Compartilhar

Kabanata 208

Autor: Glazed Snow
Natigilan si Maxine, habang nanigas ang buong katawan niya, at agad na nagpumiglas.

“Huwag, Shawn!” sigaw ni Maxine.

Ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Shawn. Hinila niya si Maxine pabalik sa malambot na sofa, at bago pa siya makaiwas, ibinaba ni Shawn ang kanyang ulo at mariing idinampi ang labi sa mapupulang labi ng dalaga.

Nagpumiglas si Maxine, hindi tumigil sa pagtutol. Subalit sa bawat pagtulak at pag-iwas niya, lalo lamang nawalan ng kontrol ang lalaki.

Sa gitna ng kaguluhan, nabangga ni Shawn ang isang vase, dahilan upang bumagsak ito at kumalat sa sahig ang mga pira-piraso, pati na rin ang mga diyaryo sa tabi nito.

Maya-maya lang, huminto sa paggalaw si Maxine. Tumama ang noo niya sa gilid ng sofa at agad na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Biglang nanigas ang lalaki sa ibabaw niya. Napuno ng pagkabigla at hindi makapaniwalang titig ang madidilim na mga mata ni Shawn.

“Are you still a virgin, huh?”

At iniisip ni Shawn na hindi na. Ni sa panaginip, hindi niya
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (44)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
thank u po sa magandang update
goodnovel comment avatar
Charlene Ramos
update napo kau author plsss
goodnovel comment avatar
cutie
update Naman
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 228

    Pag-akyat pa lang ni Maxine sa entablado, agad na sumabog ang hiyawan ng buong lugar.Habang tumutugtog ang malakas na musika, ang pigura ng babae sa gitna ng ilaw ay gumalaw na parang sinasabayan ng bawat tibok ng ritmo.Mabilis siyang tumalon, at sa isang mahinhing liko, yumakap ang kanyang mala-ahas na katawan sa bakal na poste, umiikot, bumabaliktad, at tila lumilipad sa hangin.Ang kanyang katawan ay kasing-lambot at kasing-gaan ng sanga ng walis-tingting na hinahampas ng hangin, bawat liko at galaw ay parang alon ng alindog na umaagos sa mata ng bawat nakatingin. Bawat pag-ikot, bawat pagbaba ay nagdulot ng mga sigawan at palakpak mula sa mga tao sa ibaba ng stage.Sa isang VIP table, hinawakan ng isa sa mga mayamang binata ang braso ni Jared, halos manlaki ang mga mata sa pagkagulat.“Jared! Kailan mo pa dinala rito ang ganitong klaseng babaeng parang diyosa? Hindi mo man lang ipinakilala! Hindi patas ‘to!”Natigilan din si Jared, hindi makapaniwala sa nakikita. Ang babaen

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 227

    Bahagyang ibinaling ni Shawn ang ulo niya, at tumama ang tingin niya kay Arriana.Sa sandaling iyon, nakapatong ang kamay ni Arriana sa kanya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang matitigas at eleganteng mga daliri ni Shawn, bahagyang sumayad ang kanyang mga daliri sa mamahaling relo na nakapulupot sa matipunong pulso ng lalaki. Malamig ang relo. Marangya, may dignidad, at tila hindi dapat lapitan, ngunit imposibleng hindi mo gustuhing hawakan.Isang bahagyang pamumula ang lumitaw sa mukha ni Arriana, parang porselana na tinamaan nang kaunting araw.“S-Shawn, nang gabing iyon ay kusang-loob ako. Iyon ang unang beses ko. Naalala mo pa ba ang gabi nating dalawa?” sambit ni Arriana sa kanya.Agad naman na naramdaman ni Jared na may mali kaya mataman niya silang tinitigan.“Shawn...” simula ni Jared.Ngunit pinigilan siya ng isa sa mga lalaking kasama nila at bumulong rito.“Jared, mukhang may namamagitan kay Mr. Velasco at sa babaeng ‘yon. Kung sino man ang gusto ni Mr. Velasco, siya na

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 226

    “Wala akong oras,” malamig na tugon ni Shawn. “Kung may kailangan kang sabihin, sabihin mo sa secretary ko at magpa-schedule ka ng appointment.”Pagkasabi niya no'n, walang alinlangan niyang ibinaba ang tawag.Ang matinis na tunog ng beep ng telepono ay ilang segundong umalingawngaw sa kabilang linya.Dahil kay Althea, wala nang ibang pagpipilian si Maxine kung hindi hanapin si Shawn.“Attorney Dizon, hintayin mo lang ang text message ko,” mahinahon, ngunit determinado na sabi ni Maxine bago siya umalis.Pagdating ni Maxine sa lugar na pupuntahan niya, sinalubong siya ng malamlam na ilaw ng gabi. Ang mga pader ng mansyon ay tila mas mataas at mas malamig kaysa dati, parang hinaharangan ang lahat ng pag-asa.Bumukas ang tarangkahan at agad siyang binati ng kasambahay. “Madam,” magalang na sabi nito, sabay yuko nang bahagya sa kanyang ulo.“Narito ba si Shawn? Pakisabi sa kanya na gusto ko siyang makausap,” saad ni Maxine.“Opo, Madam. Sandali lang po, ipapaalam ko.”Tahimik n

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 225

    Itinaas ni Maxine ang kanyang paa upang humakbang, ngunit bago pa siya makagawa ng kahit isang hakbang, biglang tumunog ang isang malamyos na ringtone. Tumigil siya saglit. Pagtingin niya sa screen, nakita niya ang pangalan ni Attorney Dizon. Agad niya itong sinagot.“Hello, Miss Garcia,” mabilis at may pag-aalalang tinig ang narinig niya sa kabilang linya. “May problema sa presinto. Kailangan ninyong pumunta agad!”Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Maxine nang marinig iyon.'Ano ang nangyari kay Althea?' ani Maxine sa isipan, habang nag-aalala.At sa walang pag-aalinlangan, agad siyang tumalikod at tumakbo paalis ng lugar.****Pagdating ni Maxine sa himpilan ng pulisya, sinalubong agad siya ni Attorney Dizon, halatang kinakabahan din ito.“Miss Garcia,” ani Attorney Dizon sa kanya.“Ano ang nangyari kay Althea?” tanong niya agad, puno ng kaba ang kanyang boses.Ngunit natigilan siya nang mapansin ang isang pamilyar na pigura sa malayo. Si Arriana Marquez ay narito ri

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 224

    “Tama na! Tumigil ka na!” Mariing sumigaw si Maxine upang putulin ang mapanuyang tinig ni Shawn. Hindi na niya kayang makinig pa. Kahit isang salita ay ayaw niya na pakinggan.Sapat na ang lahat. Ang bawat katagang lumalabas sa bibig ng lalaki ay parang karayom na tumutusok sa puso niya, at ayaw na niyang maramdaman pa ang kirot na iyon.Ngunit napangisi lamang si Shawn, malamig at mapanghamon ang tawang pinakawalan niya.At iyon mismo ang gusto niya. Ang marinig ni Maxine ang lahat ng masasakit na katotohanan.Gusto niyang ipamukha rito na ang lahat ng bagay na kanyang tinanggihan noon, lahat ng pagmamahal na hindi niya tinanggap ay ibinigay niya ngayon sa kaklase nitong si Arriana.Pagkatapos, bigla niyang binitiwan si Maxine, halos itapon palayo, habang ang boses niya ay naging manipis at tila nagyeyelo sa sobrang lamig.“Fine. Divorce it is. We’ll do it tomorrow. If it weren’t for Grandma, I would’ve kicked you out of the Velasco family a long time ago. There are plenty of

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 223

    Agad naman na nagdilim ang gwapong mukha ni Shawn dahil sa kanyang narinig. Ang dati niyang kalmadong anyo ay nabalot ng galit at panlalamig.Naalala pa rin niya ang panahon kung saan uminom ng contraceptive si Maxine at lahat nang iyon ay dahil kay Lucas. Isang alaala na paulit-ulit na bumabalik sa kanya, gaya ng tinik na ayaw maalis sa dibdib.At nitong mga nagdaang araw, pinili niyang huwag nang makipag-ugnayan kay Maxine. Gusto niyang mapalayo, putulin nang tahimik ang kung ano ang natitirang ugnayan nila.Ngunit ngayong gabi, si Maxine mismo ang nagpasimula ng pagkikita. Bumalik si Maxine sa lumang tahanan para mag-dinner kasama nila. Naisip ni Shawn noon, marahil ay lumalambot na ang puso ng babae, at gusto na nitong makipagbati sa kanya.Ngunit ano itong mga salitang binitiwan ni Maxine pagkarating?“Shawn, gusto ko ng divorce,” ani Maxine, walang balak bawiin ang una niyang sinabi.At hindi lang iyon, sinabi pa nitong ayaw na niyang maghintay pa ng isa pang araw.Napangi

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status