PAGKAPASOK NIYA PALANG SA OPISINA NITO ay parang isang scanner ang mata nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. May emosiyon pa siyang nakikita sa mga mata nito pero hindi lang niya matukoy kung ano. Hindi niya tuloy maiwasang mailang.
Mayamaya pa ay tinitigan siya nito ng malalim. Gusto niya tuloy pagtaasan ito ng kilay pero natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Baka mamaya pa ay mag - iba ang kulay nito at iisipin pa nitong ipatapon siya palabas. Nang hindi na niya makayanan ay nakipagsukatan na siya ng tingin. Crassus felt confused. What's on my face?" he asked. Raine came back to her senses, "S- Sir?" Crassus drop the topic, and directly said, "how about marrying me?" Natameme si Raine. Hindi niya alam kung ilang beses na nagpabalik – balik sa utak niya ang alok nito. Hindi naman sana ito mahirap unawain ang sinabi pero ang hirap naman nitong paniwalaan. Napatingin tuloy siya palibot. Nagbabasakaling may makita pa siyang ibang tao sa opisina nito. “I’m talking to you.” “Ano?” Pang – uulit pa ni Raine. “Marry me.” Crassus repeated, not even blinking. Napakurap siya. Wala pa sa utak niya ang magpakasal. Ni wala pa nga plano niya iyon tapos mag – aalok ito sa kanya ng para bang nang – aya lang na mag – kape sa labas. Naguguluhan na siya. Magtatapos na siya ng kolehiyo sa loob ng isang buwan. Oo, naisipan niyang magpakasal. Ang bumukod at magkaroon ng sariling pamilya pero ngayon? Ngayon na nasa kalagitnaan pa siya ng pag – iintern niya? Natigilan na nman siya. Paano ‘to. Wala pa ito sa listahan niya. Nahulog siya sa malalim na pag – iisip. Baka naman ay sinubok lang siya nito. Kung tutuusin, parang naging normal na gawain na sa isang CEO ang insidenteng may kasamang natulog sa isang kama. Iyong ngang iba ay parang damit kung magpalit ng nobya. Pero sa mundong ginagalawan nito, isa itong masamang impluwensiya. Lalo na sa reputasyon nito, at magkakaroon pa ito ng isyu. Paniguradong sinusubok lang siya nito, baka natatakot itong madungisan niya ang pinaka – ingatan nitong pangalan. Naaalangan tuloy si Raine. Oo, ibang – iba ang kanyang amo kompara sa ibang CEO na kanyang naririnig. ‘Pero ang matulog at makasama ito sa isang bubong?’ Kausap pa ni Raine sa sarili. ‘Imposible!’ Kahit na may nangyari sa pagitan nila ay hindi niya naisip na magpakasal dito. Iyon pa kayang makasama ito sa isang bubong? Parang hindi niya ata kakayanin. Lalo na’t hindi niya saulo ang ugali nito. Natitiyak ni Raine na ang dahilan ng pag – alok ng kasal nito ay takot itong gumawa siya ng gulo. Baka naisip nito na magwawala siya, o di kaya’y naisip nito na ipagkakalat niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kung ganoon man ay gusto lamang nitong maniguro. Pikutin siya at takutin. Kaya nagsinungaling siya. “May nobyo ako.” Tumaas ang kilay nito. “Nag – uusap na kayo tungkol sa kasal ninyo?” “Hindi naman,” kalmanteng sagot pa ni Raine. Na kahit ang totoo ay hirap siyang maging kalmante dahil sa paksa ng kanilang usapan. “Hindi naman s-sa ganoon. Hindi pa kasi ako nakapagtapos at hindi pa ako financially stable.” “Nagkamabutihan ba kayo?” Hindi alam ni Raine kung saan siya magugulat. Sa tanong ba nito o sa paraan ng pagsasalita nito ng Tagalog. Bukod kasi sa accent nito ay naging matanong pa ito tungkol sa personal niyang buhay. Naguguluhan na si Raine sa isasagot kaya sinabi niyang,” M-magkasama kami … s-sa iisang bubong.” “You live together?” Crassus frowned slightly. Crassus was so sure. That night she was clearly… He fell unto a deep thought. Nang makita ni Raine ang reaksiyon ng kanyang amo ay alam niyang nag – iisip ito. Kaya mabilis niyang dinugtungan ang kanyang sinabi. “Matagal na kami ng nobyo ko. Pagkatapos kasi ng Team Building ay napag – usapan n-namin na magsama kami sa iisang bahay. Kalalabas lang namin ng dormitoryo. Nagkataon naman na nakahanap kami ng matitirhan na bahay.” Gusto ng piktusan ni Raine ang sarili. Paano at ilang beses pa siyang nauutal habang nagpapaliwanag dito. “Bakit hindi mo ako tatanungin kung bakit gusto kitang pakasalan?” Tanong pa ni Crassus na parang hindi man lang nagulat na may nobyo na ang dalaga. Nakuha ni Crassus ang kyuryosidad ni Raine. “Bakit?” He sighed. “My grandfather is seriously ill. Before he died, he wanted to see me getting married, but I don’t have a girlfriend. Kaya kita hinanap. You know the reason better than anyone else. I looked around, and you are the most suitable.” Crassus sat in the office chair, with a tone of everything is under control. That four words ,”you are the most suitable,” inevitably hurt Raine’s self-esteem. Tama nga naman ito, may nangyari na sa kanilang dalawa. Kung titimbangin ang sitwasyon ay mas akma pang siya ang papakasalan nito kaysa maghanap pa ito ng iba. Hindi nito kontrolado ang panahon at oras. Kung maghahanap pa ito ng iba ay marami pa itong dapat alalahanin. Pero kung siya ang makakatuluyan nito, hindi gaanong komplikado pero nakokontrol nito ang sitwasyon. At malulutas pa ang problema nito. Bagamat alam na niya na hindi siya nito pakakasalan dahil sa pag – ibig ay hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot. Parang hindi lang nito naalala ang nangyayari ng gabing iyon. Parang nasaulo talaga nito ang lahat. Nahimigan ni Raine sa boses nito ang bahid ng paninisi. Pakiramdam niya tuloy ay sinisi pa siya nito sa nangyari. Kahit na humingi ito ng tulong sa kanya, pinaramdam pa rin nito sa kanya na napahamak ito dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Oo nga naman, sa mata nito ay para siyang isang babaeng pilit na nakipagrelasyon sa Boss nito. Parang pinalabas pa nito na pinlano niya ang lahat para mapalapit siya rito. Na sinadya niyang ihulog ang cellphone niya para mapansin siya nito. Ano pa bang aasahan niyang lalabas sa bibig nito? “You can make any conditions.” Mr. Almonte said with disdain, “but it’s best not to exceed ten million.” Namilog ang kangyang mata. Tingin pa yata nito ay mukha siyang pera. Pero kung tutuusin ay malaki na ang sampung milyon. Kung nangangailangan talaga siya ay hindi niya tatanggihan ang alok nito. Sa panahon ngayon ay mahirap ng tanggihan ang malaking halaga. Pero hindi niya ito tatanggapin. “Hindi po ako tumatanggap ng pera.” Tumaas ang kilay nito. Nag – isip siya ng ideya. “Sir, please consider of getting a fake marriage.” “No,” he said firmly. “I don’t want trouble. If my grandfather find it out, it will be a huge disaster.” Natahimik siya. “Isa pa, pwede naman tayong magpa – annul. The most important thing is to find someone that can act as my wife in front of my grandfather. Grandpa needs to see this person so he can feel at ease, “ he said firmly like it is the final decision. Nakagat ni Raine ang kanyang labi. Ayaw niyang mapasubo sa ganitong sitwasyon kaya gusto niyang tanggihan ang alok nito. Latag sa mukha ng dalaga ang pag – aalinlangan at kitang – kita iyon ng binata. Kaya nagsalita si Crassus. “This marriage has a time limit. If you will agree, we will get the certificate tomorrow …” “Hindi po ako papayag. ” Kaagad na nalukot ang mukha nito.. Walang namutawing salita sa bibig ni Crassus. May sasabihin pa sana siya pero naumid ang kanyang dila dahil sa harap – harapan nitong pang – tanggi sa alok niya. Tinitigan niya ito ng malalim. Kung nakakapaso lang ang titig niya ay baka kanina pa ito nalapnos. Because for the first time, someone rejected him without a blink of an eye. And he find it amusing, yet annoying. Between the two, he can’t even choose.Inimulat ni Raine ang kanyang mata. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Pumungay ang kanyang mata. Sinubukan niyang mag-iba ng pwesto pero nang tumagilid siya ay may nasagi siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinitigan niya ang lalaking nakayukyok sa kanan gilid ng kama.Parang may humaplos sa puso ni Raine nang makitang natutulog si Crassus. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Bahagya pang naka-nganga ang bibig nito. Tipid siyang ngumiti. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Ilang beses niya iyon hinagod hanggang sa magising ito. Nag-angat ito ng tingin. Nang makitang gising na siya ay bigla ito naging alerto.“Ano ka ba,” pagkalma ni Raine nang mapansin ang kilos ni Crassus. Chineck kasi nito ang kanyang benda pakanan at pakaliwa. “Okay lang ako. Bakit dito ka natutulog?” mahinang tanong pa niya. Ininguso niya ang upuan. “May couch naman dito sa kwarto. Bakit dito ka pa pumwesto?”Apat na araw na ang nakalipas simula nang mailipat siya sa private room. At dahil
Habang nagpalitan ng diskusyon ang mga doctor na tumitingin kay Raine ay hindi nawawala sa tabi si Crassus. Parati siyang nakaantabay at nakikinig sa mga payo ng mga ito.Inulan ng maraming tanong si Raine. Partikular na kung ano ang nararamdaman nito. Mabagal at may pasensiya na sinagot naman nito ang tanong ng doctor. “Gising na ang pasyente. Kung maayos na ang vital signs niya after one day of monitoring, ililipat na natin siya sa private room,” ani pa ni Dr. Bianchi. Binalingan nito ang isa pang doctor na espesyalista sa head injury na si Mrs. Calinlan. “What do you think, Doc?”Tumango ito. “Siguro after three days, pwede na siya ilipat. Sa ngayon Mrs. Almonte ay huwag ka muna masyadong magalaw, huh? Dapat vocal ka kung ano ang nararamdaman mo.”Mabagal na tumango si Raine.” S-sige po,” sagot niya sa namamaos pa na boses. Ngumiti ang Doctora. Kinuha niya mula sa isang nurse ang medical chart. “Natatandaan mo ba kung paano nabagok ang ulo mo?”Nang marinig ni Crassus ang tanong
Tahimik na pinagmasdan ni Crassus na mahimbing na natutulog. Kapapasok niya pa lang sa kwarto nito. Naka mask siya at hospital gown bilang proteksiyon. Iyon kasi ang isa sa mga utos ni Alessando kaya sinunod niya iyon.Pinagkasya lang niya ang sarili na titigan ito. Kahit ang paghaplos sa kamay nito ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya sa posibleng mangyari.May nakakabit pa rin na oxygen sa katawan ni Raine para ma-monitor ang heart beat nito. Bagaman hindi na masyadong maputla ang mukha nito, may nakapulupot naman na makapal na plaster sa noo nito.Tatlong araw na lang ang kulang at mag-iisang buwan nang nakaratay rito sa ospital ni Raine. Habang dumadaan ang araw ay mas lalong sumidhi ang kagustuhan ni Crassus na magising ito. Parang papatayin na siya sa nerbiyos sa tuwing makikita niyang nakahiga si Raine rito.Namimiss na niya ang boses nito. Kahit ang pagiging talakera nito ay kanyang ng hinahanap. Pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang araw kapag hindi naririnig ang bos
Nakatitig sa kawalan si Crassus habang nagkukulong sa loob ng kanyang kotse. Kanina pa siya nakahawak sa manubela pero hindi niya ito magawang imaniobra. Kahit ang pagsuksok ng susi sa ignition ng kotse ay hindi niya magawa. Nakatulala lang siya habang inaalala ang pinag-uusapan nila ni Tita Roberta.Pakiramdam ni Crassus ay parang pinaglaruan siya ng tadhana. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat. Akala pa naman niya noong una ay nangyari sa hindi inaasahan ang lahat, pero hindi pala. Ngayon na alam niyang sinadya pala ni Raine na mapalapit sa kanya, isang tanong ang muling umusbong sa isip niya.Paano iyong nangyari sa kanila ni Raine sa team building? Parte rin ba ito ng plano nito o sadyang aksidente lang iyon?Nahampas ni Crassus ang manubela. Pinagsusuntok niya iyon at pinag-aalog. Kahit ang silinyador ng kotse ay kanyang pinagsisipa. Nang maramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib ay bigla siyang sumigaw ng napakalakas. Umalingawngaw iyon sa loob ng kanyang mamaha
Pagkatapos ng mahabang paliwanag ni Roberta, hindi makaimik si Crassus dahil sa gulat. Biglang sumikip ang utak niya dahil sa maraming impormasyon na nalaman. Ang kanyang puso ay naghuhumiyaw dahil sa pagkasurprisa.All this time, may alam si Raine tungkol sa pagkabulag niya? At mas pinili nitong maglihim dahil sa kagustuhan ng Papa nito? Kaya ba wala siyang makakalap na impormasyon tungkol doon?Parang pinompyang ng husto ang puso ni Crassus. Sinamantala ni Roberta ang pananahimik ni Crassus. Muli siyang nagsalita,” ang gandang tignan ng mata mo. Naalagaan mo siguro ng husto ang mata ng aking asawa. Parang walang bakas ng nanggaling sa ibang tao ang mata na iyan.” Ngumiti siya. “Ang totoo, may sulat din na binigay sa akin si Mikael. Iba iyon sa sulat na nabasa ni Raine. Nakasaad sa sulat kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya i-donate sa’yo ang mata niya. Sabi niya, gusto niya raw ibigay sa’yo ang kanyang mata dahil matalino ka raw na bata. Narinig niya kasi ang achievements mo
Kanina pa nakabalik si Crassus mula sa pagbibisita sa Mama ni Raine. Habang naghihintay sa labas ay tahimik siyang nag-iisip. Umaasang sa gano'ng paraan man lang ay mabigyan ng kasagutan ang kanyang tanong.Simula nang makita niya ito ay hindi na matahimik ang kanyang isip. Ang dami niyang gustong itanong. Ang dami niya gustong malaman pero ang lahat ng iyon ay pilit nilalagyan ng tuldok. Parati siyang binabagabag ng kanyang kyuryosidad, bagay na hindi niya makuhang mag-focus sa anumang bagay.Marahan na binunggo ni Kien ang braso ni Crassus. Kumunot ang kanyang noo nang makitang hindi ito umimik. Malakas niyang tinapik ang balikat nito. Saka pa ito lumingon.Napabuntonghininga si Kien. "Okay lang?" nag-alala niyang tanong. "Ang tahimik mo ata. May problema ba?"Umiling si Crassus. Itinukod niya ang dalawang braso sa tuhod at tumitig sa sahig.Tinitigan ni Kien si Crassus. "Ano ba ang iniisip mo?" Pagbubukas pa niya ng usapan. "Kanina ka pa tahimik."Tumayo si Crassus. Umalis siya na