Papauwi na galing sa trabaho ang mag - asawa nang biglang magbukas ng usapan si Raine. "C-Crassus..." pagbasag ni Raine sa katahimikan. "Hmmm?" usal ni Crassus habang ang mga kamay nasa steering wheel at nakatitig sa daan. Dumaan muna ang ilang segundo bago sumagot si Raine. "Aalis ako bukas. Okay lang sa'yo?" "Okay. Tomorrow is Saturday. Are you going to visit your mom?" Tumango si Raine. "Oo, pero pagkatapos ay may lakad ako. Inaya kasi ako ni Diana na mag - dinner sa bahay ng ate niya." Go ahead." Crassus tone was quite gentle. He knew that what Raine said in the training class today was just her expedient measure. She might be afraid that he would be angry, so she said those words to appease him. Hindi siya tanga. Alam niyang hindi para sa kanya ang sulat na 'yon. Ilang beses na niya napansin na nagpapasahan ng notes ang magkaibigan. Aaminin niyang nadala siya sa sulat na 'yon. Ilang taon na rin mula ng marinig niya ang katagang iyon. Hindi niya tuloy maiwasang isipin, p
Pagkatapos ng training class nila Raine ay nagpasiya ang magkaibigan na sabay na lumabas. Nauna ng magsialisan ang kanilang mga kasama kaya kaunti na lang ang natira sa silid. Nang lingunin niya si Crassus ay nakatitig na ito sa kanya. Napahalukipkip ito habang nakaupo sa mesa. Naka - ekis ang paa nito habang ang kanang biyas ay nakatapak sa sahig.Nagkasukatan sila ng tingin, at dahil sa insidente kanina ay siya na ang unang kumalas sa titigan nilang dalawa. "Tara na," aya ni Raine sabay hila sa kamay ni Diana.Nagpatianod naman ito. Habang naglalakad sila sa hallway ay narinig nila ang bulungan ng mga empleyado."Hanep din iyang babae na 'yan ano." Ininguso ng babae'ng naka - ponytail si Raine. "Hindi man lang nahiya kanina na nakipaglandian kay Sir Almonte," narinig ni Raine mula sa tatlong babae na nagkumpulan. Masama ang titig nito kay Raine na para bang may ginawa ito'ng masama."Ano ka ba, natural lang naman 'yon. Mag - asawa sila eh," hirit pa ng kasama nito na may hairband
Seeing Crassus walking into the training class in high spirits, Raine was surprised that he was not grumpy all day, there was no trace of fatigue or emotion on his face. He's still handsome as ever. "Tch! Oo nga naman. Paano ba siya maapektuhan. May Tia pa siya," bulong ni Tia habang inaayos ang notebook at bolpen niya sa mesa. "Hoy!" Inalog ni Diana ang braso niya. "Ano'ng ibinubulong - bulong mo riyan?" "Tsk! Wala!" Asik ni Raine at salubong ang kilay. Takang napatingin si Diana kay Mr. Almonte at Raine. Saka ito napailing. Pumasok sa training room si Crassus. Tumayo ito sa gitna ng podium. Tumayo sila para batiin ito pero si Raine ay hindi sumabay sa mga trainee sa pagbati. Napansin naman iyon ni Diana kaya kumunot ang kanyang noo. Nagsimula ng magturo si Crassus pero hindi makuha ni Raine na makinig. Lumipad ang utak niya at hindi siya makapag - focus. Namimigat ang talukap niya at hindi makapag - sulat ng maayos. Raine had been holding on to her sleepiness for a whol
Biyernes na nakapasok sa trabaho si Raine. Kagaya ng nakagawian ay sabay sila ni Crassus. Habang binabaktas nila ang daan pababa ng mountain trail ay biglang nagsalita si Crassus."Sigurado ka ba na gusto mo ng mag - trabaho? Kaya mo na ba?" Napapikit si Raine dahil sa paulit - ulit na tanong nito. Pangatlong beses na iyon."Oo nga po, Sir," pang -aasar ni Raine. Kaya ko ng maglakad."Why don't you just rest?" He insist, again.Napaikot ni Raine ang kanyang mata. "Tapos na po. Okay na sa akin ang tatlong araw na pahinga. Basta hindi ka makipag ... Ano sa akin." Pambibitin niya. "Magiging okay ako. Nakainom naman ako ng gamot."Hindi na nagsalita si Crassus. Tahimik na nito'ng minaniubra ang mamahaling sports car nito.Napatitig si Raine kay Crassus. Binasa niya ang galaw nito. Sa totoo lang ay nanibago siya sa kilos ni Crassus. Hindi siya sanay na bigla ito'ng naging mabait sa kanya. Mas sanay pa siya na panay ito bumabato ng insulto. Mas sanay pa siya na parati nagagalit. O nagigi
Tumayo si Crassus. Inayos niya ang suot na coat habang naglalakad papunta kay Raine. Lumuhod siya sa harap nito.Pinagmasdan niya ang mukha ni Raine. Kaagad siya nag - aalala nang hindi ito makatingin sa kanyang mata.Hindi na siya nag - atubili. Kinarga niya ito at umalis sa dining area."Mr. Almonte," usal ni Raine.Nalukot ang mukha ni Crassus. "Crassus, Raine, Crassus."Kinagat ni Raine ang kanyang labi. Saka niya pa lang naanalisa na dadalhin siya nito sa kotse nang lumabas ito."Okay lang ako," ani ni Raine."You're not," Crassus said in a soft voice.Natahimik si Raine. Napakapit siya na lang siya sa leeg ni Crassus. Pinagbuksan sila ni Mang Timo nang sasakyan. Hindi na makahuma si Raine nang nilapag siya sa harap ng kotse. Hindi niya mapigilan na obserbahan si Crassus. Inayos pa nito ang paa niya bago sinarado ang pinto.Hindi na kumibo si Raine. Tinitigan lang niya ang harap ng kotse. Tahimik naman si Crassus kaya hindi na siya nagbalak pa na magsalita.Hanggang sa namimigat
When Crassus got up the next day, the weather was gloomy and the sky was very dark. Mukhang masama ang panahon ngayon at uulan pa ng malakas. Napatitig siya kay Raine na mahimbing na natutulog.Umupo siya sa gilid ng kama. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha nito. Saka niya ito pinagmasdan .Ang inosente ng mukha nito sa tuwing natutulog. Malayong - malayo sa ugali nito na pabalang kung sumagot. Ni hindi na nga niya matandaan kung kailan ito naging mabait. Lalo na nitong nakaraan, halos araw - araw ay nagbabanggayan na lang sila. Parang hindi matatapos ang araw na hindi sila nagtatalo.Inayos niya ang kumot na nakatakip sa dibdib nito. Sumilip na kasi ang dibdib nito. Hangga't maaari ay gusto niya munang malayo sa tukso. Baka magalaw na naman niya ito at hindi na makapagtrabaho.Bigla naman naalimpungatan si Raine. Mabilis siyang tumayo. Pasimple niyang inayos ang kanyang neck tie.Nang makita ni Raine si Crassus na nagbibihis na ay sumama ang kanyang mukha. Dinuro niya ito.