NAKITA NI RAINE ang mga butil ng ulan na pumapatak sa ulo nito. Bumagal sa kanya ang lahat. Maging ang pagpatak ng tubig sa likod nito ay iba ang epekto sa kanya.Nang mapansin niyang kamuntik ng tumama ang bagpack sa ulo nito ay nagising siya sa katotohanan. Napailing siya.Tinignan niya ito. "Ayaw mo talagang magtakip?" pagsegunda pa niya nang hindi ito sumagot sa una niyang tanong. "Paano kung magkasakit ka?"Bahagyang kumunot ang noo nito. Lumingon ito sa kanya. "Papasok din naman tayo sa kotse. Malapit lang din naman ang lalakaran natin. Hindi naman tayo masyadong mababasa," pangatuwiran pa nito."Kahit na," untag pa ni Raine. Hindi ito kumibo. Wala siyang magawa kung hindi hayaan nalang ito.Dumaan ang ilang minuto ay narating nila ang parking lot. Kaagad na binaba ni Raine ang hawak na bagpack.Napaayos siya ng tayo nang makita niya sa gilid ng kanyang mata na nauna ng naglalakad si Crassus. Sinundan na naman niya ito.Nakapamulsa pa rin ito at hindi man lang ito nagpunas ng
KAHIT NAKAPASOK NA SI RAINE SA LAMBO na pagmamay - ari ni Crassus ay pulang - pula pa rin ang kanyang mukha. Ramdam niya ang panginginit nito. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa'tin?"Napahawak ng mahigpit si Raine sa kanyang bag. Bahagya siyang yumuko roon para matago ang kalahati ng kanyang ulo. Kung kanina ay sing pula ng kamatis ang kanyang mukha, ngayon ay parang tinakasan naman ito ng kulay. "Raine."Dahan - dahan siyang nag - angat ng mukha. "Hmmm."Tumaas ang kilay nito. "Tinatanong kita," ani pa nito. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya na mag - asawa tayo?""S-sorry." Sinubsob niya ulit ang kanyang mukha sa bag. "Pero kasi hindi ba sabi mo, bawal ipagkalat ang tungkol sa kasal natin?"Ito na siguro ang tamang oras para sabihin dito ang totoo."Tch. Pero hindi siya kasali." Napailing ito. "You just feel embarrassed. Just admit it. You can't say that you're married?" He smirked. Or you're afraid that it will block his desire way to pursue you?" Crassus said sarcastic
TUMAAS ANG KILAY NI CRASSUS sa sinabi ni Raine. Ang ibig nitong sabihin, coincidence na nag - exist sa totoong buhay ang inimbento nito na pangalan?"I hate liars, Raine. So you'd better tell me the truth!""Nagsasabi naman talaga ako ng totoo." Nakita niyang bumuntonghininga ito. "Kung nagtataka ka kung bakit madalas kami magkita ay dahil may isa pa akong rason. Siya ang anak ng boss ng kapatid ko, si Athelios." Kumurap ito ng isang beses. "Nagtatrabaho bilang driver ang kapatid ko sa pamilya nila. Kapag may training class kami ay si Athelios ang naghahatid - sundo kay Mr. Xhun. Natatandaan mo pa ba iyong may nangyaring hindi maganda sa akin?""Which one?"Yumuko ito saglit. Mayamaya pa ay bumalik ito sa pagtitig sa kanya. "Noong first day ng klase namin, doon nalaman ni Athelios na isa ako sa tinuruan ni Mr. Xhun. Matagal ng may masamang balak ang kapatid ko. Gusto niya akong ipagkasundo sa anak ng amo niya pero hindi ako pumayag. Doon lang niya nakompirma na nagkita na kami nang in
HABANG TINATAHAK NI RAINE ANG PASILYO NG IKATLONG PALAPAG ay naaninag niya si Sasha sa malayuan. Ipit ang librong dala sa kanyang dibdib ay nilapitan niya ito para kausapin."Sasha?"Napatigil ito. Papasok na sana ito sa classroom. Nag - angat ito ng paningin at lumingon sa kanya. Nakita niyang natigilan ito. Mayamaya pa ay hindi na ito mapakali. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng diretso."R-Raine?" Pagtawag nito sa kanyang pangalan. "H-hi." Mabagal nitong iniangat ang kanang kamay nito.Huminto siya sa harap nito. Napakurap siya nang bigla itong dumistansiya sa kanya. " Ayos ka lang ba?" Pinagmasdan niya ito. Maputla ang mukha nito na para bang nakakita ito ng multo. Pansin din niya na parang may pasa ito sa gilid ng labi nito ngunit hindi lang klaro. Saka mo lang ito mapapansin kung titigan mo ito ng malapitan. "H-ha?" Umiling ito kaya kumunot ang kanyang noo. "E-eh, o-oo. Oo, ayos lang ako." Napahawak ito sa shoulder bag nito. "Ano, Raine, sorry sa nangyari noong nakaraan," un
PARA MAIWASAN ANG GALIT NI CRASSUS ay mabilis na ibinaling ni Raine ang kanyang paningin sa libro. Sa buong hapon na klase ay hindi niya ito binigyan pansin. Iniwasan din niya na magtagpo ang kanilang mga mata para hindi ito makahanap ng paraan na lumapit pa sa kanya. Nang matapos ang kanilang klase ay mabilis din siyang lumabas ng silid para iwasan ito.Pagkababa ni Raine sa building ay nakita siya ni Manang Lena. "Napagod ka ba, Ma'am Raine?" Ngumiti pa ito nang nagmano siya.Umiling naman siya. "Hindi naman po. Isang klase lang po iyon," magalang niyang sagot dito. "Tara na po."Hindi sa pagiging walang modo pero pinili niyang mauna na pumasok sa kotse. Gusto lang niyang iwasan si Mr. Xhun. Ang hindi alam ni Raine ay nakamatyag na ito sa likod nila. Kumunot ang noo ni Mr. Xhun nang makitang may kasama na Ginang si Raine. Naguguluhan na siya. Noong huli ay sinabi ni Raine ang relasyon nito kay Mr. Almonte. Nang tanungin naman niya ang kapatid nito ay taliwas naman sa sinabi ni R
NAPUKAW ANG ATENSIYON NI CRASSUS dahil sa inilahad ni Athelios. Kung ganoon ay may hinanakit pala ito sa kapatid nito. Hindi nga lang ito pinansin ng asawa niya. Kung siya nga naman ang nasa estado ni Raine ay natitiyak din niyang mas masahol pa ang matatamo nito. Ginagamit nitong sangkalan ang sarili nitong kapatid para makaahon ito sa kahirapan. Para malaman pa niya ang mga plano nito ay sumakay siya sa pakulo nito. "Alam mo kasi, Sir o Kuya, naintindihan ko naman kung bakit mas pinili ninyong manahimik. Pero hindi ko matatanggap ang ginawa ng Ate ko. Isipin mo, nag - iisang kapatid niya ako pero noong nakaraang ko lang nalaman na kasal na siya." Umiling - iling pa ito. "Tapos siya, sa mansion na siya nakatira. Eh ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Ni hindi man lang niya ako binigyan ng desenteng tirahan. Paano nalang kung malalaman ng tao na kapatid ako ng asawa mo? Di masisira ang reputasyon mo." Tumango - tango pa siya. May point naman ito kahit papaano pero alam niya ang ga
UMIIGTING ANG PANGA NI CRASSUS HABANG hawak ang kanyang telepono na nasa kanang tainga niya. Ang kanyang pagkadismaya ay hindi niya mapangalanan dahil sa kanyang nalaman. Kung ganoon ang matagal - tagal na rin pala siya nito pinaikot. "Sir?" Pagpukaw ni Jimmy sa kabilang linya. "Sir?"Napabuntonghininga siya. "Yes, is that all?""Y- yes, Sir.""Okay." Ibibaba niya ang telepono at itinapon ito sa la mesa. Naisuklay niya ang kanyang mga palad sa kanyang buhok.Kung pagbabasehan ang mga kilos ni Raine nitong nakaraan ay ito lang talaga ang sadya nito sa kanya. Ang kanyang pera. Sa dinami - dami ng problema nito ay mukha wala na itong mapagpipilian kung hindi tanggapin ang offer niya.Nagdududa na siya rati sa iniasal nito. Alam naman niya na pera talaga ang habol nito noong una pero hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili. Parang sinampal siya ng katotohanan para magising siya sa sitwasyon ngayon. Na wala itong nararamdaman sa kanya. Hindi niya alam kung nagbulag - bulagan lang ba s
NAKATAKDA ANG PAGSUSULIT ng Economic Law sa araw ng sabado. Simula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang durasyon ng naturang exam. Nang makarating si Raine sa examination room ay hinanap niya ang kanyang pwesto. Pineprepara niya kaagad ang kanyang mga kailangan para wala siyang maging problema. Ang huli nalang niya kailangan ay ang kanyang ID. Binuksan niya ang compartment ng kanyang bag kung saan niya sinuksok ang kanyang ID. Napaawang ang kanyang bibig. Nang makita na wala roon ang kanyang pakay ay mabilis niyang hinalungkat ang iba pang parte ng bag. Napatda siya nang hindi niya ito mahanap.Natakpan niya ang kanyang bibig. Wala sa bag ang kanyang ID. Kung ganoon ay naiwan ito sa bahay. Ang masama pa ay nakalimutan niya kung saan niya ito nalapag.Naipatong niya ang kanyang siko sa mesa. Kinagat niya ang kuko. Saka niya inaalala kung saan niya nailagay ang kanyang ID.Pumalatak siya. Hindi pa naman siya makapag - exam kung wala ang kanyang ID. Mahalaga iyon dah
"Natanggap din pala siya," komento pa ni Raine habang nakatingin sa lista na nasa selpon.Pabagsak niyang nilapag sa kanyang kamay sa hita. Lumaylay ang balikat niya. Muli niyang binasa ang pangalan nito. Napabuntonghininga siya nang maanalisang hindi siya namalik - mata.Gustuhin man niyang magtrabaho sa Departmentong iyon ay hindi na niya magawa. Nadala na siya sa nangyari noong biyernes at ayaw niya ng maulit 'yon. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang choice kung hindi i - give up ang slot niya sa iba.Nagpadala siya ng email kay Sir Rothn. Medyo nahirapan pa siya kung paano magpaalam dahil hindi siya makapag - isip ng maayos. Ayaw kasing tanggapin ng puso niya ang kanyang desisyon. Dumaan ang mahigit kalahating oras ay sinent ni Raine ang kanyang apology letter. Simula niyon ay naging matamlay na sa pagtatrabaho si Raine.Nasa loob ng opisina ni Crassus si Rothan. Kararating pa lang nito para ibigay sa kanya ang listahan ng mga empleyadong natanggap sa Audit Department."
Araw ng Biyernes, bumalik si Raine sa Forgatto Celestina. Ngayon ang Exam niya sa Audit Department. Ni hindi na nga niya hinintay pa si Crassus sa kakamadali niya. Natatakot kasi siya na baka mahuli siya. Binigyan na sila ng hint ng HR Department kanina. Nakatanggap siya ng email. There were two exams in the morning and afternoon, and there was another interview next week.Kaya hindi niya maiwasan na kabahan. Akala niya kasi ay written exam lang. Hindi niya inaasahan na higit pa sa dalawa ang pasulit. Bigla tuloy siya napaisip kung tama na ba iyong mga inaral niya noong nakaraan.Habang nakaupo sa labas ng waiting area ay kinalma ni Raine ang sarili. Bumuga siya ng hangin at pagkatapos niyon ay huminga na naman siya ng malalim.Naagaw ang atensiyon niya sa isang babae. Kapapasok pa lang nito at may dalang shoulder bag na itim. May kasama ito na lalaki."Sasha?" Tawag ni Raine.Napatingin siya sa kasama nito. Bumaha sa utak niya ang ginawa nito noong nakaraan. Ito lang naman ang may d
Tinanggap ni Raine ang advise ng kanilang Direktor. Kaya kinabukasan ay hinatid siya ni Crassus sa mall para makabisado niya ang loob nito. Maging ang exit kung saan pwede dadaan ang mga empleyado na katulad niya ay tinuro ni Mr. De Guzman. Nagmamasid lang si Crassus at kung may kulang man sa sinabi ni Finance Director ay ito ang nagpapatuloy sa pagpaliwanag. Kaya kahit papaano ay hindi nakaramdam ng pagkalito si Raine. Hindi siya pinapabayaan ni Crassus, at nang pinaliwanag na nito ang accounts ng mismong mall ay mas lalo inigihan ni Raine ang makinig. Nalaman niya kung gaano iyon karami ay nakaramdam siya ng pressure. Nandoon na rin ang kaba at excitement. Ganoonpaman ay hindi siya nagpatinag."Are you sure about this?" Crassus asked while they are walking in the hallway.Lumingon si Raine kay Crassus. "Kaya naman na."Napataas ang kilay ni Crassus. "Ba't parang hindi ka sigurado?"Umiling lang si Raine. "Medyo kinabahan lang.""Don't be," Crassus replied. Namulsa siya. "Tawagan mo
Crassus face darkened. "What do you mean by I also published a book?" he growled pretended to know nothing about Paul Tyler's book. Nang maanalisa ni Raine ang kanyang naibulalas kanina ay tinakusan siya ng kulay sa mukha. "Wala, wala," pagtanggi niya at hindi na makatingin kay Crassus Binuklat niya ang libro. Muli niyang binasa ang pamagat nito. Bumaha sa mata niya ang paghanga. "Ikaw talaga ang nagsulat nito?" Muling tanong pa ni Raine. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro. "The Human Resources Department wrote it and put my name on it. Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng magbasa ng ibang libro. Maliban sa college books mo, wala ka na pwedeng ibang buklatin kung hindi yan lang. Oras na may nakita ako ng ibang libro na nakapasok sa bag mo ay itatapon ko. Or, if you put it in, don't let me see it! Otherwise, you know the consequences." His words were as firm as a law. Napatanga si Raine. Tama ba siya ng rinig? Ayaw nito na may makapasok na ibang libro sa
"Wala kang magagawa pa, Ma'am Raine. Buo na ang pasya ni Mr. Almonte." Saka siya tumalikod at bumalik sa kanyang opisina.Dahan - dahan na umupo si Raine sa upuan. Ang masayang enerhiya niya ay naglaho ng parang bola.Napailing si Raine. "Hindi, hindi pwede." Tinanaw niya si Mr. De Guzman." Tumayo siya at hinabol ito.""Direk," tawag ni Raine para pigilan ito.Napahinto si Mr. De Guzman. Lumingon siya kay Raine.Marahan na hinabol ni Raine ang kanyang hininga. Napaawang ang labi niya nang humarap siya sa pinuno nila."Sir, paano po kung ayaw kong sundin ang utos ng CEO?" Kumunot ang noo ni Mr. De Guzman. "Ano ang ibig mong sabuhin?"Napabuntonghininga si Raine. "Sir, nakapag - apply na kasi ako sa Audit Department. Kung sakaling matanggap man ako, napakalaki pong tulong niyon sa akin. Hindi lang sa pinansiyal, pati na rin po sa experience ko.""So, gusto mong lumabag sa utos ni Mr. Almonte?" Hindi na maitago ni Mr. De Guzman ang pagkadegusto.Napipilan si Raine. "Eh Sir--""Akala ko
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyado na angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili. Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B