassus Binuklat niya ang libro. Muli niyang binasa ang pamagat nito. Bumaha sa mata niya ang paghanga. "Ikaw talaga ang nagsulat nito?" Muling tanong pa ni Raine. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro. "The Human Resources Department wrote it and put my name on it. Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng magbasa ng ibang libro. Maliban sa college books mo, wala ka na pwedeng ibang buklatin kung hindi yan lang. Oras na may nakita ako ng ibang libro na nakapasok sa bag mo ay itatapon ko. Or, if you put it in, don't let me see it! Otherwise, you know the consequences." His words were as firm as a law. Napatanga si Raine. Tama ba siya ng rinig? Ayaw nito na may makapasok na ibang libro sa

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 171

    "Wala kang magagawa pa, Ma'am Raine. Buo na ang pasya ni Mr. Almonte." Saka siya tumalikod at bumalik sa kanyang opisina.Dahan - dahan na umupo si Raine sa upuan. Ang masayang enerhiya niya ay naglaho ng parang bola.Napailing si Raine. "Hindi, hindi pwede." Tinanaw niya si Mr. De Guzman." Tumayo siya at hinabol ito.""Direk," tawag ni Raine para pigilan ito.Napahinto si Mr. De Guzman. Lumingon siya kay Raine.Marahan na hinabol ni Raine ang kanyang hininga. Napaawang ang labi niya nang humarap siya sa pinuno nila."Sir, paano po kung ayaw kong sundin ang utos ng CEO?" Kumunot ang noo ni Mr. De Guzman. "Ano ang ibig mong sabuhin?"Napabuntonghininga si Raine. "Sir, nakapag - apply na kasi ako sa Audit Department. Kung sakaling matanggap man ako, napakalaki pong tulong niyon sa akin. Hindi lang sa pinansiyal, pati na rin po sa experience ko.""So, gusto mong lumabag sa utos ni Mr. Almonte?" Hindi na maitago ni Mr. De Guzman ang pagkadegusto.Napipilan si Raine. "Eh Sir--""Akala ko

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 170

    Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyado na angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili. Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status