로그인Talagang labis ang pag-aalala ni Thalia para sa kanilang dalawa. Buong sinseridad at walang pag-aalinlangan, ibinuhos niya ang kanyang puna na para bang eksperto sa usaping iyon.Agad na ibinaba ni Jessica ang kanyang kutsara at mabilis na tinakpan ang bibig ni Thalia.“Thalia, tama na. Nakikiusap ako sa ’yo.”Ngunit kahit natakpan na ang bibig, kitang-kita pa rin ang masigla at walang iniindang ekspresyon ni Thalia, na tila walang ideya kung gaano na kalalim ang kahihiyan ng katabi niya. Napatingin si Craige kay Jessica.Namumula ang pisngi, halatang naiilang, at si Thalia naman ay masigla at inosente. Talagang magkasalungat na eksena na sabay niyang nasilayan.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Craige. Isang mababang ngiti ang kumawala sa kanya, hindi mo agad mababasa kung tuwa ba iyon o aliw.****Magkasama sa iisang kwarto natulog sina Jessica at Thalia, habang si Craige naman ay nasa guest room.Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa kumpanya.Sa opisina ng CEO, abal
Tumigil na ang pagtakbo ng isip ni Jessica. Parang biglang naputol ang lahat ng kanyang iniisip nang ang lalaking kaharap niya ay biglang naging sobrang mapusok sa kanya.'Bakit ito kumikilos nang ganito? Naghiwalay na kami. Ano pa ba talaga ang gusto niya?' tanong ni Jessica sa kanyang isipan.Mahina siyang nagsalita, halos pabulong na lamang. “Humanap ka na lang ng iba...”Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin, mabilis na humakbang si Craige palapit at mahigpit na hinawakan ang kanyang baba. Ang mga matang kanina ay malamig at kontrolado, ngayon ay puno nang matinding pagnanasa habang mariin siyang tinititigan.“Sino ang gusto mong hanapin ko?” malamig ngunit mabigat ang boses nito.Hindi mahalaga kung si Alicia man o si Ericka ang tinutukoy. Wala siyang pakialam.Lalong humigpit ang hawak ni Craige sa kanyang baba, tila ba hindi nito hahayaang umiwas siya.“Sagutin mo ako.”Hindi makapagsalita si Jessica. Pakiramdam niya, kahit isang maling salita ay pwedeng magpal
Itinaas ni Jessica ang magkabilang kamay at idiniin sa dibdib nito, pilit siyang itinutulak palayo.“H-Huwag… H-Huwag mong gawin ’to…”“Anong huwag gawin?” mababa at paos na tanong ni Craige.Bigla siyang lumiko at idiniin si Jessica sa kitchen counter, ikinulong ito sa pagitan ng kanyang katawan at malamig na ibabaw ng mesa.Ang matangkad at matibay niyang presensya ay tuluyang lumapit, halos walang pagitan sa kanila. Ang hangin sa paligid ay tila biglang naging mabigat, nakakasakal sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa.Hindi maintindihan ni Jessica kung ano ang biglang pumasok sa isip nito. Kanina lamang ay malamig at tila walang pakialam, ngunit ngayon ay bigla itong naging mapangahas at dominante. Para bang ibang tao ang kaharap niya.Kasintahan niya si Alicia, at bukas ay may dinner pa siya kasama si Ericka. Ngunit heto siya ngayon, nakadiin sa kitchen counter, hawak at hinalikan nang walang paunang babala.Lalong uminit ang pisngi ni Jessica.“Mr. Montero, bitawan mo ako, b
Pinakalma naman ni Jessica ang sarili at tumango.“Okay.”Lumabas silang magkasama ni Thalia. Nauna nang naghanda si Craige ng apat na ulam at isang sabaw.Napagaling ng kanyang pagluluto. Sa unang tingin pa lang, halatang masinop at maingat ang bawat detalye. Ang mga ulam ay mukhang masarap, mabango, at sigurado na kasing-sarap ng itsura. Agad na napatitig si Jessica sa sweet-and-sour spare ribs. Ang maasim at matamis nitong aroma ay tila lalong nag-uudyok sa kanyang gana.Mula nang mabuntis siya, mas naging sensitibo ang kanyang panlasa at mas hinahanap-hanap niya ang mga pagkaing maasim. At sa sandaling iyon, ang ulam na iyon ay eksaktong tumatama sa kanyang cravings.Tiningnan ni Thalia ang mga ulam sa mesa at bahagyang nagtatakang nagsalita.“Sweet-and-sour spare ribs, sinigang na isda, celery with shrimp. Kuya, bakit puro maasim ang niluto mo ngayon?”Tahimik naman na inilapag ni Craige ang mga mangkok at chopsticks sa mesa, walang sagot at tila hindi apektado sa tanong.
Matagal na panahon na nagkalayo sina Craige at Jessica. Sa kanyang edad, bata pa at puno ng sigla, natural lamang na malakas ang kanyang mga pagnanasa. Matapos niya lamang itong mahawakan, hindi niya maiwasang maramdaman ang muling pag-alab ng init sa kanyang damdamin.Sa sandaling iyon, bigla namang tumunog ang kanyang cellphone.Kinuha ni Craige ang telepono mula sa kanyang bulsa at binuksan ang facebook account niya. Isang bagong friend request ang lumitaw sa screen.Ang pangalang iyon ay 'Pretty Baby'.Bahagya siyang ngumiti nang mabasa 'yon.'Kailan pa niya pinalitan ang username nito sa Pretty Baby? Nagpapacute ba ito?' tanong ni Craige sa kanyang isipan.Ngunit hindi niya maikakaila na talaga namang cute ito. Tinanggap namN ni Craige ang friend request.Sa kabilang panig, halos mapatalon naman sa tuwa si Ericka.“Tinanggap niya! Tinanggap niya!” masigla niyang sigaw. “Ate Jessica, na-add na ako ni Mr. Montero sa Facebook!”Tinanggap nga ni Craige ang request ni Ericka.
Matagal nang nakatayo si Jessica sa tabi ng pinto. Sa sandaling lumapit ang malakas at nakakatakot na presensya ni Craige, agad na bumagsak ang anino nito sa kanya, dahilan para kusang umatras siya ng isang hakbang.Ngunit muntik na siyang bumangga sa pader. Agad naman na inabot ni Craige ang kanyang kamay, iniyakap ito sa manipis na baywang ni Jessica, at marahan siyang hinila palapit sa kanyang dibdib.Magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan.Samantala, nanginginig naman ang mahahabang pilikmata ni Jessica bago magsalita.“M-Mr. Montero…”Tiningnan siya ni Craige mula sa itaas at nagsalita. “Bakit ka natataranta? Hindi ba ikaw ang humingi ng account ko?”Napaisip si Jessica. Sana pala hindi na lang niya tinanggap ang pabor ni Ericka. Ngayon tuloy ay siya ang nasa sitwasyong hindi niya alam kung paano aatrasan.“Mr. Montero, kung hindi ka komportable, huwag mo na lang ibigay sa akin—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, lalo pang hinigpitan ni Craige ang pagkakahaw
Hindi na makapaghintay si Jessica kay Raven, kaya nagpasya siyang hanapin ito mismo. Hindi mahalaga kung hindi siya pupuntahan ni Raven dahil maaari siyang kumilos nang kusa.Pumunta siya sa casino at hinarang ang isa sa mga tauhan para tanungin ito.“Excuse me, pwede ko bang itanong kung narito s
Tuluyan nang na-speechless si Roberto. Nanatili lamang siyang tahimik, tila hindi alam kung paano tutugon.Bahagyang nainis si Maxine. Ngayon lamang niya lubos na napagtanto kung gaano kaliit ang pasensya ni Shawn, na kahit sa ganitong sandali ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagseselos.Tuming
Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyan
Ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag. Walang Shawn na tumugon.Si Wilbert naman ay nasa labas pa, inihahatid ang mga bisita nila. Nakangiti siya nang may paghingi ng paumanhin ang nakabalot sa kanyang mukha, habang tinutulungan niya sina Mr. Catacutan at Mr. Lopez na sumakay sa kanilang mga sas







