Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 336- I married your daughter

Share

Chapter 336- I married your daughter

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-08-29 17:42:53

Pagkatapos ng mahabang paliwanag ni Roberta, hindi makaimik si Crassus dahil sa gulat. Biglang sumikip ang utak niya dahil sa maraming impormasyon na nalaman. Ang kanyang puso ay naghuhumiyaw dahil sa pagkasurprisa.

All this time, may alam si Raine tungkol sa pagkabulag niya? At mas pinili nitong maglihim dahil sa kagustuhan ng Papa nito? Kaya ba wala siyang makakalap na impormasyon tungkol doon?

Parang pinompyang ng husto ang puso ni Crassus.

Sinamantala ni Roberta ang pananahimik ni Crassus. Muli siyang nagsalita,” ang gandang tignan ng mata mo. Naalagaan mo siguro ng husto ang mata ng aking asawa. Parang walang bakas ng nanggaling sa ibang tao ang mata na iyan.”

Ngumiti siya. “Ang totoo, may sulat din na binigay sa akin si Mikael. Iba iyon sa sulat na nabasa ni Raine. Nakasaad sa sulat kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya i-donate sa’yo ang mata niya. Sabi niya, gusto niya raw ibigay sa’yo ang kanyang mata dahil matalino ka raw na bata. Narinig niya kasi ang achievements mo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks for the update author
goodnovel comment avatar
Rubina Mantukay Pa
nice story, update more pls..
goodnovel comment avatar
Zosima Alcalde
thank you so much sa update mo more pa please ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 340 - Let me take care of you

    Inimulat ni Raine ang kanyang mata. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Pumungay ang kanyang mata. Sinubukan niyang mag-iba ng pwesto pero nang tumagilid siya ay may nasagi siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinitigan niya ang lalaking nakayukyok sa kanan gilid ng kama.Parang may humaplos sa puso ni Raine nang makitang natutulog si Crassus. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Bahagya pang naka-nganga ang bibig nito. Tipid siyang ngumiti. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Ilang beses niya iyon hinagod hanggang sa magising ito. Nag-angat ito ng tingin. Nang makitang gising na siya ay bigla ito naging alerto.“Ano ka ba,” pagkalma ni Raine nang mapansin ang kilos ni Crassus. Chineck kasi nito ang kanyang benda pakanan at pakaliwa. “Okay lang ako. Bakit dito ka natutulog?” mahinang tanong pa niya. Ininguso niya ang upuan. “May couch naman dito sa kwarto. Bakit dito ka pa pumwesto?”Apat na araw na ang nakalipas simula nang mailipat siya sa private room. At dahil

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 339- The woman I cherish

    Habang nagpalitan ng diskusyon ang mga doctor na tumitingin kay Raine ay hindi nawawala sa tabi si Crassus. Parati siyang nakaantabay at nakikinig sa mga payo ng mga ito.Inulan ng maraming tanong si Raine. Partikular na kung ano ang nararamdaman nito. Mabagal at may pasensiya na sinagot naman nito ang tanong ng doctor. “Gising na ang pasyente. Kung maayos na ang vital signs niya after one day of monitoring, ililipat na natin siya sa private room,” ani pa ni Dr. Bianchi. Binalingan nito ang isa pang doctor na espesyalista sa head injury na si Mrs. Calinlan. “What do you think, Doc?”Tumango ito. “Siguro after three days, pwede na siya ilipat. Sa ngayon Mrs. Almonte ay huwag ka muna masyadong magalaw, huh? Dapat vocal ka kung ano ang nararamdaman mo.”Mabagal na tumango si Raine.” S-sige po,” sagot niya sa namamaos pa na boses. Ngumiti ang Doctora. Kinuha niya mula sa isang nurse ang medical chart. “Natatandaan mo ba kung paano nabagok ang ulo mo?”Nang marinig ni Crassus ang tanong

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 338- First word after her a long sleep

    Tahimik na pinagmasdan ni Crassus na mahimbing na natutulog. Kapapasok niya pa lang sa kwarto nito. Naka mask siya at hospital gown bilang proteksiyon. Iyon kasi ang isa sa mga utos ni Alessando kaya sinunod niya iyon.Pinagkasya lang niya ang sarili na titigan ito. Kahit ang paghaplos sa kamay nito ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya sa posibleng mangyari.May nakakabit pa rin na oxygen sa katawan ni Raine para ma-monitor ang heart beat nito. Bagaman hindi na masyadong maputla ang mukha nito, may nakapulupot naman na makapal na plaster sa noo nito.Tatlong araw na lang ang kulang at mag-iisang buwan nang nakaratay rito sa ospital ni Raine. Habang dumadaan ang araw ay mas lalong sumidhi ang kagustuhan ni Crassus na magising ito. Parang papatayin na siya sa nerbiyos sa tuwing makikita niyang nakahiga si Raine rito.Namimiss na niya ang boses nito. Kahit ang pagiging talakera nito ay kanyang ng hinahanap. Pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang araw kapag hindi naririnig ang bos

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 337 - Guardian angel

    Nakatitig sa kawalan si Crassus habang nagkukulong sa loob ng kanyang kotse. Kanina pa siya nakahawak sa manubela pero hindi niya ito magawang imaniobra. Kahit ang pagsuksok ng susi sa ignition ng kotse ay hindi niya magawa. Nakatulala lang siya habang inaalala ang pinag-uusapan nila ni Tita Roberta.Pakiramdam ni Crassus ay parang pinaglaruan siya ng tadhana. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat. Akala pa naman niya noong una ay nangyari sa hindi inaasahan ang lahat, pero hindi pala. Ngayon na alam niyang sinadya pala ni Raine na mapalapit sa kanya, isang tanong ang muling umusbong sa isip niya.Paano iyong nangyari sa kanila ni Raine sa team building? Parte rin ba ito ng plano nito o sadyang aksidente lang iyon?Nahampas ni Crassus ang manubela. Pinagsusuntok niya iyon at pinag-aalog. Kahit ang silinyador ng kotse ay kanyang pinagsisipa. Nang maramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib ay bigla siyang sumigaw ng napakalakas. Umalingawngaw iyon sa loob ng kanyang mamaha

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 336- I married your daughter

    Pagkatapos ng mahabang paliwanag ni Roberta, hindi makaimik si Crassus dahil sa gulat. Biglang sumikip ang utak niya dahil sa maraming impormasyon na nalaman. Ang kanyang puso ay naghuhumiyaw dahil sa pagkasurprisa.All this time, may alam si Raine tungkol sa pagkabulag niya? At mas pinili nitong maglihim dahil sa kagustuhan ng Papa nito? Kaya ba wala siyang makakalap na impormasyon tungkol doon?Parang pinompyang ng husto ang puso ni Crassus. Sinamantala ni Roberta ang pananahimik ni Crassus. Muli siyang nagsalita,” ang gandang tignan ng mata mo. Naalagaan mo siguro ng husto ang mata ng aking asawa. Parang walang bakas ng nanggaling sa ibang tao ang mata na iyan.” Ngumiti siya. “Ang totoo, may sulat din na binigay sa akin si Mikael. Iba iyon sa sulat na nabasa ni Raine. Nakasaad sa sulat kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya i-donate sa’yo ang mata niya. Sabi niya, gusto niya raw ibigay sa’yo ang kanyang mata dahil matalino ka raw na bata. Narinig niya kasi ang achievements mo

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 335- Keeping her father's wish

    Kanina pa nakabalik si Crassus mula sa pagbibisita sa Mama ni Raine. Habang naghihintay sa labas ay tahimik siyang nag-iisip. Umaasang sa gano'ng paraan man lang ay mabigyan ng kasagutan ang kanyang tanong.Simula nang makita niya ito ay hindi na matahimik ang kanyang isip. Ang dami niyang gustong itanong. Ang dami niya gustong malaman pero ang lahat ng iyon ay pilit nilalagyan ng tuldok. Parati siyang binabagabag ng kanyang kyuryosidad, bagay na hindi niya makuhang mag-focus sa anumang bagay.Marahan na binunggo ni Kien ang braso ni Crassus. Kumunot ang kanyang noo nang makitang hindi ito umimik. Malakas niyang tinapik ang balikat nito. Saka pa ito lumingon.Napabuntonghininga si Kien. "Okay lang?" nag-alala niyang tanong. "Ang tahimik mo ata. May problema ba?"Umiling si Crassus. Itinukod niya ang dalawang braso sa tuhod at tumitig sa sahig.Tinitigan ni Kien si Crassus. "Ano ba ang iniisip mo?" Pagbubukas pa niya ng usapan. "Kanina ka pa tahimik."Tumayo si Crassus. Umalis siya na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status