Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 307 - Dagger in her mind

Share

Chapter 307 - Dagger in her mind

Author: Aceisargus
last update Huling Na-update: 2025-08-07 21:50:09

Nagkagulo sa lobby ng Forgatto Celestina nang dakpin ng mga Pulis si Mr. De Guzman. Nakuha nito ang atensiyon ng mga empleyado dahil panay ito nagrereklamo. Habang hinahatak kasi ito ni Kien ay panay ang magmakaawa nito, at dahil panay ang pumiglas nito para makalawa, mas lalong nahihirapan si Kien. Kaya tumawag na siya kay Rothan para magpatulong na damputin ito.

Abala kasi ang Security Guard ng kompanya para habulin si Sasha. Nang malaman kasi nito na pinadampot na nang Pulis ang amo nito, sumubok ito na tumakas. Ganoonpaman, hindi pa rin ito nakawala. Nahuli pa rin ito ng Sekyu. Habang umeeskapo ito gamit ang hagdanan, hinarangan na ito ng mga Pulis at Sekyu.

Katulad ni Mr. De Guzman ay panay rin pagkukumawag nito. Pinagsisipa pa nito ang mga Pulis. Pati ang isang Sekyu ay kinagat nito sa braso.

Hindi maiwasan ni Raine na manlumo. Bukod kasi sa naawa siya kay Sasha, hindi niya rin inaasahan na hahantong sa ganito ang kapalaran nito. Madalas man sila hindi magkaunawan dahil sa kani
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Raine gawin mong bato ang puso mo hwag kng maawa SA haliparot at bruhang Shasha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 309 - Lost

    Matapos damputin ng mga Pulis sina Mr. De Guzman at Sasha ay naging paksa sila ng usapan ng kompanya. Marami ang hindi makapaniwala sa nangyayari. Isa na roon si Diana. Ganoonpaman, pinili muna ni Raine na manahimik. Maliban sa nag-alala siya sa kanyang seguridad, marami rin nakabinbin na trabaho sa kompanya.Kaya imbes na mag-usap ang kaibigan ng personal, nauwi lang iyon sa pag-vivideo call. Halos wala na kasing oras si Raine. Nawalan na sila ng Financial Director kaya mas lalong nadoble ang trabaho niya. Isa rin iyon sa pinuproblema ni Crassus. Hanggang ngayon ay wala pa siya nahanap na pamalit kay Mr. De Guzman. Aaminin nila magaling talaga ito sa trabaho nito, at nang mawala ito ay malaki rin ang nawala sa kanila. Iyon nga lang, hindi rin dapat ipagsawalang bahala ang ginawa nito. Hindi man sinabi ni Crassus sa kanya, pero alam ni Raine may impact ang ginawang pagnakaw ni Mr. De Guzman sa kompanya. Hindi biro ang nanakaw nito na pera. Sabihin man nila na kayang bawiin ni Crassus

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 308 - Not cool

    "Hoy Babe! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Kanina ka pa tahimik. Uy babe! Babe?" Patanong na wika pa ni Raine. Sinundot niya ang tagiliran ni Crassus. "Babe naman. Kausapin mo muna ako."Napabuntonghininga si Crassus. Inilapag niya ang hawak na dokumento sa mesa at tumayo. Dinampot niya ang inorder na pagkain at lumipat sa kabilang mesa. Sumunod naman si Raine. Habang nilabas ni Crassus mula sa paper bag ang pagkain ay napatingin ang kanyang asawa.Kanina pa sila nakaupo sa loob ng opisina nila. Simula nang pumasok sila rito, hindi na maawat ang bibig ni Raine sa kakaputak. Kanina pa ito panay tanong sa kanya at parang maririndi na siya sa boses nito. Gusto niya ito patahimikin pero hindi niya pa alam kung paano."Babe, magsalita ka naman. Kanina pa ako salita ng salita rito tapos ikaw tahimik lang diyan. Sige ka, baka mapanis ang laway mo," pananakot pa ni Raine. Nang makitang hindi natinag si Crassus ay napabusangot siya. "Crassus, ano? Ayaw mo na akong kausapin?"Napapikit si

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 307 - Dagger in her mind

    Nagkagulo sa lobby ng Forgatto Celestina nang dakpin ng mga Pulis si Mr. De Guzman. Nakuha nito ang atensiyon ng mga empleyado dahil panay ito nagrereklamo. Habang hinahatak kasi ito ni Kien ay panay ang magmakaawa nito, at dahil panay ang pumiglas nito para makalawa, mas lalong nahihirapan si Kien. Kaya tumawag na siya kay Rothan para magpatulong na damputin ito. Abala kasi ang Security Guard ng kompanya para habulin si Sasha. Nang malaman kasi nito na pinadampot na nang Pulis ang amo nito, sumubok ito na tumakas. Ganoonpaman, hindi pa rin ito nakawala. Nahuli pa rin ito ng Sekyu. Habang umeeskapo ito gamit ang hagdanan, hinarangan na ito ng mga Pulis at Sekyu.Katulad ni Mr. De Guzman ay panay rin pagkukumawag nito. Pinagsisipa pa nito ang mga Pulis. Pati ang isang Sekyu ay kinagat nito sa braso.Hindi maiwasan ni Raine na manlumo. Bukod kasi sa naawa siya kay Sasha, hindi niya rin inaasahan na hahantong sa ganito ang kapalaran nito. Madalas man sila hindi magkaunawan dahil sa kani

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 306- culprit

    Nagsimulang lumikot ang mata ni Mr. De Guzman. Hindi na siya makatingin kina Crassus at Raine. Nangangatal na rin ang kamay niya na may hawak na dokumento.Magsasalita pa sana si Raine nang biglang tumakbo si Mr. De Guzman. Napasinghap siya. "Hoy!"Hindi pa man tuluyan nakalabas si Mr. De Guzman ay may lumanding na kutsilyo sa pinto. Nabitak ang mga salamin niyon habang nakadikit pa rin ang patalim sa pinto. Napatda siya. Namilog ang kanyang mata habang nakatingin sa mamahaling hawakan ng kulay itim na kutsilyo. Halos panawan siya ng ulirat nang maanalisa niya kung paano dumaan ang patalim na iyon sa gilid ng kanyang leeg.Hindi umimik si Kien. Sa halip ay nilapitan niya si Mr. De Guzman at hinila ang kwelyo nito. Inakay niya ito papunta sa harap ni Crassus.Si Raine na nakasaksi sa nangyayari ay hindi makapaniwala. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Manghang napatitig siya kay Crassus. Na sa oras na iyon ay sing talim na nang kidlat ang mga mata nito.Marahas na pinaluhod ni Kien s

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 305- Embezzled money

    "Bud," bati ni Kien nang buksan ang pinto. "Nandito na si Mr. De Guzman."Mabilis na nagpalit ng emosiyon ang mukha ni Crassus. Naging malamig iyon. "Let him in."Hinubad ni Raine ang suot na suit ni Crassus. "Huwag mong takutin. Alalahanin mo ang ginawa niya. Hindi mo siya mapapaamin kung isisindak mo lang siya."Crassus heaved a sigh. "Fine." Pinagmasdan niya si Raine habang inaayos nito sa swivel chair ang kanyang suit. "Huwag kang umalis."Tumango si Raine. "Dito lang ako." Sala niya inayos ang long sleeves ni Crassus at inirolyo iyon. Bigla naman bumukas ang pinto. Parehong iniluwa niyon si Mr. De Guzman at si Kien na nasa likod nito.Biglang binalot ng tensiyon ang loob ng opisina. Hindi pa man nagsasalita sina Crassus at Mr. De Guzman ay alam ni Raine na hindi maging madali ang lahat ng ito."Mr. Almonte, it's good to see you. How's your vacation?" Mr. De Guzman asked while smiling. He even extended his hand but Crassus didn't shake it.Tumikyas ang kilay ni Raine. Ang tindi

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 304 - Uneasy

    Mabigat ang hakbang ni Crassus habang tinatahak ang lobby ng kompanya. Nasa gilid niya si Raine. Tahimik lang ito habang sumasabay sa kanyang lakad. Nakapulupot ang braso nito sa braso niya.‎‎Maayos naman talaga ang mood ni Crassus kanina. Nakipagbiruan pa nga ito habang kumakain sila ng agahan. Iyon nga lang, habang naliligo ito ay tsinek ni Raine ang ibang dokumento na hinatid ni Mang Timo kanina. Okay naman iyong iba, wala naman problema. Hanggang sa may may napansin siya na kakaiba sa isang account. Nagsumbong siya kay Crassus. Tinignan naman kaagad nito at sinuri. At gaya ng inaasahan niya, nagalit nga ito.‎‎Imbes na mamayang tanghali pa sila papasok, dumating sila sa Forgatto nang malapit ng mas alas onse ng umaga. Hindi na makapaghintay si Crassus. Kahit nga siya ay hindi kayang idaan ang ilang minuto na hindi nila makakausap ang kanilang sadya. Naintindihan naman niya ito dahil di biro ang kanilang nalaman.‎‎"Babe," sambit ni Raine nang hindi na makatiis. Mahina niya pan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status