Share

Chapter 251

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-06-24 23:56:58

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" naiinis na wika ni Sasha. Salubong ang kilay na dinampot niya ang mga papeles na nagkalat. "Sipsip ka na nga, lampa ka pa."

Napalunok si Raine. Tinulungan niya si Sasha sa pagdampot pero muli na naman nito tinabig ang kamay niya.

"Ako na, baka mas lalo pa iyan malulukot. Inaantala mo lang oras ko, alam mo ba iyon."

"Sorry."

"Tch!" Umirap si Sasha. "Ganyan talaga basta maldita. Pa-arte-arte na mahina pero kapag nakatalikod na iyong kaharap, sing taas pa ng baka ang sungay," pagpaparinig pa niya.

"Hindi ko naman sinasadya," malumaymay na sabi ni Raine.

"Ganyan ka naman eh. Lahat na lang hindi sinasadya." Umayos ng tayo si Sasha. "Kapag meron na namang problema rito sa papel ko. Wala akong dapat sisihin kung hindi ikaw."

Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Sorry ulit." Yumuko siya at tinitigan ang papel ni Sasha. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"Inutusan ako ni Mr. De Guzman. Thanks to you, libre na panay ang oras ko. Wala na akon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 252- Woman in the SUV

    Habang namamasyal sina Raine at Diana sa plaza ay marami na silang nakita. Doon na rin sila kumain ng hapunan dahil may nagtitinda roon ng meal set. Affordable lang iyon at mainit pa. Natatakam si Raine kaya inaya niya si Diana. Nilibre niya ito.Pagkatapos kumain ay nagpatuloy sila sa pag-wiwindow shopping. Madami silang nakita roon na magagandang bagay pero hindi makuha ni Raine na bumili. Si Diana na hindi na naman matatangal ang paa nito nang makita ang estante ng mga damit ay napabili na naman na wala sa oras."Diana, di ba kabibili mo lang din noong nakaraan? Bibili ka na naman ngayon?" Napahalukipkip si Raine.Padabog na binaba ni Diana ang damit. Binato niya ng masamang tingin si Raine. "Pera mo?""Hindi, pero ako na ang naaawa sa closet mo. Awat na nga iyan, ang dami mo pang bago," sabi ni Raine sabay hila kay Diana.Napadpad sina Raine at Diana sa isang istante na may nagtitinda ng sabon. Nagkatinginan ang magkaibigan. Wala pang isang minuto ay mabilis silang lumapit sa sale

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 251

    "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" naiinis na wika ni Sasha. Salubong ang kilay na dinampot niya ang mga papeles na nagkalat. "Sipsip ka na nga, lampa ka pa."Napalunok si Raine. Tinulungan niya si Sasha sa pagdampot pero muli na naman nito tinabig ang kamay niya."Ako na, baka mas lalo pa iyan malulukot. Inaantala mo lang oras ko, alam mo ba iyon.""Sorry.""Tch!" Umirap si Sasha. "Ganyan talaga basta maldita. Pa-arte-arte na mahina pero kapag nakatalikod na iyong kaharap, sing taas pa ng baka ang sungay," pagpaparinig pa niya."Hindi ko naman sinasadya," malumaymay na sabi ni Raine."Ganyan ka naman eh. Lahat na lang hindi sinasadya." Umayos ng tayo si Sasha. "Kapag meron na namang problema rito sa papel ko. Wala akong dapat sisihin kung hindi ikaw."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Sorry ulit." Yumuko siya at tinitigan ang papel ni Sasha. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?""Inutusan ako ni Mr. De Guzman. Thanks to you, libre na panay ang oras ko. Wala na akon

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 250

    Pagkatapos sabihin ni Raine ang ulam na iniluto niya ay walang namutawing ingay sa kanilang dalawa ni Crassus. Malamig niya ito'ng tinitigan at binato ng nagtatanong na tingin.Hindi nagtagal ay si Raine rin ang nagbasag ng katahimikan. "Hate mo na pala ngayon ang adobong baboy at calamares? Bakit ka pa nagpaluto kung ayaw mo naman pala?"Hindi nakaimik si Crassus. Ang dami niya gustong itanong pero ayaw lumabas sa bibig niya. Nagdadalawang isip siya na buksan ang paksang iyon. Kakabati pa lang nila at ayaw niya na mag-aaway naman sila. But his head is running out of space. Kapag hindi niya ito itatanong ay baka mas lalo lang siya maiinis dahil dami ng mga katanungan na bumabagabag sa isip niya."What do you mean? Are you trying to fool your husband?" Crassus asked in strained calm voice.Well, He should be. Dahil kung hindi ay pareho na naman sila sasabog.Ayaw sana ni Crassus na maninigarilyo pero napilitan siyang magsindi. Unti-unti na siyang kinakain at inatake ng inis. Kailangan

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 249

    Kinabukasan, gaya ng pangako ni Raine; pinaglutuan niya pa rin si Crassus. Kahit na nadidismaya siya sa nalaman, pinilit na lang niya na itago. Alam naman niya ang dahilan kung bakit hindi nito maiwas-iwasan si Tia. May binitawan ito na pangako sa Ama ng ex nito.Pero may parte ng kanyang puso na umaasa na sana ay naghanap na lang ito ng ibang paraan. Pwede naman siguro utusan ni Crassus si Mr. Tamayuto. Na ito lang ang mag-aasikaso sa gusto ng mag-ina. Iyon sana ang gusto niya sabihin kay Crassus, pero nahihiya siya. Baka sasabihin pa nito na iuunahan niya ito mag-desisyon.Sabay pa rin sila pumasok sa trabaho. Wala siyang gana na kausapin ito kaya tahimik ang byahe nila."What are you thinking?" Crassus asked while driving his SUV.Umiling si Raine. "Wala naman." Saka niya inayos ang kanyang ulo mula sa pagkakasandal sa bintana. Napakunot ang noo ni Crassus sa narinig. "Ikaw na muna ang magdala sa baon ko. I have a meeting. Ipapakuha ko iyan mamaya kay Tamayuto kung hindi mo maih

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 248

    After arriving at the company, Raine began to summarize the accounts. Chineck niya muna ang mga account kung may mali pa roon. Nang makita niya na wala pang perma iyon ni Crassus ay napahinto siya. "May lakad ba siya kahapon?" takang tanong ni Raine. Tinabingi niya ang kanyang ulo at sabay na tinapik ang mesa gamit ang bolpen. "Baka may meeting." Nagkibit-balikat si Raine. She close the folder. Ibabalik na lang niya ito. Baka nakalimutan siguro ni Crassus na permahan ito kahapon. Akmang bubuklatin na niya sana ang ikalawang folder nang tumunog ang selpon niya. [Your cooking skills are quite good. I ate all the food you cooked yesterday, but the adobo was a little salty. Sad, Crassus seemed so proud yesterday when he said that you are a good cook. Paano ka naman maging magaling na cook kung ultimu asin ay hindi ka marunong mag- estimate?Put less salt in the future, will you?] Raine's whole body was shaking, and her teeth were clattering. Mariin niyang hinawakan ang selpon at titig

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 247

    Pagkarating nila Crassus sa puntod ni Agustino, ang yumaong Papa ni Tia ay kaagad na nag-iba ang hilatsa niya. Bahagya siyang yumuko. Pagkatapos niyon ay inilapag niya ang dala na bulaklak. Naglagay rin si Tia ng bulaklak. Si Anastasia naman ay umupo nasa harap ng puntod ng yumao nitong asawa. Pinagpag nito ang mga patay na dahon na nakatakip sa pangalan ng patay."Papa," saad ni Tia. Umupo na rin ito sa harap ng puntod. "Pa, nandito na kami."Napabuntonghininga si Crassus. Namulsa siya at tinitigan ang puntod ng isang taong minsan na naging Papa niya.Agustino Ranulfo Santiago is a good father to him. Simula ng mamatay ang Papa ay ito na ang tumayong Ama niya. Saglit man iyon pero hindi niya makakalimutan ang ginawa nito. Lalo na ang pagliligtas nito sa buhay niya.Kaya nga kahit ano'ng inis niya sa mag-ina ay hindi niya kayang tiisin ang mga ito. Lalo na kung may kinalaman kay Tito Agustino. Nakonsensiya kasi siya. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay sinusuportahan niya ang mag-ina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status