Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 95 - Serve me well at night

Share

Chapter 95 - Serve me well at night

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-02-26 22:45:09

DUMAAN ANG KATAHIMIKAN sa pagitan nila. Nakabusangot si Raine at hindi makatingin kay Crassus. Ito naman ay taimtim na nakatitig sa kanya.

Mayamaya pa ay binasag nito ang katahimikan. "Mangako ka."

Napaangat siya ng tingin. "Mangako?"

Tumango ito. "Mangako ka sa akin, nasa susunod kapag nag - away tayo ay hindi ka aalis ng bahay. Kung gusto mo talaga at ayaw mo magpapigil, magpaalam ka kay Manang Lena."

Napaisip si Raine. Tinimbang niya ang mga sinabi nito.

"Raine?"

"Hmm."

Tumaas ang kilay nito. "So?"

Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at nanumpa sa harap nito.

"I, Raine Athena Villanueva--

"Villanueva?"

Nakagat niya ang kanyang labi. Parte lang ng kanyang pagbibiro ang paraan ng panunumpa niya. Hindi niya inaasahan na sasabay ito sa trip niya at gawing katotohanan.

"I, Raine Athena Almonte, swear and ought in front of her husband, Crassus Adam Almonte to never leave the house in the future. Kung hindi na talaga ako makapagpigil, magpapaalam ako kay Manang Lena para hindi magaga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 208 - Not easy to deal with

    Umalis si Raine sa working table ni Crassus. Umupo siya sa isang sofa na nasa gilid glass wall at doon ay hinantay na matapos na mag - usap ang dalawa."Can you do it for me, Hijo?" Malambing na tanong pa ng Ginang. Ngumiti pa ito para maging kumbinsido ang pag - arte nito.Oo, alam ni Raine na napilitan lang ito magpakita ng magandang asal dahil nasa harap nila si Crassus. Isang patunay lang ang ginawa nitong pang - iinsulto sa kanya. Titig lang iyon at isang salita lang pero hindi na niya gusto. Nakakakulo ng dugo ang pagtitig nito. Na para bang hinuhusgahan sa kung ano uri ng buhay na mayroon siya.Ganoon ang pakiramdam niya kanina. Kaya hindi niya maiwasang mainis. Mabuti na lamang at sanay siya makipagtaasan ng pasensiya. Kung hindi, baka kanina pa siya pumutok."Yes, Tita Anastasia. Of course" Crassus sat on his swivel chair. "I have a new house in Montebuelo. Ready na iyon para tirhan. Ipapayos ko kaagad ang papeles para legal na maging sa'yo ang bahay. I will send someone to s

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 207

    Napilitan makiayon si Raine. Mabigat ang puso niya pero napilitan siyang umakto ng normal para kay Crassus. Ayaw niya na magmukha siyang kawawa. Kalabisan na iyong sa parte niya. Ang katotohanan pa lang na may mahal ito na iba ay naglilikha na ng napakalaking pilat sa kanyang puso, pero ayaw niyang ipahalata rito. Baka mamaya ay ilalatag na naman nito ang kontrata nila. Baka isupalpal na naman ito ni Crassus sa pagmumukha niya. Nauumay na siya, kaya para walang ng gulo ay siya na ang nag - aadjust.Inaasikaso niya pa rin ito. Tinitigan niya kung bagay ba rito ang inoder niya na damit. Katulad ng dati ay may initials ang likod ng kwelyo ng mga damit. Pagkatapos nitong isukat ang tatlong damit na inorder niya ang napatingin sa kanya si Crassus."What do you think?" Crassus raised his head and looked at Raine next to him.Peke na ngumiti si Raine. "Ayos ah," wika pa niya. Inayos niya ang kwelyo nito. "Bagay naman pala sa'yo kahit ang mga light colors. Parang wala namang damit na hindi b

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 206 - No plan to introduce her

    "Hijo," The middle-aged woman at Crassus. "Siya ba ang tinutukoy ni Tia na asawa mo?" Napataas ang kilay ni Raine sa kanyang narinig. Natahimik siya. Pinagmasdan niya ito. Napansin ng Ginang ang pagtitig ni Raine kaya ito naman ang nagtaas ng kilay. "Hija, it's rude to stare. "Won't you at least be ashamed?" Natauhan si Raine. Imbes na magsalita ay bahagya siyang yumuko para humingi ng pasensiya. Saka niya hinarap si Crassus. Lumapit siya rito. Nang nagkaharap na sila ay nilapag niya sa mesa ang dala niyang kahon. "Pasensiya na, ngayon lang ako nagpakita. May pinuntahan lang ako." Tinabingi ni Crassus ang kanyang ulo. Tinapunan siya nito ng sarkastikong tingin. Mukhang gusto itong sabihin pero hindi lang nito makabwelo dahil may bisita ito. "I bet you don't like to see me," Crassus said in a sarcastic tone. Napaikot ni Raine ang kanyang mata. "Arte ah. Saka," Nilabas niya sa kahon ang pinatahi niya na damit. "Gusto ko'ng ipasukat sa'yo to. Para malaman natin kung sakto l

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 205 - Middle aged woman

    Ayaw sanang pumasok ni Raine sa kompanya ngayon pero gumagawa talaga ng paraan ang tadhana. Inulan na siya ng chat galing kay Diana. Kahit si Crassus ay hindi matigil sa pagkontak sa kanya. Kahit ang Lè Confe Shop ay gusto siyang papasukin sa trabaho. Nagpadala ito ng mensahe, at sinabing ready for delivery na ang damit na pinapagawa niya. Papunta na raw sa working station ang nakatukang delivery man.Napabuntonghininga si Raine. Napatingin siya sa puno na kanyang sinilungan sa parke. Napasandal siya.Simula noong umalis siya kaninang umaga ay rito na siya tumambay. Gusto niya munang magpalamig ng ulo para makapag - isip. Wala na siya ibang mapuntahan kaya napadpad siya sa parke na nakaharap sa simbahan ng Ero Vierde. Magtatatlong oras na rin simula nang maglagi siya rito. Wala talaga siya planong pumasok ng opisina dahil naiinis pa rin siya kay Crassus. Sinadya niya pa kanina na maagang umalis para hindi siya nito makita. Naging routine na kasi nila araw - araw na sabay papasok sa

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 204

    Napahiyaw si Raine nang biglang siyang kinarga ni Crassus. Tinulak niya ito pero walang - wala ang lakas niya kompara rito. Pinagpapalo niya ang balikat nito pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay mas lalong humigpit ang yakap nito. Binagsak si Raine sa kama. Mabilis na gumalaw ang katawan niya para sana bumangon pero kaagad na pumaimbabaw si Crassus sa kanya. Napalunok siya at hindi makagalaw. Nagkasukatan sila ng tingin. "If I tell you to stay here, you stay. Don't be stubborn," Crassus said coldly. Iniwas ni Raine ang kanyang mukha. "May magagawa pa ba ako?" Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. Hinawakan niya ang baba ni Raine para ipaharap sa kanya. "Mabuti naman at marunong kang umintindi. Akala ko pa naman ay makikipagmatigasan ka pa. Ang ayoko sa lahat ay iyon hindi sumusunod sa gusto ko." Umalis si Crassus sa ibabaw ni Raine. Hindi kaagad gumalaw ang huli at nakatitig lang sa kawalan. Napaisip tuloy si Raine. Ano ba'ng nakita niya sa lalaking ito at bakit haling na

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 203

    "Sa'n ka galing?"Napahinto si Raine sa paglalakad sa gitna ng sala. Hindi siya tumingin sa pinanggalingan ng boses at nanatili siyang nakatayo.Sarado na ang lahat ng ilaw kaya akala ni Raine ay tulog na si Crassus. Iyon pala ay nasa veranda pa ito. Mag - isang umiinom ng alak at naninigarilyo.Naramdaman niya ang presensiya ni Crassus na unti - unting lumalapit sa kanya. Kaagad niyang naamoy rito ang pinaghalong alak at usok ng sigarilyo. "I'm asking you," he said. "Sa'n ka galing?"Binato ni Raine na malamig na tingin si Crassus. "Diyan lang.""Where is it?""Sa tabi - tabi." Napabuntonghininga si Crassus. "Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo ako ng maayos.""Tch." Napailing si Raine. "Sa kaibigan ko.""Really?" Crassus uttered. "Nagpunta ako roon pero wala ka.""Sino'ng kaibigan ba ang tinutukoy mo at bakit hindi mo ako nakita? Bakit? Lahat ba ng mga kaibigan ko ay kilala mo?" Pabalang na tanong pa ni Raine.Napatango - tango si Crassus. Hinithit niya ang sigarilyo sa mism

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status